You are on page 1of 2

KING’S COLLEGE OF MARBEL, INC.

9506 City of Koronadal, South Cotabato


PHILIPPINES
Tel. # 228-1922
______________________________________________________________________________

Posisyong Papel:

NO HOMEWORK BILL: HUWAG ISULONG!

Ang takdang-aralin ay isang hanay ng mga gawain na itinalaga sa mga mag-


aaral ng kanilang mga guro upang makumpleto sa labas ng klase. Ang takdang-aralin
ay isang mahalagang bahagi ng akademikong buhay ng bawat mag-aaral. Maraming
mga takdang-aralin ang ibinibigay araw-araw, tulad ng sanaysay, mga pagsusuri,
pagsasanay, proyekto, atbp.

Isang napakalungkot na hakbang nang maihain sa kamara ang dalawang


magkahiwalay na panukala patungkol sa pagbabawal ng takdang-aralin para sa
ikabubuti di-umano ng mga estudyante at mga guro. Isa na rito ang panukala ni Deputy
House Speaker Evelina Escudero ang House Bill No. 3611 o mas kilalang 'No
Homework Policy' na naglalayong ipagbawal ang takdang-aralin na ibigay sa mga mag-
aaral ng kurikulum nang K to 12 araw-araw. Sa kabila nito, meron namang kaparehong
panukala si Quezon Representative Alfred Vargas ang House Bill No. 3883, subalit ang
isinusulong niyang 'No Homework Policy' ay sasapit lamang tuwing katapusan ng
linggo.

Ayon sa aking pananaliksik at sariling hinuha, nararapat na huwag isulong ang


'No Homework Policy' sa ating bansa, sapagkat ang pagkakaroon ng takdang-aralin ay
nakatutulong upang madaragdagan ang mga kaalaman at mapabuti ang mga
kakayahan at kasanayan naming mga mag-aaral. Nagbibigay rin ito ng pagkakataon
para sa mga magulang na lumahok sa edukasyon ng kanilang mga anak, at pinapabuti
nito ang ating mga kasanayan sa pamamahala ng oras. Sa pamamagitan nito,
masusukat ng isang guro ang pangangailangan ng isang mag-aaral.

Bilang isang mag-aaral, hindi ako sang-ayon sa mga panukalang ito sapagkat
nakatutulong ang pagkakaroon ng mga takdang-aralin upang madaragdagan ang aming
kaalaman, matutong gamitin ang tamang pamamahala ng oras at higit sa lahat
KING’S COLLEGE OF MARBEL, INC.
9506 City of Koronadal, South Cotabato
PHILIPPINES
Tel. # 228-1922
______________________________________________________________________________

nakatutulong ito na maiwasan ang mga temptasyon ng social media dahil sa kabilang
banda mas mahalagang magsikap sa pag-aaral upang makamit natin ang ating mga
pangarap sa buhay.

JAIROSE F. DETABLAN

You might also like