You are on page 1of 2

BINATBAT NA TANSO NG LAGUNA ( THE LAGUNA COPPERPLATE INSCRIPTION )

 Pinakamatandang nakasulat na dokumento na natagpuan sa pilipinas.


 Inilimbag na dokumento sa binatbat na tanso noong 900AD.
 Pagpapakita ng lumang kabihasnan sa kalakalan, kultura, o posibleng ugnayang pampulitika.
 Isang lalaki na nagsasala ng buhangin upang gawing bato ang nakatuklas ng binatbat na tanso sa
Laguna.

BAYBAYIN

 Lumang pamamaraan ng pagsulat ng mga Pilipino.


 Nag-ugat sa Kawi ( Paraan ng pagsulat ng mga taga-Java)
 Pagsasatitik ng isang salita o sa ingles ay “to spell”.
 Nakabatay sa sistemang abugida na gumagamit ng pagtatambal ng katinig at patinig.
 Ang isang katinig na walang kasamang patinig ay hindi maaring maging makabuluhan.
 Nasa anyong Unicode ( Sign Virama )

 ARTIKULO NI MORROW ( 2002,2010 )


 Ang sariling kapakanan ay isang dahilan kung bakit pinabayaan ng mga Pilipino ang
baybayin.
 Ipinagpalit nila ito sa alpabeto.
 Ang pagkalungkot nya dahil halos lahat ng uri ng mga katutubong sining ay napabayaan, at
nanatili lamang sa mga lugar na hindi sinakop ng Espanyol.

PAGKAKAIBA NG ALIBATA SA BAYBAYIN

 Alibata
- tuwirang nanggagaling sa Alifbata ng wikang Arabic.
- a-li-ba-ta png: ( Mal Ara alif + bata ) alpabetong Arabiko tulad ng pagkilala sa Silangan.
- unang dalawang titik sa alpabeto ng mga Filipino.
 Baybayin
- Sariling sistema natin sa pagsulat.
- Naniniwalang kapamilya ng Brahmic na script na kaanak ng Devanagari.
- Bay-ba-yin png: ( baybay + in ) kabuuan ng lahat ng titik ng isang wika.
- Tawag sa sinaunang alpabeto ng mga Filipino.
- Pampang

ANG SALALAYAN NG WIKA SA PANAHON NG MGA KASTILA

 Naging konsentrasyon nila ang kaluluwa ng mga katutubong Pilipino.


 Napansin nila ang pagkawatak watak ng ating mga ninuno dahil sa wika.
 Pinalaganap nila ang Kristyanismo sa loob ng napaka habang panahon na may pagpapahalaga sa
pananampalataya, ginto at pagiging supremo.

 MISYONARYONG ESPANYOL
- Agustino,
- Pransiskano,
- Dominiko,
- Rekoleto, at;
- Heswita
 Naniniwala sila na higit na magiging makatotohanan ang pagpapalaganap ng Kristyanismo kung
wikang katutubo ang gagamitin.
 Ang sistema ng edukasyon sa panahon ng kastila ay sa ilalim ng pamamahala ng simbahan.

ANG VOCABULARIO DELA LENGUA TAGALA

 Kauna-unahang diksyunaryong wikang Tagalog . ( Pedro de Buenaventura )

SUCESSOS DELAS ISLAS PILIPINAS

 Unang aklat tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas. ( Antonio de Morga )


 Nilalarawan nito ang mahahalagang pangyayari sa bansa sakop ang aspetong pulitikal, sosyal, at
ekonomikal na pananakop.

 Dr. Jose Rizal


- Nagsagawa ng anotasyon sa aklat sa pagnanais na mailantad ang pinag-ugatan ng
Pilipinas sa panahon ng pananakop ng Espanya.
- Siya ay nagpasya na gamitin ang aklat na ito sapagkat dama niya ang pangangailangan
na makita ng taong bayan ang testimonya ng isang Espanyol.
- Binigyan niya ng higit na pagpapahalaga ang pambansang wika dahil ito ang
magsisilbing paraan ng bayan upang maunawaan at makilala ang nakaraan at makita
ang hinaharap.

KALAKALANG GALYON BILANG UNANG ANYO NG GLOBALISASYON

 Isang uri ng kalakalan sa pagitan ng Mehiko at Pilipinas.


 Kalakalang Galyon sa Maynila.
 Bumagsak ito bunga ng kaguluhan at banta noong huling bahagi ng ikalabinwalang siglo.

ANG PAGBUBUKAS NG KAPULUAN SA PANDAIGDIGANG KALAKALAN ( 1834 )

 Indikasyon ng pag-unlad ng ekonomiya.


 Produktong lokal tulad ng asukal, indigo, abaka, sinamay at iba pa.

GLOBALISASYON AT INTERNASYUNALISASYON NG WIKANG FILIPINO

 Globalisasyon
- Paano nagiging global o pandaigdigan ang mga lokal o pambansang gawi o
pamamaraan.
- Inuugnay dito ang ekonomiya, kalakalan, teknolohiya, politika, kalinangan o kultura,
 Intelektwalisasyon
- Paggamit ng wika sa larangan ng akademya lalo sa higit na antas ng paaralang
gradwado.
- Estado o pagkilala sa akademikong institusyon batay sa mga banyaga o internasyunal na
mga mag-aaral.

You might also like