You are on page 1of 4

Republic of the Philippines Document Code: _____________

Department of Education Revision: ____________________


Region III
Effectivity Date: 05-08-2018
SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA
High School Blvd, Brgy. Lourdes, City of San Fernando
POTRERO NATIONAL
CLASSROOM OBSERVATION HIGH SCHOOL
(NUMBER 2) Bulaon Resettlement, City of San Fernando
Pampanga
(Filipino Grade 7) (045)300-2264
potreronationalhighschool@gmail.com

Mala-Masusing Banghay-Aralin sa Filipino 7

Name of Teacher: Kris T. Bernardo Date: February 18, 2019


Time: 9:30 - 10:30 Room: 27 Grade & Section: 7– BOYLE

I. Mga Layunin:

Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


 Natutukoy ang kahulugan ng mga talasalitaan sa saknong 46-80 ng Ibong Adarna

 Naibubuod ang saknong sa tulong ng paglikha ng story board ng piling pangkat

 Naipapakita ang pagpapahalaga sa saknong 46-80 sa pamamagitan ng paggawa sa mga


nakatakdang gawain ng bawat pangkat (hagdan ng tagumpay, what if chart, paint me a
picture)

 Nakapagsasagawa ng isang panayam sa isang taong nakaranas ng mga pagsubok sa buhay


subalit sa huli ay nakuha pa ring magtagumpay

II. Paksa:
“Si Don Pedro at ang Puno ng Piedras Platas”
(Saknong 46-80 Ibong Adarna)

III. Mga Kagamitan:

 Laptop at Projector
 Mga Larawan mula sa Internet
 Yeso at Pisara
 Cartolina at Pentelpen
IV. Pamamaraan
A. Pagganyak
 Pagkakaroon ng pambungad na panalangin
 Pagtatala sa mga mag-aaral na lumiban (absent)
 Pagsasaayos ng mga upuan at pagpupulot ng mga kalat sa silid-aralan
 Pagbabalik-tanaw sa tinalakay na paksa noong nakaraang pagkikita
 Pagkakaroon ng panimulang pagtataya batay sa araling tatalakayin
 Pagkakaroon ng maikling gawain (Stand-up and be recognize) bilang pagganyak
 Pagtayo ng mga mag-aaral kung sila ang tinutukoy sa mga sumusunod na pahayag
 Nag-almusal bago pumasok
 Naligo bago pumasok
 Inayos ang mga gamit sa eskwela
 Nag-aral ng liksyon bago pumasok
 Pagbibigay ng mahalagang tanong batay sa aralin
“Bakit kailangan ang paghahanda sa bawat gawain?”
B. Paglalahad
 Pagtalakay sa nilalaman ng Aralin (Saknong 46-80)
 Pagtukoy sa mga tauhan at tagpuan ng aralin
 Pagbiigay-pansin sa mga hindi pamilyar na salita at paggamit sa mga ito sa pangungusap
 Tumalima – sumunod
 Binagtas - nilakbay
 Nabighani - naakit
 Pagtalakay sa buod ng aralin
 Pagtatakda sa iba't ibang gawain ng bawat pangkat
Unang Pangkat – Paggawa ng story board batay sa mga pangyayari sa tinalakay na aralin
Ikalawang Pangkat – Paglikha ng “what if chart” sa pamamagitan ng pagtatala ng
posibleng maging bunga ng mga sitwasyon na ibibigay ng guro
Ikatlong Pangkat – Paglikha ng hagdan ng tagumpay kung ano ang mga paghahandang
dapat gawin upang magtagumpay sa mga pangarap sa buhay
Ikaapat na Pangkat – Pagsasagawa ng isang tableau tungkol sa aral na napulot sa
kwento
 Paglalahad sa rubric na gagamitin sa pagmamarka
 Pagbibigay ng labinlimang minuto upang gawin ang nakatakdang gawain

Rubric sa mga Nakatakdang Gawain


(Maaari pang magbago ang pamantayan depende sa mungkahing puntos ng mga mag-aaral)
Wastong Pagsasagawa sa gawain ……………….. 10
Kaangkupan ng mga ideya ……………….. 10
Wastong Paggamit sa Oras ……………….. 5
Boses at Biswal sa pag-uulat ……………….. 5
Kabuuan - 30

 Pag-uulat ng isang miyembro ng bawat pangkat sa naiatas na gawain


 Pagbibigay-komento ng klase tungkol sa ginawang pagtatanghal ng bawat pangkat
C. Paglalahat
 Paglalahad ng mga mag-aaral sa mga mahahalagang pangyayari sa tinalakay na paksa
 Pagbibigay ng iba pang aral na maaaring mapulot sa aralin
D. Paglalapat / Pagpapahalaga:
Pagpapakita ng mga larawan ng mga taong naging matagumpay sa buhay sa kabila ng mga pagsubok at
pagkadapang kanilang naranasan sa buhay
V. Ebalwasyon
Pagkakaroon ng pangwakas na pagtataya tungkol sa paksang tinalakay
(TAMA o MALI) Panuto: Gumuhit ng emoji  kung ang pangungusap ay TAMA, gumuhit naman ng
emoji  kung ito ay MALI.
______1. Sa tatlong prinsipe, si Don Pedro ang kauna-unahang pumunta sa Bundok Tabor upang
huliin ang Ibong Adarna
______2. Limang buwan ang nilakbay ng panganay na anak bago makarating sa Bundok ng Tabor
______3. Hindi na nagdala ng kabayo ang prinsipe sapagkat alam niyang mamamatay lamang ito
______4. Ang tawag sa punong makinang na tirahan ng mahiwang ibo n ay Piedras Paritas
______5. Agad-agad na sumunod si Don Pedro sa utos ng hari na hanapin ang Ibong Adarna
______6. Maraming mga ibon ang dumadapo sa punong makinang na makikita sa Bundok Tabor
______7. Limang beses na umawit ang Ibong Adarna
______8. Pitong beses naman itong nagpalit ng anyo
______9. Ang kahulugan ng salitang “binagtas” ay “inilagay”
______10. Nagtagumpay sa paghuli ng Adarna si Don Pedro at gumaling na ang hari ng Berbanya

VI. Takdang-Aralin
Magsagawa ng isang panayam ukol sa kakilalang tao na nagtagumpay sa buhay sa kabila ng
mga pagsubok at kabiguang naranasan. Itala ang kanyang mga naging paghahanda upang
makamit ang kanyang mga pangarap Ilagay ang sagot sa isang “bond paper” kalakip ng larawan
sa panayam at ang kanyang lagda.

Inihanda ni: Iniwasto at Minasid ni:

KRIS T. BERNARDO TERESITA N. GALANG


SST I MT II

Sa Kabatiran at Minasid ni:

EDNA R. GUTIERREZ
Principal II
One DepEd… One Pampanga

You might also like