You are on page 1of 7

PANIMULA

Araw-araw ay gumagawa ng desisyon ang tao mula sa simple hanggang sa


pinakakumplikado. Nagpapasya siya kung ano at alin ang higit na mahalaga sa marami niyang
pamimilian. Bata man o may edad, basta’t may pangangailangan at kagustuhan na kailangang
mapunan, ay masasabing maiuugnay ang kanyang sarili sa ekonomiks. Kumakain at umiinom
ang tao araw-araw, ang kanin na kanyang kinakain ay nagmula sa palay na itinanim ng mga
magsasaka, ibebenta sa pamilihan, at binibili ng mga tao. Ang ulam tulad ng isda ay hinuhuli ng
mga mangingisda, dinadala sa mga pamilihan, at binibili ng mga tao.

Sa kabila ng lahat, mapapansin na mayroong kaayusang nag-uugnay sa bawat isa. Halos


lahat ng produkto at serbisyo na dumarating sa mga tahanan ay tila isang palaisipan kung saan
nagmula at kung paano naihahatid sa mga tao mula sa lumikha nito. Mas madalas nga, hindi mo
pa nararating ang lugar kung saan nagmula ang produkto at serbisyong kinokunsumo mo.
Kaugnay nito, naisip mo ba kung ano ang ekonomiks, at ano ang kaugnayan nito sa pang-araw-
araw na pamumuhay?

Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan ang mga mag-aaral na makapaglalapat ng kahulugan ng


ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan.
Gayun din, ang maitaya ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na
pamumuhay.

ARALIN 1:
KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS
Gawain 1: OVER SLEPT

Ipasuri ang larawan sa ibaba at bigyan ito ng sariling interpretasyon.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang ipinapakita sa larawan?
2. Naranasan mo na ba ang sitwasyong katulad ng nasa larawan? Sa anong uri ng
sitwasyon? Ipaliwanag.
3. Paano ka gumagawa ng desisyon kapag nasa gitna ka ng maraming sitwasyon at
kailangan mong pumili? Ipaliwanag.
Gawain 2: THINK, PAIR, AND SHARE
Ipasuri ang bawat aytem sa una at ikalawang kolum. Pagpasyahan kung ano ang pipiliin mo sa Option A
at B. Ipasulat sa ikatlong kolum ang desisyon ng mga mag-aaral at sa ika-apat na kolum ang dahilan ng
kanilang naging pasya.
Pamprosesong Tanong:
1. Bakit kailangang isaalang-alang ang mga pagpipilian sa paggawa ng desisyon?
2. Ano ang naging batayan mo sa iyong ginawang desisyon? Naging makatuwiran ka ba sa iyong pasya?

Gawain 4: MIND MAPPING

Ipaayos ang ginulong pigura ng mind map. Ipasulat sa text box ng mind map ang mga konseptong
nakalahad sa talahanayan sa ibaba. Gamiting batayan sa pagbuo ang arrows at lines.
Gawain 5: TAYO NA SA CANTEEN
Sitwasyon: Si Nicole ay pumapasok sa isang pampublikong paaralan na malapit sa kanilang bahay.
Naglalakad lamang siya sa tuwing papasok at uuwi. Sa loob ng isang linggo, binibigyan siya ng kanyang
mga magulang ng Php100 na baon pambili ng kanyang pagkain at iba pang pangangailangan. Ipasuri ang
talahanayan ng mga produktong maaaring bilhin ni Nicole sa canteen at pasagutan ang pamprosesong
tanong sa ibaba.

Pamprosesong Tanong:
1. Kung ikaw si Nicole, ano ang mga produktong handa mong ipagpalit upang makabili
ng inuming tubig? Bakit?
2. Nagkaroon ng promo sa mga kanin at ulam (combo meals) at bumaba sa Php25.00 ang halaga nito.
Kung ikaw si Nicole, paano mo pamamahalaan ang iyong badyet?

MGA posibleng SAGOT:


Gawain 1: OVER SLEPT

Ipasuri ang larawan sa ibaba at bigyan ito ng sariling interpretasyon.


Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang ipinapakita sa larawan?
 Ang ipinapakita sa larawan ay tungkol sa isang bata na huli na sa
kanyang klase. Siya ay nabigla ng makita niya ang oras.
2. Naranasan mo na ba ang sitwasyong katulad ng nasa larawan? Sa anong uri ng
sitwasyon? Ipaliwanag.
 Naranasan ko na ang sitwasyong nasa larawan, sa parehong uri ng
sitwasyon din. Nagmamadali na ako sa pagliligo at hindi na nga
kumain para maabutan ko pa ang unang asignatura.
3. Paano ka gumagawa ng desisyon kapag nasa gitna ka ng maraming sitwasyon at
kailangan mong pumili? Ipaliwanag.

 Gumagawa ako ng desisyon sa gitna ng maraming sitwasyon sa panahon na


kailangan kong mamili ay sa pamamaraang maging kalmado muna at saka pa
ako mag iisip ng mabuti. Iisipin ko ang mga posibleng mangyayari sa mga
pipiliin kong desisyon at titiyakin ko na paninindigan ko ang desisyong gagawin
ko.
Gawain 2: THINK, PAIR, AND SHARE
Ipasuri ang bawat aytem sa una at ikalawang kolum. Pagpasyahan kung ano ang pipiliin mo sa Option A
at B. Ipasulat sa ikatlong kolum ang desisyon ng mga mag-aaral at sa ika-apat na kolum ang dahilan ng
kanilang naging pasya.

A
A
B
A
B
Pamprosesong Tanong:
1. Bakit kailangang isaalang-alang ang mga pagpipilian sa paggawa ng desisyon?
2. Ano ang naging batayan mo sa iyong ginawang desisyon? Naging makatuwiran ka ba sa iyong pasya?
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Administrative Region
Division of Surigao City
CARAGA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
Brgy. San Juan, Surigao City

ARALIN 4
IMPLASYON

Ipinasa nina:

Lui Aurelius Daguman

Gabriel Gabisan

Krizza Anne Adalla

Ana Marie Reyes

Joela Toma

Ipinasa kay:

Gng. Candace Jane Q. Rosales


Guro sa Ekonomiks 9

You might also like