You are on page 1of 2

PANIKIHAN NATIONAL HIGH SCHOOL

Gumaca, Quezon
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
FILIPINO 8
Pangalan:_______________________________ Iskor:__________________
Seksyon: Generosity Petsa:_________________
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at bilugan ang titk ng tamang sagot.
1. _______ ang tawag sa pagkakapare-pareho ng dulong tunog ng dalawa o higit pang taludtod sa isang saknong ng
tula.
A. Sukat B. Tugma C. Impit D. Tudlikan
2. Ang _______ ay pagkakapare-pareho ng bilang ng pantig ng dalawa o higit pang taludod sa isang saknong ng tula.
A. Tudlikan B. Sukat C. Tugma D. Impit
3. Ang ________ pahulaan, o patuturan ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na
nilulutas bilang isang palaisipan.
A. Tanaga B. Dalit C. Bugtong D. Salawikain
4. ______ ang tawag sa kawikaan, kasabihan, wikain, o sawikain ay mga maiiksing pangungusap na lubhang
makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
A. Salawikain B. Dalit C. Dalit D. Bugtong
5. Maikling tula na may apat na taludtod at pito, walo o siyam na pantig kada taludtod. Ang tawag dito ay ____.
A. Dalit B. Bugtong C. Salawikain D. Tanaga
6. Ito ay binubuo ng apat na taludtod na may sukat na wawaluhin bawat taludtod.
A. Tanaga B. Salawikain C. Dalit D. Bugtong
7. Isang uri ng antas ng tugmaan, kung saan bukod sa pagkakapareho ng bigkas at pagkakapareho ng dulong PK o
KP, isinaalang-alang din ang pagkakapareho ng pantig.
A. Dalisay B. Pantigan C. Payak D. Tudlikan
8. Isa pang antas ng tugmaan, kung saan simple at karaniwan lamang ito.
A. Payak B. Dalisay C. Tudlikan D. Pantigan
9. Sa antas ng tugmaan na ito, isinaalang-alang ang bigkas ng salita, maragsa sa maragsa malumi sa malumi mabilis
sa mabilis at malumay sa malumay.
A. Tudlikan B. Dalisay C. Pantigan D. Payak
10. Isang mahabang tulang pasalaysay ng pakikipagsapalaran o mga ginawa ng isa o higit pang bayani o maalamat na
nilalang.
A. Epiko B. Bugtong C. Salaysay D. Maikling Kwento
11. Ang pang-abay na _______ ay nagsasaad kung kalian naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa.
A. Pamaraan B. Pamanahon C. Panukat D. Panlunan
12. Uri ng Sukat kung saan ito ay binubuo ng 5 at 7 pantig.
A. Gansal B. Pares C. Haiku D. Tanaga
13. Uri ng sukat kung saan naman ang pantig ay binubuo ng 4, 6 at 8.
A. Gansal B. Pares C. Haiku D. Tanaga
14. Ang salitang epiko ang nanggaling sa salitang griyego na “epos” na ibig sabihin ay ______.
A. Tula B. Awit C. Bayani D. Kwento
15. Ang ibig sabihin ng salitang Biag ay ______?
A. Larawan B. Paglalakbay C. Bayani D. Buhay
16. Sa uri ng tugmang katinig ang mga letrang l,m,n,ng,r,w,y ay __________.
A. Mahina B. Malakas C. Malumay D. Maragsa
17. Ito ay isang uri ng pang-abay na pamanahon na ginagamitan ng mga salitang kahapon, kanina, ngayon,
mamaya, bukas.
A. May pananda B. Walang Pananda C. May panahon D. Walang panahon
18. Nagmula sa Visayas itong uri ng epikong ito ay nabuo dahil sa kwento ng sampung magigiting, matatapang at
mararangal na datu dahil sa kasaysayan ng kanilang paglalakbay mula sa kanilang tinitirahang bayan na Borneo.
A. Ibalon B. Darangan C. Biag ni Lam ang D. Maragtas
19. Sa epiko mula sa Hudhud ni Aliguyon, sino ang kalaban ni Aliguyon?
A. Amtalao B. Hannanga C. Dumulao D. Pumbakhayon
20. Saang lugar galling ang epiko ng Hudhud at Alim?
A. Bikol B. Ifugao C.Visayas D. Bagobo
B.Basahin ang bawat pangungusap at tukuyin kung anong uri ng bigkas (diin) ang angkop sanakasalungguhit na
salita. Isulat ang:
MB – mabilis, ML – malumay, MI – malumi, MR – maragsa
_____________21. Ang batang lalaki ay umakyat sa puno ng bayabas.
_____________ 22. Ang karpintero ay gumagamit ng martilyo at pako.
_____________ 23. Dahil sa lakas ng ulan, maraming lungsod ang binaha.
_____________24. Nahulog ang baso na hawak ni Lydia.
_____________25. Nabasa sa pawis ang likod ng batang takbo ng takbo.
_____________26. Maraming makukulay at mababangong bulaklak sa hardin ni Aling Dina.
_____________27. Si Kuya Daniel ay nagbebenta ng puting keso tuwing umaga.
_____________ 28. Ibang klase ang galing ni Gerard sa pag-guhit. Siya ay nanalo na naman sapaligsahan.
_____________29. Paborito ni Nanay na maghanda ng hamon tuwing Pasko at Bagong Taon.
_____________ 30. Kaya mo bang pumasok ngayong araw na ito? Medyo mataas ang iyong lagnat

C. Salungguhitan ang pang-abay na pamanahon sa pangungusap. Ilagay kung ano uri ito ng pang-abay na pamanahon
(May Pananda o Walang Pananda)
__________________31. Binabasa ni Liza ang mga bagong aralin gabi-gabi.
_________________32. Manonood kami ng sine sa darating na Linggo.
__________________33. Si Jose ay darating mula sa Cavite samakalawa.
__________________34. Araw-araw siyang nakikinig sa radyo.
__________________ 35. Aalis mayamaya ang bus na papuntang Bikol.
__________________ 36. Nagkita kami ni Marie noong kaarawan ni Justine sa Jollibee.
__________________ 37. Namalengke kami ni Ate Daria kanina.
__________________ 38. Ipinalabas kagabi sa telebisyon ang pelikulang Spider-Man.
__________________ 39. Magsisimula bukas ang aming pagsusulit sa paaralan.
__________________40. Hindi ka kasi nakikinig sa mga magulang mo kaya parati kang sinasabihan.

D. Ibigay ang sagot sa mga susunod na palaisipan o bugtong.

__________________41. Bahay ni Mang Pedro, punung-puno ng bato.


__________________42. Nanganak ang birhen, itinapon ang lampin.
__________________43. Kumpul-kumpol na uling, hayon at bibitin-bitin
__________________44. Tiningnan nang tiningnan Bago ito nginitian.
__________________45. Butong binalot ng bakal, bakal na binalot ng kristal.

E. Tukuyin ang sukat ng salawikain kung ito ay Gansal o Pares.

__________46. Ang gawa sa pagkabata,


Ay dala hanggang pagtanda.
_________47. Ako ang nagbayo
ako ang nagsaing
saka ng maluto'y
iba ang kumain.
__________48. Buhay-alamang,
paglukso patay
__________49. Magbiro ka sa lasing,
huwag sa bagong gising.
_________50. Pag di ukol,
di bubukol

Prepared by: Approved by:


ROBELYN M. HAO RICKY S. PERNITES
Subject Teacher Principal I

You might also like