You are on page 1of 2

Ano ang panitikan?

-Nanggaling ang salitang panitikan mula sa ‘pang|titik|an’ , kung saan ikinabitang unlaping
pang-at hulaping –an sa ugat na titik . Ang may-bahid kanluraning salitang literatura
ang isa pang katawagan para sa larangan ng panitikan.Nagmula ang salitang literature sa
salitang Latin- littera – na nangangahulugang"titik")
-Ito ay talaan ng buhay.
-Nagpapahayag ng damdamin at karanasan ng isang bansa na nasusulat namakahulugan,
maganda at masining na paglalahad. Masasalamin ito ayon sa ideya,damdamin at isipan ng
tao tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, galit,pagka-awa, paghihiganti at iba pa.
-Nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan,pananampalataya at mga
karanasang kaugnay ng iba't ibang uri ng damdamingtulad ng pag-ibig, kaligayahan,
kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti,pagkasuklam, sindak at pangamba.
-Ang kasaysayan ng panitikan ay nahahalintulad sa kasaysayan ng isangbagay lahi o bansa

Kahalagahan ng panitikan

1. Upang makilala natin ang ating sarili bilang Pilipino, at matalos natin ang
atingpinagyaman ng isip at ang angking talino ng ating pinanggalingang lahi.

2. Tulad ng ibang lahi sa daigdig dapat nating mabatid na tayo'y may dakila at marangal
natradisyonng siya nating ginawang sandigan ng pagkabuo ng ibang kulturang nakarating
saating bansa.

3. Upang matanto natin ang ating mga kakulangan sa pagsulat ng panitikan


atmakapagsanay na ito'y matuwid at maayos.

4. Upang makilala at magamit natin ang ating mga kakayahan sa pagsulat at magsikap
naito'y malinang at mapaunlad.

5. Higit sa lahat, bilang mga Pilipinong nagmamahal sa sariling kultura ay


kailangangmaipamalas ang pamamalasakit sa ating sariling panitikan

Ang pag!aaral ng ating sariling panitikan ay napakahalaga. "a pamamagitan nito


ay malalaman,madarama at masusumpungan natin kung paano nag!ugat at namuhay
ang ating mga ninuno.

Ang panitikan ay nagsisilbing tulay para makita at mabatid natin ang kaugnayan ng
kasalukuyan sanakaraan upang sa ganoon maharap natin ang darating ng may lakas
at talino.
Sa pag!aaral natin ng ating panitikan ay mababatid natin ang mga Pilipinong pumanday ng
ating matatayog at mararangal na simulain na naging puhuinan sa pagbuo ng isang lipunan.
(mula sa aklat na "Salamin ng Lahi )

Uri ng Panitikan
1. KATHANG-ISIP (FICTION) -ang mga manunulat ay gumagawa ng akda mula sa kanilang
imahanisyon. Ang mga kuwento ay hindi totoo kagaya ng maikling kuwento, nobela at iba
pa.

2. HINDI KATHANG -ISIP- ang mga panulat na batay sa tunay na pangyayari katulas ng
talambuhay, awtobiyograpiya, talaarawan, sanaysay ang mga akdang pangkasaysayan.

You might also like