You are on page 1of 21

INSTITUSYON: SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

TERM: 1st SEMESTER

ASIGNATURA: FIL. 212 PAGSASALING WIKA

TAGA-ULAT:

GURO: DR. CASES D. DALAYGON

PAKSA:

ILANG BATAYANG ANG KONSEPTO AT KAALMAN SA


FILIPINO AT PAGSASALING-WIKA
PANIMULA

Nilalayon sa kabanatang ito na lalo pang maihantad ang gagamit ng


aklat sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa kalikasan ng wikang Filipino
na bilang wikang pagsasalin ay siyang nasa ubod ng mga talakay sa aklat na
ito.

Napakahalga, halimbawa, para sa sinumang nagbabalak magsagawa ng


pagsasalin na mamulat sa malaking pagkakaiba ng sistema ng pagkabaybay sa
Filipino at sa Ingles, gayundin ang pagkakaiba sa istruktura ng mga
pangungusap at mga pantig, ang pakakaiba sa paraan ng pagbuo at paglalapi
ng mga salita, sapagkat malaki ang kinalaman ng mga ito sa panghihiram ng
mga salita na lagi nang nagiging isa sa malulubhang problema sa pagsasaling
wika.

ANG PAGSASALIN SA FILIPINO MULA SA INGLES

Sa mga wikang itinututring na dayuhan ng mga Piliipino ay ang Ingles at


Kastila ang natatangi sa lahat. Tatlundaan at tatlumpu’t tatlong taong (333)
aktwal na nasakop at naimpluwensyahan ng bansang Espana ang Pilipinas,
kaya’t napakalaking bahagi ng ating kasayasayan ang nasusulat sa wikang
Kastila. Hanggang ngayon ay itinuturo pa rin ang wikang kastila sa mga
paaran, kahit bilang isang kursong elektib lamang, sapagkat naniniwala ang
mga may kinalaman sa edukasyon na ang wikang ito’y dapat manatiling buhay
sa ating bansa upang magsilbing kawing sa ating nakalipas.

Sumunod na nanakop sa Pilipinas ang bansang America na bagamat


hindi nagging kasintagal ng Espana ay maituturing naming napakalawak at
napakalalim ang nagging impluwensya sa Pilipinas hindi lamang sa larangan
ng wika kundi gayundin sa pag-iisip at kultura nating mga Pilipino. Ang
pagkakaroon ng Colonial Mentality o panganganino sa anumang may tatak-
dayuhan ay litaw na litaw pa hanggang ngayon sa di-iilang Pilipino. Marami
ang naniniwala na nakamit nga natin ang kalayaan sa bansang America,
ngunit ang pag-iisip ng karamihan sa ating mga kalahi ay nanatiling bihag pa
rin ng bansang ito. Matibay n apatunay dito ay ang patuloy na paggamit ng
Wikang Ingles bilang wikang panturo sa paaralan.
Subalit habang ang Wikang Ingles ay nananatiling wikang panturo sa
ating paaralan, ito’y magpaptuloy na daluyan ng mga paniniwala, kaisipan at
kulturang dayuhan o banyaga.

Marami ng pagtatangka ang isinasagawa upang unti-unting mapalitan


ng wikang Filipino ang wikang Ingles bilang wikang panturo kahit sa mga
antas elementarya at sekundarya man lamang (EDCOM Report, Kongreso ng
Pilipinas, 1992) Ngunit lubhang napakalalim na ang pagkakatanin ng wikang
Ingles sa ating sistema ng Edukasyon.

Kumbensyong Konstitusyonal noong 1972-1973 na ginanap sa Manila


Hotel. Ang kanilang ikinikilos, pangangatwiran, pananalita, ang kanilang
mataas na pagkakilala sa wika ng mga dating mananakop at mababang
pagkakilala sa wikang pambansa ay magandang larawan ng mga nakapag-aral
na mga mamayang Pilipino, lalo na ng mga pulitiko at kinikilalang mga lider.

Bahagi rin ng katitikan ng nasabing kumbensyon na nagpaptibay ng


resolusyon ang mga delegado na ipangbabawal ang paggamit ng wikang
pambansa sa mga oras ng kanilang deliberasyon. Ingles lamang ang wikang
opisyal sa kanilang pinagtibay na gagamitin sa gayong pagkakataon. Noong
sumusunod na kumbensyong konstitusyonal na nakilala sa akronim na
CONCOM (Constitutional Commision, 1986) ay hindi na nakapangyari ang
kagustuhan ng mga Little Brown Americans. Nagpatibay sila kaagad ng isang
resolusyon na Filipino at Ingles ang kanilang gagamitin sa mga oras ng
delibersyon. Malinaw na hindi na sila ang mga Pilipinong Parokyal ang
paningin tungkol sa isyu ng wikang pambansa. At kapag napag-usapan ang
wikang pambansa, kung anu-ano ang kanilang pinagsasabi na nabibilad
lamang ng kanilang makitid kundi man hungkag na pagkaunawa tungkol sa
kahalagahan ng pagkakaroon ng wikang pambansa.

Ang nabanggit sa itaas ang nakapanllulumong resulta n gating patuloy


na paggamit ng wikang Ingles bilang wikang panturo. Sapagkat ang
oryentasyon ng mga delegado ay sa wikang Ingles, natural lamang na sa Ingles
sila higit na mabisang makapagpapahayag ng kani-kanilang kaisipan.
Samanta, kung Filipino ang magiging wikang panturo sa mga paaraln at ang
Ingles ay ituturo na lamang bilang isang kurso.

Sa wakas ay nakapasok na rin ang Filipino sa paaralan bilang wikang


panturo. Ang (D.O. No. 25,s 1974) Maganda ang patakarang ito sapagkat
magkakaroon ng unti-unting intelektwatisasyon ang Filipino dahil sa aktwal na
paggamit nito. Mababanggit na matapos maratipika ang Konstitusyon ng 1987,
nirebisa rin ng DECS ang patakarang edukasyong bilinggwal nito sa
pamamagitan ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 52, s. 1987 na may pamagat
na “Patakaran sa Edukasyong Bilinggwal ng 1987”. Layunin nito na
makapagtamo ang mga Pilipino ng “kahusayan sa Filipino at sa Ingles sa
pamamagitan ng pagtuturo at paggamit ng dalawang wikang ito bilang mga
midyum ng pagtuturo”.

ANG DALAWANG WIKANG KASANGKOT SA PAGSASALIN AY KAPWA


UMIIRAL SA PILIPINAS

Magiging madali sana ang pagsasalin kung ang Ingles ay hindi wikang
umiiral sa ating bansa. Kung iisipin ay gayon nga. Subalit ang Filipino at
Ingles ay dalawang wikang magkaiba ang angkang pinagmulan at sumaktuwid
ay napakaramming pagkakaiba ng dalawang wikang ito. Ang Filipino ay may
sistema ng pagbaybay na “highly phonemic” na nag ibig sabihin ay may isa-sa-
isang pagtutumbasan ang ponema (makahulugang tunog) at ang simbolo o
titik. Sa matandang balarila ni Lope K. Santos, “kung ano ang bigkas ay siyang
sulat ay siyang basa”. Kaya nga’t sa pamamagitan ng nayo ng salita o
balangkas ng mga pantig nito madaling masasabi ng isang iskolar mg wika
kung sa anong angkan, kundi man particular na wika ito nagmula. Ang
salitang “coup d’ etat”. Halimbawa dahilsa nayo at ispeling sa orihinal na nao
nito sapagkat hindi rin konsistent ang sistema ng pagbaybay ng Ingles.
Samantala sa pagbaybay ay konsistent. Sa bahaging ito’y unti-unti na nating
matatanto kung bakit napakahirap manghiram ng mga salita sa wikang Ingles
sapagkat hindi madaling asimilihin sa Filipino ang mga salitang di konsistent
ang ispeling.

Subalit sa sandaling hiraman na nang pasulat ay doon na lilitaw ang


problema sapagkat karamihan nga ng salitang Ingles ay di-konsistent ang
baybay. Halimbawa, kahit batang hindi pa nag-aaral ay alam na nag
kahulugan kapag narinig ang salitang “Frigidaire” ngunit kung ito’y
hihirammin nang pasulat, paano kaya ito babaybayin? (Frigidaire? Pridyideyr?
Frijideyr?) Pansinin na kung hihiramin ang “Frigidaire” nang walang
pagbabago sa baybay, lilikha ito ng gulo sa ating konsistent na sistema ating
sinusunod – pridyideyr – tanggapin kaya ng bayan ang ganitong ispeling? Ang
nangyayari ay higit na nahahantad o nahihirati ang mata ng mga Pilipino sa
“Frigidaire” kaysa “pridyideyr”. Dito nagkakatotoo ang sinasabi sa Ingles na
“visual conditioning”.

ANG MALAKING PAGKAKAIBA NG FILIPINO AT NG INGLES SA


GRAMATIKA AT SA MGA EKSPRESYONG IDYOMATIKO

Ang mga pagkakaibang ito ay kasinlawak ng pagkakalayo sa kultura ng


bansang Pilipinas at ng America. Hindi maiiwasan ng isang tagapagsalin, kahit
taglay niya ang lahat ng katangiang dapat angkinin ng isang tagapagsalin, ang
mapaharap sa suliraning nakaugat sa ganitong pagkakaiba ng dalawang
wikang kasangkot sa pagsasalin. Halimbawa, ay isang tekstong pampanitikan,
isang maikling kwento o tula, ito higit na masusumpungan ng tagapasalin ang
problema sa pagsasalin ng mga ekspresyong idyomitikong nakabuhol sa
kulturang nakapaloob sa wikang ginamit sa orihinal na teksto, lalo na kung
napakaraming taon na ang namamagitan sa isinalin at pagsasalinang wika.

KAWALAN NG TANGKILIK NG PAMAHALAAN AT MANGYAYARI PA’Y


KAKULANGAN NGA SALAPING MAGAGAMIT SA PAGPAPALIMBAG NG MGA
SALIN.

Sa lahat ng mga nagging Pangulo ng bansa, alam ng lahat na natatangi


ang ibinigay na tangkilik ng Pangulong Quezon sa isyu ng wikang pambansa.
Gayundin naman ang pagmamalasakit na ipinakita ng dating Pangulong
Marcos at ng ibang pang nagging Pangulo ng bansa. Ang totoo’y wala pa
naming nagging Pangulo n gating bansa ang sumalungat sa paglinang at
pagpapalaganap ng wikang pambansa. Nagkakaiba-iba nga lamang sila sa
antas at paraan ng pagtangkilik.

“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino, At habang nalilinang, ito


ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa
Pilipinas at sa iba pang wika.” Ang DECS man ay hindi rin kulang sa mga
patakaran. Mababangit dito ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 52,s. 1987 na
nauukol sa pagpapatupadng edukasyong bilingwal. Kung pakikingan natin ang
mga mambabatas sa ating Kongreso, lalo na sa Mababang Kapulungan.
Iginigiit pa rin nila ang wika ng kanilang distrito o rehiyon gayong kung iisipin
ay matagal nang itinuturo ang Filipino sa paaralan. Ang mga pamumunuan
man ng DECS ay kitang-kitang bantilawan ang pagpapatupad sa patalkarang
edukasyong bilinggwal.

Mababangit na rin na sagana tayo sa mga materyales na magandang


isalin sa Filipino mula sa mga panitikang katutubo at banyaga upang magamit
sa paaralan subalit ang mga iyon ay hindi maisasalin at maipalimbag dahil sa
kawalan ng pndong magagamit.

ANG PAGSALIN SA LARANGAN NG AGHAM AT TEKNOLOHIYA

Isinisaad sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 25, s. 1974 na ang mga


asignaturang araling panlipunan/ agham panlipunan, wastong pag-uugali,
edukasyong panggawian, edulasyong pangkalusugan at edukasyong pisikal
(social studies/social science, character education, work education, health
education and physical education) ay ituturo sa Pilipino (Filipino), samantalang
ang agham at matematika ay sa Ingles.

ANG PANGHIHIRAM SA INGLES: MGA SULIRANIN AT MUNGKAHING


PARAAN

Ang Pilipinas ay may dalawang opisayal na wika: una, ang Filipino na


may potensyal na yaman ngunit hindi pa gaanong maunlad at kailangang
pagyamanin at paunlarin nang husto upang makaganap sa tungkulin ng isang
tunay na wikang pambansa. Ikalawa, ang Ingles na wika n gating dating
mananakop, isang wika ng maunlad at malaganap sa daigdig, na nagsisilbing
tulay sa ating pakikipag-ugnayang panlabas at sa pagdukal ng karunungan sa
ibat-ibang larangan.

Dahil sa labis-labis na pagkakahantad natin sa wikang Ingles,


lumitaw ang isang malubhang problema sa panghihiram. Ang palabaybayin o
sistema ng pagbaybay ng wikang pambansa nga nagpakita ng kakayahan sa
pag-asimila ng mga salitang-hiram sa Kastila ay kinakitaan naman ng
kahinaan sa pag-asimila ng mga salitang hinihitram sa wikang Ingles.

Pansinin na sa “plaskard” na mula sa “flashcard” ay nawala na ang


tunog na /f/ at /sh/, at ang letrang “c” naman ay napalitan na ng “k”. Ang
totoo kapag sistema ng pagbaybay ng mga wikang gumagamit ng mga letrang
Romano ang pinag-usapn, ang Ingles na marahil ang siyang may
pinakamagulong sistema.

KAHULUGAN NG PANGHIHIRAM

Ang paghihiram ng salita ay may malaking pagkakaiba sa panghihiram


ng isang bagay na tulad ng Barong Tagalog, halimbawa, kapag nanghihiram
tayo ng Barong, una ay tungkulin natin itong isauli sa ating painaghiraman;
ikalawa, hindi natin ito maaring kiputan o iklian; ikatlo , kung ito’y nasira o
nawala, dapat natin palitan o bayaran at ikaapat, habang nasa atin ang
Baring, hindi muna ito magagamit ng ma ari sapagkat ginagamit natin.

Samantala, kung “salita” an gating hiniram, hindi natin tungkulin pang


ito’y isauli sapgakat ang nasabing salita ay nagagamit din n gating
pinaghiraman. Halimbawa, ang salitang “electricity” ay hindi atin tungkuling
pagpanatilihan ang gayong bigkas at ispelling. Maaring “elektrisidad” o
“elektresiti” nang wala tayong dapat alalahanin sa ating pinaghiramang wika.

MGA URI NG PANGHIHIRAM

PANGHIRAM NA DYALEKTAL
Ang ganitong panghihiram ay nagaganap lamang sa ibat-ibang dyalekto
ng isang wika. Ang tagalog, halimbawa, ay maraming klase may Tagalog-
Bulucan, Tagalog-Laguna, Tagalog-Cavite atbp. Bukod dito mayroong pang
Tagalog-Ilocano, Tagaalog-Cebuano atbp. Sa ibat—ibang uri ng tagalog ay may
isang higit na tinatanggap ng nakakarami. At ito ay uring ginagammit sa
pinakasentro ng sibilisasyon. Kaya nga’t sinasabing ang Tagalog-Maynila ang
pinakaistandard o pinaka-norm.

Tulad ng paglaganap ng kultura, sa kabuuan, ang agos ng panghihram


ay buhat sa pinakamaunlad na lugar ng bansa patungo sa mga lugar na hindi
pa maunlad.

PANGHIHIRAM NG KULTURA

Ang ganitong panghihiram ay laganap sa ibat-ibang wika ng isang bansa


o sa mga wika ng mga bnasang nagkakaroon ng ugnayan.

Halimbawa:

 Panghihiram ng Filipino ng mga salita sa ibat-ibang wika sa


kapuluan na kargado ng kultura, tulad ng “pinakbet, saluyot,
dinengdeng” sa Ilocano.
 Panghihiram ng Filipino sa ibat-ibang wika ng daigdig, tulad ng
“mami, syopaw, karate, dyip atbp.

PANGHIHIRAM NA PULITIKAL

Karaniwang nagaganap ang ganito sa mga bnasang nasasakop o


nasakop ng higit na makapangyarihang bansa. Ang agos ng panghihiram na
Pulitikal ay isang direksyon lamang mula sa wika ng sumasakop o sumakop
patungo sa wika ng nasasakop o nasakop.

Ang Pilipinas ay isan nang bansang malaya. Ngunit dalawa ang uri ng
paglaya: Paglayang pisikal at Paglayang mental o sikolohikal. Isa pa ring
katotohanan na kapag minaster ng isang lahi ang wika ng kanyang dating
mananakop, hindi niya namamalayan na siya naman ang nagmamaster nito.

ILANG OBSERBASYON SA PANGHIHIRAM

 Ang bansang pinanghihiraman ng mga salita ay karaniwang higit na


maunlad at makapangyarihan sa bansang nanghihiram. Halimbawa,
kailanman ay hindi mangyayaring manghiram ang mga Americano sa
wikang Filipino nang tulad ng ating panghihiram.

 Natural na natural sa mga Pilipino ang maghiram sa wikang Ingles; una


ay sapagkat kailangan; pangalawa sapagkat itinuturing ng karanihan na
isang karaangalan na maghiram ng wika sa mga bansang mauunlad.

 Labis na nahantad ang taong ito sa wikang Ingles; sa ibang salita, Ingles
ang kanyang oryentasyon sa pagkat Ingles ang midyum na ginagamit sa
kanyang pagdukal ng karunungan.

 Paggamit paminsan-minsan ng mga salita o pariralang Ingles upang


iparamdam sa nakaririnig na siya’y nag-aaral.

 Kapag ang isang bansa ay matagal na panahong nahantad sa kultura at


buhay-intelektwal ng ilang bansa, ang wika ng bansa ito’y nahahaluan
nang labis-labis ng mga salitang hiram sa bansang nakaiimpluwensya.
 Kapag ang isang lahi ay nahirati o namihasa sa panghihiram ng mga
salita buhat sa wika ng bansang nakaiimpluwensya rito, nanghihiram ito
kahit may mga salita sa sariling wika na kakahulugan ng mga
hinihiram.

 Ang isang karanungan ay higit na mabisang naipapahayag ng isang tao


sa pamamagitan ng wikang ginamit niya sa pagdukal ng nasabing
karunungan.

 Ang mga tunog ng wikang nanghihiram ang siyang karaniwang


Napapalitan ng kahawig ng mga tunog ng wikang nanghihiram.
Halimbawa “favor=pabor” . Makikitang ang /f/ ay napapalitan ng
kahawig na tunog na /p/ at ang /v/ ay napalitan ng /b/.

 Ang dating 17 set ng mga tunog ng matandang Alibata ay nagging 20


makaraan ang 333 taong aktwal na pananakop ng Pamahalaang Espana
sa Pilipinas. Ang mga tunog na /e/ at /o/ na dati’y isinasama lamang sa
ponemang /i/ at /u/ bilang mga baryant. Pagpasok ng Pares Minimal
tulad ng “mesa=misa, belo=bilo, oso=uso atbp.

 Maraming panlaping Kastila ang nakapasok sa ating wikang pambansa,


tulad ng “-ero(a), -ilyo(a), -ito(a), halimbawa nito ay basagulero, binatilyo
,dalagita atbp.

 May mga sistemang magkakahawig o magkalapit may mga sistema


naming magkalayung-magkalyo. Ang sa Filipino at sa Kastila ay
magkahawig o magkalapit samantalang ang sa Filipino at sa Ingles
parehong konsistent samantalang ang sa Ingles ay di-konsistent.

 Mababangit na kahit ang isang salita ay sa Ingles natin hinihiram ang


kinagawian nating panghihiram sa Kastila ang siya pa ring umiiral
Halimbawa: “atom=atomo, liquid=likido atbp.

MGA ANTAS NG PANGHIHIRAM

Kung hahatiin natin sa dalawa ang mga salitang ginagamit sa


Filipino mga batayang salita (content words) at mga salitang pantulong
(function words) madali nating mapatutunayan na karaniwang hinihiram
ang mga batayang salita at bihira ang mga pantulong. Halimbawa, hindi
natin hinhiram ang mga pantulong na mga salitang tulad ng “the, a, an,
some, by, with, to atbp. Kapag hiniram na ng Filipino ang mga salitang
pantulong, masasabing labis-labis na nag pagkakahantad ng ating
bansa sa wika at kultura ng bansang Amerikano.

Ang mga panlapi ang itinuturing na moog nag isang wika. Sa ibang
salita, habang buo ang mga panlapi ng isang wika, ito’y matatag pa rin
at hindi pa nanganganib.

PANGHIHIRAM NG MGA KATAWAGANG PANG-AGHAM: ISANG PAG-AARAL

Malimit subukin ng awtor na ito sa kanyang mga nagiging estudyante sa


pagsasaaling-wika sa paaralang gradwado (masteral at doctoral) ang mga
estudyante ay mga guro at administrador ng wika na buhat sa iba’t-ibang dako
ng bansa.
PANIMULA

Ang dating Dalubhasang Normal ng Pilipinas ay pumasok sa isang


kasunduan na isasalin sa Filipino ang mga materyales pang-agham na
inihanda noon ng SCIENCE EDUCATION CENTER ng unibersidad ng Pilipinas.

SULIRANIIN SA PAGSASALIN

Ang isa sa malubhang suliranin na kinakaharap ng isang tagapasalin sa


Filipino ng mga materyales na maituring na teknikal ay ang kakulungan o
kasalatan ng mga katawagang istandardisado na maitutumbas sa mga
katawagang pang-agham ng Ingles.

PINAG-ARALANG MGA URI NG SALIN

ANG SARBEY

MGA INSTRUMENTAL

Talatanungan na ang mga tagasagot ay pipili ng sa palagay nila ay


siyang pinaka-angkop na katumbas ng isang katawagang Ingles.
Talatanungan na nag mga tagsagot ay pipili ng isa sa anim na uri ng salin
(Salin V, Z, F, Q, C, X) na sa palagay nila ay higit na angkop na salin ng
talataang Ingles na ang pinakpaksa ay agham.
MGA POOK AT TAGASAGOT

Ang sarbey ay isinagawa sa sumusunod na mga pook: Urban Tagalog-


Rural Tagalog; Urban di-Tagalog – Rural di-Tagalog. Ang mga tagasagot ay
binubuo ng mga pinuno at guro ng paaralan, gayundin ng mga propesor at
mag-aaral sa Kamaynialaan. Nasa ibaba ang Tiyak na mga pook at Populasyon
ng nasabing sarbey:
TUNGKOL SA TALATANUNGAN

Ang sumusunod na 20 katawagan ang nagtano ng higit na mataas na


porsyento ng pagkapili. Ang kinulong na simbulo na kasunod ng salita ay
kumakatawan sa uri ng katawagang napili. Kapag walang kasunod na simbolo
ang isang salita, ang ibig sabihin ay kilalang-kilala na ito bilang isang palasak
at gamiting salitang Filipino. Ang mga may asteriko ay sallitang pinili ng hindi
kukulangin sa 144 o 60% ng 240 tagasagot.

Ang sumusunod na 20 katawagan naman ang nagtamo ng


pinakamababang porsyento ng pagkapili. Ang mga may asteriko ay mga
salitang pinili ng kulang sa 5% ng 240 tagasagot.
Mapapansin sa kinalabasan ng sarbey na wala ni isa sa mga katawagang
higit na naibigan ng mga tagasagot ang kakikitaan ng mga titik na labas sa 20
titik ng dating Abakada. Sa kabilang dako, labing-isa (11) sa mga katawagang
hindi naibigan ng mga Tagasagot ang kung hindi hiram na Inges ay sa Kastila
na walang pagbabago sa Ispelling (E-1, S-1).

Pansinin din na dalawa lamang sa 20 katawagang higit na naibigan ng


mga Tagasagot ang buhat sa Ingles, samantalang walo (8) naman ang buhat sa
Kastila. Ang nasasbing mga katawagang ay nahuhulog sa kategorya E-2 at S-2
na ang ibig sabihin ay binaybay ang mga salita ayon sa sistema ng pagbaybay
na sinusunod sa Filipino. Ang mga anyong “likido” at “likwid”, halimbawa, ay
kapwa nauunawaan ng isang nakapag-aral na Pilipino, ngunit lumalabas sa
sarbey na hhigit na ibig ng mga Tagasagot ang “likido” (S-2) kaysa “likwid” (E-
2). Ang isa sa mga dahilan nito marahil ay ang higit na mahabang panahong
pagkakahantad ng mga Pilipino sa Wikang Kastila kaysa sa wikang Ingles.
Dahil sa kahabaan ng panahong aktwal na pananakop ng Esapana sa
Pilipinas, higit na maraming salita tayong nahiram sa Kastila kaysa sa ibang
bansa. Halimbawa: “daldalero” (Tg. “daldal” plus Sp. “ero”) at “karatista” (Jp.
“Karate” plus Sp. “-ista”). Ang ganitong antas ng panghihiram ay hindi pa
nangyayari sa Filipino at sa Ingles sa nagyon.

Ang mga katawagang hinango ng NSDB sa iba’t-ibang wika sa Pilipinas


tulad ng “danum, siskin, dagsin, tilaw, malak” ay kasama sa mga salitang
pinakadi-naibigan ng mga Tagasagot. Nangunguhulagan lamang na ang
pagpapayaman sa talasalitaang Filipino ay hindi maidaraan sa arbitraryo o
artipisayal na pamamaraan.

Ang mga salitang nilikha ng dating Surian ng Wikang Pambansa, tulad


ng “parihaba, parisukat, tatsulok” ay nangangahulugang tinatanggap na ng
mga Tagasagot sapagkat napasama ang mga ito sa 20 katawagang kanilang
higit na naibigan. Malamang na ang dahilan ng pagkabuhay ng nasabing mga
salita ay sapagkat nakukuha ng nakaririnig o nakababasa ang kahulugan ng
bawat isa – “parihaba” (pareho+haba), “parisukat” (pareho+sukat”), hindi
katulad ang mga ito ng mga katawagang nilikha ng NSDB; e.g., “microscope” =
“miksipat” (mik+sipat).

Mapapansin pa rin na higit na ibig ng mga Tagasagot ang mga


katawagang katutubo at di teknikal kaysa manghiram sa Ingles o Kastila kung
wala rin lang gaanong pagkakaiba sa kahuluhan e.g., “energy” = “lakas” sa
halip na “enerhiya”, “characteristic” = “katangian” sa halip na “karakteristika”,
“distance” = “layo” sa halip na “distansya”.

Tungkol sa Talatanungan A-2 narito ang kinalabasan ng sarbey sa iba’t-


ibang uri ng salin.

Batay sa kinalabasan ng sarbey, masasabing sa kabuuan, ang 240


Tagasagot ay nagpakita ng pagkiling sa mga sumusunod:
Magagawang simple ang mga tuntunin sa Itaas sa pamamagitan ng
paggamit ng mga sumusunod na tatlong paraan.

MGA PARAAN NG PANGHIHIRAM SA INGLES

PARAAN I- Pagkuha sa katumbas sa Kastila ng hinihiram na Salitang


Ingles at pagbaybay dito nang ayon sa palabaybayang Filipino kungg
hihiramin, halimbawa, amg salitang “electricity”, kunin ang katumbas nito sa
Kastila – “electricidad” at pagkatapos ay baybayin ito nang “elektrisidad”.

PARAAN II- Panghiram sa katawagang Ingles at pagbaybay dito nang


ayon sa palabaybay ang Filipino. Ang paraang ito ay karaniwang isinasagawa
(a) kung hindi maari ang Paraan I, at (b) kung walang katutubong salita na
magagamit bilang salin ang katawagang Ingles.

Halimbawa:

Ingles – Christmas Tree Filipino – Krismas Tri

Pansinin na mayroon tayong “Pasko” at “Puno” ngunit hindi maari ang


“Pamaskong Puno”.

Ang katumbas ng “bicycle” ay “bisikleta” ang ginamit ay Paraan I subalit


ang “tricycle” ay hindi na nagging trisikleta, Nangunguhulugan ang mga
makahulugang yunit o morpema sa Ingles na /bi/ at /tri/ ay ginagamit natin
biang bahagi lamang ng mga salitang ating hinihiram kapag naikabit na ang
mga ito sa mga salitang katutubo.

PARAAN III- Paghiram sa katawagang Ingles nang walang pagbabago s


ispelling. Ginagamit lamang ang paraang ito kapag ang hinihiram na salita ay
malayo ang bigkas sa ispelling o kaya ay sa pangngalang pantangi, gayundin
sa mga salitang hiram sa ibat-ibang katutubong wika sa Pilipinas na may
unikong katangian. Diro rin sa paraang ito magagamit ang letrang wala sa 2—
letra ng dating Abakada.

Halimbawa:

Lingua Franca, Manila Zoo, Frigidaire, Chess

Kung gagamitin ang mga letrang “c, f, j, n, q, v, x, z, ch, ll, rr” sa mga
karaniwang salita, ang palabaybayang Filipino ay magugulo sapagkat
maraming mga salita ang magkakaroon ng ibat-ibang ispelling. Ang salitang
“coche”, halimbawa, tinutumbasan natin sa Filipino ng “kotse”. Subalit kung
hindi magkakaroon ng control sa paggamit ng /c/ at /ch/ maari ring taggapin
ang sumusunod na mga baybay: “coche-cotse-koche”. Kapag ganito ang
nangyayari, magiging napakagulo ng sistema ng pagbaybay na ituturo sa
paaralan.

Ang mga letrang “c, f, j, n, q, v, x, z, ch, ll, rr” ay hindi dapat mapasama
sa pagbaybay ng mga karaniwang salita sapagkat hindi pa nagrereprisinta ang
alinman sa mga ito ng makahulugang tunog o ponema.

ANG “MAUGNAYING FILIPINO” NG NSDB

Marahil ay makabuluhang talakayin dito ang isinagawangpagbuo ng


Lupon sa Agham ng mga salitang pang-agham ng National Science
Developmental Board sa pangunguna nina Dr. Rogelio Relova at Engr. Gonsalo
del Rosario. Tinangka ng lupon na bumuo ng mga katawagan ang
termenolohiyang pang-agham sa Filipino na may “internal consistency” o
pagiging maugnayin. Hindi masama ang lumikha subalit isang katotohanang
hindi mapasusubalian na isang pag-aaksaya lamang ng panahon ang
pagtatangka o paghahangad na gawing maugnayin ang mga katawagang pang-
agham sa panahong ito.

 Noong unang panahon na ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa


ibang bansa sa daigdig ay hindi maituturing na isang
pangkaraniwang Gawain na lamang na tulad ngayon.
 Kung ang Pilipinas ay higit na maunlad kaysa sa ibang bansa na
sa kasalukuyan ay pinakikipag-ugnayan nito. Habang nanatili ang
Pilipinas sa kasalukuyang atrasadong kalagayan nito, masasayang
lamang ng panahon ang sinumang magtangkang lumikha ng isang
“maugnaying talasalitaan” para sa agham at teknolohiya.
 Kung ang Ingles ay hindi isa sa mga opisyal na wika ng ating
bansa, pamahalaan, kongreso, hukuman, edukasyon o ng
teknolohiya atbp. Hindi nakakapagtaka kung ang isang mag-aaral
na labis-labis ang pagkakahantad sa wikang Ingles ay makunot ng
noo sa mga katawagang katutubo na itinutumbas sa mga
katawagang natutuhan niya sa Ingles.

MGA KAHINAAN NG “MAUGNAYIN”

Maraning mga likhang salita sa “Maugnayin” na kakatwa o banyagang-


banyaga ang dating sa karaniwang mambabasa sapagkat ang pinagkabit-kabit
na mga salita ay hindi mga morpema ng pinagkunang mga wika. Sa wikang
Ingles, ang panambal (combination form) o panlaping “-logy”, halimbawa, ay
“biology, geology”. Itinambalang “-logy” na ang kahulugan ay “science” sa “bio-“
at “geo-“ na ang kahulugan ay “life” at “earth”.
Ang panghihiram ng mga salita at panlapi sa ibang katutubomg wika at
pagkatapos ay pagkakarga sa mga ito ng ibang kahulugan. Ang salitang
“danum”, halimbawa, ay hiniram sa wikang iloco at pagkataposay kinargahan
ng kahulugang “liquid”. Mimomg mga Ilocano ay ayaw tanggapin ang “danum”
bilang katumbas ng “liquid” sapagkat sa kanila ang salitang ito ay tubig.
Maraming “liquid” na hindi tubig kaya likido o likwid ang twag dito.

Maraming likhang salita ang lubhang mahaba, kakatwa, walang


kahulugan kahit sa mga napakahusay sa Filipino, at nakapipilipit ang dila.

Halimbawa:

“Pahayliknayaning mabilos na suga” (biophysically active light”) mula sa


tagalog na “pabuhay + likas + hanayan + ang + di-tagalog na “mabilos na
suga”.

KALAKASAN NG “MAUGNAYIN”

May mga likhang salita ang “maugnayin” na tumatama sa


pangangailangan ng inilunsad ng Pamahalaan na pagpaplano ng pamilya likas
na sa mga Pilipino lalo na sa matatanda ang paggamit ng eupemistikong salita.
Halimbawa, marami tayong katawagan sa tungkol sa seks ang hindi natin
magamit sa mga pormal na pag-uusap sapagkat ang mga iyon ay “taboo” o
malaswang pakinggan.

Ang “Maugnayin” ay nakapipigil sa labis na panghihiram sa ibang wika,


lalo na sa Ingles na labis na nakakaimpluwensya sa wikang Filipino sa ngayon.
Subuking making sa mga talakayan sa telebisyon o sa Radyo, sa mga pag-
uusap ng mga estudyante sa kampus o opisina at mapapatunayang usong-uso
na ang ibat-ibang barayting tinatawag na “Taglish” o “Enggalog”

Ethnic Loyalty o ng higit na pagmamahal sa kinagisang wika. Halimbawa,


salitang hiram sa mga wika nating katutubo na hiniram ng “Maugnayin”
“paslip” para sa “steel” (Ilocano), “kusog” para sa “energy” (Hilingaynon at
Bicol).

ANG ALPABETONG FILIPINO AT PAGSASALING-WIKA

Ang Alpabetong Filipino ay binubuo ng 28 letra sa ayos na tulad ng


sumusunod: A,B,C,D,E,F,G,H,I,J,K,L,M,N,O,P,Q,R,S,T,U,V,W,X,Y,Z. Sa 28
letrang ito ng Alpabeto, ang 20 na letra lamang ng dating Abakada
(A,B,K,D,E,G,H,I,L,M,N,NG,O,P,R,S,T,U,W,Y) ang gagamitin sa mga karaniwang
salita. Sumaktuwid, mananatili ang tuntuning “kung ano ang bigkas ay siyang
sulat, at kung ano ang sulat ay siyang basa.

GAMIT NG WALONG DAGDAG NA MGA LETRA

 Pantanging ngalan ng tao, lugar, produkto, pangyayari, atbp.


 Mga salitang tekikal na hindi karaka-rakang maasimila dahil kapag
binaybay nang ayon sa ating sinusunod na sistema ng pagbaybay ay
malalayo na sa orihinal na nayo sa Ingles kaya nagkakaroon ng “Visual
Repulsion”.
 Mga salitang may unikong katangiang kultural mula sa ibat-ibang
katutubong wika.

Mga letrang /c/ at /f/ kapag isinama ang mga it sa pagbaybay ng mga
karaniwang salita, ang kastilang “café” halimbawa ay magkakaroon ng apat na
ispelling baryant na (kafe, café, cape, kape.) gayundin sa Ingles na “coffee” ay
magkakaroon ng (cofi, copi, kofi, kopi.) Ang siyang tamang ispelling kung
isinisama ang mga letrang /c/ at /f/ sa pagbaybay ng mga karaniwang salita.

Sa kasalukuyang Alpabetong Filipino ang /c/ ay itinuturing ng /k/, o /s/


batay sa kung anong patinig ang kasunod, /k/ kung ang kasunod ay alinman
sa “a, o, u”; “s” kung alinman sa “e, I” gaya ng:

Letrang /i/. Hindi rin magiging praktikal na gamitin ito sa mga


karaniwang salita sapagkat sa Ingles ay hindi lagging /j/ ang nagrerepresinta o
kumakatawan sa tunog na /j/ gaya ng makikita sa mga sumusunod:

Bukod dito ang /j/ ay /h/ ang tunog kapag sa Kastila hinihiram ang
salita tulad ng “cirujano, voltaje, carruaje, jabonera, viaje, jinete, jueteng,
junta”, atpb.

At hindi rin maiiwasan ang paglitaw ng mga ispeling baryant na


makagugulo sa ating konsistent na sistema ng pagbaybay; tulad ng “dyip-jip,
badyet-bajet”.

Sa kasalukuyang alpabeto, ang /j/ ay karaniwang tinutubusan ng “dy”,


tulad ng:
Letrang /n/ bihirang gamitin ang letrang ito sa mga karaniwang salita.
Ang totoo, bihirang makinilya ang may ganitong tipo. Makikita lang ito sa ilang
pangalang pantangi, tulad ng “Pena, Rum Cana, Santo Nino”. Ang /n/ ng mga
karaniwang salitang Kastila at tinutumbusan sa Filipino ng /ny/ gaya ng
“canon=kanyon, pano=panyo, pina=pinya, bano=banyo atbp. Kung may mga
pangkat-etniko mang gumagamit ng /n/ sa mga karaniwang salita, tulad ng
Itbayat (nipin), hindi ito sapat na dahilan upang gamitin na sa mga
karaniwang salita ang nasabing letra.

Letrang /q/ nasasaad sa isang istaylnuk ng isang eksklusibong


pamantasan na mananatili ang letrang /Q/ sa mga hihiraming salita na taglay
ang letra /Q/ na may tunog na /kw/, tulad ng “quartz, quiz, quadratic,
quantum.” Malaking gulo rin ang idudulott nito sa paglabaybayang Filipino
sapagkat hindi sakop ng tuntunin ang mga salitang tulad ng “quorum, quota,
queso, porque atbp. Ikalawa, ang /q/ ay hindi parin kumakatawan sa isang
ponema sa Filipino, sapagkat hindi pa ito naikokontrast sa /k/ hindi na
naman maiiwasan ang paglitaw ng mga ispelling baryant sa lubhang
makapagpapagulo sa napakaayos na sistema ng palabaybaying Filipino.

Letrang /v/ sa kasalukuyang alpabeto, ang letrang ito ay tinutumbasan


ng /b/ sa pagbaybay ng mga karaniwang salita, tulad ng:

Bihira pa ang nagsasabi ng “nagvevekeyshon; sa halip nagbabakasyon.”


At hindi parin nagkokontrast ang /v/ at /b/. Kapag pumasok na sa Filipino
ang mga pares ng salitang tulad ng “van=ban, vase=base, vat=bat, vent=bent”
atbp. Maari nang gamitin marahil sa mga karaniwang salita ang /v/. Gaya ng
nasabi na, magugunitang ang mga patinig noong hindi pa tayo nasasakop ng
mga Kastila ay pinapangkat lamang sa tatlo- “a,I,u”. Ngunit pumasok na ang
mga pares ng salitang tulad ng “mesa=mesa, oso=uso, mora=mura,
benta=binta (venta=vinta), nagging lima na an gating mga patinig dahil sa
nahiwalay na ang /e/ at /o/ na sa matandang Alibata ay ipinapangkat lamang
sa mga kalapit na /i/ at /u/, ayon sa pagkakaayos.

Letrang /x/ sa kasalukuyang alpabetong Filipino ang /x/ ay


tinutumbasan ng /ks/ tulad ng “sexy=seksi, examine=eksamen,
boxing=boksing”.

Hindi rin magiging paraktikal na panatiliin ang /x/ sa pagbaybay ng


mga hiram na karaniwang salita upang kumakatawan sa tunog na /ks/.
Halimbawa nito ay “buksan, tuxo, maliksi, taksil.” Atbp. Kapag kumakatawan
sa /ks/ ang /x/ sa mga karaniwang salita ay hindi baybayin nang “buxan,
tuxo, malixi atbp.” Kung gagawa naman ng tuntunin na ang /x/ ay gagamitin
lamang sa mga karaniwang salitang hiram at ang /ks/ ay sa mga saliatang
katutubo.
Letrang /z/ tulad ng /j/ at iba pa sa mga letrang painag-uusapan, ang
/z/ ay hindi lamang kinakatawan ng /z/ gaya ng makikita sa mga
sumusunod:

Sa kasalikuyang alapabeto, ang “z” ay tinutumbasan ng /s/, tulad ng


“cruz=krus/kurus, zapatos=sapatos, lapis=lapis atbp. Kung gusting panatiliin
ang /z/ salungguhitan ang salita o ipagawang italisado kung ipalilimbag, tulad
ng zoo, zodiac, zombie.

MGA HAKBANG SA PANGHIHIRAM

Ang unang pinagkukunan ng mga salitang maaring itumbas ay ang


leksikon ng kasalukuyang Filipino, kung mayroon.

Sa panghihiram ng salita na may katmbas sa Ingles at sa Kastila, unang


preperensya ang hiram sa Kastila. Iniaayon sa bigkas ng salitang Kastila ang
pagbaybay sa Filipino.

Kung konsisitent ang ispeling ng salita, hiramin ito ng walang


pagbabago.
Kung hindi konsistent ang ispeling ng salita, hiramin ito at baybayin
nang konsistent sa pamamagitan ng paggamit ng 20 letra ng dating Abakada.

Gayunpaman, may ilang salitang hiram na maaring baybayin sa


dalawang kaanyuan, nggunit kailangan konsistensi sa paggamit.

May mga salita sa Ingles na maaring pansamantalang hiramin nang


walang pagbabago sa ispeling, tulad ng mga salitang lubhang di konsistent
ang ispeling sa bigkas na kapag binaybay ayon sa alpabeting Filipino ay hindi
na

mabakas ang orihinal na ispeling nito kaya’t tinatanggihan ng paningin ng


mambabasa.

Pansamantalang hihiramin nang walang pagbabago sa ispeling ang


ganitung mga salita sapagkat balang araw ,malamang na ang iba sa mga ito
ay baybayin na ng mga tagagamit ng wika nang ayon sa paglabaybayang
Filipino. Pansinin na ang “sandwich,clutch,brochure,doughnut,coup d’ etat
pizza pie” ay sinimulan nang baybayin nang ganito sa ilang pahayagang
Filipino “sandwits,klats,brosyur,donat”. Ang iba naman tulad ng “coach,
champagne, habeas corpus”ay maaring manatili sa orihintal na baybay.
Maraming mga hiram na salita na sa paglakad ng panahon ay bayan lamang
ang makapagsasabi kung paano aasimilahin.
Mga salitang hiram sa ibang katutubong wika na nagtataglay ng unikong
katangiang cultural. Gayunpaman,walang magiging problima kung iayun man
kaagad ang ispeling ng mga ito sa palabaybayang Filipino sapagkat kitang-kita
naman na ang ispeling ng mga wikang katutubo ay isinunod lamang sa
palabaybayang kastila.

SIMULAIN NG PAGTITIPID

Likas na nangyayari sa anumang antas ng wika-palantunugan (o


ponolohya), palabuan (o morpolohya), palaugnayan (o sintaks)- ang pagtitipid.
Kung may mga letra sa isang salita na maaaring alisin na lang, Halimbawa
“dyip” sa halip na “diyip” “demokrasya” sa halip na “demokrasiya”. May mga
matatandang tanod ng wika ang nasasabing kailangan daw ay “demokrasiya”
sapagkat iyon daw ang tamang bigkas ng salitang hiram sa Kastilana
“democracia”. Karapatan ng nanghihiram na isunod niya sa kakanyahan o
katutubong sistema ng pagbuo at pagbibigay ng diin sa alinmang pantig ng
salita. Pansinin ang nagging ibat-ibang anyo ng pormatibong “-action”/athion/
sa “education” ng dahil sa hiramin. Sa ingles, Itoy nagging “-ation”/eyshon sa
Filipino, itoy nagging “-asyon”/asyon/, sa Malay, ito’y nagging “-asi”/asi/.
SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

SURIGAO CITY MAIN CAMPUS

1ST SEMESTER, 2017-2018

FIL. 212 – PAGSASALING WIKA

KABANATA 5 - ILANG BATAYANG ANG KONSEPTO AT KAALMAN SA


FILIPINO AT PAGSASALING-WIKA

TAGA-ULAT:

MERABELL M. ACEDERA

MARY JANE C. CALUBAG

NORILOU C. LOREN

GERALDINE B. BALABA

DR. CASES DOTILLOS-DALAYGON

Associate Professor II

You might also like