You are on page 1of 1

Isa sa mga kilalang magagandang tanawin ng Pilipinas ay ang tinaguriang “Sleeping Dinosaur” na

matatagpuan sa probinsya ng Davao Oriental. Ang Coastal Village na ito ay nakilala dahil sa
kanyang natatanging hugis na tila ba’y isang dinosaur na natutulog. Isa sa mga alamat kung paano
naging hugis dinosaur na natutulog ang islang ito ay ang alamat ng isang lalaki. Ayon sa mga sabi-
sabi, may isang lalaking nagmula sa malayo na nangarap na makapunta sa isang lugar na malapit
sa dalampasigan. Ang lugar na ito ay magmimistulang isang dinosaur na natutulog sa kanyang
tiyan. At sa kanyang paglalakbay papunta sa syudad ng Mati City, siya ay binungad ng hugis
dinosaur na isla. Ang nakamamanghang lugar na ito’y naging tanyag dahil sa makapigil hiningang
tanawin kung saan ika’y pwedeng kumuha ng litrato sa iyong sarili, kapamilya, kaibigan, katrabaho
atbp. Taong 2018, maliban sa pagliliwaliw ng mga turista/manlalakbay mula sa viewdeck, ay
maaari na ring matuklas at mabagtas ang Sleeping Dinosaur sa pamamagitan ng kailan lang
natuklasang Dino Trail. Sa loob ng dalawampung-minutong pagbabagtas ng mga hiker, ay
bubungad sa kanila ang nakamamanghang tanawin ng beach. Kaunting paglalakbay pa sa braso
ng Sleeping Dinosaur at makikita ang bulubundukin ng Davao Oriental at ang Pujada Bay. Upang
maiwasan ang maputik at madulas na trekking, ang tourism office ay nagbigay ng payo sa mga
turista na iwasang dumalaw sa panahon ng tag-ulan. Pinapaalalahanan din ang mga hikers na
magdala ng tubig at dalhin ang kanilang mga basura pauwi.

You might also like