You are on page 1of 7

[PAGBASA TA PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK]

014
[PAGBUO NG TENTATIBONG BALANGKAS]

PAGBUO NG TENTATIBONG BALANGKAS


LAYUNIN:
1. Nabibigyan ng kahulugan ang pagbabalangkas
2. Nababatid ang mga bahagi ng tentatibong balangkas
3. Natutukoy ang iba’t ibang pormat ng pagbabalangkas

Panimula:
Ang pagbabalangkas ay ang Sistema ng isang maayos na paghahati-hati ng mga
kaisipan ayon sa tataluntuning lohikal na pagkakasunod-sunod bago ganapin ang
paunlad na pagsulat. Mahalagang bahagi lamang ang nakapaloob dito upang
magsilbing patnubay sa gagamitin ukol sa magiging nilalaman ng isang pananaliksik.
Nakatutulong ito sa paglilimita sa paksang isusulat, sa mga dapat at hindi dapat
tandaan.

Tentatibong Pagbabalangkas

 karaniwan itong binubuo ng tatlong-pahinang papel na naglalaman ng mga plano at


tunguhin ukol sa pananaliksik ng isang tiyak na paksa
 ito rin ang pinakakalansay ng sulatin na nagsisilbing hulmahan ng kalalabasang
porma ng isang katha.
 Ang tentatibong balangkas ay marapat na magkaroon ng mga sumusunod ng
bahagi

Rasyunal – siyentipiko at malinaw na paglalahad ng batayang saligan kung bakit


kailangang pag-aralan ang nasabing paksa. binibigynag linaw nito ang tanong na: Ano
ang saysay ng pag-aaral at pananaliksik.

Course Module
Pangkalahatang Layunin – ang malawak at pambungad na paglalatag ng nais na
tunguhin ng pag-aaral kaugnay ng rasyunal na pananaliksik. nagbibigay kasagutan ito
sa tanong na: Ano ang mayroon sa pananaliksik na ito?
Mga Tiyak na Layunin – dito iniisa-isa ang mga tiyak at iba’t ibang aspeto ng dahilan
sa pag-aaral ng paksa ng pananaliksik. maaring mayroong tatlo o higit pangn layunin
ang isang pag-aaral, Nagbibigay linaw ito sa tanong na: Ano ano ang gustong
matuklasan ng pag-aaral na ito?
Mga Suliranin sa Pag-aaral – makikita sa bahaging ito ang mga batayang suliranin,
isyu, mga pangyayari, haka-haka at kaslukuyang kalagayan ng paksa na siyang
nagbibigay paliwanag upang ito ay bigyan ng pansin at pagtuunan ng pananaliksik.
nagpapaliwanag ito sa tanong na: Ano ang mga isyu at suliraning lulutasin ng
pananaliksik na ito?
Mga Haypotesis – Ang pinakalohikal o pinakamatuwiranng mga palagay ukol sa isyu
na inilalagay sa unang bahagi ng pananaliksik nang sa huli ay mapatunayan,
mapatibay, msusugan o mapasubalian. Sinasagot nito ang tanong na: Ano ano ang
mga maktuwirang pagpapalagay ng mananaliksik ukol sa kanyang paksa.

Uri ng Balangkas
Pamaksang Balangkas (Topic outline)
– ito ay binubuo ng salita o parirala lamang dahil matipid ito sa pananalita o
pahayag. Madalas ginagamitan ito ng mga pangngalang –diwa(gumagamit ng
panlaping makangalan na –pag.
Pangungusap na Balangkas (sentence outline)
– binubuo ito ng mga buong pangungusap na naglalaman ng pangungunahing
ideya at maynor na ideya.
Patalatang Balangkas (paragraph outline)
– Binubuo ng mga pangungusap na naglalahad ng nilalaman ng buong mga talata
ng sulatin.
[PAGBASA TA PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK]
014
[PAGBUO NG TENTATIBONG BALANGKAS]

Pormat ng Balangkas
1. Balangkas ng may animang antas

2. Balangkas na may tatluhang antas

Course Module
3. Balangkas ng Bilang

Mga tuntunin sa Pagsulat ng Balangkas


1. Piliin ang mga pangunahing paksa. Gamitin ang bilang Romano tulas ng
I,II,III o IV. Ayusin ang mga bilang nang magkakapantay.

2. Isulat ang maliliit na paksa tungkol sa pangunahing paksa. Gamitin ang


malalaking titik tulad ng A,B,C o D. Lagyan ng tuldok ang malaking titil at
isulat nang may kaunting pasok ang maliliit na paksa.

3. Para sa mga detalye ng bawat maliit na paksa, gamitin ang mga bilang na
1,2,3,4 at iba pa.

4. Gamitin ang malaking titik sa simula ng pangunahing paksa, maliliit na paksa


at mga detalye.
Mga dapat Isaalang-alang sa Paggawa ng Balangkas

 Suriin ang pagkakaayos ng mga ideya sa binasang teksto. Ito ba ay nasa ayos
kronolohikal, mula sa simple patungo sa kumplikadong mga ideya, sanhi at bunga
atmalawak na paksa tungo sa tiyka na paksa.
 Pag-aralan kung ano ano ang mahalaga o pangunahing ideya at ang mga pantulong
na ideya.
 Tiyakin kung anong uri ng balangkas ang angkop na gamitin sa paksa.
 gumamit ng wastong bantas
 Tandaan na ang balangkas ay maaaring baguhin o palitan kung kinakailangan.
[PAGBASA TA PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK]
014
[PAGBUO NG TENTATIBONG BALANGKAS]

Pagbuo ng Konseptuwal at Teyoritikal na Balangkas

 konseptuwal, batayan mula sa sarili ng mananaliksik at maaring ilahad upang


makita ang kaugnayan sa teorya ng iba pang mananaliksik.
 Teyoritikal, ang mga konseptong nabasa sa mga literatura na maaring gabay at
mailapat sa isinasagawang pag-aaral.
 konsepto, ideyang binuo mula sa mga pinagsama-samang naobserbahang
katangian
 konseptuwal na balangkas, naman ay ang pangkalahatang paglalawaran na
nagpapakita ng mga ugnayan ng mg konseptong aaralin.

Paradaym ng Pag-aaral
Ang teyoretikal at konseptuwal na mga balangkas ay susundan ng
pagpapakilala sa prosesong pagdadaanan ng saliksik upang ganap na mabuo. ito ay
mailalarawan sa pamamagitan ng bubuoing paradaym/paradigma

Halimbawa:

Teyoritikal na Balangkas

law of exercises law of effect


law of readiness
( pagsasanay ) ( Bunga )
( kahandaan)

Ang gawain ay Interbensyon sa


Ang mga dapat masigla, pagbasa gamit
babasahing makulay, ang iba't ibang
ihahanda ng mapang-akit estratehiya
guro ay dapat na kung saan 1. Pagbasa gamit
na ang kanilang ang larawan
nakapupukaw isipan ay
ng interes ng kinikiliti, ang 2. Pagbuo ng
mga mag- damdamin ay tanong
aaral dinuduyan at 3. I-witness
ang Balita
imanihasyon
ay 4. Pagbuo ng
pinasasayaw. hinuha

Course Module
Ang Balangkas teyoritikal na makikita sa itaas na nakabatay sa teoryang ipinakilala ni E.
Thorndike, isinaalang-alang ng mananaliksik ang teorya ni thorndike na nauugnay sa kanyang
isinagawang pag-aaral na pinamagatang “ Paggamit ng iba’t ibang estratehiya sa Pagbasa upang
mapaunlad ang Lebel ng Komprehensyon ng mag-aaral sa ikapitong taon.

Halimbawa:
Konseptuwal na Balangkas

paunang
pagsususlit

mga mag- Mataas na lebel


aaral sa mga estratehiya ng
ikapitong pagpapaunlad ng komprehensyon
biatang komprehensyon sa
pagbasa

panghuling
pagsusulit

Makikita sa pigurang ito konsepto kung ano ang pamamaraan kung paano palalakasin at
patataasin ang lebel ng interes ng mga mag-aaral sa pagbasa.
[PAGBASA TA PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK]
014
[PAGBUO NG TENTATIBONG BALANGKAS]

References

Pacay, Wilmor L III (2016), Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang tekto tungo
sa Pananaliksik, JFS Publishing Services, Inc.

Tanawan-Sunga Dolores, et., al (2013) Lundayan: Pagbasa at Pagsulat tungo sa


Pananaliksik, Olympia Publishing House Taytay, Rizal

Garalda, J (2016), Tesis: Kabisaan ng Estratehiyang Pagbbuo ng Tanong sa


pagpapataas ng lebel ng Komprehensyon, Quezon City

Online Supplementary Reading Material

Online Instructional Video

Course Module

You might also like