You are on page 1of 2

Digmaang Troya

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya


(Idinirekta mula sa Digmaang Trojan)

Jump to navigationJump to search


Ang Digmaang Troya[1] (Trojan War) ay isa sa pinakadakilang mga digmaan sa kasaysayan
ng Sinaunang Gresya. Maaaring naganap ito sa pagitan ng mga Troyano at ng mga Achaeano.
Karamihan nang hinggil dito ay nalalaman sa pamamagitan ng Iliad, isang tulang epiko na
isinulat ng Sinaunang Griyegong makata na si Homer. Ang tagpuan ng sinaunang Troya ay
natagpuan sa kahabaan ng Dagat na Egeo na nasa Maliit na Asya (Asya Menor). Maaaring
naganap ang digmaan noong ika-12 daantaon BC.[2]

Mga nilalaman

 1Simula ng digmaan
 2Ang Kabayong Troyano
 3Tunay na pangyayari
 4Mga sanggunian
 5Mga kawing na panlabas

Simula ng digmaan[baguhin | baguhin ang batayan]


Ayon sa Mitolohiyang Griyego, si Zeus ay naging hari ng mga diyos sa pamamagitan ng
pagpapabagsak sa kanyang amang si Cronus na nagpatalsik naman sa kanyang amang
si Uranus. Si Zeus ay hindi naging matapat sa kanyang asawa at kapatid na si Hera at
nagkaroon ng maraming mga relasyon na nagpanganak sa maraming mga anak. Dahil naniwala
si Zeus na marami nang mga tao tumatahan sa mundo, kanyang naisip
si Momus[3] or Themis,[4] na gagamit sa Digmaan ng Troya bilang paraan ng pag-ubos ng
populasyon ng mundo lalo na ng kanyang mga inapong demi-diyos.[5]
Nalaman ni Zeus kay Themis[6] o Prometheus, pagkatapos siyang palayain ni Heracles mula
sa Caucasus,[7] na tulad ng kanyang amang si Cronus, ang isa sa kanyang mga anak ay
magpapabagsak sa kanya. Ang isa pang hula ay nagsasaad na ang isang anak na lalake ng
nimpang dagat na si Thetis na kinahumalingan ni Zeus ay magiging mas dakila sa kanyang
ama.[8] Posibleng sa isa o parehong ang mga dahilang ito[9] na si Thetis ay ipinagkasundong
magpakasal sa matandang taong hari na si Peleus na anak ni Aiakos sa pag-uutos ni Zeus[10] o
ninais ni Thetis na paligayahin si Hera na umampon sa kanya.[11]
Ang mga simulain ng digmaan (ayon sa Iliad) ay ang kasal ni Haring Peleus at ng nereid (nimpa
ng dagat) na si Thetis. Inanyayahan nila ang halos lahat ng mga diyos para sa kanilang kasal.
Subalit hindi nilan inimbitahan si Eris, ang diyos ng sigalutan. Nagalit si Eris at naghagis siya ng
isang gintong mansanas sa piling ng mga panauhin kung saan nakasulat ang "Para sa
Pinakamaganda". Nasalo ng mga diyosang sina Hera, Athena, at Aphrodite nang magkakasabay
at nag-away hinggil sa king sino ang pinakamaganda sa kanilang tatlo. Nag-alok ang bawat isa
sa tatlong mga diyos nang mga handog para kay Paris upang makapamili mula sa kanila ang
hinandugan. Inalok ni Hera ang lahat ng Asya. Inalok ni Athena ang pagkakaroon ni Paris ng
karunungan. At inalok namin ni Aphrodite ang pag-ibig mula sa pinakamagandang babae.
Ibinigay ni Paris ang mansanas kay Aphrodite. Sa katotohanan, hindi naisip ni Aphrodite na ang
pinakamagandang babaeng si Helen na Reyna ng Isparta, ay mayroon nang asawa sa ngalan
ni Haring Menelaus ng Isparta. Subalit ginawa ni Aphrodite na tudlain ng isang gintong pana ng
kaniyang anak na si Eros si Helen upang umibig kay Paris. Pagkaraan, ang magkaparis na sina
Paris at Helen ay lumisan upang marating ang Troya. Nagpahayag ng digmaan si Menelaus, ang
asawa ni Helen, laban sa Troya upang makuhang muli ang kaniyang reynang si Helen. Dito
nagsimula ang Digmaang Troya. Si Achilles ang isa sa pinakamagiting na mga bayani ng
digmaang ito, na ang isa pa ay si Hector.

Ang Kabayong Troyano[baguhin | baguhin ang batayan]


Nagtagal ang digmaan nang sampung taon. Ang ilan sa mga bantog na tauhan ay
sina Achilles, Paris, at Hector. Nagwagi ang mga Griyego sa pamamagitan ng pagbubuo ng
isang malaking kabayong kahoy. Tinawag itong Kabayong Troyano. Ilang mga taong Griyego
ang nagtago sa loob ng kabayong kahoy, at ang ibang Griyego ang naging tagapaglagay ng
kabayo sa dalampasigan at lumisan pagkaraan sa pamamagitan ng kanilang mga bangka.
Nakita ng mga Troyano ang kabayong kahoy at inisip na sumuko na ang mga Griyego o tumigil
na ang mga Griyego sa pagtatangkang magwagi sa digmaan. Inisip nila na ang kabayong kahoy
ay isang handog mula sa mga Griyego. Hinila ng mga Troyano ang kabayo papasok sa Troya at
nagdiwang sa inaakala nilang pananagumpay sa digmaan. Nang sumapit ang gabi, ang mga
Griyegong nagkukubli sa loob ng kabayong kahoy ang nagbukas ng mga tarangkahan ng
lungsod ng Troya at sinunog nila ang mga kabahayan. Ang mga Griyegong lumisan sa
pamamagitan ng kanilang mga bangka ay nagpanggap lamang na umaalis upang malinlang ang
mga Troyano. Sa katunayan, nagtago lamang sila sa likod ng mga pulo. Nagbalik sila at
napagwagian ang digmaan. Ang panlilinlang ay inisip ni Odysseus (na nakikilala rin bilang
Ulysses), na Hari ng maliit na pulo ng Ithaca.

Tunay na pangyayari[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Imperyo ng Hitita, humigit kumulang umiral noong 1300 BC, ay kulay mapusyaw na pula.
Marahil ang lungsod ng tinatawag bilang Wilusa ay ang Troya.
Maaaring naganap talaga ang digmaan, subalit sa pagsasalaysay ang mga kaganapan ay
pinalabis ang paglalarawan at dinagdagan ng mga elementong mitiko o pangmitolohiya. Ang
mga pagbabagong ito ay umangkop sa mga pangangailangan ng panulaang binibigkas. Noong
kalagitnaan ng ika-19 daantaon, natuklasan ng arkeologong Aleman na si Heinrich
Schliemann ang mga guho ng isang lungsod na nakilala niya bilang Troya.[12] Mayroon din ilang
mga tekstong Hittite at Ehipsiyo na tumatalakay nang hinggil sa digmaan ng Troya. Binabanggit
ng mga tekstong ito na mayroong isang konpederasyon ng 22 mga lungsod ang nakidigma para
sa digmaan ng Troya.

You might also like