Professional Documents
Culture Documents
I. Layunin
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1.Pagbati
Magandang hapon mga bata,( Magandang hapon po Bb.Claire) handa na ba
kayo para sa aralin natin sa hapong ito? (Opo teacher)
2.Pangganyak
Tindahan ni Inay
Sa aming pamayanan
Ang tingian tindahan
May sariwang isda
May gulay na masustansiya
Prutas na makulay
Dagdagan pa ng pansahog
Tindahan ng aking inay
Laging bago ito.
B. Pagtatalakay
Mga bata, may mga larawan ako dito . Alam nyo ba kung ano ang mga ito?
(Ipapakita ng guro sa mga mag-aaral ang mga uri ng negosyo) Ano itong hawak
ko?Ano naman ito?( Hanggang sa maipakita lahat ang larawan)
Ilan lahat ang pinakita ko sa inyo? Sige nga bilangin natin?
Tailoring shop- Gumagawa ng
Beauty parlor-kung saan ang pag- mga damit para sa mga mag- Restaurant- ito ay isang kainan
aayos ng buhok, pampaganda,at anak ang mananahi. Kabilang kung saan ang mga pagkain ay
mga katulad na cosmetic treatment din sa kanilang ginagawa ang may pagkamahal ng presyo. Mga
ay isinasagawa nang propesyonal. kurtina, punda ng unan, sapin sa
kama at mantel.
binebenta na inumin, ulam, dessert,
at iba pa .
Fruit Store- ito ay isang negosyo Sari- Sari store- Maliit lamang na
na kung saan nagbebenta ng ibat uri ng pamilihan
ibang prutas . Halimbawa :manga, Iisa lamang ang may-ari o
saging, mansanas, pinya, namamahala.
avocado
Ipakita ng guro ang mga larawan ng mga Ibat ibang uri ng negosyo na makikita sa TV)
at kanyang ipaliwanag)
Anong uri ang mga ito? ( mga ibat ibang uri ng negosyo) Magaling!
C. Paglalahat
Sino makapagsasabi sa klase kung ano-ano ang mga ibat ibang uri ng negosyo na
tinalakay natin?
(Ang mga ibat ibang uri ng negosyo na tinalakay natin ay ang Beauty salon, Tailoring,
restaurant, fruit store, Sari-sari store) Magaling! Naintindihan na ba ninyo ang leksiyon?
(opo)
D. Paglalapat
Ngayon ay papangkatin ko kayo sa apat na pangkat. Ang bawat pangkat ay
bibigyan ko ng gawain.( Ibibigay na ng guro ang gawain sa bawat pangkat at ipaliwanag
kung ano ang gagawin ng bawat pangkat.)
I- Ayusin ang mga ginulong na letra upang makabuo ng mga salita at pagtapatin
ang magkatugma.
II- Paghambingin ang Hanay A at Hanay B. Pagtapatin ang magkatugma
III- Isulat kung ano ang mga serbisyo ang inaalok sa bawat uri ng negosyo
IV- Iuri ang bawat produkto sa pagnenegosyo
Ano ang dapat ninyong gawin kapag kayo ay may pangkatang gawain?
( Huwag maingay, magtulungan)
Tama , Ngayon ay may behavioral Chart ako dito. Ang pangkat na tahimik sa gawain ay
makakatanggap ng puntos ngunit kung kayo ay maingay, babawasan natin ang puntos maliwanag
ba? (Opo)
Tapos na ba ang lahat ? (Opo) Ngayon ating alamin kung tama ba ang inyong naging sagot.
( Ichecheck ng guro ang gawain ng bawat pangkat.)
IV. Pagtataya
Identification.
Panuto: Isulat ang pangalan ng iba’t ibang uri ng negosyo na inilalarawan sa bawat
pangungusap.
Restaurant 1. Ito ay isang kainan kung ang mga pagkain na may pagkamahal ng presyo.
Sari-sari Store 2. Maliit lamang na uri ng pamilihan .
Beauty Parlor 3. Pag-aayos ng buhok , pagpapaganda.
Fruit Store 4. Ito ay isang uri ng negosyo na nagbebenta ng ibat ibang prutas.
Tailoring Shop 5. Gumagawa ng damit, punda, uniporme at kurtina.
V. Takdang aralin:
Inihanda ni: