You are on page 1of 2

KALINGA (LUBUAGAN) (CADAMAYAN FALLS 2) #2

Sa Cordillera Administrative Region matatagpuan ang Probinsya ng Kalinga na maituturing na puso ng


rehiyon. Ang Kalinga ay isang pangkat-etniko at may lawak ng lupain na may sukat na 3,164.3 kilometrong
parisukat na sumasakop sa labimpitong (17) porsyento ng Cordillera. Noong mayo 2010 naitala ang bilang ng
populasyon ng kalinga na umabot sa 201,613. Ang Kalinga ay binubuo ng pitong munisipalidad at isang
bayan/lungsod. Ang bayan ng Tabuk ang may pinakamalaking populasyon na umabot sa 103,912 bilang ng
tao at itinuring bilang kapital ng Kalinga dahil ito ang sentro ng kalakalan at industriya. Samantala ang bayan
ng Tanduan ang may pinakamababang populasyon na umabot lamang sa 8,119. Ang Kalinga ay mayaman sa
mineral na madalas makita sa munisipalidad ng Balbalan at Pasil kabilang ang “sulphur, gravel, at sand”.

Ang Lubuagan ay matatagpuan sa walong daan (800) metro sa itaas ng antas ng dagat. Mula sa
orihinal nitong pangalan na “Lubuangan” nangangahulugang “Mudhole” o kumunoy, na marami ang lugar na
ito, ay binago at pinalitan bilang “Lubuagan” upang mas madaling bigkasin. Noong Hunyo 5, 1963 ang
Lubuagan ay kinilala bilang isang ganap na munisipalidad. Sa taong 1901 hanggang 1907 walang
organisadomg lokal na pamahalaan ang buong lugar. Kinilala bilang “Golden years” ng Lubuagan ang
panahon sa pagitan ng “Colonial Civil Government” at “Commonwealth Government”. Mayo 1932, ang bayan
ng Tanuday ay nahiwalay sa Lubuagan bilang isa sa mga distrito nito. Ang Lubuagan din ang unang nagtayo
ng mataas na uri ng edukasyon sa buong probinsya. Kasabay ng pagdating ni Emilio Aguinaldo sa Lubuagan
noong ika-6 ng marso ay petsa rin ng kanilang kapistahan. Laga Festival ang tawag nila rito, mula sa salitang
“Laga” nangangahulugang paghahabi, kung saan mayaman ang lugar na ito. Ipinagdiriwang ito sa loob ng
dalawa hanggang tatlong araw.

Maraming pasyalan ang makikita sa probinsya ng Kalinga partikular sa munisipalidad ng Lubuagan. Isa
na rito ay ang Cadamayan Falls. Ang Cadamayan falls ay isa sa pinagmamalaking pasyalan sa Lubuagan
dahil na rin sa angkin nitong ganda at hiwaga. Kung kaya’t hindi kami nagdalawang isip na mapuntahan ito.
Mula maynila ay bumyahe kami pa-Tabuk, isa sa mga munisipalidad ng kalinga sapagkat walang direktang
sasakyan patungo ng Lubuagan kung saan nakalokasyon ang Cadamayan Falls. Inabot kami ng mahigit siyam
(9) na oras sakay ng bus. Nakakapagod ang byahe at nakakainip dahil na rin sa katagalan nito. Kami ay
natulog na muna sa bus dahil mahabang habang byahe ang aming susuungin. Makalipas ang mahigit siyam
na oras ay nakarating na rin kami sa munisipalidad ng Tabuk ngunit hindi pa rito nagtatapos ang byahe.
Kumain kami saglit at agad agad na bumyahe patungo sa Cadamayan Falls. Mula Tabuk ay sumakay kami ng
habal o motorsiklo patungo sa Talon. Marami ring ibang alternatibong sasakyan patungo roon. Maari ring
sumakay ng bus o jeep. Inaabot ng dalawa hanggang tatlong oras ang byahe mula Tabuk patungo sa
Cadamayan Falls. Sa daan pa lamang ay nakita na naming ang kagandahan ng talon. Naibsan ang pagod at
pagkainip sa byahe nang marating na mismo ang Cadamayan Falls. Agad kaming naglakad sa basa at
malambot na lupain sa kabuuan ng Cadamayan Falls. Ako ay muntik pang madulas dahil sa mga lumot na
pumapalibot sa naglalakihang bato na mayroon ito. Habang naglalakad ay may nakita kaming mga kakaibang
tubo ng halaman at mga balat ng ibat ibang hayop tulad ng ahas, suso, mga patay na insekto at iba pa.
Mapuno ang paligid ng Cadamayan Falls kung kaya’t nakakatakot lumakad magisa rito. Matatalim ang mga
sanga at matataas ang tubo ng mga damo dahilan upang di gaanong matanaw ang dinadaanan. Kumuha kami
ng sangay upang pang-gabay sa aming nilalakaram. Nang makarating kami sa mismong talon ako ay
naginhawaan. Nakakamangha ang ganda ng nakita namin sa talon na ito. Hitik na hitik sa puno’t halaman na
nagsilbing nilamon ang buong talon dahil sa nagngangalit na kulay luntian na mayroon ito. Katulad ng ganda
ng kulay ng mga puno ay ang linis at puti na kulay ng talon habang bumubuhos sa pagitan ng mga bato. Sa
hangganan ng talon kami nagbalak kumuha ng litrato. Doon ay di gaanong malinis ang tubig dahil narin siguro
sa kapal ng lumot ng mga bato ay nahawaan na nito ang kulay ng talon. Gayunman, hindi nito mababago ang
kabuuang ganda ng Cadamayan Falls. Pinili kong pumwesto malapit sa mga bato at halaman upang maganda
ang tanawin sa pagkuha ng litrato. Matapos nito ay kinuhaan ko naman ng litrato ang aking kasama. Hindi ko
mapapalampas ang kagandahang mayroon ang Cadamayan Falls.

You might also like