You are on page 1of 2

KABATAAN

Tayong mga kabataan ang pag asa ng bayan.tayo ang inaasahan ni Dr. Jose Rizal na
ipagpatuloy ang kanyang naumpisahan. Ngunit bakit parang tayong mga kabataan din
mismo ang siyang ikababagsak ng ating bayan?marahil dahil sa mga nakatatanda sa atin
na palaging nagsasabi na "iba na talaga ang mga kabataan ngayon kaysa noon" Marahil
ito ay sa kadahilanang hindi na natin pag pasok sa eskwelahan kahit mayroon sa ating
nagpapaaral pero maaari nating sabihin dahil ito sa mga nakakasalamuha natin palagi
marahil ay naiimpluwensyahan tayo, hindi ko nilalahat ngunit sigurado ako mayroon
tayong kilalang ganun. Maaari ring dahilan nito ay ang pagsagot natin sa mga
nakatatanda satin kahit gaano kagalit ang mga magulang natin ay pipilitin nating
lamangan ang kanilang galit sa madaling salita mas galit pa tayo sa kanila kahit ang
kanilang sinasabi ay para din sa ating kabutihan. Sa bawat oras, araw, buwan, at taon na
lumilipas unti unting dumadami ang mga kabataang nalululong sa sa mga bagay na
makakasama sa kanila. At sa halip na maging mabuti at mapadali ang buhay ng mga
kabataan ngayon dahil sa mabilis na pagunlad ng teknolohiya ay ginagamit natin ito sa
maling pamamaraan. Kahit na sa totoo lamang maraming kapuri puri sa ating mga
kabataan ngayon ngunit tila sila bulag na hindi iyon makita dahil iba ang inaasahan nila
sa atin pinipilit nila tayong igaya sa kanila pinipilit nilang gawin natin ang mga bagay na
hindi natin gusto. Maaaring tama nga na may mali tayong mga kabataan ngayon. Ngunit
kung makikinig lang siguro tayo sa kanila, sa kanila na hamak na mas matagal ng
nabubuhay sa mundong ito ay matututulungan nila tayong matuto at magbago hindi lang
para sa sarili natin ngunit para narin sa ating bayan dahil tayong kabataan ang pag asa
ng bayan.

Ipinagbabawal na Gamot

Sa panahon ngayun ilang kabataan naba ang lulong sa droga,ilang baragay naba ang
pinamamahayan ng mga drug Lord ilang buhay paba ang aaksayahin upang mahuli ang
mga gumagamit nito

Ayon kay Dr. Jose Rizalna ang kabataan ang pag asa ng bayan pero hindi ba lingid sa
ating kaalaman na ang unang sangkot sa ipinagbabawal na gamot ay ang kabataan na
isa sa limang kabataan ay sangkot sa ipinagbabawal na gamot, hindi ba nila alam ang
naghihintay sa kanilang kapahamakan, maaari silang makulong o dinaman kaya'y
mamatay. Paano na lamang ang ating bayan kung ang mismo nating kabataan ang
sangkot sa ipinagbabawal na gamot. Paano na lamang ang magandang pangarap ng
ating kabataan kung ang droga ay humahadlang hindi ba nila alam kung ano ang
malaking maidudulot nito sa ating kalusugan o di kaya ay sa ating buhay at ang droga o
paggamit ng droga ay laganap at ito ang isa sa mga suliranin ng ating bansa at ang droga
ay dapat ng mapuksa dahil ito na ang sumisira sa buhay ng ating mga mamamayang
pilipinong gumagamit nito at marami ng namamatay dahil dito, dahil may ginawa ng batas
ang ating gobyerno, ang ipinagtataka kolang ay bakit maliit na tao lang ang kanilang
hinuhuli bakit hindi nila magawan ng paraan na hanapin o imbistigahan ng maigi ang
mismong utak ng paglaganap nito sa bansa. Di ba kawalan ng hustisya dahil ang mga
pamilyang tao namatay na ito ang syang nagdurusa at kinakaharap nilang pagsubok at
nawalan pa sila ng mahal sa buhay kaya naman sa aking pananaw mas naipabayuhin
npa sana ng gobyerno ang pagpuksa sa droga at siguraduhing mahuli ang utak ng
paglaganap ng mga ipinagbabawal na gamot at wag sana dumanak ang dugo sa paghuli
sa mga taong ito.Maliit na tao man o malaki, dahil naapektuhan ang lahat, Hindi lamang
ang kanilang pamilya kundi maging narin ang buong sambayanang pilipino.

Wag tayo magpasira sa epektong dulot nito sa ating pagkatao magtulong-tulong tayo ng
sagayon ay maiwasan o mawakasan ang suliraning ito at kapag nawala na ito. Isang
malaking pagbabagong naghihintay sa buhay ng bawat mamamayang pilipino at maging
sa buong mundo

You might also like