You are on page 1of 2

Mapapakita at mapaparating ang mga kahalagahan at negatibong naidudulot ng

paggamit ng makabagong teknolohiya sa pagkatuto ng mag-aaral. Maipapakita nito ang

tunay na epekto at impluwensya ng makabagong teknolohiya, higit na sa kung paano

ito gamitin. Kung kaya’t ang pag-aaral na ito ay magiging kapakipakinabang sa mga

sumusunod.

Sa mga mag-aaral ang pag-aaral na ito ay makapagbibigay sa kanila ng ideya

kung paano nakatutulong ang makabagong teknolohiya sa pagkatuto at kung ano

naihahatid nitong negatibong impluwensya sa mga kabataan.

Sa mga guro makatutulong ito sa kanila upang malaman kung ano ang mas

mainam na gawin upang maituro nang maayos sa mga mag-aaral ang tamang

paggamit ng makabagong teknolohiya.

Sa mga magulang nabibigyan sila ng ideya sa kung ano ang impluwensya ng

makabagong teknolohiya sa kanilang kabataan at kung ano ang masama at mabuting

naidudulot nito sa kanilang kabataan at kung ang masama at mabuting naidudulot nito

sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Pagbibigay katuturan

Mag-aaral ng ika-siyam (9) na baiting ng mataas na paaralan ng antipas ang

naging respondent sa pananaliksik na isinagawa.


Teknolohiya – mga imbento atg gaqdget na ginagamit ag proseso at prinsipyong

maka-agham.

Modernisasyon - Ang pag-unlad ng isang bansa o lugay na kung saan ang mga

pangangailangan ng mga tao ay natutugunan.

Asignatura- ang mga itinuturo ng guro sa silid-aralan na binubuo ng iba’t-ibang

leksyon/paksa.

Kompyuter – isang pangkalahatang paggamit na kasangkapan na maaaring

iprogram upang magsagawa ng isang may hangganang hanay ng mga operasyong

aritmetiko o lohikal.

You might also like