You are on page 1of 19

1

Pananaliksik Ukol sa Tinatangkilik na Pagkain ng mga Estudyante ng ISHRM


Dasmarinas
2
Pananaliksik Ukol sa Tinatangkilik na Pagkain ng mga Estudyante ng ISHRM
Dasmarinas

Konseptong Papel

sa

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

“Pananaliksik ukol sa mga pagkain na tinatangkilik ng mga estudyante ng ISHRM


Dasmarinas”

Mga tagapagsagawa ng riserts:

Carmela F. Belmonte

Jenina C. Buen

Jolli V. Dela Cruz

Ghelian S. Fernandez

Princes Carlyn I. Mendez

Cyra Lou T. Narido

ng

BS-3A

Tagapatnubay:

Bb. Katrina B. Reyes


3
Pananaliksik Ukol sa Tinatangkilik na Pagkain ng mga Estudyante ng ISHRM
Dasmarinas

Dahon ng Pagpapatibay

Bilang pagpapatupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang


Filipino 3, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong-papel
na ito na pinamagatang “Pananaliksik Ukol sa Tinatangkilik na Pagkain ng mga
Estudyante sa ISHRM Dasmarinas” ay inihanda at iniharap ng pangkat ng mga
mananaliksik mula sa BSHRM3-A na binubuo nina:

Carmela Belmonte Gelian Fernandez

Jenina Buen Princess Carlyn Mendez

Jolli Dela Cruz Cyra Lou Narido

Tinanggap sa ngalan ng Kagawaran ng Filipino ng HRM, Kolehiyo ng


HRM, ISHRM School System,bilang isa sa mga pangangailangan sa
asignaturang Filipino 3, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.

____________________

Bb. Katrina B. Reyes

Tagapatnubay
4
Pananaliksik Ukol sa Tinatangkilik na Pagkain ng mga Estudyante ng ISHRM
Dasmarinas

Pasasalamat at Pagkilala

Taus-pusong nagpapasalamat ang mga mananaliksik sa mga sumusunod na


individwal at mga taong nagbigay-inspirasyon at malaki ang natulong at naging
kontribusyon, at suportang ibinigay upang magkaroon ng kaganapan ang
pananaliksik na ito:

- Kay Bb. Katrina B. Reyes, ang aming guro na nagbigay tulong at


patnubay sa paggawa ng pananaliksik na ito sa pamamagitan ng
pagtuturo ng tamang paggawa at mga tamang hakbangin sa pagsulat ng
pamanahong-papel.

- Sa mga awtor at mananaliksik ng mga akdang pinaghanguan naming ng


mga impormasyong ginamit sa pananaliksik na ito.

- Sa aming kani-kanilang pamilya, sa pag-unawa at pagbibigay ng pinasyal


na suporta at sa pagbibigay ng inspirasyon sa mga mananaliksik.

- Sa higit sa lahat sa Panginoon na nagbigay kalakasan, karunungan at


patnubay sa bawat isa.

- Sa lahat- lahat ng tumulong sa mga mananaliksik sa pagsasagawa ng


pananaliksik na ito. Maraming Salamat po.

-Mga mananaliksik
5
Pananaliksik Ukol sa Tinatangkilik na Pagkain ng mga Estudyante ng ISHRM
Dasmarinas

Talaan ng Nilalaman

Pamagitang Pahina

Dahon ng Pagpapatibay

Pasasalamat at Pagkilala

Talaan ng Nilalaman

Abstrak

Kabatana I: Ang Suliranin at Kaligiran Nito 1

A. Bakgrawnd ng Pag-aaral 1
B. Paglalahad ng Suliranin 2
C. Teoretikal / Konseptwal na Sanligan 3
D. Kahalagahan ng Pag-aaral 4
E. Iskop at Limitasyon ng Pag-aaral 5
F. Depinisyon ng mga Terminolohiya 6

Kabanata II: Mga Kaugnay ng Pag-aaral at Literatura 7

Kabanata III: Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

A. Pamamaraang Ginamit 10
B. Populasyong Ginamit Bilang Sampol 11
C. Deskripsyon ng mga Respondente 11
D. Instrumentasyon 12
E. Prosidyur sa Pangangalap ng Datos 12

Listahan ng Sanggunian 13
6
Pananaliksik Ukol sa Tinatangkilik na Pagkain ng mga Estudyante ng ISHRM
Dasmarinas

ABSTRAK

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay malaman ang mga tinatangkilik na

pagkain ng mga estudyante ng ISHRM Dasmarinas, ninanais malaman ng mga

mananaliksik ang iba’t-ibang banyagang pagkain na narito na sa ating bansa at

kung paano ito nakaimpluwensya sa pagkaing pinoy.

Sa pananaliksik na ito gagamit ang mga mananaliksik ng Qualitative

Research, ang pangunahing paraan na gagamitin ng mananaliksik upang

makakalap ng mga impormasyon at datos ay ang pakikipagpanayam.

Maghahanda ang mga mananaliksik ng mga interbyu-kwestyon upang malaman

ang tinatangkilik na pagkain ng mga estudyante at dahilan nito.

Ang pipiliin na respondente ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay

ang mga estudyante sa unang taon ng ISHRM Dasmarinas. Sila ang pipiliin sa

kadahilanan sila ang akma sa pag-aaral na ito. Ang mga mananaliksik ay

gagamit ng Purposive Sampling, sila ay mamimili ng limang babae at limang

lalake na may edad na labing pitong gulang at labing walong taong gulang.

Sa pananaliksik na ito, makakahanap ang mga mananaliksik ng kaugnay

na mga literatura at mga pag-aaral, kadalasan ang nagiging resulta sa ibang


7
Pananaliksik Ukol sa Tinatangkilik na Pagkain ng mga Estudyante ng ISHRM
Dasmarinas

pag-aaral ay mas tinatangkilik ang pinoy na pagkaing sa kadahilanan na mas

mura kaysa sa banyagang pagkain. Sa pananaliksik na ito tutukuyin ng

mananaliksik malaman ang iba’t ibang pagkain na tinatangkilik ng mga

respondente at mga dahilan nito, maging ang epekto ng mga banyagang pagkain

sa kanilang preperansya.

KABANATA 1
8
Pananaliksik Ukol sa Tinatangkilik na Pagkain ng mga Estudyante ng ISHRM
Dasmarinas

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN

Introduksyon

A. Bakgrawnd ng Pag-aaral
Ang pagkain ay isa sa mga pangunahing pangangailangan ng isang

nabubuhay na nilalang. Ito ang kailangan para sa paglaki at pagpapalakas ng

katawan. Isa rin ito sa mga mabuting mapagkukuhanan ng enerhiya at nutrisyon

upang mabuhay. Kaya naman ito ay kailangan sa pagpapanatili ng wastong

pangangatawan ng isang tao.

Sa bawat panahon hindi lang pinoy na pagkain ang nakikilala maging ang

mga banyagang pagkain ay nakikilala na sa iba’t-ibang mga lugar. Kaya naman

nais ng mananaliksik malaman kung ano ang mas gustong pagkain ng mga

estudyante ng ISHRM Dasmarinas, upang malaman kung pinoy na pagkain o

banyagang pagkain ang kanilang tinatangkilik.

Batid sa ating kaalamanan na bakas ng halos apat na raang taong (400)

pananakop ng mga kastila sa Pilipinas ay makikita at malalasahan sa

napakaraming pang araw-araw o pampiyestang pagkaing Pilipino ang

impluwensya nito. Makikita ang impluwensya ng Intsik, Indonesia, Malaysia at

Thailand at iba pa sa mga pagkaing pinoy.


Isa ang pagkaing Hapon sa banyagang pagkain na pangunahing kilala na

ng mga estudyante, ang pinaka-kilalang pagkaing hapon ay sushi, Donburi,

Ramen at iba pa.

Samantalang ang pangunahing pagkain naman ng mga koreano ay

kimchi ,bachan ,Japchae at marami pang iba. Isa din ang pagkaing Chinese na
9
Pananaliksik Ukol sa Tinatangkilik na Pagkain ng mga Estudyante ng ISHRM
Dasmarinas

kilala sa Dim sum , Dumpling, fried rice at kung ano ano pa. Iyan ang mga

kadalasang banyagang pagkain na kilala na sa ating bansa, ngunit bago pa man

ito nakilala mas kilala ang mga pinoy na pagkain sa pagkakaroon ng adobo,

lechon, kare-kare , bulalo at iba pa . ayan ang mga pagkain na kinakain ng bawat

tao. Sa pananaliksik na ito malalaman ng mananaliksik kung ano ang mga

pagkaing mas gusto ng mga estudyante.

B. Paglalahad ng Suliranin
Isa sa mga nakita at na-obserbahan ng mga mananliksik ay tila nawawala

na ang pagkahilig ng mga estudyante sa mga pagkaing pinoy at mas tinatangkilik

na nila ang mga banyagang pagkain kaya naman ang mga sumusunod na

tanong ay sisikaping tugunin ng pananaliksik na ito:

1. Ano ang mga pagkain na mas kinawiwilihan ng mga respondente?


2. Anu-ano ang mga banyagang pagkain ang tinatangkilik ng mga

respondente?
3. Ano ang dahilan ng mga respondent sa kanilang tinatangkilik na

pagkain?

C. Teoretikal / Konseptwal na Sanligan

Mag-aaral / Respondente

Mga Gustong Pagkain

Pinoy na Pagkain Banyagang pagkain


10
Pananaliksik Ukol sa Tinatangkilik na Pagkain ng mga Estudyante ng ISHRM
Dasmarinas

Ang Modelong ito ay naglalarawan kung paano malalaman kung ano ang

mas gustong pagkain ng mga mag-aaral ng ISHRM Dasmarinas , ang pinoy na

pagkain o ang mga banyagang pagkain.

D. Kahalagahan ng Pag-aaral

Mahalaga ang mga datos at impormasyong nakalahad sa pananaliksik na

ito, napakalaki ng maitutulong sa bawat isa. Sa mga estudyante at mananaliksik

na nais magkaroon ng ideya o kaalamanan ukol sa pagkain.

Para sa mananaliksik:

Mahalaga na malaman ng mananaliksik kung ano ang mas

kinagugustuhan o tinatangkilik na pagkain ng mga estudyante sa ISHRM sa

panahon ngayon. Upang sa dadating na hinaharap ang mananaliksik ay may

sapat na kaalamanan kung sila ay magtatayo ng sariling negosyo.

Para sa ibang estudyante:


11
Pananaliksik Ukol sa Tinatangkilik na Pagkain ng mga Estudyante ng ISHRM
Dasmarinas

Upang ang kanilang kamalayan pagdating sa pagkain ay mas lalo pang

maging bukas para sa mga bagong kaalamanan lalo na tayo ay nabubuhay sa

modernong panahon.

E. Iskop at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagsusuri sa mas gustong

pagkain ng mga respondente. Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay ang mga unang

taon sa kolehiyo na estudyante ng ISHRM Dasmarinas.

Ang mga mananaliksik ay nangangalap ng karagdagang impormasyon

upang lalong mapalawak at madagdagan ang mga datos na nakalap sa pag-

aaral gamit ang internet at makikipagpanayam sa mga respondente.

F. Depinisyon ng mga Terminolohiya


Upang mas maging madali at ganap ang pagkakaintindi ng mga

mambabasa at ibang mananaliksik narito ang mga ginamit na terminolohiya sa


12
Pananaliksik Ukol sa Tinatangkilik na Pagkain ng mga Estudyante ng ISHRM
Dasmarinas

pananaliksik na ito at ang mga kahulugan nito batay sa kung paano ginagamit

ang bawat terminolohiya.

 Respondente - Piling mag-aaral na batayan sa pananaliksik.


 ISHRM Dasmarinas – Isang paaralan na matatagpuan sa Cavite.
 Sushi – isang uri ng pagkain na mayroong sushi rice.
 Donburi – isang bowl ng plain cooked rice na nilalagyan ng ulam sa

ibabaw.
 Ramen – Chinese style noodles na mayroong sabaw at iba’t-ibang

toppings.
 Kimchi – fermented na repolyo na masangsang at maanghang.
 Japchae – pinaghalu-halong gulay sa korea.
 Bachan – ito ay iba’t-ibang side dishes sa korean
 Qualitative Research – isang pamamaraan sa pananaliksik.
 Purposive Sapmpling- isangpamamaraan sa pagpili ng respondent sa

pananaliksik.

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ang bahaging ito ng pananaliksik ay naglalaman ng mga pag-aaral at mga

literatura na may kaugnayan sa paksa ng mga mananaliksik upang mas lalong

maunawaan ng mga mananaliksik ang ginagawang pananaliksik.

A. Mga kaugnay na Pag-aaral na lokal

Ayon sa ginawang pananaliksik nila Cruz at Javallane (2010) na

estudyante ng UST College, na ang layunin ay malaman kung ano ang mas
13
Pananaliksik Ukol sa Tinatangkilik na Pagkain ng mga Estudyante ng ISHRM
Dasmarinas

tinatangkilik na pagkain ng mga estudyante sa UST. Ayon sa mga nakalap ng

mga mananaliksik na impormasyon at datos sa pamamagitan ng sarbey at

interbyu lumalabas na malaki ang agwat ng mga estudyante na mas gusto ang

mga pinoy food kaysa sa mga estudyante na mas pipiliin ang mga banyagang

pagkain. Isa sa maraming rason ng mga estudyante na mas tumatangkilik sa

pinoy food ay una, ay dahil sulit at magaan sa bulsa ang mga pinoy foods.

Pangalawa , sulit sa panlasa ang mga pinoy food. Lumalabas din sa pananaliksik

na mayroon din mga estudyante na mas gustong kumain ng mga banyagang

pagkain.

Isa din kaugnay sa pagaaral ang pananaliksik ni Dong na may paksa na “

Ang pagtangkilik ng mga Pilipino sa lutong banyaga” ito ay nagpakita na malaki

ang lamang ng mga pagkaing Pilipino sa mga pagkaing dayuhan pagdating sa

usapin ng preferensya ng mga Pilipino. Kaugnay ng pananaliksik na ito ay ang

impluwensya ng mga dayuhan na ginawa ng mga Pilipino ng sariling bersyon na

nagpakita lamang na malikhain ang mga Pilipino .

B. Mga kaugnay na Pag-aaral na sa labas ng bansa

Ayon sa Thesis of Food Preference of Vietnamese Teenager ng mga

estudyante sa University of Tromso, Norway (2010). Ang mga kabataan na

Vietnamese ay mas gusto ang pagkain ng karne kaysa sa pagkain ng mga isda,
14
Pananaliksik Ukol sa Tinatangkilik na Pagkain ng mga Estudyante ng ISHRM
Dasmarinas

ang mga mananaliksik ay gumamit ng Deskriptiv na pananaliksik upang

malaman ang mas gustong pagkain ng mga kabataan.

Isang pananaliksik din ang ginawa ni Natalie Caine-Bish tungkol sa Food

Preferences of School Age Childen and Adolescents in an Ohio School Districts,

ang layunin nito ay malaman ang mas gusto o preferensya sa pagkain ng mga

bata at mga kabataan. Lumalabas sa pananaliksik na High Fat and Calorie

Foods ang kilala sa lugar, ngunit marami din ang pinakagusto ay prutas.

C. Mga kaugnay na Literatura

Ang lasa, amoy at itsura ng pagkain ay makakatulong upang malaman

ang gustong pagkain at kung paano kumakain ang tao. Ang pagpili ng pagkain

at gustong pagkain ng populasyon ay nakabatay o kaakibat ng attidunal, social,

and economic variables such as income, ayon sa libro ni Adam Drew na TASTE

PREFERENCES AND FOOD INTAKE VOL.17: 237-253 (1997).

Ayon sa Food: A Fact of Life (2009) ang bawat tao ay ibat’iba ang gustong

pagkain, nakadepende ito sa pagiging kilala o hindi ng pagkain.


15
Pananaliksik Ukol sa Tinatangkilik na Pagkain ng mga Estudyante ng ISHRM
Dasmarinas

Ilan sa mga nakakaapekto sa pagpili ng pagkain ng mga tao ay ang lasa

at itsura nito. Maging ang pagiging abeylabol ng mga pagkain ay nakakaapekto

sa mas tinatangkilik na pagkain.

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa disenyo at paraan ng pangangalap

ng datos sa pananaliksik. Nakapaloob dito kung anung instrumento ang ginamit

sa pangangalap ng datos, paraan ng pagkuha ng datos, at mga tagatugon ng

pag-aaral o respondente.

A. Pamamaraang Ginamit
Ang Pananaliksik na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang

Qualitative Research. Ang Qualitative Research ay isang uri ng maka-agham na

pananaliksik. Sa pangkahalatang taning, ang maka-agham na pananaliksik ay

binubuo ng isang pagsisiyasat na naghahangad ng mga sagot sa isang tanong ,

ito din ay sistematikong mga gamit sa paunang-natukoy na hanay ng

pamamaran upang masagot ang mga tanong, iba pang katangian nito ay

pangongolekta o pangangalap ng mga katibayan. Sa pananaliksik na ito, ito ay


16
Pananaliksik Ukol sa Tinatangkilik na Pagkain ng mga Estudyante ng ISHRM
Dasmarinas

gumagawa ng mga nagpag-alaman na hindi natukoy ng maaga at gumagawa ng

mga napag-alaman na naaangkop na sa lagpas na hangganan ng agarang pag-

aaral.
Samakatuwid, Qualitative Research din ay naglalayong maunawaan ang

binigay na problema o isang paksa mula sa pananaw ng mga lokal na

populasyon na nasasangkot.

B. Populasyong Ginamit Bilang Sampol


Ang napiling respondente sa pananaliksik na ito ay ang mga mag-aaral sa

unang taon sa ISHRM. Sila ang napiling populasyon dahil ninais ng mga

mananaliksik na malaman ang mas gustong pagkain o ang mga tinatangkilik na

pagkain ng mga mag-aaral.


Purposive Sampling ang ginamit na pamamaraan sa pagpili ng mga

respondente. Nangangahulugan na pinili ang mga respondente dahil sila ang

akma sa layunin ng pananaliksik.


Mayroong piniling sampung mag-aaral upang maging respondente ng

pananaliksik.

C. Deskripsyon ng mga Respondente


Ang mga piniling respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral

ng kursong HRM na unang taon sa kasalukuyang semester ng ISHRM. Ang mga

mananaliksik ay kumuha ng sampung mag-aaral upang maging kanilang

respondente. Limang babae at limang lalake na may edad na labing pintong

taong gulang hanggang labingwalong taong gulang. Sila ang mga pilnili ng mga

mananaliksik dahil sila ang makakatulong sa pagaaral na ito.

D. Instrumentasyon
17
Pananaliksik Ukol sa Tinatangkilik na Pagkain ng mga Estudyante ng ISHRM
Dasmarinas

Dahil ninais malaman ng mga mananaliksik ang mga tinatangkilik na

pagkain ng mga respondente tanging interbyu ang gagamitin ng mga

mananaliksik na instrumento upang mapatupad ang pag-aaral na ito.

Ang mga mananaliksik ay naghanda ng mga interbyu- kwestyon ito ay:

1. Ano-anung pagkaing pinoy na tinatangkilik mo?


2. Ano-anung banyagang pagkain na tinatangkilik mo? At Bakit?
3. Kung papapiliin ka banyagang pagkain o Pagkaing pinoy? At Bakit?

E. Prosidyur sa Pangangalap ng Datos


Sa pananaliksik na ito ang mga mananaliksik ay gumagamit ng paraang –

pag-iinterbyu upang makakalap ng mga impormasyon. Ito ay isang paraan upang

malaman ang iba’t-ibang kaugalian ng mga tao at mga rason nito. Sa pag-aaral

ng mga mananaliksik ay tinatangkang malaman ng mga mananaliksik ang

kaugalian kung paano namimili ng pagkain ang mga respondente. Ninais din

malaman ng mga mananaliksik ang mas tinatangkilik na pagkain ng mga

respondente at mga dahilan nito.


Para sa lalong pagkaayos ng pananaliksik na ito ang mga mananaliksik

ay nangalap din ng mga impormasyon sa iba’t-ibang hanguan tulad ng internet,

aklat at iba pa.


Upang matukoy ang resulta ng pag-aaral, ang mga mananaliksik ay

magsisimula sa paggawa ng mga interbyu-kwestyon upang maging instrumento

ng pananaliksik at susundan ito ng pagwawasto sa mga nagawang tanong

upang matiyak ang kaangkupan ng mga tanong sa mga nais lutasin ng mga

mananaliksik. Ang pagkausap sa mga respondente at paghingi ng paghintulot na

magsagawa ng interbyu ang susunod. Personal na makikipagusap ang mga

mananaliksik sa mga respondente upang makakalap ng mga datos. Pagkatapos


18
Pananaliksik Ukol sa Tinatangkilik na Pagkain ng mga Estudyante ng ISHRM
Dasmarinas

maisagawa ang pakikipanayam sa mga piling respondente ang mga

mananaliksik ay magsisimula na sa pagsiyat sa mga nakalap na sagot mula sa

ginawang interbyu. Pagkatapos siyasatin ang mga sagot ang mga mananaliksik

ay magsasagwa ng pag-aaral upang matukoy ang resulta ng mga sagot.

Pagsasamahin ng mga mananaliksik ang mga magkakaparehong sagot upang

malaman ang bilang ng mga nakalap na resulta ayon sa mga sagot ng

respondente.

SANGGUNIANG AKLAT:

Thesis of Food Preference of Vietnamese Teenager ng mga Estudyante sa


University of Tromso.(2010).Norway

Cia Dong.(2010).Ang Pagtangkilik ng mga Pilipino sa Lutong Banyaga.

INTERNET:

http://tl.wikipedia.org/wiki/Pagkain

http://buhayofw.com/blogs/blogs-translation/ang-mga-pinakakilalang-
pagkaing-haponjapanese-food-o-dishes--5237cd4447521
19
Pananaliksik Ukol sa Tinatangkilik na Pagkain ng mga Estudyante ng ISHRM
Dasmarinas

http://buhayofw.com/blogs/blogs-translation/korean-food-guide-for-
filipinos-pinakakilalang-pagkaing-koreano-52e744becae4d

http://en.wikipedia.org/wiki/Chinese_cuisine

http://tomasinoweb.org/2014/blogs/mga-paboritong-pagkaing-tatak-
pinoy.tw

http://bedatenista.blogspot.com/

http://prezi.com/0x6qdf7ezk6n/ang-pangtangkilik-ng-mga-pilipino-sa-
lutong-banyaga-at-kung-b/)--

http://www.ccs.neu.edu/course/is4800sp12/resources/qualmethods.pdf

http://en.wikipedia.org/wiki/Nonprobability_sampling

http://www.language.berkeley.edu/ucfcp/unit7/babasahin2.php

http.//www.annualreviews.org/doi/full/10.1146/annurev.nutri.17.1.237

http://docs.schoolnutrition.org/newsroom/jcnm/07fall/caine-bish/index.asp

You might also like