You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS


Kolehiyo ng Akawntansi, Bisnes, Ekonomiks, at Pamamahalang Internasyonal sa
Hospitalidad
Lungsod ng Batangas

Abril 23, 2019

Sarbey-Kwestyuneyr

Mahal na respondente,

Isang mapagpalang araw po sa inyo.

Kami po ay mga mag–aaral mula sa BSA 1201 na kasalukuyang


nagsasagawa ng pananaliksik tungkol sa paksang “Epekto Ng Kontemporaryong
Panahon Sa Pagbabagong Pisikal At Istruktural Ng Panitikang Filipino Sa Mga
Mag-aaral Ng Batangas State University” na bahagi ng pangangailangan sa
asignaturang Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina—Fili 102.

Kaugnay po nito, naghanda kami ng talatanungan upang makapangalap ng


kinakailangang datos. Mangyari pong sagutan ang bawat aytem nang buong
katapatan. Ang mga datos po na makakalap sa sarbey na ito ay mananatiling
kumpidensyal at gagamitin lamang sa layuning ito.

Maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,

Mga Mananaliksik

I. Propayl ng mga Respondente


PANUTO: Punan ng kinakailangang impormasyon. Lagyan ng tsek (/) kung
kinakailangan.

Pangalan (Opsyonal):_______________________

Edad:
_____ 16-18 _____ 22-24
_____ 19-21

Seksyon:
_____ BSA-1201 _____ BSA-1203
_____ BSA-1202 _____ BSMA

II. Lawak ng Epekto ng mga Salik na Nakaaapekto sa Panitikang Pilipino


PANUTO: Nakatala sa ibaba ang lawak ng epekto ng mga salik na nakaaapekto
sa panitikang Pilipino. Lagyan ng tsek (/) ang hanay na napili gamit
ang mga sumusunod na batayan.

5- Lubos na Sumasang-ayon
4- Sumasang-ayon
3- Medyo Sumasang-ayon
2- Hindi Sumasang-ayon
1- Lubos na Hindi Sumasang-ayon

Lawak ng Epekto ng mga Salik na Nakaaapekto sa 1 2 3 4 5


Panitikang Pilipino
INTERNET
SOCIAL MEDIA
Bilang mga mag-aaral, naniniwala akong…
1. Nakaaapekto ang madalas na paggamit ng social media
upang matuto ng mga bagong salita.
2. Ang paggamit ng social media ay nakaaapekto upang
makakalap ng mga wikang banyaga at makaimbento ng
panibagong mga salita.
3. Ang social media ay nagsisilbing midyum ng mga
manunulat at mananalastas.
4. Napalalago ng social media ang mga umiiral na salita sa
isang komunidad.
5. Nagiging daan ang social media upang magkaroon ng
kamalayan sa mga diyalektong mayroon ang bansa.

YOUTUBE
1. Nakaaapekto ang panonod ng mga bidyo sa youtube sa
pagbabago ng paraan ng pagtula.
2. Ang panonood ng mga bidyo mula sa iba’t ibang mga bansa
upang mabago ang paraan ng pananalita.
3. Ang salitang naririnig mula sa mga napapanood sa bidyo ay
pinagsama-samang mga salita ng iba’t ibang kultura na
nakaaapekto sa paraan ng pagsulat sa Filipino.
4. Ang mga salitang nahinuha mula sa youtube ang nagagamit
na makabagong panahon sa pagsulat.
5. Madaming mga salita ang naiimbento at naririnig sa mga
bidyo sa youtube.
WATTPAD
1. Nakaaapekto ang wattpad upang gawing batayan ng mga
manunulat sa pagsulat ng mga akda.
2. Nakaiimpluwensya ang mga binabasang makabagong
salita upang maglahad ng mga ideya o eksplanasyon sa
paaralan.
3. Ang wattpad ay nakaaapekto sa pagbuo ng mas kawili-
wiling sanaysay at tula.
4. Nakaiimpluwensya ang wattpad sa paggamit ng mga
salitang modernisado o napapanahon sa
pakikipagtalastasan.
5. Nakatutulong ang wattpad sa pagpapahayag ng mas
malinaw na damdamin sapagkat natututunang damahin ang
karakter sa binabasa.

TELEBISYON 1 2 3 4 5
Bilang mga mag-aaral, naniniwala akong…
1. Ang panonood ng telebisyon at ang impluwensya nito sa
paraan ng pag-iisip ng kabataan sa paraan ng pananalita.
2. Mas nakadaragdag interes ang pagbasa kung katulad ng
mga napapanahong programa sa telebisyon ang
napanonood.
3. Mula sa mga napanonood sa telebisyon nalalaman ang
konyong paraan ng pananalita.
4. Ang mga barayti na palabas kung saan ay impormal na
pananalita ang ginamit ay nakaaapekto sa persepsyon ng
pagsulat.
5. Ang mga palabas na nagpapakita ng mga panoorin mula sa
iba’t ibang bansa ay nakaaapekto sa pinaghalong paraan
ng pakikipagtalastasan.
III. Lawak ng Epekto ng Kontemporaryong Panahon sa Panitikang Pilipino
PANUTO: Nakatala sa ibaba ang lawak ng epekto ng mga salik na
nakaaapekto sa panitikang Pilipino. Lagyan ng tsek (/) ang hanay na
napili gamit ang mga sumusunod na batayan.

5- Lubos na Kapansin-pansin
4- Kapansin-pansin
3- Medyo Kapansin-pansin
2- Di-Kapansin-pansin
1- Lubos na Di-Kapansin-pansin
Lawak ng Epekto ng Kontemporaryong Panahon sa 1 2 3 4 5
Panitikang Pilipino
PARAAN NG PAGSULAT
Bilang mga mag-aaral, naniniwala akong…
1. Naging mas angkop sa bagong henerasyon ang paraan ng
pagsulat nang dahil sa mga makabagong sistema ng
pagsulat tulad ng pagpapaikli ng mga salita.
2. Ang paggamit ng istruktura, istilo, ideya at detalye ay naging
mas malaya.
3. Lumaganap ang paggamit ng mga salitang konyo, balbal at
kolokyal sa pagbuo o pagsulat ng isang teksto.
4. Nawalan ng mahigpit na restriksyon sa lalim ng ideya at
salita na ginagamit sa pagsulat.
5. Naging maikli ang pagsulat ng mga akda dahil sa pag-unti
ng mga bantas na ginagamit dahil sa modernisadong
pagbabago.
INTERES SA PAGBASA
1. Higit na pinipiling basahin ang mga akdang binubuo ng mga
napapanahong salita/diyalekto
2. Pinagtutuunan ng pansin ang mga akdang sumasalamin sa
mga kasalukuyang pangyayari sa lipunan.
3. Higit na tinatangkilik ang mga akdang nasa anyo ng bidyo
at may kaagapay na musika.
4. Binibigyang pansin ang mga kdang nakapaloob sa media at
internet.
5. Kawalan ng interes sa mga babasahing nakalimbag.

IV. Mga Posibleng Solusyon sa Problema


PANUTO: Nakatala sa ibaba ang lawak ng epekto ng mga salik na nakaaapekto
sa panitikang Pilipino. Lagyan ng tsek (/) ang hanay na napili gamit
ang mga sumusunod na batayan.

5- Lubos na Sumasang-ayon
4- Sumasang-ayon
3- Medyo Sumasang-ayon
2- Hindi sumasang-ayon
1- Lubos na hindi sumasang-ayon
Mga Posibleng Solusyon sa Problema 1 2 3 4 5
Bilang mga mag-aaral, naniniwala akong kinakailangang…
1. Bigyang-diin ang malalim na paggamit ng mga salita sa mga
paaralan sa pagsusulat.
2. Higpitan ng mga guro ang pagbibigay marka sa paraan ng
mga mag-aaral ng pagsulat.
3. Bigyan ng mataas na konsiderasyon ang pagpili ng mga
salita ng mga mag-aaral.
4. Tuwirang gamitin ang mga babasahin na nanghihikayat
nang malalalim na pananalita.
5. Paunlarin ang gamit ng matatalinhagang salita sa
pagpapabasa ng mga sinaunang mga babasahin.
6. Iklian lamang ang oras ng paggamit ng internet sites para
sa mga mag-aaral.
7. Limitahan ang akses ng mga mag-aaral sa social media
kapag nasa paaralan.
8. Manghikayat na basahin ang mga pormal at pang-
edukasyon na mga sipi.
9. Ipaintindi ang kagandahan ng mga matatalinhagang salita
at ang kahalagahan nito sa panitikan.
10. Mag-ensayo sa pagsulat at pagbasa ng mga kilalang mga
aklat ng mga kilalang manunulat ng Panitikang Pilipino.

___________________
Lagda ng Respondente

You might also like