You are on page 1of 4

Teoryang Pampanitikan

Teorya
Pormulasyon ng palilinawing mga simulain ng mga tiyak na kaisipan
upang makalikha ng malinaw at sistematikong paraan ng paglalarawan
o pagpapaliwanag kol dito.
Teoryang Pampanitikan
Isang sistemang ng mga kaisipan at kahalagahan ng pag-aaral na
naglalarawan sa tungkulin ng panitikan, kabilang ang layunin ng
takstong panitikan na ating binabasa.
Mga teoryang pampanitikan— Ang Mga Teorya ng Panitikan May
iba’t ibang paliwanag ang iba’t ibang mga kritiko at makata patungkol
sa mga nasabing mga teorya ng panitikan. kayat kahit anong sabihin
ko baka magkamali lang ako ng aking mga magiging kasagutan
patungkol sa mga teorya ng panitikan. Narito ang aking mga pahayag
sa mga teorya ng panitikan na malimit na gamitin sa ating mga akdang
pampantikan.
Uri nito:
1. Klasismo– Ito ay ang mga sinulat ng mga dakilang manunulat. Mga
halimbawa nito ay ang MARS CITY, FUSE BOX, POSPORO.

2. Humanismo– Sa pag-aaral at pagsusuri ng akda sa pananaw ng


Humanismo, pinaniniwalaan na ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay
kaya’t kailangang ma-ipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa
pagpapahayag sa saloobin sa pagpapasya.
Naniniwala ang mga humanista na sibilisado ang mga taong nakapag-
aaral dahil kinikilala ang kultura.
Ang humanismo ay nakatuon sa mga tao at ginagamitan ito ng ideya
ng mga tao.
3. Imahismo– Naipapahayag ang kalinawan sa mga imaheng biswal,
eksaktong paglalarawan o pagbibigay anyo sa mga ideya

4. Realismo– Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan


kaysa kagandahan. Sinumang tao, anumang bagay at lipunan ayon sa
mga realista, ay dapat maging makatotohanan ang paglalarawan o
paglalahad. Karaniwang nakapokus ito sa pakgsang sosyo-pulitikal
kalayaan, at katarungan para sa mga naapi.

5. Feminismo– ang Feminismoay tumutukoy sa kalaksan at sa


kakayahan ng tauhang babae sa isang kuwento o akda.

6. Arkitaypal– Teoryang Arkitaypal Ang layunin ng panitikan ay


ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng
mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga simbolismo
sa akda. Pinakamainam…

7. Formalism – ang pagpapaliwanag sa anyo ng akda ang tanging


layunin ng pagsusuri; samakatwid, ang pisikal na katangian ng akda
ang pinakabuod ng teoryang formalismo. ang tunguhin ng teoryang ito
ay matukoy ang: nilalaman, kaanyuan, o kayarian, paraan ng
pagkakasulat ng akda..

8. Sosyolohikal– Ang teorayng sosyolohikal ay may paksang


nagbibigay ng kaapihang dinanas ng tauhan sa kwento. ang akda rin
sy nsgiging salamin sa mga tunay na nangyayari sa lipunan. Sa
kuwentong “TATA SELO” ni Rogelio Sikat ay masasalamin ang
aktwal na pangyayari sa lipunan. ang pang aapi sa mga mahihirap at
pagturing dito na mababang uri.

9. Eksistensyalismo– hinahanapan ng katibayan ang kahalagahan ng


personalidad ng tao at binibigyan halaga ang kapangyarihan ng
kapasyahan laban sa katwiran
10. Dekonstraksyon– -ito ay teoryang pangpanitikan na pwede mong
baguhin ang katapusan at pwede ka ding mag dagdag nga mga tauhan
ngunit hindi mo pwedeng buhain ang mga namatay na sa akda.

11. Romantisismo– ang teoryang pampanitikang umusbong sa


Europe noong ikalawang hati ng ikalabingwalong dantaon. Kasalungat
ng romantisismo ang klasismo sapagkat ang higit na pinahahalagahan
ng romantisismo ay ang damdamin at guniguni. Nagpapamalas ang
romantisismo ng pag-ibig sa kalikasan, pagmamahal sa kalayaan ay sa
lupang sinilangan, paniniwala sa taglay na kabutihan ng tao,
paghahangad ng espiritwalidad at hindi mga bagay na materyal,
pagpapahalaga sa dignidad hindi sa mga karangyaan at paimbabaw na
kasiyahan at kahandaan magmahal sa babae/lalakeng nag-aangkin ng
kapuri-puri at magagandang katangian, inspirasyon at kagandahan.

12. Marksismo- inuuwa ang akda batay sa kalagayan ng mga tauhan.


Hinahanapan ang akda ng patunay ng mga naglalabasang lakas sa
pagitan ng mahina at malakas, matalino at mangmang, duwag at
matapang, mahirap at mayaman. Dito nakapaloob ang mga tauhang
bida at kontrabida. May suliranin ang bida at ang gumagawa nito ay
ang kontrabida. Sa teoryang ito, di padadaig ang naaping tauhan,
babalikwas ito upang madapi ang nangaaping lakas.

13. Historical– ang teoryang ito ay patungkol sa pinagmulan at pag-


unlad ng wikang ginamit sa mga akdang pampanitikan. Kakikitaan
ang mga akda ng mga pagbabago sa paggamit ng mga salitang
naaayon sa panahon at sa kultura na may kinalaman sa mga
pagbabagong nagaganap sa ating bayan, kasama rito ang mga
pagbabagong nagaganap sa ating lipunan, ekonomiya, edukasyon,
agrikultura at higit sa lahat ang ating pananampalataya
14. Bayograpikal– ang teoryang ito ay patungkol sa may-akda ng
mga akdang pampanitikan, siya ang nagsusulat o sumusulat ng mga
akdang pampanitikan na ating nababasa magpasahanggang ngayon.
Ang teoryang ito ay tumutukoy sa bakgrawnd ng may akda sa
kanyang sinulat na akda, makababasa tayo ng ilang mga pangyayaring
nangyari sa tunay na buhay ng may-akda upang masmapaganda pa
nito ang paghubog sa kanyang sinulat na akda. Kakikitaan din ito ng
pilosopiya ng may akda sa dahilang kababasaan ito ng kanyang
pananaw patungkol sa mga bagay na nais niyang ihatid sa mga
mambabasa.

15. kultural— tumutukoy sa mga kwenotng base sa isang kulturang


pinaghanguan ng kwento o tula.

You might also like