You are on page 1of 1

Tayo ay nabubuhay ngayon sa mundong napupuno ng kaguluhan.

Nariyan ang mga problema sa lipunan,


pulitika, ekonomiya at iba pa. At dahil ito ang mga nakapaligid sa atin, maaaring maapektuhan ang ating
pag iisip at mawala ang kapayapaan ng isip o tinatawag nating peace of mind. Ngayon, paano kaya tayo
matutulungan ng bibliya na magkaroon ng kapayapaan ng isip? Sinasabi ng (Gawa 17:24, 25) na tayong
lahat ay nilikha ni Jehova at nagmula tayo sa kaniya. Paano naman ito magdudulot ng kapayapaan ng
pag iisip? Oo, nababago ang pananaw natin sa ibang tao kapag nalaman nating kapuwa tayo nagmula sa
Diyos, naaapektuhan din ng gayong kaalaman ang pangmalas natin sa ating sarili at sa ating mga
problema.

Isaalang alang natin ang dalawang sitwasyon. Una, kapag kailangang gumawa ng mahihirap na pasya.
Napapaligiran tayo ngayon ng mga teknolohiya na napakalibilis magpalaganap ng mga impormasyon, at
kung tayo ay magpapaapekto sa mga iba’t-ibang opinyon ng sanlibutan na naroon, maaaring magdulot
ito sa atin ng kalituhan. Kaya ano ang dapat nating gawin? (Kawikaan 3:5, 6) -----Magtiwala ka kay
Jehova nang buong puso, At huwag kang umasa sa sarili mong unawa. Isaisip mo siya sa lahat ng
tatahakin mong landas, At itutuwid niya ang mga daan mo---- Maliwanag sa ating nabasa na
magtiwala tayo kay Jehova ng buong puso at wag umasa sa unawa ng tao. Kaya kung tinatanggap natin
si Jehova bilang ating maibiging maylalang, tayo ay makapagtitiwalang alam niya ang pinakamabuti para
sa atin. Masusunod natin ang payong ito kung tayo ay nagtitiwala at umaasa sa payo ng Bibliya dahil
binabanggit sa 2 Timoteo 3:16 na ang lahat ng kasulatan ay kinasihan ng Diyos na Jehova, at kapag
nagawa na tin ito mawawala ang mga kabalisahan natin kapag napapaharap tayo sa mga hamon at
pagpapasiya.

Ang ikalawang sitwasyon ay kapag may pagtatangi. Alam natin na ang pagtatangi ay hindi lamang basta
nakikita sa kinikilos natin kundi nagmumula ito sa ating pag iisip. At kapag tayo naman ay nabiktima nito,
maaari tayong manliit sa ating sarili at isipin na wala tayong halaga kumpara sa ibang lahi. Magandang
mabasa natin ang sinasabi ng bibliya sa Gawa 17:26. ----At mula sa isang tao, ginawa niya ang lahat ng
bansa para manirahan sa ibabaw ng lupa, at nagtakda siya ng panahon para sa mga bagay-bagay at ng
mga hangganan kung saan maninirahan ang mga tao--- binanggit dito na ginawa ni Jehova ang buong
lupa upang tirahan ng lahat ng mga tao sa lahat ng bansa kaya mauunawaan natin na walang
makatuwirang dahilan na isiping nakahihigit tayo sa ibang lahi o na wala tayong halaga kumpara sa ibang
lahi dahil ang ating Diyos na lumalang sa atin ay hindi nagtatangi gaya ng binabanggit sa Gawa 10:34.

Kaya kahit na nabubuhay tayo sa magulo at masalimuot na sistemang ito ng mga bagay, tayo man ay
nagkakaroon ng mahihirap na pasya, o mapaharap sa pagtatangi, ang pagkaalam na tayo ay nilikha ni
Jehova at nagmamalasakit siya sa atin ay tiyak na magdudulot sa atin ng tunay na kapayapaan ng isip.

You might also like