You are on page 1of 2

BORLASA, Raymond S.

BSED FILIPINO 4-1N

BATABATUTA

"Langit lupa impyerno, im im impyerno. Saksak puso tulo ang dugo. Patay,
buhay umalis kana sa pwesto mo." Tanaw na tanaw ko sila mula sa bintana sa ikatlong
palapag ng aming bahay kasabay ng maalinsangang hangin na dumampi sa aking mga
pisngi. Ang kasiyahan ng mga batang naglalaro sa tapat ng aming bahay ay ang siyang
araw-araw na pumupukaw sa aking atensyon. Kabilang sa kanila si Meloy, apo ni Kuya
Romer na nakitulong sa paghahalo ng semento noong ginagawa pa lamang ang aming
bahay. Kung 'di ko nga lang kapit-bahay itong matanda na ito ay hindi ko mahihinuhang
magkadugo sila. Hinding hindi mo makikita sa itsura ni Meloy na may lolo siyang tulad
ni Kuya Romer. Malayo talaga, Maniwala ka. Sa kutis ba naman ni Meloy na 'simputi ng
labanos at mukhang 'sing amo ng isang artista ay hindi mo talagang aakalain na
maglolo sila. Dagdag mo pa ang masiyahin at masigla pakikitungo ni Meloy sa mga
kalaro't kapait-bahay niya. Takbo dito, takbo roon halos lahat na ata ng uri ng pagtaya
sa kalaban ay sinubukang gawin ni Meloy na siyang kasalukuyang taya sa kanilang laro.
Aaah haha, batchuin na yan! batyuin na yan! batyuin na yan!, kantyaw ng kanyang mga
kalaro sabay tawanan. Kahit na nakikita kong nagpipigil na lamang ng inis at luha si
Meloy dahil pagod na siya kahuhuli sa kanyang mga kalaro ay buong sikap parin niyang
inaabot ang kanyang mga kalaro upang sila naman ang mataya. Sa bawat patak ng
kanyang pawis at determinasyong ipinakikita ay talagang hahangaan mo si Meloy.
Maya-maya pa, dahil sa labis na panggigigil na makataya ay mas tinulinan pa niya ang
kanyang takbo. Hindi na niya nakontrol ang kanyang sarili at dumire-diretso siya sa gilid
ng kalsada at nadulas. Kitang-kita ko ang namumugtong mga mata ni Meloy kasama
ang mga galos at sugat niya sa braso at binti. Bawat hapdi at kirot na dulot ng duguan
niyang mga sugat ay kitang kita sa lukot sa kanyang mukha. Kahit ilang ulit pa mang
pigilin ni Meloy na huwag ipakita at iparinig ang bawit pait, kusa nang tumulo ang
kanyang mga luha sa kanyang pisngi. Higit sa mga galos, pasa at sugat na tinamo ni
Meloy, makikita mong may iba pa siyang pinag-aalahanan. Paparating na kasi ang lolo
niyang may dala-dalang patpat na sasalubong sa musmos niyang katawan. Hindi ang
kanyang mga sugat ang iniiyakan niya bagkus ang nakabinbing takot sa loob niya
habang unti-unting lumalapit sa kanya ang lolo niyang mula noon pa man ay tanging
sapok at suntok ang sinasalo niya. "'Diba ang sabi ko sayo matulog ka! Umuwi ka roon
letse kang bata ka" Sermon ni Kuya Romer sa apo niya habang hinahagupit ng patpat
ang binti ng bata. Bukas kaya? makikita ko pa ang batang si Meloy na maglalaro sa
tapat ng aming bahay? tanong ko sa sarili ko habang sinasara ang bintana kung saan
ko natanaw ang lahat.

You might also like