You are on page 1of 9

See discussions, stats, and author profiles for this publication at: https://www.researchgate.

net/publication/315756609

Si Rizal Bilang Kritiko ng Ekonomikal at Politikal na Kalagayan ng Pilipinas


noong Ikalabing Siyam na Siglo at ang Pag-usbong ng Kanyang Damdaming
Makabayan at Pagmamahal sa Wika

Research · April 2017


DOI: 10.13140/RG.2.2.24830.18244

CITATIONS READS

0 3,937

1 author:

Wilson Villones
University of the Philippines
30 PUBLICATIONS   1 CITATION   

SEE PROFILE

Some of the authors of this publication are also working on these related projects:

Ethics and the Practices of the Self in Michel Foucault View project

On Wittgenstein’s Grammatical Remarks Concerning Understanding and Meaning, and on Other Related Concepts View project

All content following this page was uploaded by Wilson Villones on 03 April 2017.

The user has requested enhancement of the downloaded file.


1

SI RIZAL BILANG KRITIKO NG EKONOMIKAL AT POLITIKAL NA KALAGAYAN


NG PILIPINAS NOONG IKALABING SIYAM NA SIGLO AT ANG PAG-USBONG NG
KANYANG DAMDAMING MAKABAYAN AT PAGMAMAHAL SA WIKA
Wilson Villones

Isinulat ni Jose Maria Sison na isang simbolong maituturing ang buhay ni Dr. Jose Rizal,
isang simbolong kumakatawan sa kung ano ang kaligiran ng ekonomikal at politikal na
kalagayan ng mga gitnang uri noong ikalabing siyam na siglo. Ang pamilyang Rizal sa Calamba
ay may kakayanang suportahan sa pinansyal na aspeto ang pag-aaral ni Dr. Jose Rizal sa Europa.
Mula sa pag-aral na ito naging lubos ang pagkamulat ng bayani mula sa pagkabulag na sanhi ng
nabubulok na sistema ipanatutupad ng mga Espanyol sa bansang kolonya. Mula sa pag-aaral na
ito nasundan natin ang pagkakaroon ng anyo ng liberalismo sa intelektwal na kaisipan ni Dr. Jose
Rizal. Nabanaag niya ang pang-aaping patuloy na pinatutupad ng mananakop sa bansang
kanyang pinagmulan Sa obserbasyon niya sa kalagayan ng masa, ng kanyang mga kababayan,
nakita niya ang kanser ng lipunan. Sa tagpong ito, makikita natin kung paano nabuo ang kritikal
at liberal na pamamaraan ng pag-iisip ni Dr. Jose Rizal, ang kanyang damdaming makabayan at
pagmamahal sa wika. Ang mga kaisipang nabanggit ang syang aking palalawakin sa papel na ito.
Ito rin ang magsisilbing kahalagahan para sa akin ng pag-aanalisa sa buhay at mga gawa ng
nasabing bayani.

Ang pagsusulong ng interes ng bayan bago ang interes na makadayuhan ang mababanaag
nang malinaw sa buhay ni Dr. Jose Rizal. Marahil sanhi ito ng kanyang pagkasaksi sa di
makatarungang pagbitay sa paring Gomburza, gayundin ang nakitang di makatarungang
pagdakip at pagpapahirap sa inang si Teodora Alonso. Ninais ng ating bayani na maalis ang
ganitong uri ng sistemang umiiral sa bansang kolonya ng Espanya. Nararapat lamang na ang
interes at kapakanan ng mga Pilipino ang mauna bago ang interes ng mananakop na Espanyol.
Dito natin makikita ang simula ng pag-alab ng damdaming makabayan ni Dr. Jose Rizal.

Mailalapat nating mainam ang mahalagang kaisipang ito sa pangkasalukuyang


pangyayari sa bansa. Halimbawa na lamang ng kasunduang pangmilitar na nilagdaaan
kamakailan lamang sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos. Mayroong mga bumabatikos sa
ganitong uri ng kasunduan: interes ba ng mga mamamayang Pilipino o ang maka-Amerikanong
2

hangarin lamang ang siyang isinusulong sa kalakarang ito? Kung interes na makadayuhan ang
namamayani sa gobyerno, maihahalintulad ang pamahalaang ito sa katauhan ni Donya Victorina
sa Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal. Si Donya Victorina ang isang representasyon ng kolonyal
na pag-iisip na handang itakwil ang sariling pagkakakilanlan kapalit ng makadayuhang
impluwensya. Kung pansariling interes naman ang siyang iniintindi bago ang interes ng masang
Pilipino, binabatikos din ito ni Dr. Jose Rizal sa pagpapakilala niya sa katauhan ni Basilio
sapagkat inisip niya ni Basilio na ang gampanin ng isang estudyante ay makakuha lamang ng
diploma at maging mayaman pagkatapos. Hindi niya isinaalang-alang ang kalagayan ng masang
kanyang pinanggalingan.1

Bukod sa pagkakaroon ng damdaming makabayan, ang pagkakaroon ng kritikal na


pamamaraan ng pag-iisip na hindi lamang basta tumatanggap ng mga kuro-kuro at paniniwala na
hindi sumailalaim sa isang malalim at pilosopikong pag-iisip ang isa pang mahalagang aspeto na
mapupulot natin sa pag-aanalisa ng kanyang buhay at gawa. Maaalalang lubos na binatikos ni
Dr. Jose Rizal ang pamamalakad ng Simbahang Katolikong pinaghaharian ng mga ganid na
paring Espanyol. Hindi ito isang kagulat-gulat na katangian sa isang taong nabuhay kasabay ng
panahon ng Enlightenment Movement sa Europa (1650- 1800) na pinangunahan ni Immanuel
Kant. Sa panahong ito namayani ang paggamit ng rason at pagpapatibay sa kakayahan ng tao na
hindi nakaugat parati sa itinuturo ng relihiyon at tradisyon. Sa panahon ding ito nagmula ang
mga pilosopong nagsulong ng liberalismo sa pangunguna ni John Locke (1632-1704)2 at John
Stuart Mill (1773-1836)3 mula sa Inglatera. Ang kaisipang namamayaning ito sa Europa ang siya
namang matutunan at tatatak sa isipan ng ating pambansang bayani. Totoo nga ang sinasabi ni
Pilosopong Tasio, na ang pagbabago ay magmumula sa mga bagong kaisipang mula sa ibang
bansa.

Hinggil sa relihiyon, hindi maituturing na erehe si Dr. Jose Rizal. Naniniwala akong
naniniwala siya na may Diyos. Ngunit sa mga nakita niyang mga kontradiksyong nakapaloob sa
sinasabi ng Diyos at ginagawa ng Simbahan noong panahon niya, dahil na rin sa kaisipang

1
Mula sa JOSE MARIA SISON, Rizal the “Subversive”.
2
Sumangguni sa JOHN LOCKE, “Second Essay Concerning Civil Government” sa Great Books of the
Western World, ed. ni Robert Maynard Hutchins, vol. 35, William Benton, Chicago, 1952.
3
Tingnan sa JOHN STUART MILL, On Liberty, Penguin Books, Harmondsworth, 1974, Chapter II.
3

liberalismong namamayani sa Europa, binatikos niya ang praylokrasya. Sa Noli, pinakita niya
ang ideya niya hinggil sa praylokrasya sa katauhan ni Padre Damaso at Padre Camora. Ang
imahe ng hindi makataong pagtrato ng mga prayleng ito ay lalong pinaliwanag ni Dr. Jose Rizal
sa katauhan pa nina Sister Rufa at Sister Pute na silang nagpapatibay ng hungkag na kaisipang
naniwala sa mga pamahiin gayundin sa induluhensiyang nakaugat sa pagkaganid ng mga paring
Espanyol sa salapi.

Sa kasalukuyan, ang susi sa pagkamulat sa mga itinuturo ng tradisyon ay ang


pagkakaroon kritikal ng isipan. Dito natin matutunan na hindi dapat tanggapin ang mga katuruan
at doktrinang may nakapaloob na kontradiksyon, mga ideyang makikita rin kay Kant. Ayon kay
Kant, sa pagpapakita ng limitasyon ng rason, sinasabi niyang walang kakayanan ang sinuman na
maunawaan ang mga kontradiksyon kaya naman ang mga ito ay nabibilang sa numenal na
mundo.4 Kaya naman hangga’t maari, iwasan ang magpaloob ng mga kontradiksyon sa mga
diskurso. Ngunit sinasabi naman ni Hegel na ang mga kontradiksyon ang syang nagsusulong ng
kasaysayan upang maging progresibo ito. At ang tunay na pilosopo ayon kay Hegel ang siyang
makakakita na ang mga kontradiksyon ang mismong dahilan ng pagiging progresibo ng
kasaysayan at sa kontradiskyon din makikita ang mismong kagandahan ng buong pilosopiya.5
Ang pilosopiyang ito ni Hegel ay siya ring tutularan ni Karl Marx sa kanyang dialectical
materialism, gayundin ni Dr. Jose Rizal. Gaya ng nabanggit ni Pascual sa kanyang Rizal’s
Philosophy of History, para kay Dr. Jose Rizal ang pilosopiya ng kasaysayan ng lipunan ay
resulta ng resolusyon o sintesis ng sigalot sa pagitan ng tunggalian ng mga institusyon o maging
ng social movements.6 Ngunit kaiba kay Marx, sinasabi ni Pascual na para kay Dr. Jose Rizal ang
pagbabagong ito ay nakadepende sa uri ng lipunan mayroon ang isang lugar, hindi lamang dahil
sa pagkakaroon ng thesis at anti-thesis kundi dahil na rin sa patuloy na pakikipaglaban ng mga
tao para mabuhay.7 Nabanggit rin ni Ramon Guillermo, bagaman hindi siya kumpletong sang-

4
Tingnan sa IMMANUEL KANT, Critique of Pure Reason, trans. by Paul Guyer and Allen Wood,
Cambridge University Press, Cambridge, 1998.
5
Mula sa HENRY D. AIKEN, The Age of Ideology, Houghton Mifflin Company, Chicago, 1956.
6
RICARDO PASCUAL, “Rizal’s Philosophy of History” sa Himalay: Kalipunan ng mga pagaaral
kay Jose Rizal, ed. nina Patricia Melendrez-Cruz at Apolonio Chua, Sentrong Pangkultura ng Pilipinas,
Manila, 1961/1991, 316. Malayang salin sa Filipino.
7
R. PASCUAL, “Rizal’s Philosophy of History”, 316. Kung tama ba o hindi sa Pascual ay hindi ko
nilalayong sagutin sa sanaysay na ito at ipanauubaya ko na sa mambabasa ang hatol.
4

ayon kay Pascual, na ang pilosopiya ng kasaysayan ni Dr. Jose Rizal na inihahain ni Pascual ay
mas mainam kaysa sa paniniwala ng dialectical materialism ni Marx.8

Sa pagkakataong ito nais ko rin banggitin na hindi lamang kritikal sa Dr. Jose Rizal sa
relihiyon at sa mga itinuturo ng tradisyon. Higit sa lahat, kritikal siya sa social reality ng
lipunang kanyang pinagmulan, taliwas sa pag-iisip ng tauhang si Basilio. Ito marahil para sa akin
ang pinakamahalagang aral na mahihinuha natin kay Dr. Jose Rizal. Halimbawa na lamang, sa
kanyang artikulong sinulat The Philippines a Century Hence, ipinakita niya ang di
makatarungang pagtrato ng mga mananakop na Espanyol sa mga Pilipino at sa pag-aanalisa niya,
ang mga pangyayaring ito ay magbibigay ng national consciousness na siyang magbubuklod sa
mga Pilipino. Sa The Indolence of the Filipinos naman, sa pagnanais niyang tanggalin ang
diskriminasyon sa lahi, kanyang tinuligsa ang sinasabing di umanong natural na katamaran ng
mga Pilipino. Sinasabi ni Dr. Jose Rizal na walang katotohanang tamad ang kanyang mga
kababayan; ang sosyolohikal na katotohanan sa halip ay ang mga dayuhang mapang-api ang
totoong walang ginagawa kundi ang pagkamkam sa bunga ng pawis at dugo ng mga Pilipino.
Higit sa lahat sa Noli, sa tauhan ni Kabesang Tales pinakita ni Dr. Jose Rizal na ang problema sa
lupa ay isang seryosong suliranin sa mga bansang kolonya. Ang insidenteng nangyari sa
Calamba, tulad ng sinasabi ni Sison, ang nagmulat ng sistemanang ito kay Dr. Jose Rizal. Kaya
naman higit na ninais ni Dr. Jose Rizal ang pagkakaroon ng tunay na reporma, lalo’t higit sa
iskema ng palupa. Sa Noli halimbawa, sa katauhan ni Chrisostomo Ibarra, isang repormista na
naghahangad na pagbabago sa paghihirap ng Inang Bayan na sinisimbolo ng paghihirap ni Sisa,
ipinakita ni Dr. Jose Rizal ang posibilidad ng reporma sa kolonyang bansa at kung hindi
magtagumpay, sa El Filibusterismo, sa katauhan ni Simoun pinasok din niya ang posibilidad ng
isang rebolusyon.9

Ang ganitong suliranin ay nasa makabagong iskema pa rin ng lupa ngayon, bagama’t
may kaunting pagbabago sapagkat ang mga dating Espanyol ay pinalitan na ng mga panginoong
may lupa na karamihan ay sila nang nanggigipit sa kapwa kababayan nila. Ang halimbawa ng
sigalot sa Hacienda Luicita ang nagpapatunay na ang suliranin sa lupa ay suliranin na, simula

8
RAMON GUILLERMO, “Moral Forces, Philosophy of History, and War in Jose Rizal”, sa Philippine
Studies 60, No. 1, 2012, 5.
9
Tingnan sa J.M. SISON, Rizal the “Subversive”.
5

noon hanggang ngayon. Sa pag-aanalisa natin sa dimensyong ekonomikal at sosyolohikal ng


senaryo, makikita natin na marami sa ating mga kababayang magbubukid ang hindi nakakaranas
ng makatarungang pagtrato at pagpapasweldo mula sa mga ganid na haciendero. Ang di
makatarungang pagtratong ito ay hindi lamang makikita sa problema sa lupa ng mga
magbubukid ngunit pati na rin sa mga manggagawa. Sa kasalukuyang kalagayan ng mga
manggagawa, tumatanggap sila ng minimum wage. At sinasabi pa na sapat na raw ito upang
makakain ng tatlong beses sa isang araw, ayon sa ng mga ekonomistang kadalasa’y di kailanman
naranasan ang buhay na salat. Ngunit kung susuriin, batid natin na hindi lamang naman pagkain
ang pagkakagastusan ng isang ordinaryong pamilyang Pilipino.

Lahat tayo ay apektado ng ganitong uri ng sistema.

Hindi ako isang aktibista o sosyalista o komunista o anarkista o taga-sunod ni Marx,


Lenin, Mao, Gandhi o Engels man. Pero sa ilang pagkakataon ay sumasama ako sa mga rally.
Katulad na lamang ng rally para sa manggagawang Pilipino tuwing Mayo uno. Dito ko nakikita
ang mukha ng masa, mukha na may lungkot dahil sa kakarampot na sahod, ang mukha na wari’y
sinasakal ng mga malalaking kumpanya gaya na lamang ng Pentagon Steel Corporation.

Sa higit na paglalapat ng kaisipang mapupulot sa pag-aanalisa ng buhay at gawa ng


bayani, ang pagiging kritikal na rin marahil ang susi upang bigyang wakas at hustisya ang
pagdurusa ng maraming Pilipinong naghihirap. Nariyan ang samu’t saring balita ng
pangungurakot ng mga kongresista at senador sa pamamagitan ng pork barrel at ang mga huwad
na pahayag ni Napoles at ng mga sangkot sa iskemang ito, bilang mga halimbawa. Masasabi
nating kinakailangan natin ng isang Dr. Jose Rizal na syang magpapamulat sa mga mapang-
aping haciendero ng kanilang maling gawain, isang Dr. Jose Rizal o Chrisostomo Ibarra na syang
magtutulak tungo sa pagbabago sa suliranin sa lupain, isang pagbabagong higit pa sa inaasam ng
masang Pilipino.

Ang pagbabagong ito ay makikita ring namamayani na sa murang edad ni Dr. Jose Rizal.
Sa kanyang tula na naghahangad ng pagkakaroon ng pambansang wika, mababanaag na ang
kanyang pagmamahal sa sariling wika sa halip na wikang banyaga. Makikita rin ang kagustuhan
6

ng bayani sa pagkakaroon ng pagkakalinlang maka-Pilipino. Kaya naman sa mga ginawa niyang


pagbabago sa Sucesos de las Islas Filipinas ni Morga, mababanaag sa pagkabalangkas ng sulatin
na magiging progresibo pa rin naman ang kulturang Pilipino nang walang ayuda ng panlabas na
pwersa at kultura.10 Taliwas ito sa pag-iisip na inihayag niya sa katauhan ni Donya Victorina na
mayroong kolonyal na pag-iisip na handang itakwil ang sariling pagkakakilanlan kapalit ng
makadayuhang impluwensya.

Sa kasalukuyan, masasabing ang wika ang behikulo para makisangkot at makibahagi sa


mga gawain ng lipunan – kung kaya’t gayon na lamang ang pagpapahalaga ni Dr. Jose Rizal
dito. Ito ay sa kadahilanang may kakayahan itong mapag-isa o mapaghati ang grupo ng tao. Ang
ideyang ito ay makikita rin sa isinulat ni Pamela Constantino sa kanyang akdang Wika,
Nasyonalismo at Ideolohiya – na ang wika ang siyang pangunahing instrumento ng
komunikasyong panlipunan. Bilang instrumento, maari itong gamitin sa dalawang magkaibang
pamamaraan, relatibo sa pangangailangan ng tao. Sa artikulong Wika ng Naghaharing Uri ni
Consuelo Paz tinalakay naman ang dalawang magkaibang pamamaraang ito: ang wika bilang
instrumento para sa pagbabago at kung sa anong paraan din ito maaring gamitin bilang
instrumento ng pagkontrol ng mga naghaharing uri. Ang halimbawa ng ikalawang gamit na ito
ng wika bilang pagkontrol ang siya namang lubos na tinalakay ni Renato Constantino sa akda
niyang Lisyang Edukasyon ng Pilipino – ang paggamit ng mga Amerikano sa wika bilang
instrumento sa pagsakop na nagsilbing isang makapal na pader na naghiwalay sa mga Pilipino sa
kanilang nakaraan at nang lumaon ay naghiwalay sa ilustrado at sa masa. Ang pagkakakone-
konekta ng mga konseptong ito ay hindi lamang isang nagkataong penomenon: sa halip, ito ay
nagpapakita lamang na may katotohanan na may kakayahan ang wikang mapag-isa o mapaghati
ang mga Pilipino sapagkat ang wika ay ang behikulo para makisangkot at makibahagi sa mga
gawain ng lipunan. Ito, higit sa lahat, ay nananawagan na nawa lahat tayo, katulad ni Dr. Jose
Rizal ay magpahalaga sa mga pagkakakilanlan natin bilang mga Pilipino, lalo’t higit sa wika.

Nakita nating bahagya kung paano nabuo ang isipang kritikal at liberal ni Dr. Jose Rizal,
ang kanyang damdaming makabayan at pagmamahal sa wika. At sa kanyang pagkamatay, tulad
ng nasulat ni Sison, tila ba parang nagsasabi ito na ang may hangarin at katangian katulad ng kay

10
Mula sa J. M. SISON, Rizal the “Subversive”.
7

Dr. Jose Rizal ay dapat handang mamatay para sa bayan, bagama’t ang mga nasyonalistang ito
ay itinuturing na bandido at masasama ng estado. Ngunit sa tamang oras, ang kasaysayan ang
maghuhusga kung sino talaga ang syang ugat ng lahat ng kanser ng lipunang ito. Ang lahat ng ito
ay nagpapatibay ng isang sentral na kaisipang aking nahinuha sa pag-aanalisa ng buhay at mga
gawa ni Dr. Jose Rizal: ang Pilipinas upang higit na maging progresibo ay nangangailangan ng
mga mamamayang katulads ni Dr. Jose Rizal – may paninindigan, makabayang pananaw at
kritikal na pamamaraan ng pag-iisip na hindi lamang basta tumatanggap ng mga kuro-kuro at
paniniwala na hindi sumailalaim sa isang malalim at pilosopikong pag-iisip; mga mamamayang
nagbubuklod-buklod para sa iisang layuning nasyonalismo. Alam kong hindi madali ang
bakahing ito, ngunit ito imposible.
8

Mga Akdang Nabanggit


Aiken, Henry D. The Age of Ideology. Chicago: Houghton Mifflin Company, 1956.
Constantino, Pamela. "Wika, Nasyonalismo at Ideolohiya."
Constantino, Renato. "The Miseducation of the Filipino." In The Filipinos in the Philippines and
Other Essays, by Renato Constantino, 39-65. Philippines: Malaya Books, 1966.
Guillermo, Ramon. "Moral Forces, Philosophy of History, and War in Jose Rizal." (Philippine
Studies) 60, no. 1 (2012).
Kant, Immanuel. Critique of Pure Reason. Translated by Paul Guyer and Allen W. Wood.
Cambridge: Cambridge University Press, 1998.
Locke, John. Second Essay Concerning Civil Government. Vol. 35, in Great Books of the
Western World, edited by Robert Maynard Hutchins, 25 - 81. Chicago: William Benton,
1952.
Mill, John Stuart. On Liberty. Harmondsworth: Penguin Books, 1974.
Pascual, Ricardo. "Rizal’s Philosophy of History." In Himalay: Kalipunan ng mga pagaaral kay
Jose Rizal, edited by Patricia Melendrez-Cruz and Apolonio Chua, 300–319. Manila:
Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, 1961/1991.
Paz, Consuelo. "Wika ng Naghaharing Uri."
Rizal, Jose. El Filibusterismo.
—. Noli Me Tangere.
—. Sucesos de las Islas Filipinas (Events of the Philippine Islands by Dr. Antonio de Morga).
Manila: José Rizal National Centennial Commission, 1890, 1961.
Rizal, Jose. The Indolence of the Filipinos (Sobre la Indolencia de los Filipinos). Vol. Tomo VII,
in Escritos politicos e historicos por José Rizal, 227–261. Manila: José Rizal National
Centennial Commission, 1890, 1961.
Rizal, Jose. The Philippines a Century Hence (Filipinas dentro de Cien Años). Vol. Tomo VII, in
Escritos politicos e historicos por José Rizal, 136–165. Manila: José Rizal National
Centennial Commission., 1889-1890, 1961.
Villones, Wilson. "Ang Itak sa Puso ni Juan." 2013.

View publication stats

You might also like