You are on page 1of 4

Pagsasanay sa Filipino

Pangalan _________________________ Petsa ___________ Marka ______

Katotohanan o Opinyon
Kakayahan: Naitutukoy kung ang pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan o opinyon

Isulat sa patlang ang titik K kung ang pangungusap ay nagsasaad ng


katotohanan. Isulat ang O kung ito ay isang opinyon.

1. ____ Ang pambansang watawat ng Pilipinas ay may kulay


bughaw, pula, puti, at dilaw.
____ Ang paboritong kulay ko ay bughaw.

2. ____ Si Benigno S. Aquino III ay mas magaling na pangulo kaysa


kay Gloria Macapagal-Arroyo.
____ Sa taong 2015, si Benigno S. Aquino III ang pangulo ng
Pilipinas.

3. ____ Ang sigarilyo ay may tar, nikotina, at iba’t ibang kemikal na


nakasasama sa kalusugan.
____ Ang mga taong naninigarilyo ay masasama.

4. ____ Sabado ang pinakamasayang araw para sa akin.


____ May pitong araw sa isang linggo.

5. ____ Mas masarap manirahan sa pamayanang rural.


____ Mas maraming gusali sa pamayanang urban.

6. ____ Kulay itim, tuwid, at mahaba ang buhok ni Julia.


____ Ang tuwid na buhok ay mas maganda kaysa sa buhok na
kulot.

7. ____ Ang gagamba ay hindi insekto.


____ Nakatatakot ang mga gagamba.

8. ____ Mas masarap ang mga prutas kaysa gulay.


____ Ang mga prutas ay may iba’t ibang bitamina at mineral.
© 2015 Pia Noche samutsamot.com
Pagsasanay sa Filipino

9. ____ Labag sa ating batas ang magbenta ng alak sa mga bata.


____ Dapat ikulong ang mga batang umiinom ng alak.

10. ____ Bibilis ang pag-unlad ng ating bansa dahil sa pagbaba ng


presyo ng gasolina at diesel.
____ Sunud-sunod ang pagbaba ng presyo ng gasolina at diesel.

11. ____ Bumisita sa Pilipinas si Pope Francis noong Enero 2015.


____ Lahat ng Pilipino ay nasiyahan sa pagbisita ni Pope Francis.

12. ____ Kapag mayaman ang isang pamilya, masayahin at


nagkakaisa ang mga miyembro nito.
____ Malaki ang bahay at magagara ang mga kagamitan at
sasakyan ng pamilyang Sy.

13. ____ Si Kris Aquino ay isa sa mga pinakamagaling na aktres sa


Pilipinas.
____ Si Kris Aquino ang pangunahing aktres sa pelikulang Feng
Shui 2.

14. ____ Maraming Pilipino ang magaling magsalita at magsulat sa


wikang Ingles.
____ Hindi tunay na Pilipino ang mga taong laging nagsasalita
at nagsusulat sa wikang Ingles.

15. ____ Ang Pasko ay ipinagdiriwang tuwing ika-25 ng Disyembre.


____ Dapat bigyan ng regalo ang bawat bata tuwing Pasko.

16. ____ Mura lang ang magbakasyon sa Boracay.


____ Ang Boracay ay matatagpuan sa probinsiya ng Aklan.

17. ____ Mabuting libangan ang maglaro ng online games.


____ Maaaring maglaro ng mga online games sa Internet café.

© 2015 Pia Noche samutsamot.com


Pagsasanay sa Filipino

Pangalan _________________________ Petsa ___________ Marka ______

Katotohanan o Opinyon (Mga Sagot)


Kakayahan: Naitutukoy kung ang pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan o opinyon

Isulat sa patlang ang titik K kung ang pangungusap ay nagsasaad ng


katotohanan. Isulat ang O kung ito ay isang opinyon.

K Ang pambansang watawat ng Pilipinas ay may kulay


1. ____
bughaw, pula, puti, at dilaw.
O Ang paboritong kulay ko ay bughaw.
____

O Si Benigno S. Aquino III ay mas magaling na pangulo kaysa


2. ____
kay Gloria Macapagal-Arroyo.
K Sa taong 2015, si Benigno S. Aquino III ang pangulo ng
____
Pilipinas.

K Ang sigarilyo ay may tar, nikotina, at iba’t ibang kemikal na


3. ____
nakasasama sa kalusugan.
O Ang mga taong naninigarilyo ay masasama.
____

O Sabado ang pinakamasayang araw para sa akin.


4. ____
K May pitong araw sa isang linggo.
____

O Mas masarap manirahan sa pamayanang rural.


5. ____
K Mas maraming gusali sa pamayanang urban.
____

K Kulay itim, tuwid, at mahaba ang buhok ni Julia.


6. ____
O Ang tuwid na buhok ay mas maganda kaysa sa buhok na
____
kulot.

K Ang gagamba ay hindi insekto.


7. ____
O Nakatatakot ang mga gagamba.
____

O Mas masarap ang mga prutas kaysa gulay.


8. ____
K Ang mga prutas ay may iba’t ibang bitamina at mineral.
____
© 2015 Pia Noche samutsamot.com
Pagsasanay sa Filipino

K Labag sa ating batas ang magbenta ng alak sa mga bata.


9. ____
O Dapat ikulong ang mga batang umiinom ng alak.
____

O Bibilis ang pag-unlad ng ating bansa dahil sa pagbaba ng


10. ____
presyo ng gasolina at diesel.
K Sunud-sunod ang pagbaba ng presyo ng gasolina at diesel.
____

K Bumisita sa Pilipinas si Pope Francis noong Enero 2015.


11. ____
O Lahat ng Pilipino ay nasiyahan sa pagbisita ni Pope Francis.
____

O Kapag mayaman ang isang pamilya, masayahin at


12. ____
nagkakaisa ang mga miyembro nito.
K Malaki ang bahay at magagara ang mga kagamitan at
____
sasakyan ng pamilyang Sy.

O Si Kris Aquino ay isa sa mga pinakamagaling na aktres sa


13. ____
Pilipinas.
K Si Kris Aquino ang pangunahing aktres sa pelikulang Feng
____
Shui 2.

K Maraming Pilipino ang magaling magsalita at magsulat sa


14. ____
wikang Ingles.
O Hindi tunay na Pilipino ang mga taong laging nagsasalita
____
at nagsusulat sa wikang Ingles.

K Ang Pasko ay ipinagdiriwang tuwing ika-25 ng Disyembre.


15. ____
O Dapat bigyan ng regalo ang bawat bata tuwing Pasko.
____

O Mura lang ang magbakasyon sa Boracay.


16. ____
K Ang Boracay ay matatagpuan sa probinsiya ng Aklan.
____

O Mabuting libangan ang maglaro ng online games.


17. ____
K Maaaring maglaro ng mga online games sa Internet café.
____

© 2015 Pia Noche samutsamot.com

You might also like