You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

Departamento ng Edukasyon
Region IV-A CALABARZON

Gaudencio B. Lontok Memorial School


Lipa City

Banghay Aralin sa MTB-MLE

I. Layunin: Natutukoy ang gamit ng ito, iyan, at iyon sa pangungusap;


Nagagamit ang panghalip na pantukoy sa pangungusap;
Nakikiisa sa gawain.

II. Paksang Aralin


Paksa: Gamit ng ito, iyan, at iyon.
Kagamitan: Mga larawan
Aktwal na kagamitan
Sanggunian: Filipino 1, Unang Lahing Kayumanggi pp.116-122

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Pagganyak
Magpapanood ng video clip Manonood ang mga bata.
kung saan maipapakita ang gamit
ng “ito, iyan at iyon”.

B. Paglalahad
Gamit ang mga aktwal na bagay,
ipapakita ng guro kung paano
ginagamit sa pangungusap ang
mga panghalip na pantukoy.
Magbibigay ng mga halimbawa.

Ito- Ito ay bag.


Ito ang paborito kong bag.
Iyan- Iyan ay mesa. (Ituturo ng
guro ang mesa na malapit
sa kinakausap)
Iyan ang mesa na iyong
ginagamit.
Matibay ang mesa na iyan.
Iyon- Iyon ang malaking puno.
(Ituturo ang puno na
malayo sa kanya at sa
kausap.)
Iyon ang puno na
nagbibigay lilim sa atin.
C. Pagtatalakay
Tatalakayin ng guro kung
paano ginagamit ang ito, iyan, at
iyon.

Ang Ito ay ginagamit bilang


panturo sa mga bagay na malapit sa
nagsasalita.
Halimbawa: Ito ang bago kong
lapis.

Ang Iyan ay ginagamit bilang


panturo sa mga bagay na malapit sa
nagsasalita.
Halimbawa: Iyan ba ang bago
mong lapis?

Ang Iyon ay ginagamit sa mga


bagay na malayo sa nagsasalita at
sa kausap.
Halimbawa: Iyon ang ibong nasa
puno.

Ngayon naman mga bata, upang


lubos ninyong maunawaan ang
ating paksa sa araw na ito ay
basahin ninyo nag usapang ito.
(magkakapit ang guro sa pisara ng
isang usapan)

Anong salitang panturo ang “ Ito”


ginagamit sa bagay na malapit sa
nagsasalita?

Anong salitang panturo ang


ginagamit sa bagay na malayo sa “Iyan”
nagsasalita at malapit sa kausap?
Anong salitang panturo ang “Iyon”
ginagamit sa bagay na malayo sa
nagssalita at sa kausap?

D. Paglalahat Ang natutunan po namin sa araw na


Ano ang natutunan ninyo sa ito ay ang gamit ng ito, iyan at iyon.
aralin natin ngayong araw?
Ito- kapag malapit sa nagsasalita.
Iyan- kapag malayo sa nagsasalita
ngunit malapit sa kausap.
Iyon- kapag malayo sa nagsasalita at sa
kausap

E. Paglalapat
Isulat kung ito, iyan o iyon ang
tamang panturo na ginamit sa mga
larawan.

1. _____

2. _____

3. _____

4. ______

5. _______
F. Kasanayang Pagpapayaman
1. Pinatnubayang Pagsasanay
Magpapakita ang guro ng
mga larawan at hahayaan ang
mga mag-aaral na gumawa ng
pangungusap tungkol ditto
gamit ang ito, iyan ay iyon.

2. Malayang pagsasanay
Magbibigay ang mga bata
ng mga pangungusap na
gumagamit ng pantukoy base
sa kanilang nakikita sa paligid.

G. Pagtatasa
Hahatiin ng guro ang klase sa
apat (4) na grupo:

Unang pangkat:
Lagyan ng kahon ginamit bna
panturo sa pangungusap.

1. Ito ang nanay ko.


2. Anak! Iyan ba ang kakainin mo?
3. Opo, nanay ito po ang kakainin ko
ngayon.

Ikalawang pangkat:
1. Ilalagay ko ang baon kong ito sa
bag.
2. Iyan ba ang bag na dadalhin mo?
3. Iyon pa ang mga aklat ko.

Ikatlong pangkat:
1. Naiwan ko ang mga iyon sa ibabaw
ng mesa.
2. Ito na ang mga aklat mo.
3. Ibalik mo na iyan sa cabinet.

Ika-apat na pangkat:
1. Iyon ang cabinet na paglalagyan
mo ng mga aklat.
2. Ito ang paborito kong pagkain.
3. Iyan ba ang trumpo mo?
H. Pagtataya
Punan ng wastong panturo ang
mga pangungusap.

1. _____ang lapis ko.

2. _____ang puno ng manga.

3. ______ ang mga bituin.

4. ______ang watawat.

5. ______ang bayabas.

I. Takdang aralin
Gumupit ng tigtatatong
larawan na magpapakita sa gamit ng ito,
iyan ay iyon.
Republika ng Pilipinas
Departamento ng Edukasyon
Region IV-A CALABARZON

Gaudencio B. Lontok Memorial School


Lipa City

Inihanda ni:
De Mesa, Baby Lyn V.

Itinama ni:
Rina C. De silva

You might also like