You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VI- Kanlurang Visayas
SANGAY NG LUNGSOD NG KABANKALAN
Lungsod ng Kabankalan
SALONG NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. Salong, Kabankalan City, Negros Occidental

Banghay Aralin sa Filipino 9


01/20/2020
I. Layunin
(F9PN-IVd-58)
Naibabahagi ang sariling damdamin sa tinalakay ng mga pangyayaring naganap sa buhay ng tauhan
II. Paksang Aralin
a. Paksa: NOLI ME TANGERE (Kabanata 4 Erehe at Pilibustero)
b. Sanggunian: ALAB NG LAHI; NOLI ME TANGERE ni: Jose Rizal; dd. 14-17
c. Mga Kagamitan: photocopies, manila paper
d. Balyu: pagpapahalaga sa aral na hatid ng aralin
III. Pamamaraan
A. Paghahanda
Balik-sulyap
 Bilang pasasalamat sa Mahal na Birhen sa pagdating ni Ibarra, isang hapunan ang ibinigay ni
Kapitan Tiyago. Sa hapag-kainan, minsan pang minaliit ni Padre Damaso ang binata.
 Bakit naging ganito ang pakikitungo ng Pransiskano sa binata?

B. Paglalahad
Sa kabanatang ito ay ating aalamin kung sino ang tinutukoy na Erehe at Pilibustero at ano ang mga
mahahalagang tagpo sa buhay ng mga tauhan na sangkot dito.
C. Pagsasanay
Paglinang ng Talasalitaan
Pagbasa ng Kabanatas
Pagsagot sa mga gabay na tanong
D. Paglalapat
Isalaysay sa pamamagitan ng Chain of Events Diagram ang mga nangyari kay Don Rafael mula sa
pagkakasangkot sa isang kaso hanggang sa kaniyang pagkamatay.
E. Paglalahat
 Ano ang mensaheng hatid ng kabanatang tinalakay?
 Paano mo magagamit sa totoong buhay ang aral na hatid ng aralin?

IV. Pagtataya
Suriin at Gawin
1. Kung ikaw si Ibarra, paano mo tatanggapin ang sinapit ng iyong ama?
2. Ano ang mga katangiang dapat taglayin ng isang tao sa pagharap sa mga problema at mga
katotohanan sa buhay? Taglay ba ni Ibarra ang mga katangiang ito? Maglahad ng mga patunay.
3. Magsalaysay ng ilang pangyayari na magpapatunay kung paano nakukuha ng isang taong
nasasakdal o nagsasakdal ang hustisyang inaasam. Ang hustisya bang nakamit ay magkatulad noon
at ngayon? Patunayan ang sagot.
ML:
ID:

V. Takdang Aralin
Magsaliksik tungkol sa ilang Pilipinong nagkaroon ng katulad na karanasan ni Don Rafael.
Gumawa ng isang sanaysay tungkol sa kalagayan ng hustisya sa Pilipinas sa kasalukuyan.
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VI- Kanlurang Visayas
SANGAY NG LUNGSOD NG KABANKALAN
Lungsod ng Kabankalan
SALONG NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. Salong, Kabankalan City, Negros Occidental

Banghay Aralin sa Filipino 9


01/21/2020

I. Layunin
Nailalahad ang sariling pananaw sa kapangyarihan ng pag-ibig sa magulang, sa kasintahan, sa kapwa at
sa bayan. (F9PB-IVd-58)
II. Paksang Aralin
a. Paksa: NOLI ME TANGERE (Kabanata 5 Pangarap sa Gabing Madilim)
b. Sanggunian: ALAB NG LAHI; NOLI ME TANGERE ni: Jose Rizal; dd. 18-19
c. Mga Kagamitan: photocopies, manila paper, index card
d. Balyu: pagpapahalaga sa pagmamahal ng mga magulang
III. Pamamaraan
A. Paghahanda
 Balik-sulyap
 Nalaman ni Ibarra ang sinapit ng kaniyang amang si Don Rafael, na sa kabila ng kayamanan at
karangalan nito ay maraming lihim na kaaway na mga Español at prayle.
 Sino ang pangunahin niyang kaaway? Ano ang ginawa niya sa kaniya?
B. Paglalahad
 Sa kabanatang ito ay matutuklasan natin kung paano pinapahalagahan ng magulang ang
anak at ano ang mga bagay na ginagawa ng isang anak para masuklian ang kabutihan ng
mga magulang.
C. Pagsasanay
 Talasalitaan: Palawakin Natin
 Pagbasa sa Kabanata 5
 Talakayin Natin: Pagsagot sa mga gabay na tanong.
D. Paglalapat
 Suriin at Gawin Natin
a. Sa iyong palagay, bakit hindi maalis sa isipan ni Ibarra ang nangyari sa ama?
b. Paano ipinakita ni Ibarra ang higit na pagmamahal sa magulang kaysa kasintahan?
c. Kung ikaw si Ibarra, paano mo tutugunan ang sitwasyong hindi mawaglit na pag-
iisip sa ama?
E. Paglalahat
 Paano ninyo mapapahalagahan ang inyong mga magulang?
IV. Pagtataya
 Pagyamanin Natin
 Ipakita ang iba’t ibang paraan kung paano maipakikita ang pagmamahal sa sariling ama sa tulong
ng mga malikhaing gawain. Gawin itong pangkatan.
Pangkat I – Pagsulat ng Sanaysay Pangkat IV – Pagguhit
Pangkat II – Interpretatibong Sayaw Pangkat V – Pag-arte
Pangkat III – Awit Pangkat VI – Monologo
ML:
ID:
V. Takdang Aralin
 Sumulat ng sariling repleksyon tungkol sa kabanatang tinalakay.
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VI- Kanlurang Visayas
SANGAY NG LUNGSOD NG KABANKALAN
Lungsod ng Kabankalan
SALONG NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. Salong, Kabankalan City, Negros Occidental

Banghay Aralin sa Filipino 9


01/22/2020
I. Layunin
Naibabahagi ang sariling damdamin sa tinalakay ng mga pangyayaring naganap sa buhay ng tauhan. F9PN-IVd-58
II. Paksang Aralin
a. Paksa: NOLI ME TANGERE Kabanata 6: Si Kapitan Tiyago
b. Sanggunian: ALAB NG LAHI; NOLI ME TANGERE ni: Jose Rizal; dd. 20-23
c. Mga Kagamitan: aklat, manila paper, photocopies, larawan
d. Balyu: pagpapahalaga sa aral na hatid ng kabanatang tinalakay
III. Pamamaraan
A. Paghahanda

Balik-sulyap
 Mula sa silid ni Ibarra sa Fonda de Lala, matatanaw ang kasayahan sa tahanan sa ibayo ng ilog.
Ngunit ang kasayahang iyon at maging si Maria Clara ay hindi pansin ni Ibarra.
 Anong guniguni ang nananaig sa kaniyang isipan nang mga sandaling iyon?
B. Paglalahad
 Sa kabanatang ito ay makilala natin si Kapitan Tiyago at sino-sino sa kasalukuyang panahon ang
puwede nating maiugnay sa kanya.
C. Pagsasanay
 Talasalitaan: Palawakin Natin
 Isulat sa patlang ang kasalungat na kahulugan ng salitang may salungguhit sa bawat bilang.
 Ikahon ang salitang magkasingkahulugan sa pangkat ng mga salita sa bawat bilang.
 Babasahin ang Kabanata 6
 Talakayin Natin: Pagsagot sa mga gabay na tanong
D. Paglalapat
 Ilarawan si Kapitan Tiyago gamit ang Character Traits Diagram.

Katangiang Pisikal: Katangiang Ekonomikal:

KatangiangPanrelihiyon: Katangiang Politikal:

E. Paglalahat
 Anong aral nais ipabatid ng kabanatang binasa?
 Paano ninyo ito magagamit bilang mag-aaral.
IV. Pagtataya
 Suriin at Gawin Natin
1. May kaugnayan ba ang pagiging matipid ng ama ni Kapitan Tiyago sa pag yaman niya? Bakit?
2. Kung ikaw si Kapitan Tiyago, ano ang gagawin mo kung sakaling hindi ka pinag-aral ng iyong ama dahil
lamang sa labis na pagtitipid? Ipaliwanag.
3. Sa kasalukuyan sa ating lipunan, sino-sino ang maituturing na Kapitan Tiyago? Ipaliwanag.
ML:
ID:
V. Takdang Aralin
 Pagyamanin Natin
 Magsaliksik tungkol sa pamamanata kina San Pascual Bailon, Nuestra Señora Maria de Salambaw, at Sta.
Clara ng Obando, Bulacan ng mga mag-asawang hindi nagkakaanak.
 Magsaliksik tungkol sa isang taong nagtagumpay at umunlad sa buhay buhat sa pagiging mahirap. Alamin
ang kaniyang naging buhay at pagsusumikap upang maging matagumpay sa buhay.
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VI- Kanlurang Visayas
SANGAY NG LUNGSOD NG KABANKALAN
Lungsod ng Kabankalan
SALONG NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. Salong, Kabankalan City, Negros Occidental

Banghay Aralin sa Filipino 9


01/23/2020
I. Layunin
Naipaliliwanag ang iba’t ibang paraan ng pagbibigay-pahiwatig sa kahulugan. (F9PT-IVe-f-59)
II. Paksang Aralin
a. Paksa: Noli Me Tangere Kabanata 7 Pag-uusap sa Asotea
b. Sanggunian: ALAB NG LAHI; NOLI ME TANGERE ni: Jose Rizal; dd. 24-29
c. Mga Kagamitan: manila paper, aklat, photocopies
d. Balyu: pagpapahalaga sa pag-big na inaalay ng mga taong mahalaga sa ating buhay
III. Pamamaraan
A. Paghahanda
 Balik-sulyap
o Kung si Don Rafael ang pinakamayaman sa San Diego, si Kapitan Tiyago naman ang sa Binundok. Kasundo
siya ng Diyos, ng pamahalaan, at ng mga tao. Paano nangyari ang pagiging kasundo niya ang Diyos?
B. Paglalahad
o Sa kabanatang ito ay matutunghayan natin ang pag-iibigan ng magkasintahang Maria Clara at Crisostomo
at ang kanilang pagbabaliktanaw sa nakaraan nilang karansan bago mangibang bansa si Crisostomo.
C. Pagsasanay
o Talasalitaan: Palawakin Natin
 Buuin ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa bawat pangungusap. Punan ng nawawalang letra ang bawat kahon.
o Pagbasa ng Kabanata & ng NOLI ME TANGERE
o Sagutin ng Oo o Hindi ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang sagot.
o Pagbasa sa kabanata 7 ng Noli Me Tangere
o Talakayin Natin: Pagsagot sa mga gabay na tanong
D. Paglalapat

E. Paglalahat
o Paano mo gagamitin sa totoong buhay ang aral na hatid ng aralin?
IV. Pagtataya
o Suriin at Gawin
1. Ipaliwanag ang sumusunod na saknong at ilang pahayag.
a. “Para ng halamang lumaki sa tubig,
daho’y nalalanta munting di madilig,
ikinaluluoy ang sandaling init…
gayundin ang pusong sa tuwi’y maniig.”

b. “Maaari ko bang limutin ang isang sumpa? Minahal mo si Ina at minahal ka niyang parang tunay na anak.
Sumumpa ako sa harap ng kaniyang bangkay na kita’y paliligayahin maging ano man ang kapalarang idulot sa akin
ng tadhana. Ngayon ay inuulit kong muli sa iyo ang sumpang iyon.”
c. “Ikaw ay magandang larawan ng aking bayan at ng España. Sa iyo pinagpisan ang kariktan at dakilang asal ng
dalawang lipi. Kaya ang pag-ibig ko sa iyo at sa Inang-bayan ay iisa.”
2. Anong pagpapahalagang Pilipino ang ipinakita ni Ibarra at Maria Clara sa binasang kabanata?
V. Takdang Aralin
o A. Gumawa ng interbyu sa mga mag-asawang nasa edad 20-29; 30-39; 40-49; 50-59; 60-69, ukol sa pagliligawan nila
bago sila naging mag-asawa. Itala ang nakuhang mga impormasyon sa kasunod na tsart.
1. Batay sa nakuhang mga impormasyon, may pagkakaiba ba ang paraan ng panliligaw noon at ngayon? Ipaliwanag.
2. Alin sa mga paraang nakalap ang sa iyong palagay ang higit na kasiyasiya? Bakit?

You might also like