You are on page 1of 5

-FILIPINO- Credits: Ethan Navarro of 9-Murialdo

-Tayutay-

Simile o Pagtutulad- ay paghahambing ng katangian ng isang bagay patungo sa isa pang bagay
na gumagamit ng mga pantulong na kataga sa paghahambing (ex. tulad, wari, gaya,
parang, etc.)
-paghahambing na di-tuwiran
Halimbawa:
1.) Ang aming guro ay parang tigre kung magalit.
2.) Tila anghel si Jose nang ako ay tinulungan niya.

Metapora- ay tuwirang paghahambing o paglilipat ng katangian ng isang bagay patungo sa isang


bagay.
Halimbawa:
1.) Si Ellen ay isang magandang bulaklak.
2.) Si Sharon ay ang aking nasasandalang pader.

Personipikasyon- nagkakaroon ng katangiang tao ang isang bagay o konsepto


Halimbawa:
1.) Sumasayaw ang mga bulaklak kasabay ng hangin.
2.) Ang araw ay kumakaway sa akin kanina.

Virgilio S. Almario- ayon sa kaniyang aklat na Taludtod at Talinghaga (1991) “Talinghaga


(Karanasan ng Tao)”, ang tatlong tayutay ay ginagamit din sa pagsiwalat ng kahulugan
ng talinghaga
-Pang-Uri-

Pang-uri- naglalarawan ito ng pangngalan o panghalip


-maaaring maglarawan ng mga gawi, karanasan, pananalita, o kaisipan
-may tatlong antas:
-lantay
-tumutukoy sa tanging katangian ng pang-uri
Halimbawa:
1.) Gwapo ang presidente ng Murialdo na si Ethan.

-pahambing
-maaaring maglahad ng pagkakatulad o pagkakaiba
Halimbawa:
1.) Mas gwapo si Justine kaysa kay Balong.

-pasukdol
-naglalahad ng pangingibabaw o pagkakabukod ng mga bagay
Halimbawa:
1.) Ang pinakagwapong guro na nakilala namin ay si sir Gerome.

-Panlapi-

Panlapi- ay mga hindi malayang morpema na idinadagdag sa mga salitang ugat upang
magkaroon ng pagbabago sa kahulugan
-may limang uri:
-unlapi
-nasa unahan ng salita
-naligo, inantok, malakas
-gitlapi
-nasa gitna ng salita
-tumalon, kinanta, kumain
-hulapi
-nasa huli ng salita
-basahin, kainan, sulatan
-kabilaan
-nasa una at huli ng salita
-pagbutihan, kalalakihan, pinagsikapan
-laguhan
-nasa una, gitna, at hulihan
-pagsumikapan

-Mga Awtor at Kanilang mga Akda-

Khalil Gibran- awtor ng “Ang Propeta”


-namuhay noong Enero 06, 1883 hanggang Abril 10, 1931 sa Lebanon (48 taong gulang)
-manunulat, makata, at pilosopo
-sa Amerika nanirahan
*basahin ang “Kagandahan” (pp.294-296) (Parabula)

Jellaludin Rumi- pinakakilalang akda ay ang “Mathnawi”


-nabuhay noong ika-13 siglo sa Persia
-may akda rin sa “Musika”
*basahin ang “Musika” (pp.313-314) (Tula)
Hermann Hesse- sa muling pagsasalaysay ng Siddhartha ay naipakita ang kaniyang katauhan
-namuhay noong Hulyo 2, 1887 hanggang Agosto 9, 1962 sa Alemanya (75 taong
gulang)
-may akda ng “Siddhartha” na nangangahulugang “He who achieves his goal”
*basahin ang “Ang mga Paghahangad ni Siddhartha” (pp.333-336) (Maikling Kwento)

Sirat Rasoul Allah- kinikilala din bilang si Propeta Muhammad ng Islam


-karanasan (mga taong makadaupang-palad)
-mahalaga ang Rasoul sa mga Muslim kasama na rito ang hadith
Sunnah- mga daan o paraan na mananampalataya sa Islam
Muhammad ibn Ishaq ibn Yasar- historyador na tumipon sa Sirat Rasoul Allah
Sirat Rasoul- “Mensahero ni Allah”
Mecca- matatagpuan sa Saudi Arabia
*basahin ang “Ang Minulan ng Harajul Aswad o Itim na Bato sa Kaaba ng Mecca” (pp. 353-
356) (Alamat)

-Karagdagang Impormasyon-

Parabula- isang genre ng panitikan kung saan binabase and kwento sa Bibliya

Tula- isang genre ng panitikan na binubuo ng mga saknong at taludtod


Himig- kayang magiba ng kahulugan ng isang tula
-paraan ng pagkakabigkas sa tula

Tao VS. Sarili- uri ng tunggalian na ang karakter mismo ang sarili niyang suliranin
-Updated Part-

-Talasalitaan-
Mapagnilay- mapagisip
Mapag-imbot- mapagtago
Kahindik-hindik- katakot-takok
Kahina-hinala- kataka-taka
Kagila-gilalas- kabilib-bilib/nakakahanga
Ipinag-kibit- binaliwala

Klasiko- luma
Kontemporaryo- kasalukuyan

William Shakespeare- ang buhay ay isang entablado

*basahin ang “Ang Dakilang Baha” (pp. 375-378)

You might also like