You are on page 1of 12

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO

GRADE 11

F11- PT-IA-85
I.LAYUNIN
a. Naitatala ang mga katangian ng Bilinggwalismo at Multilinggwalismo.
b. Natutukoy ang mga kahulugan ng mga konseptong pangwika.

II. PAKSA: Bilinggwalismo at Multilinggwalismo


Sesyon: 2 sesyon
Kagamitan: speaker, cellphone, paper cabbage, tsart
Referens: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Pahina: p.7

III. PAMAMARAAN
A.Panalangin
B. Pagbati
C. Pagtatala ng mga lumiban
D. Pagtuklas (Cabbage Game)
Panuto: Bubuo ng malaking bilog ang mga mag-aaral. Maglalaro sila ng cabbage game. Sa
pagtugtog ng musika, sasayaw sila habang iapapasa-pasa ang cabbage paper. Kung sino ang
makahawak ng cabbage sa paghinto ng musika ay siyang magbabalat sa unang bahagi ng
cabbage. Babasahin niya ang katanungan, sasagutin o gagawin ang pinapagawa na nakapaloob
dito.

Mga Tanong:

 Ano-ano ang mga wikang ginagamit at naiintindihan mo?


 Ibigay ang katumbas ng salitang “pag-ibig” sa Blaan, Cebuano at English

E. Paglinang

(Magbibigay ng mga katanungan ang guro)


 Ano ang iyong naobserbahan sa ginawang aktibidad?
 Paano mo nasagot ang mga katanungan?
 Madali lang ba ang mga tanong? Bakit?
(Pagpapaliwanag at pagpapalwak ng guro)

F. Pagnilay

Panuto: Papangkatin ang mga mag-aaral sa dalawa (2). Itatala ng bawat pangkat ang mga
katangian ng Bilinggwal at Multilinggwal sa talahanayan. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng 2
minuto upang mag-isip at 3 minuto sa pagpresenta.
Pangkat 1- Talk Show
Pangkat 2 – Newscasting
 Bibigyan ng iskor ang bawat pangkat gamit ang rubriks.
BILINGGWAL MULTILINGGWAL

G. Pagganap

Panuto: Hahatiin sa apat na pangkat ang buong klase. Magsasadula sila gamit ang Bilinggwal at
Multilinggwal sa iba’t ibang okasyon. Bibigyan ang bawat pangkat ng 2 minuto upang magplano
at 3 minuto sa pagsasadula.

Pangkat 1- Bilinggwal (Kasal)


Pangkat 2 – Multilinggwal (Graduation)
Pangkat 3 – Bilinggwal (Kaarawan)
Pangkat 4 – Multilinggwal (Pista)

IV. PAGTATAYA
Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng Bilinggwal at Multilinggwal nula sa kahon. Isulat sa
patlang ang sagot.

Tumutukoy sa dalawang wika

MTB-MLE

Pinapairal ang patakarang pangwika sa edukasyon

Pananaw ng tao kung nakapagsasalita siya ng dalawang wika

1.Bilinggwal - ___________________________________

___________________________________

2. Multilinggwal - ___________________________________

___________________________________

V. KASUNDUAN

Magsaliksik tungkol sa Register/Barayti ng Wka


F11-PD-IB-86

I- Layunin:
a. Naiuugay ang mg konseptong pangwika sa sitwasyong pangkomunikasyon.
b. Nakaguguhit g isang poster upang mipahayag ang pagpapakahulugan ng wika.

II- Paksang aralin: Wikang Opisyal


Sanggunian: Kominikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kagamitan: Cartolina, pentel pen, lapis, pangkulay

III- Pamamaraan:
A. Panimulan Gawain
*Panalangin
*Attendance

B. Pagganyak

(Isang sitasyon) Dalawang lalaki Ilonggo at bisaya na naglalako ng


kagamitan ang isa nasa isang kalye at ang isa ang nasa kabilang kalye iloggo si Toto at bisaya si
Dodong.

Toto(sumigaw) sundang!sundang!sundang!
Dodong (sumigaw)habol!habol!habol!
Hanggan nakaabot sila sa kanto
Toto: Ano hambal mo pre ang akong sundang habol? Be testingan ta be.
Dodong: Dili pre ah, wala man ko gaingon nga ang imung sundang habol.
Toto: Hindi ah, nabatian ko gid gasinggit nga ang akong sundang habol.
Dodong: Pre, ang gisinggit ko nga habol kining akong baligya.

C . Paglinang:
1. Sa nabanggit na sitwasyon ano ang inyong napapansin sa kanilang usapan?
2. Sa inyong palagay, ano kaya ang maimungkahi ninyo para magkaintindihan
ang bawat isa anuman ang tribu?
3. Pagtalakay ng Wikang opisyal

D. Pagnilayan
1. Sa anong Gawain at sitwasyon dapat gamitin ang Filipino bilang opisyal na
Wika?
2. Anong Gawain naman dapat gamitin ang Ingles bilang opisyal na wika?
3. Kung tayo ay mangibang bansa kailangan ban a gamit natin ang wikang
Pambansa?
Pair: Pumili ng kapareha mula sa kaklase. Ibahag sa isa’t isa ang inyong mga sagot. Huwag
mahiyang nagsagot at magbigay ng komento at puna sa isa’t isa. Gumawa ng buod ng inyong
napag-usapan at napagkasunduan.

Share: Humandang ibahagi sa klase ang inyong buod.

E. Pagganap ( Pangkatang Gawain)


Poster mo, I post mo! Gam tang isang Cartolina, gumawa ng poster kung ano
pakahulugan para sa wika, maging malikhin sa paggawa ( 10 miuto)

Rubrik sa pagtataya ng poster:


40-50- napakahusay ang paggawa ng poster
29-39- mahusay ang paggawa
0-28- Hindi gaanng mahusay ang paggawa ng poster

IV- Ebalwasyon:
Panuto: Buuin ang mga titik upang makabuo ang wastong sagot sa bawat bilang.

1. Isang wika na binibigyan ng natatanging pagkilala sa konstitusyon bilang


wikang gagamitin sa mga opisyal na transaksyon. O IPSLYA AN AKWI
2. Anong artikulo na nagsasabi na ang wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino?
VI 7 SIYONSEK
3. Wika sa pag-akda ng mga batas at mga dokumento ng pamahalaan.
NOLIPIFI
4. Anong wika ang ginamit sa pakikipag-usap sa mga banyaga at
pakikipagpagkomunikasyon sa daigdig? LESING
5. Itinuturing na ang Ingles ang _______ daigdig . CAFRANGUALING

v- Kasunduan:

Magsagawa ng interbyu sa mga Professional tungkol sa paggamit nila ng Pilipino


at Ingles. Sa ano –anong sitwasyon nila ginagamit ang Filipino.
Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Filipino 11
(FilP8-If-95)

I. Mga Layunin sa Pagkatuto

- Nasusuri ang pananaw ng mga manunulat sa kasaysayan ng wika.


- Naibabahagi ang mga ideya ng awtor at naiuugnay sa kasalukuyang
sitwasyon ng wikang pambansa.

II. Paksa

Kasaysayan ng Wikang Pambansa


“Iba’t ibang ideya ng mga awtor sa Pinagmulan ng Pambansang Wika”

Kagamitang Pampagkatuto
Batayang Aklat p. 15
Manila Paper at Pintel Pen
Powerpoint Presentation (Laptop)

III. Proseso ng Pagkatuto

A. Motibasyon/Pagganyak
Venn Diagram
2 pangkat na may kaalaman sa kasaysayan ng Wika

A AB B

Pagkakatulad at pagkakaiba ng ideya tungkol sa kasaysayan ng wika.

B. Paglinang

(Powerpoint)

Mga iba’t ibang ideya ng awtor tungkol sa kasaysayan ng wikang


pambansa.
a) Prof. Leopoldo Yabes – “Ang Pangasiwaang Hapon ang nag-utos
na baguhin ang probisyon sa konstitusyon at gawing tagalog ang
pambansang wika.”
b) Pamela Constantino – “Ang isang katutubong wika, hindi wikang
dayuhan ang makapagpapahayag ng kaakuhan ng mga Pilipino.”

Iba pang makata:


 Dr. Jose P. Rizal
 Manuel L. Quezon
 Lope K. Santos

C. Pagninilay
Ilahad ang kaugnayan na kaisipan sa kahon na matatagpuan sa
ibaba ng talata.

Sa kasalukuyan, maraming linggwahe ang pumapasok sa ating bansa na


labis na nakakaapekto sa kaisipan ng bawat mamayang Pilipino. Gayunpaman,
nananatili pa ring metatag ang komisyon ng Wikang Pambansa na panatilihing iisa
ang ating wikang ginagamit.

Pantulong na Kaisipan Pantulong na Kaisipan Pantulong na Kaisipan

D. Aplikasyon
Kung kayo ay isa sa mga kasapi ng Komisyon ng Wikang
Pambansa, paano ninyo maipalaganap sa buong bansa na dapat
gamitin at tangkilikin ito? Ilahad.

IV. Takdang Aralin

Alamin ang kasaysayan ng Wika ng Panahon ng Kastila.

Inihanda nina:
Hanisa M. Saidina
Richard Gambalan
Barayti Ng Wika

A ng wika ay bahagi ng kultura at

kasaysayan ng bawat lugar. Ito rin ay isang simbolismo tungo sa pagkakakilanlan ng


bawat indibidwal. Sa pamamagitan ng wika, ay nailalabas o napapahayag natin ang
ating mga emosyon at saloobin, masaya man o malungkot. Ginagawa natin ito sa
pamamaraan ng pagsusulat, pakikipagtalastasan at iba pa.
Ang ating wika ay may iba’t-ibang barayti. Ito ay sanhi ng pagkakaiba ng uri
ng lipunan na ating ginagalawan, heograpiya, antas ng edukasyon,
okupasyon, edadat kasarian at uri ng pangkat etniko na ating kinabibilangan. Dahil
sa pagkakaroon ng heterogenous na wika tayo ay nagkaroon ng iba’t-ibang
baryasyon nito, at dito nag-ugat ang mga variety ng wika, ayon sa pagkakaiba ng
mga indibidwal.

Kahulugan at mga Halimbawa


1.) Idyolek – bawat indibidwal ay may sariling istilo ng pamamahayag at pananalita
na naiiba sa bawat isa. Gaya ng pagkakaroon ng personal na paggamit ng wika na
nagsisilbing simbolismo o tatak ng kanilang pagkatao. Ito ay mga salitang
namumukod tangi at yunik.
Mga halimbawa ng Idyolek:
“Magandang Gabi Bayan” ni Noli de Castro

“Hindi ka namin tatantanan” ni Mike Enriquez

“Ito ang iyong Igan” ni Arnold Clavio


“Hoy Gising!” ni Ted Failon

“Ang buhay ay weather weather lang” ni Kim Atienza


“I shall return” ni Douglas MacArthur

“P%@#!” ni Rodrigo Duterte

2.) Dayalek – Ito ay varayti ng wika na


nalililkha ng dimensiyong heograpiko. Ito ang salitang gamit ng mga tao ayon sa
partikular na rehiyon o lalawigan na kanilang kinabibilangan. Tayo ay may iba’t-
ibang uri ng wikang panrehiyon na kung tawagin ay wikain. Meron tatlong uri ng
Dayalek:
 Dayalek na heograpiko (batay sa espasyo)
 Dayalek na Tempora (batay sa panahon)
 Dayalek na Sosyal (batay sa katayuan)
Mga halimbawa ng Dayalek:
Tagalog = Bakit?
Batangas = Bakit ga?
Bataan = Baki ah?
Ilocos = Bakit ngay?
Pangasinan = Bakit ei?
Tagalog = Nalilito ako
Bisaya = Nalilibog ako
3.) Sosyolek – na minsan ay tinatawag na
“Sosyalek” Ito ay pansamantalang barayti lamang. Ito ay uri ng wika na ginagamit ng
isang partikular na grupo. Ang mga salitang ito ay may kinalaman sa katayuang
sosyo ekonomiko at kasarian ng indibidwal na gumagamit ng mga naturang salita.
Mga halimbawa ng Sosyolek:
 Repapips, ala na ako datung eh (Pare, wala na akong pera)
 Oh my God! It’s so mainit naman dito. (Naku, ang init naman dito!)
 Wa facelak girlash mo (walang mukha o itsura ang gelpren mo o kaya ay pangit
ng gelpren mo)
 Sige ka, jujumbagin kita! (sige ka, bubugbugin kita!)
 May amats na ako ‘tol (may tama na ako kaibigan/kapatid o kaya ay lasing na
ako kaibigan/kapatid)

4.) Etnolek – Isang uri ng barayti ng wika na


nadebelop mula sa salita ng mga etnolonggwistang grupo. Dahil sa pagkakaroon ng
maraming pangkat etniko sumibol ang ibat ibang uri ng Etnolek. Taglay nito ang
mga wikang naging bahagi nang pagkakakilanlan ng bawat pangkat etniko.
Mga Halimbawa ng Etnolek:
 Vakuul – tumutukoy sa mga gamit ng mga ivatan na pantakip sa kanilang ulo
tuwing panahon ng tag-init at tag-ulan
 Bulanim – salitang naglalarawan sa pagkahugis buo ng buwan
 Laylaydek Sika – Salitang “iniirog kita” ng mga grupo ng Kankanaey ng
Mountain Province
 Palangga – iniirog, sinisinta, minamahal
 Kalipay – tuwa, ligaya, saya

5.) Ekolek – barayti ng wika na kadalasang ginagamit sa loob ng ating tahanan. Ito
ang mga salitang madalas na namumutawi sa bibig ng mga bata at mga
nakatatanda, malimit itong ginagamit sa pang araw-araw na pakikipagtalastasan.
Mga Halimbawa ng Ekolek:
 Palikuran – banyo o kubeta
 Silid tulogan o pahingahan – kuwarto
 Pamingganan – lalagyan ng plato
 Pappy – ama/tatay
 Mumsy – nanay/ina

6.) Pidgin – Ito ay barayti ng wika na walang


pormal na estraktura. Ito ay binansagang “nobody’s native language” ng mga
dayuhan. Ito ay ginagamit ng dalawang indibidwal na nag uusap na may dalawa ring
magkaibang wika. Sila ay walang komong wikang ginagamit. Umaasa lamang sila
sa mga “make-shift” na salita o mga pansamantalang wika lamang.
Mga Halimbawa ng Pigdin:
 Ako kita ganda babae. (Nakakita ako ng magandang babae.)
 Kayo bili alak akin. (Kayo na ang bumili ng alak para sa akin.)
 Ako tinda damit maganda. (Ang panindang damit ay maganda.)
 Suki ikaw bili akin ako bigay diskawnt. (Suki, bumili ka na ng paninda ko.
Bibigyan kita ng diskawnt.)
 Ikaw aral mabuti para ikaw kuha taas grado. (Mag-aral ka ng mabuti upang
mataas ang iyong grado.)
7.) Creole – mga barayti ng wika na nadebelop dahil sa mga pinaghalo-halong salita
ng indibidwal, mula sa magkaibang lugar hanggang sa ito ay naging pangunahing
wika ng partikular na lugar. Halimbawa dito ay pinaghalong salita ng Tagalog at
Espanyol (ang Chavacano), halong Arican at Espanyol (ang Palenquero), at ang
halong Portuguese at Espanyol (ang Annobonese).
Mga Halimbawa ng Creole:
 Mi nombre – Ang pangalan ko
 Di donde lugar to? – Taga saan ka?
 Buenas dias – Magandang umaga
 Buenas tardes – magandang hapon
 Buenas noches – Magandang gabi

8.) Register – minsan sinusulat na “rejister”, ito ay barayti ng wikang


espisyalisadong ginagamit ng isang partikular na domeyn. Ito ay may tatlong uri ng
dimensyon.
a.) Field o larangan – ang layunin at paksa nito ay naayon sa larangan ng mga
taong gumagamit nito.
b.) Mode o Modo – paraan kung paano isinasagawa ang uri ng komunikasyon.
c.) Tenor – ito ay naayon sa relasyon ng mga nag-uusap.
Mga Halimbawa ng Register:
 Mga salitang jejemon
 Mga salitang binabaliktad
 Mga salitang ginagamit sa teks
 Mga salitang ginagamit ng mga iba’t-ibang propesyon gaya ng mga doktor
Ang wika ay makapangyarihan, ito ay nagsisilbing tulay tungo sa pagkakaunawaan
at nagbibigay ito ng kapayapaan at katahimikan.

Pero ito rin ay pwedeng magdulot ng polarisasyon o ang pagtanaw ng mga iba’t-
ibang bagay sa magkakasalungat na paraan, na pwedeng lumikha ng hidwaan dahil
sa maling paggamit ng mga salita. Tunay nga na ang wika ay buhay.

Karagdagang Kaalaman:
 Gamit Ng Wika Sa Lipunan
 Heterogeneous Na Wika
 Homogeneous Na Wika
 Talumpati Tungkol Sa Wika
 Antas Ng Wika

You might also like