You are on page 1of 8

FAR EAST ASIA PACIFIC INSTITUTE OF TOURISM SCIENCE AND TECHNOLOGY

Daily Lesson Log


Asignatura: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Markahan: Ika-una

Guro: Joy C. Pagarigan

A. Pamantayang Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig
Pangnilalaman
B. Pamantayang Pagganap Nasusuri ang kalikasan, katangian, at anyo ng iba’t ibang teksto.

I. Kasanayang F11PB – IIIa – 98: Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa
Pampagkatuto/ Layunin: F11PT – IIIa – 88: Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong
binasa
F11PS – IIIb – 91: Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa
F11PU – IIIb – 89: Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto
II. Paksa Tekstong Impormatibo

III. Pag-aaral ng gawain  Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahin na di piksyon.
 Ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag ng malinaw at walang pagkiling tungkolsa ibat ibang paksa
tulad ng hayop, isports, agham o siyensya, kasaysayan, gawain, paglalakbay, heograpiya, kalawakan, panahon at iba pa.

Elemento ng Tekstong Impormatibo

 Layunin ng may akda


 Pangunahing ideya
 Pantulong na kaisipan
 Mga estilo sa pagsulat, kagamitan/sangguniang magtatampok sa mga bagay na binibigyang diin
 Paggamit ng mga nakalarawang representasyon
 Pagbibigay diin sa mahalagang salita sa teksto
 Pagsulat ng mga talasanggunian

Mga Uri ng Tekstong Impormatibo

 Paglalahad ng totoong pangyayari/kasaysayan


 Paguulat pang impormasyon
 Pagpapaliwanag

IV. Pagsusuri Aplikasyon: Hatiin sa tatlong grupo ang klase. Ang bawat isa ay susulat ng isang tekstong impormatibo batay sa uri na inatas ng
guro.

V. Takdang aralin Wala


FAR EAST ASIA PACIFIC INSTITUTE OF TOURISM SCIENCE AND TECHNOLOGY
Daily Lesson Log
Asignatura: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Markahan: Ika-una

Guro: Joy C. Pagarigan

A. Pamantayang Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig
Pangnilalaman
B. Pamantayang Pagganap Nasusuri ang kalikasan, katangian, at anyo ng iba’t ibang teksto.

I. Kasanayang F11PB – IIIa – 98: Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa
Pampagkatuto/ Layunin: F11PT – IIIa – 88: Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong
binasa
F11PS – IIIb – 91: Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa
F11PU – IIIb – 89: Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto
II. Paksa Tekstong Deskriptibo

III. Pag-aaral ng gawain  Ang tekstong deskriptibo ay isang pagpapahayag ng impresyon o kakintalang likha ng pandama. Sa pamamagitan ng pang
amoy, panlasa, pandinig at pansalat, itinatala ng sumusulat ang paglalarawan ng mga detalyeng kanyang nararanasan
 Ang pagsulat ng paglalarawan ay maaring subhetibo o obhetibo.
 Subhetibo ang paglalarawan kung ang manunulat ay maglalarawan ng napakalinaw at halos madama ng mambabasa subalit
nakabatay lamang sa mayamang imahinasyon.
 Obhetibo kung ang paglalarawan ay may pinagbatayang katotohanan.

Cohesive Devices
 Reperensiya; a) Anapora; at b) Katapora
 Substitusyon
 Ellipsis
 Pang-ugnay
 Kohesyong leksikal; a) Reiterasyon – Pag-uulit o repetisyon; Pag-iisa-isa: Pagbibigay kahulugan; b) Kolokasyon

IV. Pagsusuri Sumulat ng isang maiklinng sanaysay na naglalayong ilarawan ang isang tao, bagay, hayop o ano pa naman. Siguraduhin na siya
ngang mailalarawan ito ng mabuti sa mga kamagg-aral.

V. Takdang aralin Wala


FAR EAST ASIA PACIFIC INSTITUTE OF TOURISM SCIENCE AND TECHNOLOGY
Daily Lesson Log
Asignatura: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Markahan: Ika-una
Guro: Joy C. Pagarigan

A. Pamantayang Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig
Pangnilalaman
B. Pamantayang Pagganap Nasusuri ang kalikasan, katangian, at anyo ng iba’t ibang teksto.

I. Kasanayang F11PB – IIIa – 98: Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa
Pampagkatuto/ Layunin: F11PT – IIIa – 88: Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng
tekstong binasa
F11PS – IIIb – 91: Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa
F11PU – IIIb – 89: Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto
II. Paksa Tekstong Naratibo

III. Pag-aaral ng gawain  Ang tekstong naratibo ay naglalayong mang aliw manlibang ng mambabasa kaya naman kahit ito’y nakabase sa
katotohanan ay higit itong nakatuon sa katotohanang may kaugnayan sa emosyonal at moral na anggulo sa halip na sa
paghahanap ng katotohanan.

Katangian ng Tekstong Naratibo

 Pananaw o Punto de Vista (Point of View): Unang Panauhan, Ikalawang Panauhan, Ikatlong Panauhan; at
Kombinasyong Pananaw
 Paraan ng Pagpapahayag ng Dayalogo, Saloobin o Damdamin: Direkta o Tuwirang Pagpapahayag; Di Direktang
Pagpapahayag

Elemento ng Tekstong Naratibo


 Tauhan; Pangunahing Tauhan; Katunggaling Tauhan; Kasamang Tauhan; May Akda
 Tagpuan o Panahon
 Banghay
 Paksa o Tema

IV. Pagsusuri Sumulat ng Isang naratibong teksto at tukuyin ang mga katangian at element ng isinulat.

V. Takdang aralin Wala


FAR EAST ASIA PACIFIC INSTITUTE OF TOURISM SCIENCE AND TECHNOLOGY
Daily Lesson Log
Asignatura: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Markahan:
Ika-una
Guro: Joy C. Pagarigan

A. Pamantayang Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad,
Pangnilalaman bansa at daigdig

B. Pamantayang Nasusuri ang kalikasan, katangian, at anyo ng iba’t ibang teksto.


Pagganap
I. Kasanayang F11PB – IIIa – 98: Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa
Pampagkatuto/ F11PT – IIIa – 88: Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t
Layunin: ibang uri ng tekstong binasa
F11PS – IIIb – 91: Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa
F11PU – IIIb – 89: Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto
II. Paksa Tekstong Prosidyural

III. Pag-aaral ng  Ang tekstong prosidyural ay uri ng paglalahad na kadalasanf nagbibigay ng impormasyon at instruksyon
gawain kung paano ang isinasagawa ang isang tiyak na bagay

Apat na Bahagi ng Tekstong Prosidyural

 Inaasahan o target na awtput – kung ano ang kakalabasan o kahahantungan ng proyekto


 Mga kagamitan – mga kasangkapan upang makumpleto ang isinasagawang proyekto
 Metodo – serye ng hakbang na isinasagawa upang mabuo ang proyekto
 Ebalwasyon – naglalaman ng mga pamamaraan kung paano masusukat ang tagumpay ng prosidyur

IV. Pagsusuri Aplikasyon: Bumuo ng pangkat na may apat na miyembro. Magplano ng isang presentasyon na nagpapakita
ng isang prosidyur kung paano gagawin ang isang bagay.

V. Takdang aralin Wala


FAR EAST ASIA PACIFIC INSTITUTE OF TOURISM SCIENCE AND TECHNOLOGY
Daily Lesson Log
Asignatura: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Markahan: Ika-una
Guro: Joy C. Pagarigan

A. Pamantayang Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig
Pangnilalaman
B. Pamantayang Pagganap Nasusuri ang kalikasan, katangian, at anyo ng iba’t ibang teksto.

I. Kasanayang Pampagkatuto/ F11PB – IIIa – 98: Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa
Layunin: F11PT – IIIa – 88: Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa
F11PS – IIIb – 91: Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa
F11PU – IIIb – 89: Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto
II. Paksa Tekstong Persuweysib

III. Pag-aaral ng gawain  Ang tekstong persuweysib ay may layuning manghikayat o mangumbinsi sa babasa ng teksto.

Tatlong Paraan ng Panghihikayat

 Ethos – tumutukoy sa kredibilidad ng isang manunulat


 Pathos – tumutukoy sa paggamit ng emosyon o damdamin upang manghikayat
 Logos – tumutukoy sa paggamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa

Propaganda Devices

 Name-Calling – pagbibigay ng hindi magandang taguri sa isang produkto o katunggaling pulitiko pang di tangkilikin
 Glittering Generalities – ang mga magaganda at nakasisilaw na pahayag ukolsa isang produktong tumutugon sa mga paniniwala at
pagpapahalaga ng mambabasa.
 Transfer – paggamit ng sikat na personalidad upang mailipat sa isang produktyo o tao sa kasikatan
 Testimonial – kapag ang isang sikat na personalidad ay tuwirang nag- endorse ng isang produkto
 Plain Folks – karaniwan itong ginagamit sa kampanya o komersiyal kung saan ang mga kilala o tannyag na tao ay pinalalabas na
ordinaryong taong nanghihikayat sa boto, produkto o serbisyo
 Card Stacking – ipinapakita ditto ang lahat ng magagandang produkto ngunit di binabanggit ang hindi magandang katangian
 Bandwagon – panghihikayat kung saan hinihimok ang lahat na gamitin ang isang produkto o sumali sa isang pangkat dahilang lahat
ay sumali na.

IV. Pagsusuri Magtala ng mga halimbawang komersiyal sa bawat propaganda devices.


FAR EAST ASIA PACIFIC INSTITUTE OF TOURISM SCIENCE AND TECHNOLOGY
Daily Lesson Log
Asignatura: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Markahan: Ikalawa
Guro: Joy C. Pagarigan

A. Pamantayang Nakasusunod sa pamantayan ng pagsulat ng masinop na pananaliksik


Pangnilalaman
B. Pamantayang Pagganap Nakapagpapamalas ng kasanayan sa pananaliksik sa Filipino batay sa kaalaman sa oryentasyon, layunin, gamit, metodo, at
etika ng pananaliksik

I. Kasanayang F11PB – IVab – 100: Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika sa
Pampagkatuto/ Layunin: pananaliksik

II. Paksa Pagsulat ng Pananaliksik

III. Pag-aaral ng gawain  Ang pananaliksik ay isang masusing pagsisiyasat at pagsusuri ng ideya, konsepto, bagay, tao, isyu at iba pang ibig
bigyan linaw, patunayan o pasubalian

Katangian ng Pananaliksik
 Obhetibo
 Sistematiko
 Napapanahon o Maiuugnay sa Kasalukuyan
 Empirikal
 Kritikal
 Masinop, Malinis, at Tumutugon sa Pamantayan
 Dokumentado

Uri ng Pananaliksik

 Basic research
 Action research
 Applied research

IV. Pagsusuri Wala


FAR EAST ASIA PACIFIC INSTITUTE OF TOURISM SCIENCE AND TECHNOLOGY
Daily Lesson Log
Asignatura: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Markahan: Ikalawa
Guro: Joy C. Pagarigan

A. Pamantayang Nakasusunod sa pamantayan ng pagsulat ng masinop na pananaliksik


Pangnilalaman
B. Pamantayang Nakapagpapamalas ng kasanayan sa pananaliksik sa Filipino batay sa kaalaman sa oryentasyon,
Pagganap layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik

I. Kasanayang F11PB – IVab – 100: Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin,
Pampagkatuto/ gamit, metodo, at etika sa pananaliksik
Layunin:

II. Paksa Pagsulat ng Pananaliksik

III. Pag-aaral ng Paraan ng Paglalahad ng Pahayag ng Tesis


gawain
 Isulat sa pamamagitan ng isang suliranin at isama rito ang iyong opinion o posisyon
 Talakayin ang kasalukuyang kalagayann ng isyu o suliranin at maghinuha kung paano ito maaring
malutas
 Magisip ng maaring maging solusyonsa isang suliranin
 Tingnan ang isyu o paksa sa isang bago at naiibang perspektibo o pananaw
 Magpanukala kung paanong ang mundo sana ay naiiba ngayon kung nangyari/di nangyari ang
bagay bagay
 Pagkomparahin ang dalawang bagay na halos magkapareho at bigyan ang mga ito ng marka
 Maglahad ng iyong ideya kung paano naiimpluwensyahan ang isang paksa kaya ito nagging ganito
o ganon

IV. Pagsusuri Wala

You might also like