Professional Documents
Culture Documents
Masusing Banghay-Aralain Sa Grade 10 (Ang Tulay NG Kinabukasan)
Masusing Banghay-Aralain Sa Grade 10 (Ang Tulay NG Kinabukasan)
I. LAYUNIN
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Naipapaliwanag ang mahahalagang kaisipan sa tulang binasa.
B. Nailalarawan ang namamayaning damdamin sa akda.
C. Nakapagbabahagi sa klase ng sariling karanasan na kaugnay ng tulang binasa.
D. Nabibigkas ang bawat saknong ng tula nang maayos at may damdamin.
E. Nakalalahok nang aktibo at buong husay sa sa talakayan at pangkatang gawain.
F. Naisasabuhay ang mensahe ng tula.
II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa
Ang Tulay ng Kinabukasan ni Bartolome del Valle (tula)
B. Sanggunian
Wika at Panitikan IV dd. 212-213
C. Kagamitang panturo
Kagamitang biswal, powerpoint presentation, laptop, pisara at marker
III.PAMAMARAAN
Pagpapatalas ng Talasalitaan
Panuto: Ayusin ang mga titik sa kahon upang matukoy ang kasingkahulugan ng salita. Isulat ito
sa patlang.
1. sagwil - g a l d h a n
2. pakikibaka - a l b a p n k a i k i
3. dawag - n t i k i
4. sinalunga - b n s a i n u l o
g
5. alinlangan - n m a a b p a
g
6. nasa - n a i r h a n
g
7. apaw - u o n p
8. sumulyap - l m n u i n o
g
9. pampang - n g a i p s l a a m d a
10. panganib - k n s a u s
Sagot:
1. hadlang
2. pakikilaban
3. tinik
4. sinalubong
5. pangamba
6. hangarin
7. puno
8. lumingon
9. dalampasigan
10. sakuna
B. Analisis
Salitan ninyong babasahin ang tula.
Unawain ang nilalaman nito at isaalang-
alang ang emosyong dapat mangibabaw
rito.
3
Sa kanyang paglakad ay kanyang narating
ang dulo ng landas na may isang (hadlang, balakid, sagwil)
ito’y isang ilog na dapat tawirin
upang sa paglakad ay huwag dilimin.
4
Ang agos ng ilog ay humahagibis
subalit sa kanya yao’y di (sakuna, panganib, peligro)
sa kabilang pampang nang siya’y sumapit,
gumawa ng tulay ang kanyang naiisip.
5-6
Ang tulay na (kahoy, bakal, bato) nang mayayari na,
may isang lalaking nagtanong sa kanya,
“Ang tulay na ito’y bakit ginawa pa,
sa (edad, tanda, gulang) mo ngayo’y babalik ka pa ba?”
7
Matanda’y (tumingin, sumulyap, sumilip) sa pinanggalingan
at kanyang namalas ang pinagdaanan
na pakikibaka sa dawag ng buhay
at saka tumugong walang alinlangan.
8-9
“Ang tulay na ito’y di para sa akin
Pagka’t pakanluran ang aking (tunguhin, layunin, landasin)
ang sinalunga kong (bundok, kapatagan, burol) ng tiisin
ay hindi ko nasang kanilang danasin.
10
Ang magsisisunod nating kabataan
Magdaraan dito sa kinabukasan,
Ang tulay na ito’y pakikinabangan
sa (pagbagtas, pagtawid, pagdaan) nila sa ilog ng buhay.”
Sagot:
1. kanluran
2. galak
3. sagwil
4. panganib
5. kahoy
6. gulang
7. sumulyap
8. landasin
9. bundok
10. pagtawid
V. TAKDANG-ARALIN
Pagganyak na tanong: Bakit nagdulot ng kapahamakan ang labis na paghahangad?
Panuto: Basahin ang maikling kwentong “Ang Kwintas” ni Guy de Maupassant na
isinalin ni Mariano C. Pascual at sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
1. Sinu-sino ang pangunahing tauhan sa kwento? Ilarawan sila.
2. Paano nalutas ng pangunahing tauhan ang pagsubok sa buhay na kinaharap niya?
3. Ano ang naging aral sa kwento?
Sanggunian:
Wika at Panitikan IV
dd. 324-333