You are on page 1of 8

Pare Mahal Mo Raw Ako: Lalaking Umiibig sa Kapwa Lalaki sa Trece Martires

City,Cavite

Kabanata 1

Introduksyon

Panimula

Ang pagkalalaki ay pangkaraniwang may kaugnayan sa katalaghayan,

pagiging malakas, kasiglahan, pagiging matibay, pagiging mabisa, pagiging

malusog, katatagan, at bikas ng katawan (pangangatawan), natatangi na ang

kakayahang makagawa ng mga anak. Sa pangkasaysayan, ang mga katangiang

panglalaki katulad ng pagkakaroon ng balbas ay tinatanaw bilang mga tanda ng

pagkalalaki at pamumuno(Wikepedia,2014). Ayon kina Kimmel at Bridges

(2011), ang maskulinidad ay tumutukoy sa kilos, gampanin at relasyon ng mga

lalaki sa lipunan, kabilang na ang mga kahulugang iniuugnay sa kanila. Mula rito,

umusbong ang usaping panlipunan na tinatawag na esteryotipo sa kasarian.

Ang esteryotipo sa kasarian ay hindi patas at eksaheradang imahe ng mga

lalaki at babae na ginagamit nang paulit-ulit sa pang-araw-araw na buhay.

Samakatuwid, ang mga esteryotipong ito ay nagiging pamantayan ng isang

lipunan sa mga bagay na dapat sundin ng mga kalalakihan upang maituring na

tunay na lalaki. (isinipi ng Encyclopedia.com, 2015; Brannon, 2000).

Ayon kay Levant (2001), na sinipi nina Christianson atbp. (2007), habang

lumalaki ang isang bata ay nabubuo sa kanyang isipan, sa impluwensya na rin ng


lipunan, ang kanyang nagiging imahe sa maskulinidad na karaniwang nagbibigay

daan sa Gender Role Conflict: (a) katikasan at pagiging agresibo (e.g., Levant,

2001); (b) paglimita sa pagpapahayag ng nararamdaman sa kabila ng

katotohanang ang mga emosyonal na karanasan ng mga kalalakihan ay tulad rin

lamang naman sa mga kababaihan (e.g., Heesacker et al., 1999; Kiselica, 2001;

Wester, Vogel, Pressly, & Heesacker,2002); at (c) kayang tumayo sa sariling paa

at hindi kinakailangan ng tulong ng iba (e.g.,Kiselica, 2001).

Ang simpleng hindi pagsunod sa kaugalian para sa mga kalalakihan ay hindi

naman nangangahulugang sila ay hindi na tunay na lalaki. Ayon sa dyornal ng

American Psychological Association na pinamagatang “Sexual Orientation,

Homosexuality, ang Bisexuality” (2008). Ang oryentasyong sekswal ay

tumutukoy sa pattern ng emosyonal, romantiko at/o sekswal na atraksyon sa

lalaki, babae, o parehong sekswalidad. Ito rin ay tumutukoy sa pagkakakilanlan

ng isang tao batay sa nasabing atraksyon; kaugnay na mga kilos at; pagiging

kasapi ng isang komunidad ng mga taong nakararanas ng kaparehong atraksyon.

(Shelton, 2015).

Ayon sa pag-aaral na ginawa ng Kaiser Foundation (2001); Williams,

Connolly, Pepler, at Craig, (2005) na sinipi nina Lafontaine atbp. (2013), nakita

na ang klase ng relasyong kinabibilangan ng dalawang may magkaparehong

sekswalidad ay karaniwang mayroon ding diskriminasyon, negatibong pagtingin

at hindi pagtanggap mula sa lipunan. Nangangahulugan itong hindi pa rin tanggap

ang relasyon ng magkaparehong sekswalidad. Ayon sa sarbey na isinagawa ng

Social Weather Station (2013), na sinipi ni Hogaza (2014), sinasabing karamihan


sa mga Pilipino ay hindi papasok sa relasyon ng parehong sekswalidad. Inilahad

din ng sarbey na karamihan o higit sa 90% ng mga kalalakihan sa bansa ay

nagsasabing hindi nila nakikita ang kanilang sarili na papasok sa ganitong uri ng

relasyon.

Batay sa mga nakalap na literatura, makikita na madami paring tao na hindi

parin patuloy na tinatanggap ang pakikipagrelasyon ng lalaki sa kapwa lalaki. Sa

pamamagitan ng pag-aaral na ito, hangad ng mga mananaliksik ang mga

karanasan at dahilan ng mga kalalakihan kung bakit sila nakikipagrelasyon sa

kanilang kapwa lalaki. Ang pag-aaral sa ganitong pangyayari ay magbibigay daan

para mabuksan ang kaisipan ng mga mananaliksik patungkol sa

pakikipagrelasyon ng mga lalaki sa kanilang kapwa lalaki.


Teyoretikal na Balangkas

Umiibig ng Kapwa

 Mga karanasan ng  Ano ang nakukuha


mga lalaking nila sa
nakikipagrelasyon pakikipagrelasyon
sa kanilang kapwa sa kanilang kapwa
Lalaki sa Lalaki
lalaki lalaki
 Bakit mas pinili
nilang
makipagrelasyon sa
kanilang kapwa
lalaki

Trece Martires Mga Kalalakihan sa


City,Cavite Trece Martires City,
Cavite
Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang malaman at maunawaan ang

karanasan ng mga kalalakihan sa kanilang pakikipagrelasyon sa kanilang kapwa

lalaki. Ang pananaliksik na ito ay inaasahang masagot ang mga sumusunod na

mga katanungan:

1. Ano ang mga atraksyong nakita nila sa kanilang kapwa lalaki na wala sa

mga babae?

2. Ano naman ang nakukuha nila sa pakikipagrelasyon sa kapwa lalaki?

3. Paano napagtatagumpayan ang mga komento ng:

a) Kaibigan

b) Pamilya

c) Komunidad

Layunin ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong alamin ang mga karanasan ng mga

lalaking nakikipagrelasyon sa kapwa lalaki. Layunin din nitong tukuyin kung ano

ano ang dahilan nila sa pakikipagrelasyon sa kapwa lalaki at kung anong

benepisyo ang nakukuha nila sa ganitong uri ng pakikipag relasyon.


Kahalagahan ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay isinagawa ang pag-aaral na ito upang magsilbing

gabay at ma-ipabatid ang kahalagan sa mga sumusunod:

A. Mga Mag-aaral – magkakaroon ng kamalayan ang mga mag-aaral

patungkol sa pakikipagrelasyon ng mga kalalakihan sa kanilang kapwa

lalaki.

B. Mga Mananaliksik – Inaasahan na ang pananaliksik na ito ay

makakatulong sa mga susunod pang mananaliksik na may kahawig na

pag-aaral.

C. Mga Mambabasa – Inaasahan na pagkatapos mabasa ang mga napiling

literatura, ang mga mambabasa ay magkakaroon ng malalim na pang-

unawa patungkol sa pakikipagrelasyon ng mga lalaki sa kanilang kapwa

lalaki.

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakapokus lamang sa mga karanasan ng mga

kalalakihang nakikipagrelasyon sa kapwa lalaki sa Trece Martires City, Cavite.

Layunin nito na mailahad ng mga kalalakihan ang kanilang karanasan sa

pakikipagrelasyon sa kanilang kapwa lalaki.

Gayunpaman, ang pananaliksik na ito ay nililimitahan lamang sa pamamagitan

ng pangangalap ng kasagutan sa walo(8) hanggang dalawangput-lima(25) na

kalalakihan sa Trece Martires City, Cavite. Sumasaklaw lamang ang pananaliksik

na ito sa mga karanasan ng mga kalalakihang nakikipagrelasyon sa kapwa lalaki .


Depinisyon ng mga Terminolohiya

Maskulinidad - tinatawag ding pagiging maskulino o isang bulog, pagkabarako,

at pagkalalaki, ay ang pagkakaroon ng mga katangian o kalidad na itinuturing na

tipikal o pangkaraniwan sa isang lalaki, o kaya ay naaakma at naaangkop sa

isang lalaki.

Esteryotipo - Isang ideya o pahayag tungkol sa lahat ng miyembro ng isang

grupo o pagkakataon ng isang sitwasyon. Kadalasan ito ay isang hindi

makatarungang paniniwala na lahat ng tao o bagay na may iisang partikular na

katangian ay pare-pareho lamang.

Sexual Orientation - tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng

malalim na atraksiyong apeksyonal, emosyonal, sekswal; at ng malalim na

pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa

kanya, o kasariang higit sa isa.

Homosexuality - umutukoy ang homoseksuwalidad sa "permanenteng pagnanais

na makaranas ng seksuwal, magiliw, o romantikong atraksiyon" pangunahin o

natatangi sa mga taong katulad na kasarian.

Bisexuality - para sa dalawang kasarian at karaniwan ding tinatawag na silahis.


Pare Mahal Mo Raw Ako: Lalaking Umiibig Sa Kapwa Lalaki sa Trece

Martires City, Cavite

Johnver Lloyd P. Mercado

Baby Jane Fabito

February 12, 2020

You might also like