You are on page 1of 5

ANG ALAMAT NG ALBAY

Hango sa panulat ni: Abdon Balde Jr.

Mga Tauhan:

 Magayon – Maria Grutas


 Masaraga – Rosalie Lusande
 Malinao – Melanie
 Datu Makusog
 Oryol – Carmela Dianne Doma
 Panganuron – Arlie Malle
 Pagtuga – Nico lee

Narrator (Carla) – Noong unang panahon, sa mayaman at maunlad na lupain ng ibalong ay


mayroong mayamang namumo si Datu Makusog. Siya ay may tatlong anak na dalagang ang
pangalan ay Magayon, Masaraga at Malinao. Si Malinao ang pinakamatanda sa tatlong
magkakapatid. Siya ay maganda, masipag at mabait. Si Masaraga naman ang ikalawang anak ng
Datu, siya rin ay may angking kagandahan at kariktan. Ang bunso ay si Magayon na sinasabing
pinakamagandang dalaga sa buong lupain ng ibalong. Siya ay kinaiinggitan kapwa ng mga
kababaihan, pati na ng mga diwata at kinahuhumalingan ng mga anak ng datu sa ibat – ibang
kalupaan.
Isang araw ay napag-usapan ng tatlong magkakapatid na maglaba at maligo sa ilog ng
Yawa.
Malinao (Melanie): “Magayon, Masaraga! Ang tirik ng sikat ng araw. Ang gandang maglaba at
maligo sa ilog ng Yawa ngayon!”
Magayon (Rosalie Grutas): “Tara! Nasasabik na rin akong magtampisaw sa malamig at malinis
na ilog Yawa.
Masaraga (Rosalie Lusande): “Teka lamang at kukunin ko ang ating mga lalabhan.
Magpapaalam rin ako kay Ama.”
Narrator (Carla): Kaya humayo ang tatlong magkakapatid patungo sa ilog Yawa. Habang
naglalaba ang tatlo ay napansin ni Masaraga na may sumisilip sa kanila sa di kalayuan.
Masaraga (Rosalie Lusande): “Hoy! Sino ka? Mamboboso ka no?!”
Narrator (Carla): (Lalabas si Panganuron mula sa pinagtataguang puno)
Panganuron (Arlie): “Hi… Hindi… Ako si Panganuron, anak ni Datu Puti ng Maynila. Nakarating
sa akin ang balitang dito sa lupain ng ibalong nakatira ang pinakamagandang dalaga ng buong
Perlas ng Silangan, at hindi nga ako nagkamali.
(Marasaga: magpapacute ngunit lalampasan siya ni Panganuron, magpapacute din si Malinao
ngunit lalampasan pa rin siya ni Panganuron. Si Magayon ay abala sa paglalaba at walang
pakialam sa mga nangyayari ngunit lalapit si panganuron sa kanya. Luluhod sa harapan at
hahalikan ang kanyang kamay sabay bigay ng bulaklak. Aarteng nahihiya si Magayon, lalapit si
Masaraga at Malinao)
Masaraga (Rosalie Lusande): “Sige, maiwan muna naming kayong dalawa.”
Malinao (Melanie): “Ipagpaumanhin mo maganda at makisig na binate, ngunit ang kapatid
naming si Magayon ay inilaan na para sa anak ni Datu Maisog na si Pagtuga.”
Masaraga (Rosalie Lusande): “Gayon pa man ay bigyan pa rin natin sila ng panahong makapag-
usap.”
Narrator (Carla): Kaya umalis muna sina Masaraga at Malinao upang manguha ng panggatong
sa kagubatan. Lingid sa kaalaman ng dalawa ay matagal nang nagiibigan ng patago sina
Magayon at Panganuron sa kabila ng mga hadlang.
Narrator (Carla): Habang nangunguha ng panggatong ang dalawang magkapatid.
Masaraga (Rosalie Lusande): “Nakakainis! Palagi nalang si Magayon! Siya na ang maganda, siya
na ang paborito ni ama, siya pa ang pinipilahan ng mga prinsipe at mga Datu!”
Malinao (Melanie): “Sana ay hindi na lamang siya ipinanganak.”
Narrator (Carla): Hindi alam ng dalawa na naririnig ng masamang diwata si Oryol ang kanilang
pag-uusap. (Biglang lumabas si Oryol)
Oryol (Carmela Doma): “Malinao, Masaraga, nais niyo bang mawala sa landas ninyo si
Magayon?”
Masaraga: (Takot) Ahas! Ahas! Sino ka? Anong kailangan mo!”
Oryol (Carmela Doma): “Huwag kang matakot iha. Ako si Oryol, ang diwata ng kagubatan ito.
Narinig ko ang inyong pag-uusap. Narito ako upang tulungan kayo.”
Malinao (Melanie): “Tulungan? Paano mo naman kami matutulungan?”
Oryol (Carmela Doma): “Nais niyo bang isumpa si Magayon?” (Biglang lalabas ang entaylado ay
mga tauhan)
Narrator (Carla): Sa oras na iyon rin ay nag-uusap sina Magayon at Panganuron.
Magayon (Rosalie Grutas): “Panganuron, itakas mo na ako, ayaw kong maikasal kay Pagtuga.
Mas nanaisin ko pang mamatay nalang kesa mapunta sa taong hindi ko mahal.
Panganuron (Arlie): “Ako man ay hindi kayang mabuhay nang wala ka. Itatakas na kita sa
maynila at ipakikilala kita sa aking Amang Datu. Magpapakasal na tayo roon.”
Magayon (Rosalie Grutas): “Magkita tayo sa ilog na ito mga alas otso ngayong gabi. Sa
panahong iyan ay tulog na ang aking ama at mga kapatid.”
Narrator (Carla): Ang hindi nila alam ay may tainga si Oryol sa lahat ng lugar sa ibalong at
narinig iya ang kanilang pag-uusap. Habang nangangaso si Pagtuga ay pinuntahan niya ito.
(Si Pagtuga ay nangangaso)
Oryol (Carmela Doma): “Pagtuga!”
Pagtuga (Nico Lee): “Sino kang halimaw ka! Papatayin kita!”
Oryol (Carmela Doma): “Hinay hinay ka lamang! Narito ako upang tulungan ka. Pinagtaksilan ka
nang iyong kasintahang si Magayon.”
Pagtuga (Nico Lee): “Wag kang magsinungaling! Imposible ang sinasabi mo. Si Magayon ay
mabini at tunay na babae.”
Oryol (Carmela Doma): “Talaga lamang ha?” sige, kung nais mong patunayang mali ang sinasabi
ko ay pumunta ka sa ilog ng Yawa ngayong alas otso ng gabi. Mungkahi, lamang, baka nais mo
ring magdala ng mga kawal ng tribu ninyo. Hahaha!”
Pagtuga (Nico Lee): “Papatunayan kong mali ang sinasabi mo!”
Oryol (Carmela Doma): “Kilala mo ba si Panganuron?”
Pagtuga (Nico Lee): (Magagalit) Panganuron? Ang anak ni Datu Puti?”
(Maglalaho si Oryol sa kadiliman) (Close curtain)
Narrator (Carla): Sumapit ang alas otso ng gabi, hinga na dumating si Magayon sa ilog ng Yawa.
Ngunit sa kanyang pagkagulat ay si Pagtuga ang kanyang nakita, kasama ang nakagapos na si
Panganuron.
Magayon (Rosalie Grutas): “Panganuron! Aking mahal! Pagtuga pakiusap… pakawalan mo si
Panganuron. Sasama na ako sayo, pakakasalan na kita, huwag mo lamang siyang papaslangin!”
Panganuron (Arlie): “Tumakas ka na Magayon! Mas mainam pang mamatay na lamang ako
kaysa Makita kang nasa iba!”
Pagtuga (Nico Lee): “Hahaha! Huli na ang lahat! Tingnan mo kung paano mamatay ang iyong
minamahal Magayon! Mapapasa akin ka sa ayaw mo at sa gusto!”
(Sasaksakin ni Pagtuga si Panganuron)
Magayon (Rosalie Grutas): “Huwag!!! (Haharangan ang espada at siya ay masasaksak.)
mahuhulog siya sa kamay ni Panganuron.
Panganuron (Arlie): “Magayon! Wag kang bibitiw”
Magayon (Rosalie Grutas): “Mahal na mahal kita… Hanggang kamatayan. (at pumikit na si
Magayon)
(Maglalaban si Panganuron at Pagtuga matatalo si Pagtuga at magpapakamatay si Panganuron)
Panganuron (Arlie): “Wala nang saysay ang aking buhay! (Sasaksakin ang sarili)
(Habang walang buhay na nakahandusay ang tatlo ay daraan si Oryol at hahalaklak ng
napakalakas)
Narrator (Carla): Pumunta si Oryol sa bahay ni Datu makusog at kinausap sina Masaraga at
Malinao.
Oryol (Carmela Doma): “Natupad na ang inyong hinihiling. Wala na si Magayon.”
Masaraga (Rosalie Lusande): “Talaga! Napakagandang balita iyan! Tama ba Malinao?”
Malinao (Melanie): “Tama tayo na ang pinakamaganda sa buong ibalong!”
Masaraga (Rosalie Lusande): “Hindi sa buong Perlas ng Silangan, pero mas maganda ako sayo.”
Oryol (Carmela Doma): “May nakakalimutan ata kayo narito ako upang maningil ng bayad
ninyo sa aking ginawa. Nakahanda na ba kayong ibigay ito?”
Malinao (Melanie): “Oo, ano ito?”
Oryol (Carmela Doma): “Ang inyong buhay! Hahaha!” (Sasakalin ni Oryol sina Masaraga at
Malinao at sila ay mamamatay)
Narrator (Carla): Inilibing nang magkakahiwalay sina Magayon, Masaraga at Malinao. Sa
pagdaan ng panahon ay may tumubong bundok sa pinaglibigan nina Masaraga at Malinao at
isang napakagandang Bulkan sa pinaglibingan ni Magayon. Sinasabing kahit sa kamatayan ay
hindi nadaig nina Masaraga at Malinao ang kagandahan ni Magayon. Tuwing dumidikit naman
ang ulap sa bulkang Magayon ay sinasabing hinahalikan ni Panganuron ang dalaga, at tuwing
nag-aalburuto ang bulkan ay nabubuhay ang galit ni Pagtuga. Nagtagal ay panahon at ang
Bulkang Magayon ay tinawag na Bulkang Mayon. At iyan ang alamat ng Bundok ng Masaraga,
Malinao at Magayon.

You might also like