You are on page 1of 24

University Of Perpetual Help System 1

DALTA

PAG-AARAL TUNGKOL SA EPEKTO NG PAGGAMIT


NG MGA SALITANG BALBAL
SA PILING MAG-AARAL NG 11 ABM

Quia, Louise Jazie M.


Rivera, Nyka Alyssa R.
Rustia, Jen Erika R.
Tinio, Ma. Jovelyn L.
Varona, Angelica P.

Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang Pagbasa at


Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto tungo sa Pananaliksik

Ng
11 – ABM 8

Marso 18, 2018


University Of Perpetual Help System 2

DALTA

Dahon ng Pagpapatibay

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng


Iba’t ibang teksto tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong-papel na ito na pinamagatang “Pag-
aaral Tungkol sa Epekto ng Paggamit ng mga Salitang Balbaal sa Piling Mag-aaral ng 11 ABM”
ay inihanda at iniharap ng mga mananaliksik na binubuo nina:

Jazie Louise M. Quia Jen Erika R Rustia

Nyka Alyssa R. Rivera Maria Jovelyn L. Tinio

Angelica P. Varona

Tinanggap sa ngalan ng Kagawaran ng mga Wika at Humanidades, Departamento ng

Senior High School, Unibersidad ng Perpetual Help System Dalta, bilang isa sa mga

pangangailangan ng asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo Sa

Pananaliksik.

Gng. Jaira Mae G. Tinio

Guro
University Of Perpetual Help System 3

DALTA
PASASALAMAT

Buong pusong pasasalamat ang ipinaaabot ng mga mananaliksik sa mga sumusunod na

indibidwal, at mga pangkat na nagbigay ng mahahalagang kontribusyon, tulong, at suporta para

maisakatuparan ang mga pamanahong-papel na ito:

- sa Departamento ng Filipino, na nagbigay sa amin ng oportunidad na makaranas sa

paggawa ng pamanahong-papel upang maibahagi ang aming mga ideya at kaalaman

na may kaugnayan sa aming paksa.

- kay Gng. Jaira Mae G. Tino, ang aming matiyagang guro sa Pagbasa at Pagsusuri ng

Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik, na buong pusong naglaan ng oras upang

gabayan ang aming grupo at lahat nga mag-aaral sa 11- ABM 8

- sa mga awtor, editor, at mananaliksik, na nagbigay daan sa amin upang mapalawak

ang aming kaalamana hinggil sa pamanahong papel na ito,

- sa aming pamilya, na walang sawang sumusuporta at umuunawa sa mga panahong

kailangan namin magsawa ng pananaliksik,

- at higit sa lahat ang Poong maykapal, na dumidinig sa aming mga panalangin na

bigyan kami ng kalakasan sa mga panahong kami ay pinanghihinaan ng loob na

matapos namin ang pamanahong papel sa itinakdang panahon.

-Mga Mananaliksik
University Of Perpetual Help System 4

DALTA
Talaan ng Nilalaman

Kabanata I – ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO……………………………….5

Rasyonal at kaligirang kasaysayan ………………………………….. 5

Paglalahad ng Suliranin …………………………………………….... 6

Mga Layuning ng Pag-aaral …………………………………………..6

Rebyu ng Kaugnay na Pag-aaral at Literatura ………………………... 7

Konseptuwal na Balangkas …………………………………………... 12

Sakop at Delimitasyon ………………………………………………... 13

Katuturan ng mga Katawagan …………………………………………. 13

Kabanata II – METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN……………………………15

Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik…………………………….... 15

Lokal at Populasyon ng Pananaliksik ………………………………... 15

Kasangkapan sa Paglikom ng Datos…………………………………… 15

Paraan ng Paglikom at Pagsusuri ng Datos ………………………….. 17

BIBLIOGRAPIYA ……………………………………………………………………18

CURRICULUM VITAE……………………………………………………………….20
University Of Perpetual Help System 5

DALTA
KABANATA I

ANG SULIRANIN AT SALIGAN NITO

Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral

Ang likas na pagkamalikhain ng Pilipino ay makikita sa maraming aspeto ng kanyang

buhay, higit lalo sa kanyang wika --- ang wikang Filipino. At sa pang-araw-araw na patuloy ang

komunikasyon ng isang Pilipino, patuloy rin ang paggamit niya ng wika na nagiging daan sa

pagpapayabong nito. Ang komunikasyon ay naisasagawa sa tulong ng wika sa kung paanong ang

wika ay umuunlad sa pamamagitan ng komunikasyon. Sa kondisyong patuloy ang paggamit nito,

lumalawak ang saklaw na bokabularyo ng isang wika at ito ay katotohanang hindi maitatanggi.

Ayon kay Mabanta (2011), ang wikang Filipino ay mayroong iba’t ibang antas na

nahahati sa pormal at impormal. Ang pormal ay binubuo ng mga salitang pambansa at

pampanitikan o yaong mga salitang ginagamit sa matataas na dominyo ng lipunan ---- sa

edukasyon, korte at maging sa iba’t ibang propesyon. Sa kabilang dako, ang mga impormal na

salita naman ay kinabibilangan ng lalawiganin, kolokyal at balbal. Ang lalawiganin ay ginagamit

sa isang partikular na lugar. Samantala, ang kolokyal naman ay ang pang-araw-araw na salitang

ating ginagamit. At ang huli ay pinakamababang antas ng wika, ang mga salitang balbal.

Gayumpaman, sa paglipas ng panahon, kapansin-pansin ang pagiging makulay ng wikang

Filipino dulot ng pagkalikha ang mga makabagong salita sa iba’t-ibang antas nito, higit lalo sa

antas ng salitang balbal.

Hango sa salitang Espanyol na calle ---- na ang ibig sabihin ay kalsada o street, ang mga

salitang balbal ay kinikilala ring salitang kalye, salitang kanto o salitang panlansangan. Ang
University Of Perpetual Help System 6

DALTA
salitang balbal o slang sa Ingles ay ang pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng

isang partikular na pangkat ng lipunan.

Katunayan, sinabi ni Blanch na ang mga salitang balbal ay nagsisilbing “parangal sa mga

dalubhasang Pilipino na may abilidad gawin na masaya at libangan ang wika” (2010). Ito ay sa

kadahilanang nagmumula ng mga salitang balbal sa iba’t ibang pangkat ng masa ------

estudyante, drayber ng jeep, artista, empleyado at gay community. Samakatwid, ang mga

salitang balbal ay maaaring magsilbing tanda ng pagkamalikhain at pagkamasayahin ng mga

Pilipino. Sa pamamagitan ng paggamit ng ganitong uri ng salita, naipahahayag ng mga Pilipino

ang kanilang saloobin nang may ganap na kalayaan sa paraang nais at kaaya-aya.

Sa kabuuan, ang mga salitang balbal ay malawak ang saklaw sa lipunang ating ginagalawan;

kung kaya’t may kapangyarihan itong hulmahin o kaya naman ay wasakin ang ating pambansang

wika ng identidad at pagkakaisa.


University Of Perpetual Help System 7

DALTA
Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito na “Epekto ng Paggamit ng mga Salitang Balbal sa Piling Mag-

aaral ng 11 ABM” ay naglalayong masagot ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang propayl ng mga respondente batay sa:

a. Seksyon

2. Paano tinaya ng mga mananaliksik ang talatanungan batay sa kraytirya ng pagbuo

ng modyul:

a. Karunungan sa paggamit ng mga salitang balbal

b. Epektong dulot ng paggamit ng mga salitang balbal

c. Pagpapasya ukol sa patuloy na paggamit ng mga salitang balbal

3. Ano ang mungkahi ng eksperto ukol sa napapanahong paggamit ng mga salitang

balbal?

Mga Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito na naglalayong makamit ang paggawa ng glosaryo ng mga balbal na

salita ay maaaring maging kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:

Estudyante. Ang mga mananaliksik ay lubos na naniniwala na ang pag-aaral na ito ay

mahalaga lalo’t higit sa kapakanan at ikabubuti ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng

konseptong papel na ito, magkakaroon ng mas malawak na pananaw ang mga estudyante hinggil

sa kaligiran, halimbawa at maging paggamit ng mga balbal na salita.


University Of Perpetual Help System 8

DALTA
Propesyonal. Sa pananaw ng mga mananaliksik, ang konseptong papel na ito ay

makatutulong sa mga propesyonal na tao sa iba’t ibang larangan. Ang kaalaman tungkol sa

wikang impormal tulad ng balbal ay magiging behikulo upang mas magampanan nila ang nang

maayos ang kanilang tungkulin. Magkakaroon sila nang mas matibay na relasyon sa kanilang

kliente/pasyente kung mayroon silang kaunawaan tungkol sa salitang balbal.

Mamamayang Pilipino. Ang mga mananaliksik ay buo ang paninindigan na ang kanilang

konseptong papel ay kapaki-pakinabang sa bawat mamamayang Pilipino sa ating lipunan. Ang

kaalaman na maibibigay ng kanilang pag-aaral ay malaki ang gampanin sa pagpapayabong ng

pambansang wika, na bahagi ng pagka-Pilipino ng mga mamamayang Pilipino.

Mga Mananaliksik sa Hinaharap. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga susunod

pang mananaliksik sa hinaharap. Maaaring ang konseptong papel na ito ay magsilbing

pagkukuhanan o basehan ng kanilang mga ideolohiya sa kabuuan.

Rebyu ng Kaugnay na Pag-aaral at Literatura, Global at Lokal

Sa bahaging ito nakapaloob ang iba't ibang pag-aaral at literatura sa loob at labas ng

bansa na may kaugnayan sa isinagawang pananaliksik. Sa pamamagitan ng paghahambing ng

mga nakuhang kaugnay na pag-aaral at literaturang lokal at global ay malalaman kung ito ba ay

makakatulong sa pag-aaral. Ang mga sumusunod na kaugnay na pag-aaral at kaugnay na

literatura ay maaaring pagtibayin ang pananaliksik na ito o kaya naman ay pasusubalian lamang

o hindi makakatulong sa isinagawang pag-aaral.


University Of Perpetual Help System 9

DALTA
Lokal na Literatura

Ang wika ay lubhang makapangyarihan kaya naman maraming tao ang madaling

maimpluwensiyahan sa paggamit ng salitang balbal. Binigyang kahulugan ni Gette ang salitang

balbal o islang na salita bilang isang di-pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng

isang partikular na grupo ng lipunan. Tinatawag din itong salitang kanto o salitang kalye (2010).

Kaugnay nito, isinalaysay ni Mabanta (2011), na ang wikang Filipino ay mayroong iba’t

ibang antas na nahahati sa pormal at impormal. Ang pormal ay binubuo ng mga salitang

pambansa at pampanitikan o yaong mga salitang ginagamit sa matataas na dominyo ng lipunan

---- sa edukasyon, korte at maging sa iba’t ibang propesyon. Sa kabilang banda naman, ang mga

impormal na salita naman ay kinabibilangan ng lalawiganin, kolokyal at balbal. Halimbawa ng

lalawiganin ay Tagalog sa Batangas at Cebuano sa Cebu na ginagamit sa isang particular na

lugar. Samantala, ang mga salitang sa’kin (sa akin), sa’yo (sa iyo) at iba pa ay halimbawa ng

kolokyal na ginagamit natin araw-araw. At ang huli ay pinakamababang antas ng wika, ang mga

salitang balbal.

Ayon kay Hill (sa Tumangan, et al., 2000) at Gleason (sa Tumangan, et al., 2000), Ang

wika ay nagbabago. Dinamiko ang wika. Hindi ito maaring tumangging magbago. Ang isang

wikang stagnant ay maaari ring mamatay tulad ng hindi paggamit niyon. Ang isang wika ay

maaaring nadadagdagan ng mga bagong bokabularyo. Bunga ng pagiging malikhain ng tao,

maaaring sila ay nakakalikha ng mga bagong salita. Ang pinakamuhasay na halimbawa nito ay

ang mga salitang balbal at pangkabataan. Ang ating wika ay nadaragdagan ng mga bagong salita

na hindi umiiral noon. May mga salita ring maaaring nawawala sapagkat hindi na ginagamit.
University Of Perpetual Help System 10

DALTA
Ayon kay, G. Joey Arrogante, Ang mga salitang lalabas o dapat mamutawi sa iyong bibig

ay mabubuti. Hindi dapat makakasakit sa kapwa. Kaya nga lamang sa panahon ngayon. Iba iba

na ang maririning sa mga kabataan nakagugulat dahil kahit may pinag aralan ay nalilihis ang

pagsasalita. Tama kayang sabihin na ang pagsasalita ay inaayon mo sa uri ng iyong kausap?

Kung ang iyong kaharap o kausap ay mahilig mag salita ng mga salitang kanto ay gayon din ba

sa iyong sasalitain?

Ayon kay Mendoza (2004), Ang makasining na paraan ng wastong pagpili at akmang

paggamit ng mga salita sa loob ng pangungusap sa kawili-wili at kasiyang-siyang pagpapahayag

ng diwa.

Dayuhang Literatura

Ayon kay Zorc, ang mga Pilipinong mananalita ay nakamit ang mga ganitong uri ng

salita sa pamamagitan ng “paghiram sa ibang lenggwahe, pagbigay ng bagong kahulugahan sa

mga dating salita, paggawa ng orihinal na salita, o paggamit ng mga numero na magsisilbing in-

group code.” Sinabi rin niya na ang mga ito ay nagmumula sa iba't ibang pangkat ng tao na

lumilikha nito tulad ng mga salita na mag-aaral, drayber, artista, military at mga bakla na

nagiging laman o nakasulat sa iba't ibang magasin at pahayagan (1993).

Alinsunod naman kina Bautistaa, Kazuhiro et al.(2009), ang salitang balbal o islang ay

ang di-pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang partikular na grupo ng

lipunan. Kung kaya naman, ito ay maituturing na mga salitang mapanghikayat higit lalo sa mga

kabataan. Masyadong malawak ang saklaw ng mga salitang balbal kaya’t madalas na ring
University Of Perpetual Help System 11

DALTA
naririnig ang mga ito sa pang-araw-araw na pamumuhay. Ngunit sa pananaw ng ibang tao, ang

mga salitang ito ay hindi pala kaaya-aya.

Ayon kay Cafford (1965), sa lahat ng antas ng wika, ang balbal ang pinakadinamiko.

Maaari kasing ang usong salitang balbal ngayon ay laos na bukas. Nakatutuwa ring pag-aralan

kung paano nabubuo ang mga salitang ito. Minsan nga, dahil sa napakasalimuot na prosesong

pinagdadaanan ng isang salitang balbal, nagiging lubhang mahirap nang ugatin ang

pinanggalingan nito. Kayrami ngang kabataang gamit nang gamit ng mga salitang balbal na hindi

nila alam kung paano ito nabuo.

Ayon naman kay J.K Chambers (2008), Sosyalek naman ang tawag sa barayting nabubuo

batay sa dimensyong sosyal o panlipunan. Nababatay ito sa mga pangkat panlipunan. Halimbawa

nito ang wikang gamit ng mga estudyante, wika ng matatanda, wika ng kababaihan, wika ng

preso sa kulungan, wika ng mga bakla, ng kabataan at iba pang mga pangkat. Makikilala ang

iba’t-ibang barayti nito sa pagkakaroon ng kakaibang rehistro na natatangi lamang sa pangkat o

grupo na gumagamit ng wika.

Ayon kay Kazuhiro et. Al. (2009), Ang balbal na salita ay ang di pamantayang paggamit

ng mga salita sa isang wika ng isang partikular na grupo ng lipunan. Ang antas ng lipunan na

lalong nanghihikayat sa mga kabataan na makasanayang bigkasing madalas ang mga salitang

ito. Kalunos-lunos ang magiging bunga nito kung hindi natin pagbibigyan na sapat na lunas o

solusyon ang suliraning ito.

Konseptuwal na Balangkas

Wika ang nagbubuklod sa bawat mamamayan na nagsisilbing instrument upang tayo’y

magkaintindihan at magkaroon ng maayos na pagkakaunawaan. At kasabay ng pagbabago ng


University Of Perpetual Help System 12

DALTA
panahon ay ang pagbabago rin ng ating wika na maaring maging mabuting epekto o hindi

depende sa paggamit ng tao.

Balangkas Konseptuwal

Input

Nais naming mga mananaliksik na malaman ang epekto ng paggamit ng mga


salitang balbal sa piling mag aaral ng ikalabing isang baitang ng abm sa paaralan ng
University of Perpetual Help System Dalta. Bahagi din ng aming panananaliksik
ang alamin ang mga mabuti at masamang epekto ng salitang balbal. Kami ay
humantong sa pananaliksik na ito dahil napansin namin ang mga paglitaw ng mga
bagong salita at tila ba tuluyan ng naibabaon sa limot ang lumang salitang Filipino.

Proseso
Kaming mga mananaliksik ay magsasawa ng sarbey. Mamahagi kami ng mga
kwestyuner sa mga piling mag-aaral ng abm sa paaralan ng University of Perpetual
Help System Dalta. Magiging bahagi ang tatlumpong mag-aaral para sa sarbey na
ito. Ang sarbey na nabanggit ay naglalayong alamin ang pulso at damdamin ng
aming respondensiya tungkol sa aming pinag aaralang pananaliksik tungkol sa
wikang balbal. Tulay din ito upang makakalap ng datos na aming kailangan sa
pananaliksik na ito.

Awtput

Inaasahang sa pamamagitan nito ay aming malalaman ang epekto ng paggamit ng

mga salitang balbal sa piling mag-aaral ng abm ng paaralang University of

Perpetual Help System DALTA. Dagdag pa rito ay malalaman din natin malalaman

din natin ang mga dahilan sa paglitaw ng mga makabagong salita (balbal). At kung

totoo ba na nalilimot ang mga kinagisnang lumang salita.

Pigura 1. Paradaym/Paradigma ng Konseptuwal na Balangkas


University Of Perpetual Help System 13

DALTA
Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Ang konseptong papel na ito ay nakatuon sa pagbibigay-kahulugan at pagpapaliwanag ng

kaligiran, kasaysayan at etymolohiya ng mga salitang balbal. Saklaw rin nito ang paglilista ng

mga halimbawa ng nasabing uri ng salita sa anyo ng isang glosaryo.

Sa kabilang panig naman, nililimitahan ang pagsasaliksik na ito mula sa kahulugan hanggang

sa epekto ng mga salitang balbal sa lipunan. Naniniwala ang mga mananaliksik na upang maging

ganap ang kaalaman ukol sa mga salitang balbal ay mahalagang malaman rin ang maaaring

maging dulot nito sa pamayanan. Samantala, hindi naman mabibigyang-pansin sa konseptong

papel ang iba pang antas ng wikang Filipino.

Katuturan ng mga Katawagan

Balbal (d): ay ang di pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang

particular na grupo ng lipunan.

(k): salitang kalye

Dominyo (d): ang pagkakasunod-sunod ng pangunahing hanay o herarkiya

(k): antas sa lipunan

Etimolohiya (d): ay ang pag-aaral ng kasaysayan ng mga salita at kung paano nag-iba

ang kanilang anyo at ibig sabihin sa paglipas ng panahon

(k): pinagmulan ng salita

Kolokyal (d): mga salitang ginagamit sa mga pagkakataong impormal. Ang

pagpapaikli ng isa, dalawa, o higit pang salita ay nauuri rin sa antas na ito.

(k): mga pangkaraniwang salita


University Of Perpetual Help System 14

DALTA
Lalawiganin (d):  salitain o dayalekto ng mga katutubo sa lalawigan o panlalawigang

salita

(k): salita sa probinsya o rehiyon


University Of Perpetual Help System 15

DALTA
KABANATA II

METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN

Sa kabanatang ito inilahad ng mga mananaliksik ang pamamaraang ginamit, disenyo ng

pag-aaral, mga kalahok, intrumentong ginamit, paraan ng pangangalap ng datos at

kompyutasyong pang-istadistika na nakapaloob sa pag-aaral.

Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang deskriptibo na

pananaliksik. Naglalayong ilarawan at suriin ang kaligiran, epekto at maging mga halimbawa ng

mga salitang balbal sa kasalukuyang panahon.

Lokal at Populasyon ng Pananaliksik

Ang mga napiling mga respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga estudyante na Senior

High School sa taong panuruan 2017-2018 sa University of Perpetual Help System Dalta. Sa

kasalukuyan ay tatlumpong mag-aaral mula sa ika-labing-isang baitang ng abm ang aming

kinuha bilang maging respondent sa aming talatanungan. Sila ang aming napili bilang maging

respondente dahil nais naming malaman kung paano nakaka-apekto sa kanila, bilang isang mag-

aaral at kabataan, ang mga salitang balbal.

Kasangkapan sa Paglikom ng Datos

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng instrumentong talatanungan.. Ang bawat set ng

talatanungan ay nahahati sa dalawang bahagi. Ang unang bahagi ay para sa propayl ng

respondente, ang ikalawang bahagi naman ay nasa Likert-type scale upang masukat ang pananaw

ng mga respondente hinggil sa epekto ng paggamit ng mga salitang balbal sa piling mag-aaral ng

11 ABM. Kasama din sa bawat set ng talatanungan ang pormal na kasulatan ng mga

mananaliksik sa paghingi ng pahintulot para sa mga respondent.


University Of Perpetual Help System 16

DALTA
Magsisilbing instrumento ng pag-aaral na ito ang inihandang talatanungan ng

mananaliksik na nahati sa ilang bahagi:

1. Propayl ng respondent - sa bahaging ito hinihingi ang impormasyon ng mga

respondenteng tumugon. Nakatala rito ang pangalan, paaralan/kompanyang

pinagtatrabahuhan, uri ng trabaho, kasalukuyang posisyon, edad, katayuang sibil, bilang

ng taon sa hanapbuhay at pinakamataas na natamong edukasyunal para sa ekperto sa

wika at Horticulture. Para naman sa mag-aaral ay kabilang ang pangalan, edad,

katayuang sibil at taon at pangkat. Ginawang opsyonal ng mga mananaliksik ang

paglalagay ng pangalan ng mga respondente.

2. Likert Type Scale - sa bahaging ito hinihingi ang pagtingin ng mga repondente sa isina-

Filipinong bersyon ng modyul sa Horticulture ng TESDA sa pamamagitan ng pagpili at

paglalagay ng tsek sa mga sumusunod:

Pagpipilian Interpretasyon

5 - Lubusang Sumasang-ayon (LSA)


4 - Sang-ayon na sang-ayon (SNS)
3 - Sang-ayon (SA)
2 - Hindi Sang-ayon (HSA)
1 - Lubusang Hindi Sumasang-ayon (LHS)

Sa kabuuan, ang mga datos na makakalap sa instrumentong ginamit ang magsisilbing

suporta na magpapatibay sa pag-aaral.


University Of Perpetual Help System 17

DALTA
Paraan ng Paglikom at Pagsusuri ng Datos

Sa pagpili ng tiyak na paksa sa aming pag-aaral, ang mga mananaliksik ay nangalap ng

mga datos ukol sa mga aklat na mayroong koneksyon sa aming paksa. Maliban sa nabanggit,

nakakalap din ang mga mananaliksik ng mga datos sa pamamagitan ng websayt, ibat ibang tesis,

mga taong ekspert o may sapat na kaalaman sa paksang napili at silid aklatan sa loob ng

paaralan. Matapos pag sumikapin ang paksa, ito ang naging batayan ng mga mananaliksik upang

bumuo ng mga katanungan upang makuha ang ibat ibang pananaw ng mga piling mag aaral.

Bumuo ng sampung katanungan ang mga mananaliksik upang makakuha ng impormasyon na

magiging batayan ng kabuuan ng tesis.

Matapos pag tibayin ang mga talatanungan, gumagawa ng survey na kung saan ang mga

taga tugon ay mga mag aaral sa ika labing isa ng ABM. Matapos pag tuunan ng pansin ang

survey, pinag Isa ang mga mag kaparehong sagot ng mga repondente. Sa kabilang paraan, ang

mga Mananaliksik ay nangailangan ng boses galing sa mga piling tao. Nakipag panayam o nag

interbyu ng mga taong may sapat na kaalaman ukol sa paksa ang mga mananaliksik. Masusing

pinag aralan at ginawan ng pag bubuod at konklusyon ang mga datos na nakalap. Sa mga

paraang ito nakuha ng mga mananaliksik ang pananaw ng mga respondente ukol sa pag gamit ng

mga salitang balbal at epekto nito.


University Of Perpetual Help System 18

DALTA
Bibliograpiya

A. Sangguniang Walang May-Akda

Akademikong Filipino Tungo sa Epektibong Komunikasyon, P:7

Akademikong Filipino Tungo sa Epektibong Komunikasyon, P:32

Akademikong Filipino Tungo sa Epektibong Komunikasyon, P: 38

Balbal. (n.d.). Nakuha Setyembre 18, 2016, mula sa

https://tl.wikipedia.org/wiki/Balbal

Balbal dito,Balbal Doon, Puro Kabalbalan sa Wikang Kinagisnan. (2015, Setyembre 26).

Nakuha Setyembre 18, 2016, mula sa http://balbaltagalogy.blogspot.com/

Salitang Kalye. (n.d.). Nakuha Setyembre 18, 2016, mula sa

http://www.seasite.niu.edu/tagalog/salitang_kalye.htm

Wikang Filipino: Mga salitang pormal at balbal. (2012, September 5). Nakuha Setyembre 18,

2016, mula sa https://themichaelian.wordpress.com/2012/09/05/wikang-filipino-mga-salitang-

pormal-at-balbal/

Mga Sangguniang Mayroong May-Akda

Blanch, A. (2012, Enero 05). PARE: Hayag at Lingid na Panawagan. Austin Blanch Articles.

Nakuha mula sa http://austinblanch.blogspot.com/2012/01/pare-hayag-at-lingid-na-

panawagan.html
University Of Perpetual Help System 19

DALTA
Caunian, A. (2012). Implikasyon ng paggamit ng wikang balbal sa mga mag aaral na nasa

unang taon na kumukuha ng kursong bs social work sa plm (Hindi nalimbag na disertasyon).

Nakuha Setyembre 18, 2016, mula sa http://www.slideshare.net/amydelivios/implikasyon-ng-

paggamit-ng-wikang-balbal-sa-mga-mag-aaral-na-nasa-unang-taon-na-kumukuha-ng-kursong-

bs-social-work-sa-plm

Gabol, W. P. (n.d.). Pinoy Slang. Nakuha Setyembre 18, 2016, mula sa

http://www.pagusapan.com/pinoy-slang/

Mendoza-Decal, Eleonita, Pagbigkas at pagsulat na pakikipagtalastasan, National Book store,

2009

Monzones, H., Lim, M., & Baybay, K. (2012). Epekto ng Paggamit ng Balbal na Salita Ng mga

Mag-aaral na Sekondarya ng St. Thomas Academy (Hindi nalimbag na disertasyon). St. Thomas

Academy.

P. (2010, Hunyo 22). Ano Ang Meron Sa Salita o Wikang “Balbal”? Nakuha Setyembre 18,

2016, mula sa https://preacherjemuel15.wordpress.com/2010/06/22/ano-ang-meron-sa-salita-o-

wikang-balbal/

Pineda, P. (2004). Metamorfosis ng wikang Filipino / sulyap at titig ni Ponciano B.P. Pineda.

Makati City : Grandwater Publications.


University Of Perpetual Help System 20

DALTA
Louise Jazie M. Quia
Snt. Andrew St. Snt. Joseph Subd. Pulanglupa Dos Las Pinas City
· louisemendoza0123@gmail.com · 09955406912

Education:

Senior High School


University of Perpetual Help System Dalta- Las Piῆas 2017
Las Piñas City, Metro Manila, Philippines

Junior High School


Bernardo College 2017
Pulang Lupa I, Las Piñas City

Grade School
Las Piñas Elementary School Central 2013
Pulang Lupa I, Las Piñas City

Honors and Awards:

Best in English 2017


University Of Perpetual Help System 21

DALTA
Nyka Alyssa R. Rivera
Satima Village Talon Dos Las Pinas City · Nykarivera@yahoo.com · 09364070870

Education:

Senior High School


University of Perpetual Help System Dalta- Las Piῆas 2017
Las Piñas City, Metro Manila, Philippines

Junior High School


Bernardo College 2017
Pulang Lupa I, Las Piñas City

Core Gateway College Inc. 2016


San Jose City, Nueva Ecija

Abar 2nd Elementary School 2013


San Jose City, Nueva Acija

Honors and Awards:


2nd Place Spelling Bee 2014
3rd Place Filipino News Writing 2013
University Of Perpetual Help System 22

DALTA
Jen Erika R. Rustia
199-B 2nd Street Bayan, Bacoor City, Cavite 4102  jenrustia19@gmail.com  09287161930

Education:
Senior High
University of Perpetual Help System DALTA- Las Piñas Campus 2017
Las Piñas City, Metro Manila, Philippines

Junior High
Bacoor Unida Evangelical School 2017
Bacoor City, Cavite, Philippines

Grade School
Poblacion Elementary School 2013
Bacoor City, Cavite, Philippines

Honors and Awards

With High Honor S.Y 2016-2017


Young Achiever Awardee S.Y 2016-2017
University Of Perpetual Help System 23

DALTA
Maria Jovelyn L. Tinio
Longos, Bacoor City, Cavite 4102  mariajovelyntinio@gmail.com  09952560869

Education:

Senior High
University of Perpetual Help System DALTA- Las Piñas Campus 2017
Las Piñas City, Metro Manila, Philippines

Junior High
Bernardo College 2017
Las Piñas City, Metro Manila Philippines

Grade School
Pamplona Elementary School Central 2013
Las Piñas City, Metro Manila, Philippines

Honors and Awards

With Honor S.Y 2016-2017


Campus Leadership Awardee SY: 2016-2017
University Of Perpetual Help System 24

DALTA

Angelica P. Varona
Garnet St. Manuela Homes Talon Las Pinas City ·angelvarona0424@gmail.com
· 09499507944

Education:

Senior High School


University of Perpetual Help System Dalta- Las Piῆas 2017
Las Piῆas City, Metro Manila, Philippines

Junior High School


Sta. Teresa College 2017
Kapt. Ponso St. Bauan, Batangas

Grade School
Sta. Teresa College 2013
Kapt. Ponso St. Bauan, Batangas

Davidville Academy 2010


Sucat, Parañaue City

Honors and Awards:


Graduated With Honors
School Service Award
Consistent Honor in High School 2013-2016
 

You might also like