You are on page 1of 3

Pagsulat ng Panukalang Proyekto

Ang panukalang proyekto ay detalyadong deskripsiyon ng isang serye ng mga


aktibidad na naglalayong maresolba ang isang tiyak na problema, (Nebiu, 2000).
Ang isang panukalang proyekto ay kadalasang nakasulat, minsan ito ay anyong oral
na presentasyon, o kaya ay kombinasyon ng mga ito:
Maikling panukalang proyekto. Ang isang maikling panukalang proyekto ay
mayroon lamang dalawa hanggang 10 pahina na kadalasang na sa anyong liham
lamang.
Mahabang panukalang proyekto. Ang mahabang bersyon ay naglalaman ng
mahigit sa sampung pahina. Magkapareho lamang ang nilalaman ng dalawang uri
ng proposal; nagiging elaborated lamang at susunod sa isang structured format ang
mahabang bersyon.
KATANGIAN
Solicited o Unsolicited. Ang isang panukalang proyekto na isinagawa dahil may
pabatid ang isang organisayon sa kanilang pangangailangan ng isang proposal ay
itinatawag na solicited proposal, samantalang kung wala naman at kusa o nagbaka-
sali lamang ang proponent ay maituturing itong unsolicited.
Internal o Eksternal. Maari itong internal o yaong inihain sa loob ng
kinabibilangan organisasyon, o eksternal na isang panukala para sa organisasyong
di-kinabibilangan ng proponent.
Ang panukalang proyekto ay isang aplikasyon tungkol sa pag apruba para sa
iasang proyekto.
Pangunahing Balangkas ng Panukalang Proyekto
1. Panimula - dito inilalahad ang mga rasyonal o ang mga suliranin, layunin, o
motibasyon.
2. Katawan - dito inilalagay ang detalye ng mga kailangang gawin at ang
iminumungkahing badyet para sa mga ito.
3. Kongklusyon - dito inilalahad ang mga benepisyong maaaring idulot ng
proyekto.

Anu-ano naman ang mga espesipikong laman ng panukalang proyekto?

1. Pamagat - dapat na malinaw at maikli.


Halimbawa: “Panukala para sa TULAAN 2016 sa Pagdiriwang ng Buwan ng
Wika”, “Kahaandaan sa oras ng Kalamidad”
2. Proponent ng proyekto - tumutukoy sa tao o organisasyong nagmumungkahi
ng proyekto isinusulat dito ang adres, e-mail, cell phone o telepono, at lagda ng
tao o organisasyon.
Halimbawa: Bb. Rose Ann Mangoba at G. Renz Geronimo
3. Kategorya ng proyekto - ang proyekto ba ay seminar, o kumprensiya,
palihan, pananaliksik, patimpalak, konsiyerto, o outreach program?
Halimbawa: Ang gawain ay isang seminar para sa mga estudyante bilang
paghahanda sa mga darating na kalamidad.
4. Petsa - kailan ipadadala ang proposal at ano ang inaasahang haba ng panahon
upang maisakatuparan ang proyekto?
Halimbawa: Ang seminar ay magtatagal ng 2 oras mula 9:00 ng umaga
hanggang 12:00 ng hapon ng Agosto 17,2018.
5. Rasyonal - ilalahad dito ang mga pangangailangan sa pagsasakatuparan ng
proyekto at kung ano ang kahalagahan nito.
Halimbawa: Walang nakakaalam kung kailan darating ang isang kalamidad.
Sinasabing maari itong maganap sa hindi inaasahang oras. Kaya’t ang
proyektong Kahaandaan sa oras ng Kalamidad ay napapanahon at hindi
mawawala sa uso. Ito ay naglalayong gawing handa ang mga estudyanteng
senior high na mula sa Lagro High School. 100 estudyante ang inaasahang
dadalo sa seminar bilang mga respondente. Maituturing na mapalad ang
gagawing proyektong ito dahil dadalo ang ilang opisyal ng NDRRMC at Red Cross
bilang mga speaker.
6. Deskripsyon ng proyekto - isusulat dito ang panlahat at tiyak na layunin
- nakadetalye dito ang mga pinaplanong paraan upang
maisagawa ang proyekto at ang inaasahang haba ng
panahon.
Halimbawa: Ang Seminar ay tinatawag na “Disaster Preparedness” para sa mga
mag-aaral. Ito ay tumutukoy sa mga hakbang o mga dapat gawin bago at sa
panahon ng Kalamidad. Mahalagang malaman ng mga mag-aaral ang mga dapat
gawin sa panahon ng kalamidad. Ipapaliwanag dito ang mga mahahalagang
impormasyon upang hindi mailto o maguluhan ang mga mag-aaral kung paano
ang gagawin sa oras ng kalamidad.
7. Badyet - itatala rito ang detalye ng lahat ng inaasahang gastusin sa
pagkompleto ng proyekto
Halimbawa:
Sa proyektong ito tinatayang nasa P4,000 ang kabuuang halaga na inilalaan sa
sumusunod na pagkakagastusan.

Aytem Halaga Kabuuan


Honorarium ng Ispiker P2,000 P2,000
Pagkain ng Ispiker P500 P500
Sertipiko ng Ispiker na P200 P200
may Frame
Sertipiko ng mga P2 x 100 P200
Kalahok
Tarpaulin P550 x 2 P1,100
KABUUAN: P4,000

8. Pakinabang - ano ang pakinabang ng proyekto sa mga direktang


maaapektuhan nito-sa ahensiya o indibidwal na tumulong upang maisagawa ang
proyekto?
Halimbawa: Ang makikinabang ay mag-aaral ng Lagro High School Senior High
School. Ang layunin ay maging handa ang bawat mag-aaral sa pagdating ng
sakuna o kalamidad.

IKA-14 NA GRUPO:
BABIS, Dominique Leigh
VEGA, Irish Kaye
GAYOTIN, Marviane Sigrid

You might also like