You are on page 1of 1

Ang tesis na aking binasa ay may titulong “Ang pakikibagay ng Coke bilang bahagi ng buhay ng

mga Pilipino sa pamamagitan ng kanyang mga patalastas sa telebisyon”. Ang tesis ay tungkol sa
Coca Cola, isang multinasyonal na kumpanya mula sa Estados Unidos, at kung paano nito
inangkop ang kanilang mga patalastas sa kultura ng Pilipinas. Pinag aralan ng mananaliksik ang
mga patalastas pantelebisyon ng Coca Cola sa Estados Unidos, at Pilipinas. Pagtapos ay
kaniyang ikinumpara at lalong pinagaralan ang mga patalastas upang bigyan ng kahulugan ang
mga nilalaman nito. Sa mga patalastas na ito ay nabatid na ang paggamit ng mga elemento at
naratibong Pilipino sa mga patalastas ng Coca Cola tulad ng Pamilya, pagkakaibigan,
pagkamasiyahin, at iba pa ay mainam sapagkat nagbigay ito ng mas malalim na kahulugan para
sa mga Pilipino.
Sa tesis ay isinaad ni Perez (2010) ang sumusunod:
Sa kabuuan, masasabing ang paggamit ng mga kaugalian, kultura, at kaisipang Pilipino ang susi
upang mas maging makabuluhan at maging epektibo ang pakikibagay ng isang multinasyunal na
Coke sa panlasa at pag-iisip ng mga Pilipino. Daraan at daraan sa proseso ng pagbabago ang
kahit ano pa mang bagay na ia-adapt mula sa isang kultura patungo sa isa pang kultura gaya ng
mga patalastas ng Coke sa telebisyon na mula pa sa Estados Unidos patungo sa Pilipinas. (p. 90)
Isinasaad ng sipi na ang paggamit ng Coke sa mga tema, at kaugaliang Pilipino ay isang
epektibong paraan upang makibagay at makiangkop sa mga manonood. Dagdag pa rito, isinaad
ng sipi na dadaan sa proseso ang kahit anong bagay na in-adapt mula isang kultura patungo sa
ibang kultura. Sa prosesong ito ay ginagamit ang iba’t ibang aspeto ng kultura ng isang bansa
upang matanggap ang produkto o bagay ng bagong kultura.
Mula sa sipi ay mababatid natin na upang makibagay ang mga multinasyonal, o mga dayuhang
kompanya sa ating bansa, lalo na sa kanilang mga potensyal na mamimili, ay dapat muna nilang
maintindihan at maunawaan ang kultura ng kanilang target audience. Pagtapos ng kanilang
pagkaunawa, ay dapat silang makibagay sa target audience sa pamamagitan ng pag-ugnay ng
kanilang produkto sa kultura ng target audience. Dagdag pa rito ay masasabi nating mahusay
ang ganitong taktika ng Coca Cola sapagkat maiiisip ng kanilang target audience na ang Coca
Cola ay may pagpapahalaga sa kultura ng iba, isang paraan upang mas madaling matanggap ang
kanilang produkto ng ibang lahi.

You might also like