You are on page 1of 1

1.

) Ang pananaliksik na ito ay isinagawa na may layuning pag-aralan ang pag-gamit ng bidyo-
komersyal bilang instrumento sa pagtuturo ng wika at panitikan, at upang malaman ang
persepsiyon ng mga mag-aaral sa pananaliksik na ito. 2.) Ayon sa iba't-ibang pag-aaral,
napahuhusay ng paggamit ng bidyo-komersyal, hindi lamang ang pagtuturo kundi maging ang
pagkatuto ng mga mag-aaral. 3.) Ipinagpalagay ni Ayinde (1997) na ito ay nagbibigay daan sa
malayang pag-aaral, tulong pangkomunikasyon, gumigising sa iba’t ibang pandama at
ginagawang makapangyarihan at madali ang instruksiyon. 4.) Nalilinang din nito ang pagtuturo
ng guro sapagkat ang paggamit ng mga bidyo ay nakatutulong sa pagpapaliwanag, sa
pagpapakita ng mga ideya, at ng mga konsepto na maaaring iugnay sa paksang tinatalakay. 5.)
Ito ay pinagtibay ng mga teoryang Cognitive Theory of Multi-Media Learning ni Richard Mayer,
kung saan mas higit na natututo ang tao mula sa mga salita at larawan kumpara sa mga salita
lamang, Dual Coding Theory ni Paivio, na nagsisikap na maibigay ang pantay na timbang sa mga
prosesong berbal at hindi berbal, at Multimodal Learning Style na nagsasaad na ang mag-aaral
ay may iba’t ibang istilo ng pagkatuto. 6.) Makikita rin sa mga pag-aaral na ito ang kabisaan ng
bidyo komersyal sa pagtuturo sa mga partikular na bahagi bilang pagganyak, gamit sa talakayan,
at ebalawasyon. 7.) Ang isinagawang pananaliksik ay ginamitan ng “Descriptive Survey Research
Design” na ginagamitan ng talatanungan (survey questionnaire) para makangalap ng mga datos.
8.) Pinili naman ang mga respondente sa pamamagitan ng Convinience Sampling na ang mga
kalahok ay pinipili batay sa preperensiya ng mga mananaliksik. 9.) Sa isinagawang sarbey ng
mga mananaliksik, lumabas na lubhang sumasang-ayon ang mga respondente sa paggamit ng
mga bidyo komersiyal bilang instrumento sa pagganyak, gamit sa talakayan, at gamit sa
ebalwasiyon. 10.) Ang balanseng pagtingin sa kahalagahan ng mga daluyang ito ng pagkatuto at
mataas na antas ng persepsiyon ng mga mag-aaral hinggil sa bidyo komersiyal ay ang
magbibigay ng puwang sa paggamit ng bidyo komersyal bilang instrumento upang mas
mapahusay ang pagtuturo.

You might also like