You are on page 1of 11

Detailed Lesson Plan in MTB-MLE

1st Quarter

I. LAYUNIN

Pagtapos ng 60 minuto, inaasahan ang mga mag-aaral na:

1. Matukoy ang kahulugan ng pang-uri


2. Malaman ang kalahagahan ng pagiging masipag
3. Matukoy ang mga pang-uri sa bawat pangungusap

II. NILALAMAN

1. Aralin: Pang-uri (MTB-MLE 2)


2. Sanggunian: Curriculum Guide p. ___, MTB-MLE TG pp. _____,
MTB-MLE LM pp. ____
3. Kagamitan: tarpapel, flashcards, activity sheets, activity cards, Powerpoint
presentation, larawan
4. Values Integrated: Kasipagan
5. Strategy used: Group Activity

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

A. Panimulang Gawain

1. Pagdadasal
Magsitayo ang lahat para
sa ating panalangin.

2. Pagbati
Magandang umaga sa inyong
lahat mga bata. Magandang umaga rin po.

3. Awit
Ating awitin ang kantang
“Tatlong Bibe” (Ang mga bata ay await)
4. Pagtatala ng Pagliban
Unang pangkat, may nagliban
ba sa inyo? Wala po sir.

(Gawin ang ganitong uri ng


pagtatanong hanggang sa huling pangkat)

5. Pagsagot ng Takdang Aralin


Ating sagutan ang inyong takdang
aralin kahapon. Sino ang maaaring bumasa
ng panuto? Bilugan ang pandiwa sa bawat
pangungusap.

Panuto: Bilugan ang pandiwa sa bawat pangungusap.

Sagot:
1. Si nanay ay nagluto ng adobong manok. nagluto

2. Ang sanggol ay natutulog sa higaan. natutulog

3. Namili ng mga gulay si ate sa palengke. namili

4. Gumawa si tatay ng bagong upuan. gumawa

5. Si kuya ay nag-aaral ng kanyang mga aralin. nag-aaral

B. Panlinang na Gawain

1. Pagsasanay
Ngayon naman ay basahin natin ang
mga salita sa flashcard. Sabihin ninyo kung ang
mga ito ay halimbawa ng pandiwa o hindi.

Pandiwa
nagwalis

parke Hindi pandiwa


Pandiwa
nag-aral

naglaba Pandiwa

aso Hindi pandiwa

2. Balik-aral

Ating balikan ang aralin kahapon.


Ano ang ibig sabihin ng pandiwa? Ang pandiwa po ay isang
salitang kilos.

Mahusay. Magbigay ng isang


halimbawa ng pandiwa. Lumangoy

Tama. Anu-ano pa? Umawit


Sumayaw
Naglinis

3. Paghawan ng Balakid

Bago tayo magpatuloy, naririto


ang ilang mga salitang idadagdag
natin sa inyong kaalaman.

1. Lila

2. Kahel

3. Tatsulok

4. Parisukat
5. Parihaba

6. Bituin

C. PAGGANYAK
(Ipakita ang isang larawan ng
sumbrero)

Sino ang makapagsasabi sa akin kung


ano ang nasa larawan? Ang nasa larawan po ay
isang sumbrero.

Magaling. Saan isinusuot ang isang


sumbrero? Isinusuot po ang sombrero
sa ating ulo.

Tama. Kailan natin ginagamit ang


sumbrero? Ginagamit po natin ang
sombrero kapag tayo ay
naiinitan.
Mahusay! Ano kaya ang mangyayari
kung hindi tayo magsusuot ng
sumbrero kapag mainit ang
panahon? Maaari po tayong
mainitan.

Ano pa? Maaari pong masunog an


gating balat.

Ayos! Lahat ng inyong mga sagot ay


tama at napakaganda.

Ngayon ay ating basahin ang isang talata


tungkol sa isang batang magaling
gumawa ng sumbrero.

Ang pamagat ng ating kuwento ay


“ Si Ineng Magaling”. (Babasahin ng mga bata
ang kuwento)

Si Ineng Magaling

Bata pa lang si Ineng ay magaling na siyang gumawa ng mga sumbrero.


Kaya niyang gumawa ng sumbrerong hugis puso, bituin tatsulok at parisukat. Mayroon
ding kulay dilaw, puti, lila at kahel. Mabilis gumawa ng sombrero si Ineng. Kaya niyang
gumawa ng sampung sumbrero sa isang oras. Madami ang bumibili ng sumbrero
kay Ineng. Bumibili sila ng malalaki, maliliit at malalapad na sumbrero. Siya si Ineng. Sa
paggawa ng mga sumbrero, siya ay magaling.

Ating balikan ang kuwento.


Ano sa palagay ninyo ang katangiang
taglay ni Ineng? Si Ineng po ay isang
masipag.

Tama. Ang pagiging masipag ay


isang magandang katangian na dapat
taglayin ng mga batang tulad ninyo.

Anu-ano ba ang maaaring gawin


natin upang maipakita an gating kasipagan? Tumulong sa gawaing
bahay.

Mismo. Ano pa? Mag-aral nang mabuti.

Tama.

D. PAGLALAHAD
Sino ang tauhan sa talata?
Ang tauhan sa talata ay si
Ineng Magaling.
Tama. Ano ang katangian ni Ineng? Si Ineng po ay magaling
gumawa ng mga sumbrero.
Mahusay. Anu-anong mga hugis ng
sumbrero ang kayang gawin ni
Ineng? Si Ineng ay kayang
gumawa ng sumbrerong hugis
puso, bituin, tatsulok, at
parisukat.

Magaling. Anu-ano naming kulay


ng sumbrero ang kayang gawin
ni Ineng? Gumagawa po si Ineng ng
sumbrerong kulay dilaw, puti, lila
at kahel.
Ayos! Gaano naman karami ang
bumibili ng sombrero ni Ineng? Marami ang bumibili ng
sombrero ni Ineng.
Anu-ano naman ang mga laki ng
sumbrerong ginagawa ni Ineng? Gumagawa po si Ineng ng
sumbrerong malalaki, maliliit at
malalapad.

E. PAGTALAKAY

(Ipakita ang iba’t ibang pangungusap


sa pisara.)

Ating basahin ang unang pangungusap.

1. Gumagawa ng tatsulok na sumbrero


si Ineng.

Anong bagay ang pinag-uusapan sa


pangungusap? Ang bagay na pinag-
uusapan sa pangungusap ay ang
sumbrero.

Tama! Ano raw ang hugis ng sumbrero


ayon sa pangungusap? Ang sumbrero po ay hugis
tatsulok.

(Gamitin ang ganitong uri ng pagtatanong


sa natitirang mga pangungusap.)

2. Ang sombrero ni Ineng ay kulay lila.

3. Kayang gumawa ni Ineng ng sampung


sombrero.

4. Madami ang bumibili ng sombrero.

5. Malalaki ang mga sombrero ni Ineng.

(Ipakita ang isang pares ng larawan)

Suriin natin anng dalawang larawan.


Ano ang katangian nilang
magkapareho? Ang mga larawan ay
parehas na kulay asul.

Tama. Anu-ano naman ang mga


katangian nilang magkaiba? Ang crayon ay maliit.
Ang bahay ay
malaki.

Ano pa? Magkaiba po ang kanilang


mga hugis.

(Isulat ang mga sagot ng bata sa


pisara.)

Suriin naman natin ang inyong mga


sagot.

1. Ang crayon ay maliit.

Ano ang salitang pinag-uusapan sa


pangungusap? Ang pinag-uusapan po sa
pangungusap ay crayon.
Tama. Ano ang salitag naglalarawan sa
crayon? Ang salitang naglalarawan
ay maliit.

(Gamitin ang ganitong uri ng pagtatanong


sa natirang mga pangungusap.)

2. Ang bahay ay malaki.


3. Ang bahay ay asul.

Suriin natin ang mga salitang nakasalungguhit


sa bawat pangungusap. Ano ang ginagawa ng
mga salitang nakasalungguhit sa mga salitang
pinag-uusapan? Nilalarawan po nila ang
mga salitang pinag-uusapan.

Tama! Ang mga salitang nakasalungguhit ay


tinatawag nating pang-uri. Batay sa inyong
natutunan, ano ang ibig sabihin ng pang-uri? Ang pang-uri ay salitang
naglalarawan

Magaling! Lagi nating tatandaan na ang


pang-uri ay salitang nagpapakita ng kulay,
hugis, laki, dami o bilang ng isang
pangngalan.

F. PAGLALAPAT

Ngayon naman ay magkakaroon tayo


ng isang pangkatang gawain. Hahatiin ko kayo
tatlong pangkat.
Bibigyan ko kayo ng activity cards na
naglalaman ng inyong gawain.
Bago tayo magsagawa ng ating
pangkatang gawain, anu-ano ang mga
kailangan nating tandaan sa pagsasagawa ng
pangkatang gawain? Tumulong sa pangkat.

Ano pa? Huwag umalis sa pangkat


habang nagsasagawa ng
gawain.

Tama. Pumili kayo ng inyong lider at


umpisahan na natin ang gawain.

Pangkat Una:

Panuto: Bilugan ang pang-uri sa bawat Mga sagot:


pangungusap.

1. Mabango ang puting sampaguita. Puti

2. Kumain kami ng bilog na puto. Bilog

3. Ang langgam ay maliit. Maliit

4. Madami ang tao sa parke. Madami

5. Bumili si nanay ng sampung kamatis Sampu

Pangkat Ikalawa:

Buuin ang maikling talata. Idikit sa


talata ang angkop na pang-uri sa bawat
pangungusap.

Si Ineng ay may (kulay) __________ 1. dilaw


na sumbrero. Marunong din siyang gumawa ng 2. bilog
sumbrerong (hugis) ___________. Mayroon 3. malaki
din siyang sumbrerong (laki) ___________. 4. kaunting
Sa (dami) ___________ oras ay kayang 5. dalawa
gumawa ni Ineng ng (bilang) ___________
sombrero.

Pangkat Ikatlo

Iguhit sa cartolina ang sumusunod na


parirala at salungguhitan ang pang-uri.

1. berdeng dahon berdeng dahon


2. parisukat na panyo parisukat na panyo
3. maliit na isda maliit na isda
4. tatlong itlog tatlong itlog
5. limang bulaklak limang bulaklak
G. PAGLALAHAT
Ngayon ay balikan nating muli
ang ating aralin.

Ano ang ibig sabihin ng pang-uri? Ang pang-uri ay salitang


naglalarawan ng kulay,
hugis, laki, dami at bilang.

IV. PAGTATAYA

Basahin at bilugan ang pang-uri sa bawat pangungusap.

1. Ang nawawalang panyo ay puti.

2. Ang kuwaderno ay may bilog na disenyo.

3. Dumating na ang malaking ulap.

4. Madami akong nakitang langgam.

5. Bumili si lola ng tatlong plato.

Mga sagot:

1. puti
2. bilog
3. malaki
4. madami
5. tatlo

V. Gawaing-Bahay

Sumulat ng isang pangungusap gamit ang sumusunod na pang-uri.

1. dilaw
2. parihaba
3. maliit
4. kaunti
5. dalawa

Inihanda ni:
NIEL M. BAJAO
Teacher – I
Grade Two Adviser

You might also like