You are on page 1of 10

Pamantasan ng Ateneo de Zamboanga

Senior High School Yunit

Fr. Eusebio Salvador, SJ Campus, Kalye La Purisima. LungsodZamboanga
Baitang 11 Asignatura: Filipino 111
Unang Markahan Taong Panuruan 2017-2018

Sanayang-Papel

Pangalan: Filipino:
Strand at Seksiyon: Petsa:
Marka:

I. Pamagat ng Aralin: Tekstong Impormatibo

Sanggunian: Dayag, A.M. & Del Rosario, M.G. (2016). Pinagyamang Pluma.
Quezon City: Phoenix
Publisihing House, Inc
II. Mga Layunin sa Pagkatuto
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
3.2 Natutukoy ang paksang tinalakay sa tekstong binasa
3.2.1 Natutukoy ang kahulugan ng tekstong impormatibo
3.2.2 Natutukoy ang nilalaman ng mga halimbawang tekstong
impormatibo
3.2.3 Naiuugnay ang konsepto ng binasang mga teksto sa tinalakay
sa klase
3.3 Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto
3.3.1 Naipaliliwanag ang tekstong impormatibo at mga katangian nito
Pagpapahalaga: Pagkilala sa sarili at sa kapwa

III. Kontekstongmga Mag-aaral

Propayl na Pagkatuto/Pang-akademikong Antas/Hilig

IV. Instruksiyonal na Estratehiya

(Unang Araw)
A. Pagtuklas/Pagganyak:

Panimulang Gawain: Gawain 1:

S
A
Panuto: Sagutin ang Mapa ng Konsepto ng Pagbabago
Sa aking palagay……. L
A
SA LOOB NG KAHON B
A
Sa aking palagay ang tekstong S
Impormatibo ay
N
__________________________________________
G

__________________________________________ K
__________________________________________ A
H
__________________________________________
O
__________________________________________ N
Gabay na tanong:

1. May mga ideya ba kayo sa mga salitang nakatala?

2. Ano kaya ang kinalaman nito sa ating aralin?

Pang-ugnay na Pahayag:
Ang mga salitang nasagutan ninyo sa wikarambulan ay makikita ninyo muli at
malalaman ninyo ang patungkol dito, sapagkat ang ating aralin sa araw na ito ay
tungkol sa Mga Cohesive Device.

B. InteraktibongTalakayan
Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang mahahalagang konsepto tungkol sa
“Mga Cohesive Device.”

Paksa: Tekstong Impormatibo

Ang Tekstong Impormatibo ay isang uri ng babasahing di piksyon. Ito ay

naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at
walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa tulad ng sa mga hayop, isports,
agham at siyensiya, kasaysayan, gawain, paglalakbay, heograpiya, kalawakan,
panahon at iba pa.

Katangian:

1.Makatotohanan ang mga datos.

2.May malawak na kaalaman tungkol sa paksa ang manunulat.
3.Ang kaalaman ay nakaayos nang sunod-sunod at inilalahad nang buong diwa
at may kaisahan.
4.Karaniwang makikita sa mga pahayagan o balita, sa mga magasin, textbook,
at sa mga pangkalahatang sanggunian.

Elemento ng Tekstong Impormatibo

1. Layunin ng may-akda- Layunin nitong maglahad o magbigay ng

impormasyon.
2. Pangunahing Ideya- Ito ay dagliang inilalahad ang mga pangunahing
ideya sa mambabasa. Nagagawa ito sa paglalagay ng pamagat sa
bahagi –tinatawag din itong organizational markers na nakatutulong
upang agad makita at malaman ng mambabasa ang pangunahing ideya
ng babasahin.
3. Pantulong na kaisipan- Mahalaga rin ang paglalagay ng mga angkop na
pantulong na kaisipan o mga detalye upang makatulong mabuo sa
isipan ng mambabasa ang pangunahing ideyang nais niyang matanim o
maiwan sa kanila.
4. Mga estilo sa pagsulat, kagamitan/sangguniang magtatampok sa mga
bagay na binibigyang-diin- Makatutulong sa mga mag-aaral na
magkaroon ng mga malawak na pag-unawa sa binabasang tekstong
impormatibo ang paggamit ng mga estilo o kagamitan/sangguniang
magbibigay-diin sa mahahalagang bahagi tulad ng sumusunod:
 Paggamit ng mga nakalarawang representasyon (larawan, guhit,
dayagram,tsart,
timeline)
 Pagbibigay-diin sa mahahalagang salita sa teksto (pagsulat ng nakadiin,
nakahilis,
2. Pag-uulat Pang-impormasyon- Sa uring ito nakalahad ang
mahahalagang kaalaman o impormasyon patungkol sa tao, hayop, iba
pang bagay. Ito ay nangangailangan ng masusing pananaliksik
sapagkat ang mga impormasyon ay pawang katotohanan.

3. Pagpapaliwanag- Ito ay nagbibigay paliwanag kung paano o bakit

naganap ang isang bagay o pangyayari. Layunin nitong makita ng
mambabasa mula sa mga impormasyong nagsasaad kung paano
humantong ang paksa sa ganitong kalagayan. Karaniwang itong
ginagamitan ng mga larawan, dayagram, o flowchart na may kasamang
mga paliwanag.

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto tungo sa pananaliksik

ni: Alma Dayag

Tekstong Impormatibo

Huwag Papasukin sa inyong bahay ang Kriminal na Ito

Mamamatay-tao ang sakita na TB (tuberculosis) o tisis. Isa ito sa

pangunahing dahilan ng kamatayan ng mga tao sa ating bansa. Ganito
kadalasan ang sitwasyong pangkalusugan ng mga mamamayan sa mahihirap na
komunidad. Lalo na’t siksikan ang pamilya sa loob ng kanilang bahay. Madaling
makahawa ang sakit na TB. Wala kasing pinipiling dadapuan ang mikrobyong
sanhi ng impeksiyon sa baga. Pag-ubo ng isang taong may TB, sumasama sa
hangin ang mikrobyo at madali itong malanghap lalo na ng mga bata.

Ang masama pa, inililihim ng mga taong may TB ang kanilang

sakit dahil nahihiya sila. Kaya naman, hindi natin namamalayan,
nahahawa na pala tayo. Pagdating sa bahay, kasama na natin ang
kriminal at ang susunod na biktima ng TB ang ating mga anak.

Maiiwasan ang TB at magagamot ito kung alam natin ang

mahahalagang impormasyon tungkol sa mapanganib at magastos na
karamdamang ito.

1. Bigyan ng proteksiyon ang mga bata laban sa TB. Tiyaking may

bakunang BCG (Bacille Calmette Guerin) ang sanggol
pagkasilang. Huwag hayaang lumipas ang isang buwan bago siya
pabakunahan sa doktor.
2. Bigyan ng wastong pagkain at nultrisyon ang inyong anak.
3. Unahing gamutin ang maatandang tisiko. Ihiwalay ang mga
personal na gamit ng mga taong may TB. Ihiwalay rin siya sa
pagtulog upang hindi makahawa.
4. Gatas ng ina ang pinakamayamang pagkaing nagbibigay ng
proteksiyon sa sanggol laban sa TB at sa kahit anong
karamdaman.
5. Bukod sa gatas ng ina, bigyan ng karampatang pagkain ang bata
pagtuntong sa ikaapat na buwan ng kanyang edad.
6. Ang malalang TB sa bata ay TB meningitis at TB sa buto. Ang
Gabay na tanong:
1. May mga ideya ba kayo sa mga salitang nakatala?
2. Ano kaya ang kinalaman nito sa ating aralin?

C. Gawain sa Pagkatuto (Pangkatang Gawain)

A. Panuto: Basahin at suriing mabuti ang tekstong Cyberbullying ayon sa
elemento at uri nito. Isulat ang sagot sa graphic organizer.

Halimbawa ng
Tekstong
Impormatibo

CYBERBUL
Sa makabagong panahon kung saan laganap ang paggamit ng teknolohiya,
isang uri ng pambu-bully ang nabigyang-daan nito: ang cyberbullying o ang pambu-
bully sa kapwa gamit ang makabagong teknolohiya. Ang ilang halimbawa nito ay
ang pagpapadala ng mensahe ng pananakot, pagbabanta, o pagtataglay ng
masasamang salita maging sa text o e-mail; pagpapalaganp ng mga nakasisirang
usap-usapan, larawan, video, at iba pa sa e-mail at sa social media; pag-bash o
pagpo-post ng mga nakasisira at walang basehang komento; paggawa ng mga
pekeng account na may layuning mapasama ang isang tao; pag-hack sa account ng
iba upang magamit ang sariling aacount ng tao; sa paninira sa may-ari nito; at iba
pang uri ng harassment sa pamamagitan ng teknolohiya. Ang mga ito’y karaniwang
nagbubunga ng pagkahiya, pagkatakot, o kawalan ng kapayapaan sa nagiging
biktima nito.
Ano-ano ang Epekto ng Cyberbullying?

Maaaring sa cyberbullying ay walang pisikal na pananakit na nangyayari di

v tulad ng harapang pambu-bully na kung minsa’y humahantong sa pananakit subalit
mas matindi ang sakit at pagkasugat ng emosyon o emotional at psychological
trauma na maaaring maranasan ng isang biktima ng cyberbullying. May
pangmatagalang epekto ito sa tao lalo na kung hindi maaagapan o matutulungang
maproseso ang damdamin ng isang naging biktima nito. Maaari siyang magkaroon
ng mga isyung sikolohikal hindi lang sa kasalukuyan kundi sa mga darating pang
panahon.
Naririto ang ilan pa sa mga epekto ng cyberbullying:
 Mga senyales ng depresyon- Ang sugat sa emosyon ay mas matindi pa kaysa
pisikal na sugat. Kapag matindi ang emosyonal na trauma dahil sa mga
 Pagkakaroon ng mababang marka sa paaralan- Ang madalas na pagliban at
kawalan ng konsentrasyon sa pag-aaral dahil sa kakaisip sa nangyayaring
pambu-bully ay nagre-resulta sa mababang marka sa paaralan.
 Pagkawala ng tiwala sa sarili o pagkakaroon ng mababang self-esteem- Ang
mga alaala ng panunukso o pananakit ay nagdudulot ng kawalan ng tiwala sa
sarili o mababang pagpapahalaga sa sarili.
 Pagkakaroon ng problema sa kalusugan- Karaniwan ang mga biktima ng
bullying ay nakaranas o nagsasabing sila ay may sakit tulad ng karaniwang
ubo, sipon, sakit ng ulo, sakit ng tiyan, at iba pa.
 Pagiging biktima rin ng harapang bullying- Minsan bago pa mangyari o kapag
nangyari na ang cyberbullying, ang biktima ay karaniwan ding nagiging
biktima ng harapang bullying dahil nawawala ang tiwala niya sa sarili at ang
kakayahang gawin ang nararapat upang maipagtatanggol ang kanyang
karapatan.

Ano ang Maaaring Gawin ng Isang Taong Nabiktima ng Cuberbullying?

Ang cyberbullying tulad din ng iba pang uri ng bullying ay nagkakaroon ng

matitinding epekto sa buhay at pagkatao ng biktima kaya ipinapayo ng mga
ekspertong hindi dapat basta manahimik lang ang sinumang nakararanas ng
ganitong pangyayari sa buhay. Ipinapayo ni Sonnie Santos, isang eksperto sa
cyberbullying ang pagsasagawa ng alinman sa sumusunod, depende sa sitwasyon o
pangangailangan.
 Laging kunan ng screenshot ang mga nakasisirang mensahe at i-save itp para
magamit bilang ebidensiya o katibayan sa ginawang pambu-bully.
 Ipaalam sa mga kapamilya ang mga pangyayari o pag-atake.
 I-report sa awtoridad tulad ng guro o guidance counselor kung sa paaralan ito
nangyayari o sa Human Resources kung ang pambubu-bully ay nangyayari sa
trabaho.
 I-report sa pamunuan ng social media (tulad ng Facebook o Twitter) ang
nangyayari upang magawan nila ng karampatang hakbang.
 Magpalit ng numero ng telepono kung cell phone ang ginagamit sa pag-atake
o pambu-bully.
 I-deactivate ang lahat ng social media account at huwag munang mag-online
pansamantala. Gayunpaman, magtalaga ng kapamilya o kaibigang magmo-
monitor sa mga pangyayari sa online.
 Sumangguni sa propesyonal na tagapayo kung kinakailangan.
 Suportahan ang mga grupong naglo-lobby para sa isang batas sa
cyberbullying o harassment para sa lahat at hindi lang para sa kabataang
wala pa sa tamang gulang. Kaugnay nito, isang batas ang ipinasa sa
mababang kapulungan ukol sa pagpaparusa sa mga taong nasasangkot sa
A. Suriin mabuti ang binasang teksto ayon sa elemento at uri nito.
1. Layunin ng may-akda
2. Pangunahing Ideya
3. Pantulong na kaisipan
4. Mga estilo sa pagsulat, kagamitan/sangguniang magtatampok sa mga bagay na
binibigyang-diin- Mga
5. Uri ng Tekstong Impormatibo

Ang cyberbullying ay

Uri ng Teksto:

Katangian ng Teksto Pagunahing Ideya:

Estilo sa Pantulong na Kaisipan:

pagsulat

D. Pamprosesong Tanong
1. Ano ang cyberbullying? Paano ito isinasagawa?
___________________________________________________________________________________

_____________________________
2. Paano nakaaapekto ang cyberbullying sa nagiging biktima nito?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
_____________________________
3. Ano-anong katangian ng tekstong binasa ang magpapatunay na ito nga ay isang
tekstong impormatibo?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
_____________________________
(IkalawangAraw)
E. Isahang GawainPanuto: Iugnay ang kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili,
pamilya, komunidad, bansa, at daidig.
Ang cyberbullying ay isa sa hindi mabubuting bagay na naidulot ng makabagong
teknolohiya. Maaari itong makaapekto sa sinuman, maging sa iyo, sa pamilya mo,
at sa iba pang tao sa iyong paligid.

1. May kasabihang walang mambu-bully kung walang magpapa-bully. Ano-ano ang

gagawin mo upang maiwasan maging biktima ng cyberbullying?

__________________________________________________________
2. Kung sakaling ikaw o isa sa mga kapamilya o malapit na kaibigan mo ang
magiging biktima ng cyberbullying, ano-ano ang gagawin mo o ninyo upang
mahinto ang ganitong uri ng pang-aabuso at mapanagot ang taong gumagawa
nito sa kanyang kasalanan?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
__________________________________________________________
3. Kung ikaw naman ang nambu-bully, ngayon at nalaman mo ang masasamang
epekto nito sa biktima mo, na maaaring bumalik sa iyo sa mga darating na
panahon, ano ang gagawin mo upang makabawi?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
__________________________________________________________
4. Bakit mahalaga ang pagiging responsible sa paggamit ng Internet at lagging
pagsasaalang-alang sa paalalang “Think before you click”?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
__________________________________________________________

F. Panapos na Gawain
Panuto: Bumuo ng isang epektibong tekstong impormatibo.

PAGSULAT NG REPLEKSYON
Paraan ng Pagsulat ayon sa Nabasa

Una, matapos maunawaan ang isang nabasa,

gumawa ng balangkas ukol sa mahahalagang
punto

Pangalawa, tukuyin ang mga konsepto at

teorya na may kaugnayan sa paksa.
Makatutulong ito sa kritikal na pagsusuri

Pangatlo, ipaliwanag kung paanong ang iyong

sariling karanasan at pilosopiya ay nakaapekto
sa pagunawa ng paksa

Panghuli, talakayin sa konklusyon ang

kahihinatnan ng repleksyon.
RUBRIK SA PAGSUSULAT NG REPLEKSIYONG
PAPEL

____________________________________________________________________________

You might also like