You are on page 1of 1

Good afternoon everyone, I am pleased to speak before you today to discharge

the last official duty of Dr. Teodoro A. Gloriani as Principal IV of Molino Elementary
School and Progressive Elementary School, in faithful compliance of Special Order
_____________ s. 2019.
Ang mga sininop na itinabi, iningatan at pinagalagaang imbentaryo ng mga gamit at
mga dokomento sa higit limang-taon ay buong puso naming ipinapasa sa bagong
mamumuno ng paaralan kasama pa ang paaralang elementarya ng Progressive.
Akin din pong ipinapakilala sa inyo ang mga kasalukuyang itinalaga ng Paaralan.
Pinangungunahan ito ng aming napakadedikadong Guidance Counselor, ang aking
kaibigan sa hirap at ginhawa Gng. Daisy M. Nallos. Ang Pangulo ng Samahan ng mga
guro, kung trabaho ang pag-uusapan, mabilis umaksyon hindi lang sa salita kundi sa
gawa, bb. Maria Bebsie C. Valle.
Ang dalawang pinakamahusay na master teachers sa distrito ikatlo, talikuran o
harapang gawa, tunay na maasahan at hindi nang iiwan, ang prime mover ng paaralan
na hinding hindi kayo magdadalawang isip na lapitan, sapagkat sila ay napakadunong,
napakadiskarte, napakalinis trumabaho at lahat ng napaka nasa kanilang dalawa na.
Gng. Sonia R. Macaraeg at Gng. Glory D. Gluton.
Idagdag pa kung kinakailangan handang maglingkod ng walang kapalit, dalubgurong
inyong masasandalan sa oras ng kagipitan Gng. Ma. Theresa T. Gervacio.
Ang mga Kasalukuyang nakaupo na mga chairman, Mula Kinder hanggang Grade VI,
Mam Geraldine A. Verzosa ng Kinder, Gng. Ester P. Maranan sa Grade I, Gng. Leny R.
Eroles sa Grade II, Gng. Juieta R. Montelibano ng Grade III, Gng. Lorna P. Binauhan ng
Grade IV, Gng. Monaliza D. Consular ng Grade V, at ang walang bahid kupas na
Chairman ng Grade VI, G. Ariel A. Paiton.
Isama na rin natin ang ating Record Keeper. Isang napakasipag na guro na hindi
nagrereklamo, Mrs. Janice Elsenique. Ayan si Mam Gluton, Mam Macaraeg at mam
Elsenique, kayang kaya nilang tatlo kahit anong trabaho. Mawala na kaming lahat basta
ang utak ng pamamalakad nariyan, ang Molino ay tatayo at sasamahan kayo.
Andiyan din si Mam Nit’z Ramiento all around po yan, mapamooe or liason man yan
sisiw lang yan.
Ang aming Canteen managers, Bb. Julia M. Vidallo at Gng. Luz Vista, kasam ng mga iba
pang naitalaga at ng buong pwersa ng teaching and non-teaching staff ng PEM at PEP,
kami po ay buong pusong isinusumite ang aming suporta kasama na ng mga
imbentaryo ng paaralan at ng Progressive sa bagong Principal ng Paaralan, palakpakan
natin Dr. Leonora M. Pantorgo.

You might also like