You are on page 1of 34

TANGGAPAN PARA SA PAGDIRIWANG NG LITURHIYA NG KATOLIKONG

OBISPO NG SAN PABLO

PAGDIRIWANG NG MGA MAHAL NA ARAW

DIYOSESIS NG SAN PABLO


ANG LINGGO NG PALASPAS SA
PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON

2
PASIMULA

Ang ayos ng Pagdiriwang na ito ay ayon sa kautusan ng Obispo ng San


Pablo, sang-ayon sa kalatas ng Dikasteriya ng Banal na Pagsamba sa
Roma (Prot. 153 /20), at sa tagubilin ng Kalipunan ng mga Obispo ng
Pilipinas tungkol sa pagdiriwang ng mga Mahal na Araw sa Panahon ng
Community Quarantine.

Sang-ayon sa kalatas ng Dikasteriya ng Banal na Pagsamba sa Roma, ang


paggunita sa Pagpasok ng Panginoon sa Jerusalem ay dapat isagawa sa
mga parokya gamit ang Ikatlong Paraan: Payak na Pagpasok. (CDWDS
Decree, 25 March 2020). Sa pagbabasbas ng Palaspas, ang mga
mananampalataya na nakikiisa sa pagdiriwang sa pamamagitan ng
makabagong pamamaraan (social, media, livestreaming, radio, tv,
internet) ay dapat hawakan ang kanilang mga palspas o ano mang uri ng
dahon o halaman, habang dinadasal ng pari ang panalangin ng
pagbabasbas. (Kalatas, mula sa Obispo ng San Pablo, 27 March 2020)

Ang paring nakasuot ng kasulaya na pula, ay magpupurusisyon patungo sa


Dambana habang inaawit ang naangkop na awit para sa pagdiriwang.
Pagsapit niya sa dambana, siya ay magbibigay galang ayon sa
nakaulagiang paraan, maari ding gumamit ng insenso kung nanaisin.
Tutungo siya sa kanyang upuan upang pasimulan ang pagdiriwang. Doon
niya isasagawa ang payak na paggunita sa pagpasok ng Panginoon sa
Jerusalem. Sisimulan niya ang pagdiriwang sa pamamagitan ng
sumusunod na pananalita.

Pari:
Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng
Espiritu Santo.
R.Amen.

Sumainyo ang Panginon.


R.At sumainyo rin.

Mga minamahal na kapatid:


limang Linggo na tayong naghahanda ng
sarili para sa pagdiriwang ng Pasko ng
Pagpapakasakit at Pagkabuhay ng
Panginoon. Sinikap nating unawain at

3
tuparin ang ating pananagutan sa Diyos
at sa kapwa tao alinsunod sa aral at
halimbawa ni Jesu-Kristo. Kaisa ng
buong simbahan sinisimulan natin
ngayon ang mga mahal na araw.
Si Kristo ay matagumpay na pumasok sa
kanyang lungsod upang tuparin ang
kanyang gawain bilang Mesiyas: ang
magpakasakit, mamatay, at muling
mabuhay para sa ating kaligtasan.
Taimtim nating sariwain sa ala-ala ang
kanyang pag-aalay ng sarili para sa
kapwa at sundan natin siya ng may
buhay na pananampalataya. Kaisa niya
sa pagdurusa sa krus, tayo nawa ay
makahati niya sa kanyang pananaig sa
kamatayan at sa kanyang bagong buhay.
__________________________________

PAGBABASBAS NG MGA PALASPAS


Itataas ang mga palaspas ng mga mananampalatayang nakikilahok
sa pagdiriwang maging ang mga nakikilahok sa pagdiriwang sa
pamamagitan ng makabagong pamamaraan.

Manalangin tayo
Saglit na katahimikan

Ama naming makapangyarihan,


ang mga palaspas na ito ay iyong

4
pagpalain + at pabanalin upang sa
masaya naming pagbubunyi sa Mesiyas
na aming hari siya'y aming masundan at
sa pamamagitan niya'y aming sapitin ang
hindi magmamaliw na lunsod ng
Jerusalem na kanyang pinaghaharian
kasama mo at ng Espiritu Santo
Magpasawalang hanggan.
R.Amen
O kaya:

Ama naming makapangyarihan,


pag-alabin mo ang pananampalataya ng
mga nananalig sa iyo at ang mga
kahilingan namin ay paunlakan mo
upang kaming may mga sanga ng
palaspas bilang parangal sa inaning
tagumpay ni Kristo ay mamunga para sa
iyo sa pakikiisa namin sa kanyang
mabubuting gawain kasama ng Espiritu
Santo magpasawalang hanggan.
R. Amen.

Aawitin ang awit pambungad ng mabuting balita habang nilalagyan


ng insenso at nagpuprusisyon ang mga tagapalingkod na may hawak
na kandila at ng punong tagapagdiwang sa lugar na
pagpapahayagan ng mabuting balita.

PAGPAPAHAYAG NG MABUTING BALITA

Taon A
Pagpalain ang dumarating sa ngalan ng Panginoon.

5
+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
21, 1-11.

Malapit na sila sa Jerusalem. Pagdating nila sa Betfage, sa


bundok ng mga Olibo, pinauna ni Hesus ang dalawang
alagad. Sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo sa susunod
na nayon. Makikita ninyo roon ang isang inahing asno na
nakatali, kasama ang kanyang bisiro.
Kalagin ninyo at dalhin dito. Kapag may sumita sa inyo,
sabihin ninyong kailangan ng Panginoon, at hindi na
kikibo iyon.”
Nangyari ito upang matupad ang sinabi ng propeta;
“Sabihin ninyo sa lunsod ng Sion:
Masdan mo dumarating ang iyong hari,
Siya’y mapagkumbaba; nakasakay sa isang asno, sa isang
bisiro, bisiro ng isang asno.”
Lumakad nga ang mga alagad at ginawa ang iniutos ni
Hesus. Dinala nila ang inahing asno at ang bisiro. Isinapin
nila sa likod ng mga ito ang kanilang balabal, at sumakay
si Hesus. Maraming naglatag ng kanilang balabal sa daan;
ang iba nama’y pumutol ng mga sanga ng kahoy at inilatag
din sa daan. Nagsisigawan ang mga taong nauuna at
sumusunod sa kanya: “Mabuhay ang Anak ni David!
Pagpalain ang dumarating sa ngalan ng Panginoon. Purihin
ang Diyos!” Pagpasok ni Hesus sa Jerusalem, nagulo ang
buong lungsod. “Sino kaya ito?” tanong nila. “Si Hesus,
ang propetang taga-Nazaret, Galilea,” sagot ng karamihan.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Matapos nito, ipagpapatuloy na ang pagdiriwang ng banal na misa.

PANALANGlNG PAMBUNGAD

Punong Tagapagdiwang:
Ama naming makapangyarihan
ginawa mong halimbawang dapat tularan
ang Tagapagligtas naming naging di iba

6
sa amin para ang krus namin ay akuin.
Pagindapatin mong sa mga pagdiriwang
ay aming kamtin ang kanyang ulirang
pagkamatiisin at ang pakikisalo sa
pagkabuhay niyang maningning sa
pamamagitan niya kasama ng Espiritu
Santo Magpasawalang hanggan.
R.Amen.
Isusunod ang mga pagbasa ayon sa nakagawian.

7
PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

UNANG PAGBASA

Handa akong magtiis na sampaling parang bato pagkat


aking batid na ang sarili ko’y di mapapahiya.

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias 50:4-7.

Ang makapangyarihang Panginoon ang nagturo sa akin ng


sasabihin ko, para tulungan ang mahihina. Tuwing
umaga'y kanyang binubuksan ang aking pandinig.
Nananabik akong malaman kung ano ang ituturo niya sa
akin. Binigyan niya ako ng pang-unawa, hindi ako
naghimagsik ni tumalikod sa kanya.
Hindi ako tumutol ng bugbugin nila ako, hindi ako kumibo
nang ako'y kanilang insultuhin. Pinabayaan ko silang
bunutin ang buhok ko' t balbas, gayon din ng lurhan nila
ako sa mukha.
Ang mga pagdustang ginawa nila'y di ko pinapansin,
pagka't ang makapangyarihang Panginoon ang tumutulong
sa akin. Handa akong magtiis na sampaling parang bato
pagka't aking batid na ang ganti ko'y di mapapahiya.

Ang Salita ng Diyos.


R.Salamat sa Diyos.

SALMONG TUGUNAN

Diyos ko Diyos ko Bakit mo ako pinabayaan?

Bawat taong makakita'y umiiling nanunukso, palibak na


natatawa't sinasabi ang ganito: "Nagtiwala siya sa Diyos,
Ngunit hindi siya pansin, Kung talagang minamahal bakit
hindi intindihin?"

Diyos ko Diyos ko Bakit mo ako pinabayaan?

8
May pangkat ng mga buhong na sa aki'y pumaligid, Para
akong nasa gitna niyong asong mababangis, Mga kamay
ko at paa'y hulas sa pakong matulis Ang buto ng katawan
ko ay mabibilang sa masid.

Diyos ko Diyos ko Bakit mo ako pinabayaan?

Pinaghati-hati nila ang damit ko sa katawan, ang hinubad


na tunika'y dinaanan sa sapalaran. Huwag mo akong
ulilain, huwag talikdan, Panginoon,
O aking Tagapagligtas bilisan mo ang pagtulong.

Diyos ko Diyos ko Bakit mo ako pinabayaan?

Ang lahat ng ginawa roo'y ihahayag ko sa lahat. Sa gitna


ng kapulunga'y pupurihin kitang ganap. Purihin ang
Panginoon ng lahat ng kanyang lingkod, Siya'y inyong
dakilain, kayong angkan ni Jacob; Ikaw bayan ng Israel ay
sumamba at maglingkod.

Diyos ko Diyos ko Bakit mo ako pinabayaan?

IKALAWANG PAGBASA

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa


mga Taga-Filipos 2:6-11.

Siya'y nagpakaaba kaya naman siya' y itinampok ng Diyos.

Si Kristo Hesus bagama't siya'y Diyos ay hindi nagpilit na


manatiling kapantay ng Diyos, bagkus hinubad niya ang
lahat ng katangian ng pagkaDiyos, nagkatawang tao at
namuhay na isang alipin. Nang maging tao, siya'y
nagpakababa at naging masunurin hanggang kamatayan,
OO, hanggang kamatayan sa Krus. Kaya naman, siya'y
itinampok ng Diyos at binigyan ng pangalang higit sa lahat
ng pangalan. Anupa't ang lahat ng nilalang na nasa langit,
nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa, ay maninikluhod at
sasamba sa kanya. At ipahahayag ng lahat na si Jesu-Cristo
ang Panginoon, sa ikararangal ng Diyos Ama.

9
Ang salita ng Diyos.
R. Salamat sa Diyos

AWIT PARA SA MABUTING BALITA


____________________________________

Masunuring Kristo Hesus


naghain ng buhay sa krus
Kaya’t dinakila ng Diyos
Binigyan ng ngalang tampok
Sa langit at sansinukob.
____________________________________

PAGPAPAHAYAG NG PAGPAPAKASAKIT NG
PANGINOON

Samantalang inaawit ang awit sa mabuting balita hihilingin ng


diyakono ang pagbabasbas ng pari. bago tumungo sa lugar na
pagpapahayagan ng mabuting balita. Kung walang diyakono ang
punong tagapagdiwang ang babasa nito. Sa pagkakataong ito,
maaring ang pari na lamang ang bumasa ng buong Pagpapakasakit
ng Panginoon.

Ang pagpapahayag ay di lalahukan ng insensaryo o mga kandila ni


hindi rin ito pangungunahan ng pagbati tulad ng dati. Pagsapit sa
mga kataga ukol sa kamatayan ni Hesus ang lahat ay luluhod
sumandali at matapos nito itutuloy ang pagpapahayag hanggang
makatapos. Isususnod ang homiliya ang pagpapahayag ng
pananampalataya at panalangin ng bayan.

† Ang Pagpapakasakit ng ating Panginoong Hesukristo


ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon, iniharap si Hesus kay gobernador
Poncio Pilato. "Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?” Tanong
sa kanya ni Pilato, Sumagot si Hesus, "Kayo na ang
nagsasabi." Ngunit nang paratangan siya ng mga punong
saserdote at ng matatanda ng bayan, hindi na siya sumagot.
Kaya't sinabi sa kanya ni Pilato,"Hindi mo ba naririnig ang
mga ipinararatang nila sa iyo?" Ngunit hindi sumagot si
Hesus gaputok man, kaya't nagtaka ang gobernador.
Tuwing Pista ng Paskuwa, kinaugalian na ng gobernador
ang magpalaya ng isang bilanggo - sinumang mahiling ng

10
taongbayan. Noon ay may isang kilalang bilanggo na
nagngangalang Barrabas. Kaya't nang magkatipon ang mga
tao, tinanong sila ni Pilato, "Sino ang ibig ninyong
palayain ko, si Barrabas 0 si Hesus na tinatawag na
Kristo?" Alam ni Pilato na inggit ang nag-udyok sa kanila
na dalhin sa kanya si Hesus. Hindi lamang iyan.
Samantalang siya'y nakaluklok sa hukuman, nagpasabi sa
kanya ang kanyang asawa, “Huwag kang makialam sa
taong iyan na walang kasalanan, sapagkat kagabi'y
pinahirapan ako ng aking panaginip tungkol sa kanya."
Ang mga tao nama'y sinulsulan ng mga punong saserdote
at ng matatanda ng bayan na hilingin kay Pilato na si
Barrabas ang palayain, at si Hesus ay ipapatay. Muli silang
tinanong ng gobernador, "Sino sa dalawa ang ibig ninyong
palayain ko?" "Si Barrabas po!" sagot nila. Sinabi sa kanila
ni Pilato, "Kung gayon, ano ang gagawin ko kay Hesus na
tinatawag na Kristo?" Sumagot ang lahat,"Ipako sa
krus!""Bakit, anong masama ang ginawa niya?" Tanong ni
Pilato. Ngunit lalo pa nilang isinigaw, "Ipako sa krus!"
Nang makita ni Pilato na wala siyang magagawa, at
malamang pang magkagulo ang mga tao, nagpakuha siya
ng tubig at naghugas ng kamay sa harapan ng mga tao.
"Wala akong pananagutan sa kamatayan ng taong ito.
Bahala kayo!" Sabi ni Pilato. Sumagot ang mga tao,
"Pinananagutan namin at ng aming mga anak ang
pagkamatay niya!" At pinalaya niya si Barrabas, ngunit
ipinahagupit si Hesus at ibinigay sa kanila upang ipako sa
krus. Si Hesus ay dinala ng mga kawal ng gobernador sa
pretoryo, at nagkatipon ang buong batalyon sa paligid niya.
Hinubaran nila siva at sinuutan ng isang balabal na pulang-
pula. Naglikaw sila ng halamang matinik at ipinutong sa
kanya, saka pinapaghawak ng isang tambo sa kanyang
kanang kamay. At palibak siyang niluhudluhuran at binati:
"Mabuhay ang Hari ng mga Judio!" Siya'y pinaglulurhan;
kinuha nila ang tambo at siya'y pinaghahampas sa ulo. At
matapos kutyain, kanilang inalisan siva ng balabal,
sinuutan ng sariling damit, at inilabas upang ipako sa krus.
Paglabas nila ng lungsod, kanilang nakita ang isang
lalaking nagngangalang Simon, isang taga-Cirene. Pilit
nilang ipinapasan sa kanya ang krus ni Hesus. Pagdating sa
lugar na tinatawag na tinatawag na Golgota na
nangangahulugang Pook ng Bungo, binigyan nila si Hesus

11
ng alak na hinaluan ng apdo. Ngunit nang matikman niya
ay hindi ininom. Nang maipako na siva sa krus,
pinaghatihatian nila ang kanyang mga damit matapos
magsapalaran. At naupo sila upang siya'y bantayan.
Nakasulat sa kanyang ulunan ang sakdal laban sa kanya:
"Ito'y si Hesus, ang Hari ng mga judio," Dalawang tulisan
ang kasabay niyang ipinako sa krus - isa sa kanan at isa sa
kaliwa. Nilibak siva ng mga nagdaraan, at tatangu-tango
pang sinabi, "Di ba ikaw ang gigiba ng templo at muling
magtatayo nito sa loob ng tatlong araw? Iligtas mo ngayon
ang iyong sarili! Kung ikaw nga ang Anak ng Diyos,
bumaba ka sa krus!" Kinutya rin siya ng mga punong
saserdote, ng mga eskriba at ng matatanda ng bayan. Sabi
nila, "Iniligtas ang iba ngunit ang sarili'y di mailigtas! Di
ba siva ang Hari ng Israel? Bumaba lang siva ngayon sa
krus, maniniwala kami sa kanya! Nananalig siva sa Diyos,
at sinasabi niyang siva ang Anak ng Diyos. Iligtas siva ng
Diyos kung talagang iniibig siya!" At inalipusta rin siva ng
mga tulisang ipinakong kasabay niya. Mula sa tanghaling
tapat hanggang sa ikatlo ng hapon ay nagdilim sa buong
lupain. Nang magii-katlo ng hapon, sumigaw si Hesus, Eli,
Eli, Lama Sabachtani?” Ibig sabihi’y “Diyos ko Diyos Ko
bakit mo ako pinabayaan?” Narinig ito ng ilan sa mga
nakatayo roon, at sinabi nila, “Tinatawag niya si Elias!”
Agad tumakbo ang isa sa kanila at kumuha ng espongha,
tigmak ng maasim na alak, inilagay sa dulo ng isang tambo
at ipinasipsip kay Hesus ngunit sinabi naman ng
iba,“Hintay muna, tignan natin kung darating si Elias
upang iligtas siya!” Muling sumigaw si Hesus at nalagutan
ng hininga.
Dito luluhod ang lahat at mananahimik sandali.

Biglang napunit sa gitna ang tabing ng templo, mula sa


itaas hanggang sa ibaba. Nayanig ang lupa, nagbitak ang
mga bato, nabuksan ang mga Iibingan, at nabuhay ang
maraming banal na namatay na. Lumabas sila ng libingan,
at nang muling mabuhay si Hesus, sila'y pumasok sa Banal
na Lungsod at nakita roon ng marami. Nasindak ang
kapitan at ang mga kawal na nagbabantay kay Hesus nang
maramdaman nila ang lindol at masaksihan ang lahat ng
nangyari. “Tunay na ito’y Anak ng Diyos!” Sabi nila.

12
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

HOMILIYA

PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA.

Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan


sa lahat may gawa ng langit at lupa.

Sumasampalataya naman ako kay Hesukristo iisang Anak


ng Diyos Panginoon nating lahat. Nagkatawang tao siya
lalang ng Espiritu Santo. Ipinanganak ni Santa Mariang
Birhen, pinagpakasakit ng Pontio Pilato ipinako sa krus,
namatay, inilibing, nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao.
Nang maikatlong araw nabuhay na mag-uli umakyat sa
langit, naluluklok sa kanan ng Diyos Amang
makapangyarihan sa lahat, doon magmumula't paririto at
huhukom sa nangabubuhay at namamatay na tao.

Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo sa


Simbahang Katolika sa kasamahan ng mga banal, sa
kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na mag-uli
ng mga nangamatay na tao at sa buhay na walang hanggan
Amen.

PANALANGIN NG BAYAN

Aanyayahan ng pari ang sambayanan sa pagluhog.

Punong Tagapagdiwang:
Manalangin tayo sa Diyos Ama na
niloob na ang lahat ng tao ay maligtas sa
pamamagitan ng pagpapakasakit,
pagkamatay, at muling pagkabuhay ng
kanyang Anak na si Jesu-Kristo. Ating
idalangin:
Sa pamamagitan ng pagpapakasakit ni Kristo, dinggin mo

13
ang aming panalangin.

Lector:
Sa panahong ito ng dakilang habag ng Diyos, sa paggunita
namin ng pagpapakasakit ni Hesus,- dumulog nawa kami
sa Diyos at hingin ang kanyang kapatawaran. Lahat nawa'y
lumapit sa yakap ng Amang sadyang nagnanais ng
pagbabalik-loob ng sangkatauhan manalangin tayo sa
Panginoon.

Sa pamamagitan ng pagpapakasakit ni Kristo, dinggin mo


ang aming panalangin.

Lector:
Tularan nawa ng mga pinuno ng ating simbahan at
pamahalaan ang halimbawa ni Hesus na napasaamin hindi
upang paglingkuran bagkus ay maglingkod at mag-alay ng
buhay para sa ikabubuti ng lahat. Manalangin tayo sa
Panginoon.

Sa pamamagitan ng pagpapakasakit ni Kristo, dinggin mo


ang aming panalangin.

Lector:
Silang patuloy na nagpapahirap kay Hesus dahil sa
kanilang mga karahasan lalo sa kapwa ay maliwanagan at
maihatid nawa sa daan ng ng pagsisisi upang matalikdan
na nila ang buhay na nakalugmok sa kasamaan.
Manalangin tayo sa Panginoon.

Sa pamamagitan ng pagpapakasakit ni Kristo, dinggin mo


ang aming panalangin.

Lector:
Tangkilikin nawa namin ang programang Alay-kapwa
bilang aming tugon sa hamon ng pagtataguyod muli ng
katarungan sa lipunan at matugunan ang pangangailangan
ng mga aba at mahihina. Manalangin tayo sa Panginoon.

Sa pamamagitan ng pagpapakasakit ni Kristo, dinggin mo


ang aming panalangin.

14
Lector:
Sa Pamamagitan ng pagpapakasakit at pagkamatay ni
Hesus, maging matatag nawa kami sa harap ng mga
pagsubok at pasakit ng buhay upang matuto kami at ang
buong sambayanan bumangon mula sa katiwalian at
kawalang pag-asa. Manalangin tayo sa Panginoon.

Lector:
Ang mga nahahapis, nahihirapan sa buhay, mga nawalan
ng trabaho, nagkasakit at nawalan ng mahal sa buhay dahil
sa Covid-19, makasumpong nawa sila ng kalakasan at pag-
asa mula sa ating Panginoong Hesus na nagpakasakit para
sa ating kaligtasan at kapakanan. Manalangin tayo sa
Panginoon.

Sa pamamagitan ng pagpapakasakit ni Kristo, dinggin mo


ang aming panalangin.

Punong Tagapagdiwang:
Panginoon
masdan mo ang iyong mga anak.
Pakumbabang sinusundan namin si
Kristo sa kanyang maligayang pagtuloy
sa Jerusalem at ganoon na rin sa mga
paghihirap niya sa kalbaryo, maging
marapat nawa kaming makibahagi sa
kaluwalhatian ng iyong kaharian.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni
Kristong aming Tagapagligtas at
Panginoon.
R. Amen.

Isusunod ang pag-aalay ng sambayanan.

15
PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN
Sisimulan ang awit ng pag-aalay. Samantalang ito’y ginaganap, ilalagay
ng mga tagapaglingkod ang telang patungan ng katawan ni Kristo, ang
pamahiran ng kalis, at ang aklat ng pagmimisa sa ibabaw ng dambana.
Ngayoy tatayo ang Obispo sa gawing gitna ng dambana, hahawakan niya
ang pinggan ng tinapay nang bahagyang nakaangat sa dambana, habang
dinarasal niya ng pabulong:

Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa


sanlibutan. Sa iyong kagandahang-loob,
narito ang aming maiaalay. Mula sa lupa at
bunga ng aming paggawa ang tinapay na ito
para maging pagkaing nagbibigay-buhay.
R.Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!

Ang diyakono ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang


dinarasal nang pabulong.

Sa paghahalong ito ng alak at tubig


kami nawa'y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo na
napagindapat makihati sa aming pagkatao.

Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan ng obispo ang kalis


nang bahagyang nakaangat sa dambana habang dinarasal niya nang
pabulong:

Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha


sa sanlibutan. Sa iyong kagandahang-
loob, narito ang aming maiaalay. Mula sa
katas ng ubas at bunga ng aming
paggawa ang alak na ito para maging
inuming nagbibigay ng iyong Espiritu.
R.Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!

Pagkatapos yuyuko ang obispo habang dinarasal niya ng pabulong:

16
Diyos Amang Lumikha, nakikiusap kaming makasalanan.
Tanggapin mo ang aming pagsisisi bilang handog upang
kami'y matutong sumunod sa iyo ng buong puso.

linsesuhan ng punong tagapagdiwang ang mga alay at dambana;


pagkaraay iinsensuhan ng diyakono o ng tagapaglingkod ang pari at mga
nagsisimba. Pagkatapos tutungo ang tagapagdiwang sa gilid ng dambana,
maghuhugas siya ng mga kamay samantalang pabulong niyang dinarasal:

O Diyos kong minamahal, kasalanan ko'y hugasan


at linisin mong lubusan ang nagawa kong pagsuway.

Pagbalik ng punong tagapagdiwang sa gitna ng dambana. Ilalahad niya


ang kanyang mga kamay sa mga tao at ipahahayag.

Manalangin kayo, mga kapatid, upang


ang paghahain natin ay kalugdan ng
Diyos Amang makapangyarihan.
R.Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa
iyong mga kamay sa kapurihan niya at karangalan sa
ating kapakinabangan at sa buong Sambayanan niyang
banal.

Punong Tagapagdiwang:
Ama naming Lumikha,
Pakundangan sa pagpapakasakit
ng iyong Anak sumaamin nawa ang
iyong pagpapaunlak na di makakamit ng
tanang aming pagganap kundi ng
paghahaing minsan lamang para sa lahat
na mula sa iyo'y pinakikinabangan namin
at tinatanggap.Sa pamamagitan ni
Hesukristo kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
R.Amen.

17
PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PASASALAMAT

Sumainyo ang Panginoon.


R. At sumaiyo rin.

ltaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.


R. Itinaas na namin sa Panginoon.

Pasalamatan natin ang Panginoong ating


Diyos.
R. Marapat na siya ay pasalamatan.

Ama naming makapangyarihan,


tunay ngang marapat na ikaw ay aming
pasalamatan sa pamamagitan ni
Hesukristo na aming Panginoon.
Wala syang kasalanan ngunit inaring
salarin sa pagmamalasakit niyang kami'y
palayain sa kamatayang kinasusuungan
namin kaya't namatay siya upang kami' y
buhayin.
Kaya kaisa ng mga Anghel na nagsisiawit ng
papuri sa iyo ng walang humpay sa
kalangitan, kami'y nagbubunyi sa iyong
kadakilaan.
____________________________________

Santo, Santo, Santo Panginoong Diyos ng mga hukbo!


Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo.
Osana sa kaitaasan!
Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon!

18
Osana sa kaitaasan

19
Nakalahad ang mga kamay ng punong tagapagdiwang sa
pagdarasal.

Ama naming banal,


Ikaw ang bukal ng tanang kabanalan
Pagdaraupin ng punong tagapagdiwang ang kanyang mga kamay at
lulukuban ng mga kamay niya ang mga alay habang siya’y
nagdarasal.

Kayat sa pamamagitan ng iyong Espiritu


gawin mong banal ang mga kaloob na ito
Pagdaraupin ng punong tagapagdiwang ang kanyang mga kamay at
kukrusan niya ang tinapay at kalis, samantalang kanyang dinarasal.

Upang para sa ami’y maging Katawan at


Dugo + ng aming Panginoong Hesukristo.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.
Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap
ay ipahahayag nang malinaw at nauunawaan ng tanan ayon sa
hinihingi ng kahulugan ng mga ito.

Bago niya pinagtiisang kusang-loob


na maging handog
Hahawakan ng punong tagapagdiwang ang tinapay nang bahagyang
nakaangat sa ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy na
inihahayag:

hinawakan niya ang tinapay,


pinasalamatan ka niya, pinaghati-hati niya
iyon,
iniabot sa kanyang mga alagad at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang punong tagapagdiwang.

Tanggapin ninyong lahat ito at kanin:


Ito ang aking katawan
na ihahandog para sa inyo.
Ipapamalas niya ang tinapay, ipapatong niya ito sa pinggang
patungan ng katawan ni Kristo, at luluhod siya bilang pagsamba.

20
Pagkatapos ipahahayag ng punong tagapagdiwang.

Gayun din naman, pagkatapos ng hapunan,


Hahawakan ng punong tagapagdiwang ang kalis nang bahagyang
nakataas sa ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy na
inihahayag:

hinawakan niya ang kalis,


muli ka niyang pinasalamatan,
iniabot niya iyon sa kanyang mga alagad,
at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang punong tagapagdiwang.

Tanggapin ninyong lahat ito at inumin:


Ito ang kalis ng aking dugo
ng bago at walang hanggang tipan,
ang aking dugo na ibubuhos
para sa inyo at para sa lahat
sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.
Gawin ninyo ito sa pag-alala sa akin.
Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan
ng katawan ni Kristo, at luluhod siya bilang pagsamba.
Pagkatapos, ipahahayag ng punong tagapagdiwang:

Ipagbunyi natin ang misteryo ng


pananampalataya.

Si Kristo’y namatay!
Si Kristo’y nabuhay!
Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon!

Ilalahad ng punong tagapagdiwang ang kanyang mga kamay


samantalang siya ay nagdarasal:

21
Ama,
Ginagawa namin ngayon ang pag-alalala
Sa pagkamatay at muling pagkabuhay ng
iyong Anak kaya’t inaalay namin sa iyo
ang tinapay na nagbibigay-buhay
at ang kalis na nagkakaloob ng kaligtasan.
Kami’y nagpapasalamat
dahil kami’y iyong minarapat
na tumayo sa harap mo
para maglingkod sa iyo.

Isinsamo naming kaming magsasalo-salo


Sa katawan at dugo ni Kristo
ay mabuklod sa pagkakaisa
sa pamamagitan ng Espiritu Santo
NAKIKIPAGDIWANG I
Ama,
lingapin mo ang iyong simbahang
laganap sa buong daigdig
puspsusin mo kami sa pag-ibig
kaisa ni N. na aming Papa
at ni N. na aming Obispo
at ng tanang kaparian.
NAKIKIPAGDIWANG II

Alalahanin mo rin ang mga kapatid


naming nahimlay nang may pag-asang sila’y
muling mabubuhay gayun din ang lahat ng
mga pumanaw.
Kaawan mo sila at patuluyin sa iyong
kaliwanangan. Kaawan mo’t pagindapatin

22
kaming lahat na makasalo sa iyong buhay na
walang wakas.
Kaisa ng mahal na Birheng Maria na Ina ng
Diyos kasama ni San Jose na kanyang esposo,
kaisa ng mga apostol at ng lahat ng mga banal
na nabuhay dito sa daigdig, nang kalugod-
lugod sa iyo, maipagdiwang nawa namin ang
pagpupuri sa ikararangal mo.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

Sa pamamagitan ng iyong Anak


na aming Panginoong Hesukristo.
Hahawakan ng punong tagapagdiwang ang patena at kalis at itataas
habang binabanggit.

Sa pamamagitan ni Kristo kasama niya,


at sa kanya ang lahat ng parangal at papuri ay
sa iyo, Diyos Amang makapangyarihan,
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.
R. Amen.

23
PANALANGIN NG PAGPUPURI AT
PASASALAMAT SA PAGKAKASUNDO I

Nakalahad ang mga kamay ng obispo sa pagdarasal.

Ama naming banal,


Nagmamalasakit ka sa aming kapakanan
sapagka’t niloloob mo ang aming ikababanal.
Ipinahintulot mo na kusang-loob magdusa si
Hesukristo kahit na walang pagkakasala
sapagkat ipinaubaya niya ang sarili sa mga
kamay ng nagpako sa kanya sa krus
upang sa kanyang pagkabayubay sa pagitan
ng langit at lupa maging tanda siya ng
pakikipagtipan na pinagsasaluhan sa piging
ng huling hapunan.
Pagdaraupin ng punong tagapagdiwang ang kanyang mga kamay at
lulukuban ng mga kamay niya ang mga alay habang siya’y
nagdarasal.

Lingapin mo kaming natitipon upang lukuban


ng Espiritu Santo na mapagindapat maging
katawan at Dugo ni Hesukristo + ang
paghahandog na ito.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.
Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap
ay ipahahayag nang malinaw at nauunawaan ng tanan ayon sa
hinihingi ng kahulugan ng mga ito.

Bago niya pinagtiisang kusang-loob


na maging handog
Hahawakan ng punong tagapagdiwang ang tinapay nang bahagyang
nakaangat sa ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy na
inihahayag:
hinawakan niya ang tinapay,

24
pinasalamatan ka niya, pinaghati-hati niya
iyon, iniabot sa kanyang mga alagad at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang punong tagapagdiwang.

Tanggapin ninyong lahat ito at kanin:


Ito ang aking katawan
na ihahandog para sa inyo.
Ipapamalas niya ang tinapay, ipapatong niya ito sa pinggang
patungan ng katawan ni Kristo, at luluhod siya bilang pagsamba.
Pagkatapos ipahahayag ng punong tagapagdiwang.

Gayun din naman, pagkatapos ng hapunan,


Hahawakan ng punong tagapagdiwang ang kalis nang bahagyang
nakataas sa ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy na
inihahayag:

hinawakan niya ang kalis,


muli ka niyang pinasalamatan,
iniabot niya iyon sa kanyang mga alagad,
at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang punong tagapagdiwang.

Tanggapin ninyong lahat ito at inumin: Ito


ang kalis ng aking dugo
ng bago at walang hanggang tipan,
ang aking dugo na ibubuhos
para sa inyo at para sa lahat
sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.
Gawin ninyo ito sa pag-alala sa akin.
Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan
ng katawan ni Kristo, at luluhod siya bilang pagsamba.
Pagkatapos, ipahahayag ng punong tagapagdiwang:

Ipagbunyi natin ang misteryo ng


pananampalataya.

25
Si Kristo’y namatay!
Si Kristo’y nabuhay!
Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon!

Ilalahad ng punong tagapagdiwang ang kanyang mga kamay


samantalang siya ay nagdarasal:

Ama naming maaasahan sa katapatan,


sa pag-alala kay Hesukristo na siyang hain sa
huling hapunan ngayong gunugunita ang
kanyang pagkamatay at muling pagkabuhay
habang pinananabikan ang dakilang araw
ng lubos niyang pagbibigay kagalakan,
inaaalay namin sa iyo ang hain niyang
pagmamahal.
Tunghayan mo ang iyong pinapakinabang
sa tanging minsang pag-aalay ni Hesukristo
upang sa paglukob ng Espiritu Santo
maging isang katawan ng iyong Anak
ang mga magkasalo sa pagkahilom ng sugat
na likha ng alitan at hidwaan.
NAKIKIPAGDIWANG I

Pamalagiin mo kaming nabubuklod


sa isang puso at diwa upang kaugnay ni Papa
N. at Obispo N. itaguyod mo ang
pagtutulungan ng mga naghahanda sa iyong
kaharian at sa gayon ay makadulog sa iyong
luklukan sa kasamahan ng mga banal
na pinangungunahan ng mahal na Birheng
Maria at ng mga apostol, kapiling ng lahat ng
pumanaw na aming inihahabilin sa iyong
pagmamahal upang pagkaparam ng kulimlim
ng kamatayan lahat kami’y sumapit sa iyong

26
maningning na kandungan at maligayang
makaawit ng pasasalamat kailanman
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

Sa pamumuno ni Hesukristo, na aming


pagkabuhay.
Hahawakan ng punong tagapagdiwang ang patena at kalis at itataas
habang binabanggit.

Sa pamamagitan ni Kristo kasama niya,


at sa kanya ang lahat ng parangal at papuri ay
sa iyo, Diyos Amang makapangyarihan,
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.
R. Amen.

27
ANG PAKIKINABANG

Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at


turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos
ipahayag natin nang lakas-Ioob:

Ama namin, sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan mo.


Mapasaamin ang kaharian mo. Sundin ang loob mo dito sa
lupa para nang sa langit. Bigyan mo kami ngayon ng
aming kakanin sa araw-araw. At patawarin mo kami sa
aming mga sala para nang pagpapatawad namin sa
nagkakasala sa amin At huwag mo kaming ipahintulot sa
tukso. At iadya mo kami sa lahat ng masama.

Nakalahad ang mga kamay ng punong tagapagdiwang sa pagdarasal:

Hinihiling naming
kami'y iadya sa lahat ng masama,
pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,
iligtas sa kasalanan at ilayo sa lahat ng
kapahamakan samantalang aming
pinananabikan ang dakilang araw ng
pagpapahayag ng Tagapagligtas naming si
Hesukristo.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.
_______________________________________________

Sapagka't iyo ang kaharian at ang kapangyarihan


at ang kapurihan magpakailan man! Amen.
____________________________________

Malakas na darasalin ng paring nakalahad ang mga kamay:

28
Panginoong Hesukristo,
sinabi mo sa iyong mga Apostol:
"Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa
inyo." Tunghayan mo ang aming
pananampalataya at huwag ang aming mga
pagkakasala. Pagkalooban mo kami ng
kapayapaan at pagkakaisa ayon sa iyong
kalooban
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang


hanggan.
R.Amen.

Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging


sumainyo.
R. At sumaiyo rin.

lpahahayag ng Diyakono

Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa't isa.


____________________________________

Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng


sanlibutan, maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng
sanlibutan, maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng
sanlibutan, ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.
__________________________________

Luluhod ang tagapagdiwang at darasalin ng pabulong ang panalangin


bago magkomunyon. Pagtayo niya kanyang hahawakan ang ostiya na
itataas sa ibabaw ng pinggan. Paharap sa mga tao siyang magsasabi ng
malakas:

29
Ito ang Kordero ng Diyos.
Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng
sanlibutan. Mapalad ang mga inaanyayahan
sa kanyang piging.
R.Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo nguni't
sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.

Pagkapakinabang bibigyan niya ang sambayanan ng katawan ni Kristo.


Pagkapakinabang ng lahat ipahahayag ng punong tagapagdiwang ang
panalangin pagkatapos ng komunyon.

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

Punong Tagapagdiwang:

Manalangin tayo,

Ama naming mapagmahal,


Ngayong kami'y pinapagsalo mo sa banal na
pakikinabang kami' y iyong pinalingong may
pag-asa sa aming sinasampalatayanan
pakundangan sa pagkamatay ng iyong Anak.
Gawin mong kami'y makarating sa aming
pinaroroonan pakundangan sa kanyang
muling pagkabuhay bilang tagapamagitan
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.
R. Amen.

30
Oratio Imperata: Panalangin laban sa COVID-19
Amang Makapangyarihan
Lumalapit kami sa Iyo sa aming pangangailangan
Ingatan Mo kami laban sa COVID-19 Virus
Na lumalaganap sa kasalukuyan at
Nagiging sanhi ng kamatayan.
Tulungan Mo ang mga nagsisipag-aral sa kalikasan
At pinagmumulan ng virus na ito at kung paano
Masusugpo ang paglaganap ng sakit na dulot nito.
Gabayan Mo ang mga kamay at isipan
Ng mga eksperto sa medisina
Nang mapaglingkuran nila
Na may puso at kakayahan
Ang mga may karamdaman,
At sa mga sangay ng pamahalaan
At mga pribadong ahensya na makatagpo
Ng lunas at solusyon sa salot na ito.
Isinasamo naming ang mga dinapuan ng sakit na ito
Ay mabalik sa kalusugan sa madaling panahon.
Kumilos nawa kami sa ikabubuti ng lahat
At matulungan ang lahat ng nangangailangan.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Jesukristo,
Kasama ng Espiritu Santo, Magpasawalang hanggan.
Amen.
Maria, Takbuhan ng mga Kristiyano, Ipanalangin mo
kami.
San Rafael Arkanghel, Ipanalangin mo kami.
San Roque, Ipanalangin mo kami.
San Lorenzo Ruiz, Ipanalangin mo kami.
San Pedro Calungsod, Ipanalangin mo kami.
San Pablo Unang Ermitanyo, Ipanalangin mo kami.

PAGBABASBAS
________________________________

Punong Tapagdiwang:

Sumainyo ang Panginoon


R.At sumaiyo rin.

Diyakono:

31
Yumuko kayo at hingin ang pagpapala ng Diyos.

Punong Tagpagdiwang:

Ang Ama ng awa ay nagpakita ng halimbawa


ng tapat na pag-ibig sa pamamagitan ng
paghihirap ng kanyang bugtong na Anak.
Sa pamamagitan ng inyong paglilingkod sa
Diyos at sa kapwa, nawa'y matanggap ninyo
ang kanyang mga biyaya.
R.Amen.

Punong Tagapadiwang:

Sumasampalataya kayo na sa kamatayan ni


Kristo, lubusan nang napawi sa mundo ang
kamatayan. Nawa'y bigyan niya kayo ng
walang hanggang buhay.
R.Amen.

Nagpakababa siya para sa ating ikabubuti.


Nawa'y masundan ninyo ang kanyang
halimbawa at makabahagi sa kanyang muling
pagkabuhay.
R.Amen.

At sumainyo ang pagpapala ng dakilang


Diyos Ama at + Anak at Espiritu Santo.
R.Amen.

Diyakono:

Ipinahayag natin ang pagpasok ni Jesus sa Jerusalem.


Sundan natin Siya sa kanyang pagpasan ng Krus sa
pamamagitan ng pagsasakripisyo para sa iba.

32
R.Salamat sa Diyos.

Lilisanin ng punong tagapagdiwang at mga tagapaglingkod ang


sanktuwaryo.

33
34

You might also like