You are on page 1of 3

Philo 10 Group 2 on “Mabuhay nang may Dangal”

1. Enzo
 Individual
- bigyang-kahulugan sa maliit na pagtingin
- tapat sa mga bagay, hindi nandaraya, hindi nagsisinungaling, hindi nagnanakaw
- totoo sa ibang tao at sa mga bagay
- nananatili sa katotohanan kahit mahirap
 Reactions
- magandang sinimulan sa simple at maliit na pagtingin ang talakayan
- sumasang-ayon na dapat nasa katotohanan ang isang taong may dangal
- hindi ba depende sa sitwasyon kasi ‘sometimes you have to delicate’?
- paano kung hindi makabubuti yung ibubunga ng pagsasabi ng totoo?
- siguro doon papasok yung sinabing mananatili sa katotohanan kahit mahirap, kasi ganun dapat
ang taong may dangal
- sumasang-ayon na dapat nananatili sa katotohanan ang isang taong may dangal

2. Mae
 Individual
- sa umpisa ng buhay lahat may dangal; kung papaano iniingatan ang buhay, ganoon din
iniingatan ang dangal; sa huli, mawawala ang buhay pero mananatili sa daigdig ang dangal
- nakikita dapat sa isip, sa salita at sa gawa; pinakaimportante sa gawa kasi kahit di na sabihin
basta nakikita ng iba
- may paggalang sa ibang buhay, sa paligid tulad ng kalikasan at lipunan, nag-iisip o kritikal, may
paggalang sa katotohanan at nagbubunga na mabubuti o katotohanan
 Reactions
- strange that you’re born with honor. isn’t it something that you’ve earned?
- sumasang-ayon na may dangal sa umpisa at depende sa mga ginagawa mo kung maiingatan mo
- sumasang-ayon na dapat nasa katotohanan ang isang taong may dangal
- since merong concept ng dangal sa umpisa, meron ding concept ng dangal sa dulo which is
yung maiiwan sa mundo at hindi lang yun para sa ibang tao, para rin yun sa iyo
- sumasang-ayon na pinakamahalaga yung nakikita sa gawa ang pagiging may dangal
#notoplasticpeople =)) as in yung tinutupad yung sinasabi

3. Martin
 Individual
- magbibigay ng mga halimbawa ng buhay nang may dangal
- may mga thoughts sa Internet na lumalabas na nakalalala sa situationi.e. parang may mga bagay
na di talaga dapat lumabas bagamat
- hindi marangal ang pagiging plastic e.g. pagsipsip sa teachers, pagiging FC; pwedeng maging
civilized pero hindi plastic
- importanteng nasa katotohanan, honest sa ibang tao/friends
- kasama rito ang pagiging helpful sa ibang tao
 Reactions
- maganda yung this time, nagbigay naman ng examples from the previous na nag-define/describe
- sumasang-ayon na importante rin ang self-control sa pagiging marangal
- sumasang-ayon na hindi nagbabalatkayo, manifestation din yun ng isa kang taong nasa
katotohanan
- sumasang-ayon na lahat tayo may karapatan sa katotohanan; kung nagiging totoo ka,
nakatutulong ka sa ibang tao na makasalo ng totoo
- mas tumitibay ang koneksyon ng katotohanan, karangalan at respeto; pag wala yung isa,
nabibitawan ang lahat
- lumawak yung platforms kung saan pwedeng ipamalas ang pagiging may dangal; hindi lang sa
physical pero kahit sa online/social media

4. Ethan
 Individual
- tingnan ang kahulugan ng “mabuhay” at “nang may dangal”
- mabuhay = nag-e-exist at may mga actions na nakatutulong sa mundo; dapat may purpose
- dangal = nasa katarungan at katotohanan, ethical morale, “mabait”
- may basis/standards ang may dangal: may respeto sa ibang tao, sa sarili mo so hindi ka
gumagawa ng corrupt o masama
 Reactions
- nagko-connect na yung mga punto natin #abstraksyo
- mga mabuting gawa ang nagpapakita ng pagiging may dangal pero importante na magsisimula
sa’yo
- konektado ang pagiging marangal sa pagiging mabuting mamamayan
- okay yung “mabait” pero hindi kasi laging maganda ang katotohanan, minsan masakit e.g. may
kaklase kang sobrang daldal. kapag sinabi mo sa kanya ang katotohanan na madaldal siya,
mukhang hindi ka mabait kasi medyo masakit
- importante ang intensyon sa pagsasabi sa katotohanan kesa sa magiging consequence nito e.g.
case ng kaklaseng madaldal, kung ang intensyon mo naman ay para turuan siyang maging
sensitibo sa ibang tao, para magbago siya to betterment, marangal pa rin yung pagsabi sa
katotohanan
(- may pagbubukas ang nagpapahayag ng pagmu-muni dahil may mga tinatanggap at may mga
hindi mula sa mga nagpapahayag ng reaksyon)

5. Adrienne
 Individual
- pamumuhay nang tama, pagpili sa katotohanan, matinong tao, kapuri-puri
- may dalawang perspektibo: maka-Diyos kung saan ang batayan ay ang Ten Commandments at
maka-pulitiko kung saan ang batayan ay ang batas
- mabuhay nang may dangal ang pinakamataas na goal sa buhay
- mage-gain ang respeto, tiwala ng ibang tao
- may kakabit na responsibilidad: ingatan ang dangal kahit nasa mahirap na sitwasyon
 Reactions
- sumasang-ayon na may ugnayan ang kabutihan sa karangalan, parehas na pinaiiral
- sumasang-ayon na minsan may certain standards so pag nasunod, it means nabubuhay ka nang
marangal
- magandang perspektibo yung pinasok si God sa talakayan kasi maganda ring gawing gabay
- sumasang-ayon din na pinasok si God at mga qualifications niya sa pagiging marangal, which is
nasa katotohanan din dapat, though something to ponder lang: what if yung hindi marangal sa
Diyos, marangal sa tao?
- siguro magandang i-evaluate to yourself na lang yung aspeto ng religion dahil sa iilang rules
nito na medyo constrictive
- sumasang-ayon na i-evaluate to yourself na nga lang kasi iba-iba ang konsepto ng pagiging
marangal depende sa relihiyon
6. Nicole
 Individual
- ang dangal ay parte na ng tao, hindi mawawala, naghihiwalay sa tama at mali
- nagpapahalaga sa buhay, nagbubunga ng paninindigan
- naninindigan sa katotohanan AT maigting na naisasabuhay ito
- nagbubunga ng karangalan, may dignidad
 Reactions
- kumpleto at very comprehensive, halos lahat ng magagandang punto na naunang nasabi ay
napagsama-sama
- sumasang-ayon na depende sa ginagawa ang kabutihan
- sumasang-ayon na nagbubunga rin ng recognitions ang pagiging may dangal pero hindi iyon
dapat focus kundi intention i.e. importante talaga yung “bakit”

7. Gerome
 Individual
- lahat may buhay pero ang pagkakaiba ay kung papaano mabubuhay
- nagpapahalaga sa buhay o pangangailangan ng iba mula sa kung anong meron ka
- tumutugon sa tungkulin at responsibilidad
- importante ang dignidad at katotohanan
 Reactions/Processing
- may pagsang-ayon sa maraming puntong nailahad; pinakasinang-ayunan ay yung pagiging nasa
katotohanan
- kaunti lang yung disagreements pero di naman umaabot sa pag-aaway =)) kasi bukas ang lahat
- wala masyadong disagreements pero hindi lang iisa ang naging depinisyon o paglalarawan sa
paksa
- masaya kasi naririnig din yung opinyon o perspektibo ng iba
- sa bawat pagtalakay, iba-ibang perspektibo yung nabi-bring up e.g. meron yung physical/online
platforms, pagiging may dangal para sa iba at para sa sarili, etc. tapos at the end of the day,
napagsasama-sama siya #abstraksyoagain =)))

You might also like