You are on page 1of 2

Katangian ng Pananaliksik at Tungkulin ng Mananaliksik

Pananaliksik -pagtuklas ng isang teorya, pagsubok sa teoryang iyon at paglutas sa suliranin.

Katangian ng Pananaliksik:
1. Obhektibo -hindi ito basta-bastang pinagsamang mga pahayag mula sa nakalap na
impormasyon, kundi isinaayos sa sistematikong paraan batay sa mga datos na napatunayang valid.
2. Mayaman sa mga datos -hindi isa o dalawang sanggunian lang, lahat ng posibleng pagkunan na
mapapanaligan at makakatulong ay gamitin.
3. Angkop na pamaraan -paggamit ng tamang metodolohiya.
4. Dokumentado -dapat may pahintulot at may pagkilala sa pinagkunan ng datos; ang mga patotoo
at validiti ay nakasalalay sa mga iniharap na materyales.
5. Masuri o kritikal -magiging balido ang pananaliksik kung ang datos ay mapapatotohanan.
6. Sumusunod sa tamang proseso -dapat ang pananaliksik ay sistemariko.
7. Maingat -kailangang wasto ang paghahanay ng datos at pinipili ang salitang ginagamit.
8. Masusi -bawat datos ay nililinaw at pinag-aaralang mabuti.
9. Tiyak -ang pagpapatunay ay dapat sigurado.
10. Kontrolado -dapat bawat hakbang ay nakaplano.

Tungkulin ng Mananaliksik:
1. Pagkamatiyaga -masipag maghanap ng iba't ibang sanggunian.
2. Pagkamaparaan -marunong maghanap ng paraan upang magkaroon ng kagamitan sa
paghahanap ng datos.
3. Pagkamasistema -may iskedyul sa paggawa ng mga hakbang upang mapadali ang gawain.
4. Pagkamaingat -iwasan ang magpadalos-dalos sa pagkuha ng datos, piliin nang maayos.
5. Pagkamapunuri -hindi lahat ng nabasa, nakita o narinig ay tanggapin, suriing muna nang
mabuti.
6. Pagkamatapat -huwag angkinin ang gawa na hindi sayo, magbigay pakilala sa orihinal na
pinagkunan o humingi ng permiso (reserbasyon ng karapatan).
7. Pagiging responsable -maging makatarungan, huwag ilihis ang hangarin ng pag-aaral para sa
sariling kagustuhan, gawin kung ano ang nararapat.

Gawain: Pagsusuri ng Katangian ng Pananaliksik at Mananaliksik Batay sa Sitwasyon

A. Suriin kung anong maaaring nilabag na tungkulin ng mananaliksik.


Isulat ang sagot pagkatapos ng bawat pangungusap/i-pm sakin ang sagot.
1. Si Don ay anak mayaman, lahat ng kanyang mga proyekto ay ipinapagawa niya sa iba at
binabayaran lamang niya. May pagkakataong bumili na lamang siya ng yaring tesis or term paper
sa Recto.

2. Matalinong mag-aaral si Kim, palabasa at laman ng laybrari. Subalit, sa tuwing magpapasahan


na ng sulating pananaliksik ay lagi siyang mahuhuli sa pagsusumite.

3. Sa tuwing nagreresearch si Nikki ay umuubos siya ng maraming oras sa aklatan. Halos ang
buong laman ng aklat ay kanyang naisusulat sa kanyang kuwaderno. Makailang ulit na siyang
bumili ng bolpen at nowtbuk.

4. Nang ipasa ni Pat ang kanyang sulating pananaliksik, maraming mali sa inilahad na mga datos.
Hindi nagtutugma ang ginawang mga tala sa ibinigay na interpretasyon.

5. Hindi inakala ni Bb. Santiago na walang maghahabol sa ginawa niyang sulating pananaliksik
nang walang paalam ni dokumentasyon sa kinuhang artikulo.

B. Suriin kung anong katangian ng pananaliksik ang nasasalamin sa sumusunod na sitwasyon.


Isulat ang sagot pagkatapos ng bawat pangungusap/i-pm sakin ang sagot.

1. Makikita sa appendix ng tesis ni Aira ang liham pahintulot sa kanilang para sa kanilang
ginawang survey at may mga larawan habang sila ay nagtatanong sa mga respondonte.

2. Ang mga pahayag na inilahad sa sulating pananaliksik ni Bb. Abendan ay talagang makikita sa
mga sanggunian na kanyang binanggit.

3. Ang sulating pananaliksik na ginawa ng grupo nina Ivan ay kakikitaan ng maraming


mahahalagang konsepto kaugnay ng kanilang paksa.

4. Ang isinagawang pag-aaraI ni Arnel ay nakabatay sa kanyang binuong plano hinggil sa mga
hakbang na kanyang sinunod at nagkaroon ng napakahusay na resulta.

5. Nakalahad sa ikatlong kabanata ng sulating pananaliksik ni Prop. Cañete ang kanyang ginamit
na paraan na siyang ikinatagumpay ng kanyang pag-aaral.

You might also like