You are on page 1of 1

1.

Dalawang babae na magkahawak kamay sa publiko

Para sa akin, hindi dapat husgahan na mga tomboy o lesbian ang mga babaeng
magkahawak kamay sa publiko. Ang mga babae ay kilala sa pagiging emosyonal,
mapagpahayag ng nararamdaman at matulungin. Likas sa kanilang sumuporta sa kaibigan na
mayroong pinagdadaanan at ipahayag ito sa isang malambing na paraan tulad ng pagyakap o
paghawak ng kamay. Sila din ay mapagmahal sa kanilang mga kaibigan. Isang pagpapahayag
ng malapit na relasyon sa kaibigan ang paghahawak kamay. Kahit ako, isang babae, ay
nakikipaghawak kamay sa aking matalik na kaibigan. Hindi dahil ako ay tomboy o lesbian,
kung hindi dahil isang kapatid na ang turing ko sa kanya. Ganoon kalapit ang relasyon namin
bilang magkaibigan kaya naman walang malisya sa amin ang paghahawak kamay. Isa itong
normal na gawain ng mga magkaibigan. Tunay nga na modernong panahon na. Hindi na dapat
hinuhusgahan o iniisipan ng masama ang mga ganitong bagay. Kung sakali naman na tomboy
o lesbian ang dalawang babaeng magkahawak kamay, wala pa rin tayong karapatang
manghusga. Hindi tayo Diyos at lalong hindi dapat tayo makielam sa kasiyahan ng iba.

2. Pagkain na hindi gumagamit ng kutsara at tinidor.

Sa aking opinyon, hindi masamang kumain nang walang gamit na kutsara at tinidor.
Hindi ito representasyon ng pagiging mahirap o kapos-palad. Bilang Pilipino, ito ay
nakagawain na natin. Ang pagkain gamit lamang ang mga kamay ay isa sa mga tradisyon na
ginagawa ng marami sa atin. Ito ay nakuha natin sa ating mga ninuno bago pa man dumating
ang mga Kanluranin upang sakupin tayo. Isa ito sa mga kagawian na matagal nang
nananalaytay bilang marka ng pagiging Pilipino. Sa ibang bansa at kultura, ito ay
nagsasagisag ng kawalan ng asal sa pagkain. Ngunit, hindi sa atin. Kaya nga mayroon tayong
mga tinatawag na “budol fights”. Isang halimbawa pa ay ang pagkain sa Mang Inasal. Sabi
nga nila, mas masarap pag naka-kamay. Tunay na na parte ito ng tradisyon natin.

You might also like