You are on page 1of 1

Simulan mo

Makikinita sa larawan ang isang kasabihan na tuwid na daan subalit ang


tuwid na daan na ninanais ay may nakaharang na isang baboy. Ang baboy ay kilala sa
ugali nitong gahaman, dahil gusto niya ay sakanya ang lahat kahit na nakukuha na niya
ang sa iba. kilala din ito bilang isang maingay na hayop na oink oink ng oink oink ngunit
hindi naman naiintindihan ang mga sinasabi nito at parang walang kabuluhan.

Inihalintulad ng editoryal sa Gobyerno ng Pilipinas dahil madami ang mga


utak at kilos baboy sa Gobyerno, maraming nangangako para sa tuwid na daan at maayos
na pagpapalakad. Subalit ang pangakong iyon ay walang naitupad kundi puro
kabaliktaran. Hindi ba't tama ang editoryal? na tila ba'y ang ating tinitingalang mga tao ay
isang utak baboy na sarili lamang ang iniisip at hindi ang kanilang mga salitang
binitawan?

Kailangang simulan sa sarili ang gustong pagbabago na makita sa bansa.


Katulad nalamang ng pagsunod sa mga patakaran at mga batas. Gusto ng Gobyerno na
sundin at suportahan sila ng kanilang sinasakupan. Dapat ay simulan muna nila ang
pagbabago sa kanilang mga sarili, sa ganoong paraan ay makikita ng tao na ang kanilang
lider ay isang responsable at isang kagalang-galang na tao kaya't dapat sundin. Dapat ang
ating mga lider ay maging isang Aso hindi isang baboy. Dahil ang Aso ay isang tapat na
hayop at handang pagsilbihan ang kanilang mga amo.

Ang pagbabago ay nasa bawat isa saatin. Dapat simulan ng bawat isa saatin
ang pagbabago. Ang Gobyerno ay isa lamang imahe at ating gabay sa ating mga buhay.
Dahil ang isang groupo o lipon ng tao na walang lider ay walang kaayusan at pagkakaisa.

You might also like