You are on page 1of 20

KAGUSTUHAN NG TAO; LINTA SA KALIKASAN: MGA BUNGA NG

PAGSASAWALANG BAHALA SA KALIKASAN SA PAGTATAYO NG

IMPRASTRAKTURA

Isang pamanahong Papel na Iniharap sa Kaguruan ng Departamento ng Filipino,

Kolehiyo ng Arkitektura, Batangas State University

Bilang Pagtupad sa mga Pangangailangan ng Asignaturang Filipino 2, pagbasa at

pagsulat Tungo sa pananaliksik

Ng

Arch – 2205

May 2017
DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino, Pagbasa at

Pagsulat sa Pananaliksik, ang pamanahong papel na ito na pinamagatang

KAGUSTUHAN NG TAO; LINTA SA KALIKASAN: MGA BUNGA NG

PAGSASAWALANG BAHALA SA KALIKASAN SA PAGTATAYO NG

IMPRASTRAKTURA

ay iniharap ng pangkat ng mga mananaliksik mula sa Arch – 2205.

Acielo, John Denver Z.

Marquez, Seann Benedickte B.

Turralba, Angel Lyn C.

Sir Erol James Culla

Tinanggap sa pangalan ng Kagawaran ng Filipino, Kolehiyo ng Arkitektura bilang isa sa

mga pangangailangan sa asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa

Pananaliksik.

Erol James Culla

Propesor
KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

 Introduksyon

Ang kalikasan ang pangunahing pinagkukunan ng mga materyales sa pagtatayo ng

mga gusali sa pagbubuo ng mga siyudad kaya't nagtakda ang gobyerno ng mga batas

upang mapanglagaan at mapanatiling malago ito.Ngunit sa paglipas ng panahon,

kasabay ng pagsulong ng ekonomiya, teknolohiya at urbanismo ay ang pagliit at

pagkasira ng kalikasan na bunga na rin nga mga gawain ng tao.

Ang pagtatayo ng mga imprastraktura ay isa sa mga programa ng tao na malaki ang

naidudulot na pagkasira sa kalikasan dulot ng mapolusyong gawain sa lugar ng

konstruksyon. Malaki ang epekto nito di lamang sa panahon ng pagtatayo ngunit

maaaring hanggang sa susunod na 3 o 4 na taon dahil sa hindi pagkokonsidera sa

kalikasan.

 Layunin ng Pag-aaral

Ang pamanahong-papel na ito ay naglalayong mabatid ang mga bungang naidudulot ng

pagsasawalang bahala sa kalikasan sa pagtatayo ng imprastraktura at mabigyang

kasagutan ang mga sumusunod na katanungan.


 Bakit isinasawalang bahala ng mga tao ang kalikasan sa pagtatayo ng mga

imprastraktura?

 Paano nakaaapekto sa kalikasan ang pagtatayo ng mga imprastraktura?

 Ano-ano ang mga masamang naidudulot ng pagsasawalang bahala sa kalikasan

sa pagtatayo ng imprastraktura?

 Bakit mahalaga ang pagkokonsidera sa kalikasan sa pagtatayo ng

imprastraktura?

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ayon kay Ar. Soma Anil Mishra , isang arkitektong mananaliksik, ang mga

pinagkukunang yaman ay hindi magpakailanman at ang sobrang pag gamit nito ay

mayroong malaking epekto sa pamumuhay ng tao. Ang mga hakbang ay kailangan

nang maisakatuparan ng marahan dahil malaki ang epekto nito sa lahat.

Sustainable Architecture ay isang bagong diskarte sa arkitektura tungkol sa disenyo at

konstruksyon na nakatutok sa green construction, teknolohiya, renewable na enerhiya,

at pagpapabuti ng enerhiya sa gusali.


Ang Sustainable Architecture program ay naghahandang mag-aral upang matugunan

ang mga pangangailangan sa pagpapatibay at pagbuo ng mga estratihiya para sa pag-

unlad at disenyo na sustainable.

Ayon ky Soliven De Guzman , isang awtor , sa ating bansa naging malago ang

konstruksyon ng mga industriya kaya nga lang hindi lahat n gating munisipalidad ay

kinonsidera ang magandang epektong dala ng green building. Ang Senate Bill bilang

3251 na mas kilala bilang Green Building Act mna inaprobahan ni Sen Bongbong

Marcos ng nakaraang taon lamang ay isang panukala na nagpapakilala sa green

building at rating system.

Sa isang ‘website’ pinag-usapan ang mga gusaling gawa sa mga lumang kagamitan o

materyales na hindi na ginagamit ito ay pinangunahan ng isangdesigner na si Dan

Philips.

Ang mga materyales ay nirecycle upang gawing gusali labis itong nagbigay ng tu;ong

sa mga taong kapos sa salapi upang magpatayo ng tahanan.

Sabi ni Ginoong Philip “ Ang pinakamalaking gantimpalang kanyang natanggap ay

pagbibigayng tahanan at ang makita sila na maging kasiya-siya at determinasyon sa

pagbuo ng kanilang tahanan (‘New York Times”)


KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

1. Disenyo ng Pananaliksik

Sa deskripitibong pananaliksik na ito ay kinapapalooban ng mga datos na ilalahad at

ilalarawan ng mga namanaliksik ayon sa imbestigasyon na isinagawa upang masagot

ang mga nakalaang mga katanungan ukol sa Mga Bunga ng Pagsasawalang Bahala sa

Kalikasan sa Pagtatayo ng Imprastraktura

2. Mga Resondnte

Mga mag-aaral sa kursong Arkitektura mula una hanggang ikalimang taon sa

kasalukuyang semester ng Pambangsang Pamantasan ng Batangas.

Mga may matinong pag iisip na may kinalaman sa kursong arkitektura

Mga may sapat na kaalaman ukol sa naturang paksa

Labing pitong gulang pataas


3. Instrumentong pananaliksik

Sa pagsasagawa ng pananaliksik gumamit ang mananaliksik ng mga instumento

upang makakalap ng mga impormasyon tungkol sa nasabing paksa ng pamanahong

papel kabilang na dito ang talatanungan na inihanda para sa mga respondanteng aming

napili upang kapanayamin, mga “primary sources” na inihanda at isinigawa ng

mananaliksik at ang “secondary sources” kung saan kumalap kami ng impormasyon sa

pamamagitan ng mga “media” na kinabibilangan ng aklat , pahayagan at “website”.

Ang harapang pakikipanayam o pagbibigay ng sarbey sa mga respondante ay

ang “primary sources” kung saan nakipanayam kami sa ilang estudyante at ilang

propesyunal.

Ang impormasyong nakalap at nakapaloob sa mga website at aklat ay

“secondary sources” kung saan ito ay hindi mula sa mismong mananaliksik. Kabilang

na dito ay ang mga kasabihan at napatunayang balido sa pamamagitan ng mga

eksperimento.

4.Tritment ng mga Datos.

Para sa mga respondante, ang Pagsasawalang Bahala sa Kalikasan sa

Pagtatayo ng Imprastraktura para sa kanila ay may masamang naidudulot sa ating


kalikasan nararapat lang na ikonsidera ang kalikasan sa pagsasatayo o pagdidisenyo

ng imprastraktura sa pamamagitan ng “Green Designs” , “Less Carbon Footprints” ,

malusog at simpleng pamumuhay, mabuti para sa mundo at paggamit ng ibat;t ibang

paraan ng pagpapanatili ng enerhiya at ng likas na yaman Kumuha kami ng mga

respondante na mag-aaral ng Batangas State University Main II na kumukuha ng kurso

ng arkitektura upang mabigyang linaw kung Paano maiiwasan ang Pagsasawalang

Bahala sa Kalikasan sa Pagtatayo ng Imprastraktura at posibleng epekto nito sa

kanilang pagdidisenyo.
KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na datos at impormasyon:

Ipinapakita sa grap 1 ang distribution ng mga respondante ayon sa kanilang kasarian.

Sa tatlumpung estudynte (30) labing anim (16) ang babae at labing apat (14) ang mga

lalaki.

Grap 1

Distribusyon ng mga Respondante ayon sa kasarian

Lalaki
Babae

 Mapapansin sa grap na ito na mas marami ang respondanteng lalaki kaysa sa

babae
Grap 2

Pananaw ng mga mag-aaral kung dapat bang ikonsidera


ang kalikasan sa pag tatayo ng imprastraktura

Hindi Pananaw ng mga mag-aaral


kung dapat bang ikonsidera ang
kalikasan sa pag tatayo ng
imprastraktura

Oo

0% 10% 20% 30% 40% 50% 60% 70% 80% 90%100%

 Ipinapakita sa grap na ito na sang ayon sila sa pagkokonsidera ang kalikasan sa

pagtatayo ng imprastraktura.
Grap 3

Pananaw ng mga estudyante kung magiging aktibo ang


mga Pilipino sa pagsulong ng pagdedesenyo kaakibat
ang kapakanan ng kalikasan sa Pilipinas

Pananaw ng mga estudyante


kung magiging aktibo ang mga
Hindi Pilipino sa pagsulong ng
pagdedesenyo kaakibat ang
kapakanan ng kalikasan sa
Pilipinas

Oo

0 5 10 15 20 25 30

 Ipinapakita sa grap na ito kung ano angpananaw ng mga estudyante kung

magiging aktibo ang mga Pilipino sa pagsulong ng pagdedesenyo kaakibat ang

kapakanan ng kalikasan sa Pilipinas. 87.67% ang nagsasabing (Oo) at 13.33%

ang nagsasabing (Hindi).


Grap 4

Pananaw ng mga estudyante kung napapanahon ang


konsepto ng pagkokonserba ng kalikasan sa pagtatayo
ng mga imprastraktura

Pananaw ng mga estudyante


Hindi kung napapanahon ang
konsepto ng pagkokonserba ng
kalikasan sa pagtatayo ng mga
imprastraktura

Oo

0 5 10 15 20 25 30

 Ipinapakita sa grap na ito kung ano apananaw ng mga estudyante kung

napapanahon ang konsepto ng pagkokonserba ng kalikasan sa pagtatayo ng

mga imprastraktura. 87.67% ang nagsasabing (Oo) at 13.33% ang nagsasabing

(Hindi).
Grap 5

Pananaw kung posible bang mapagsabay ang


pagpapalago ng arkitektura at pangangalaga sa
kalikasan

30

25 Pananaw kung posible bang


mapagsabay ang pagpapalago
ng arkitektura at pangangalaga
20 sa kalikasan

15

10

0
Oo Hindi

 Ipinapakita sa grap na ito na possible ang pananaw sa pagsabay ng

pagpapalago ng arkitektira at pangangalaga sa kalikasan. 90% ang nagsabing

(Oo) at 10% naman ang nagsabing (Hindi).


Grap 6

Pananaw kung malaki ang maitutulong ng Green


Architecture sa Pilipinas

Oo
Hindi

 Ipinapakita sa grap na ito na sang ayon sila na malaki ang maitutulong ng green

architecture sa Pilipinas.
Grap 7

Pananaw kung mapapalago pa ang Green Architecture


sa Pilipinas

30

25
Pananaw kung mapapalago pa
20 ang Green Architecture sa
Pilipinas

15

10

0
Oo Hindi

 Ipinapakita sa grap na ito kung mapapalago pa ang green architecture sa

pilipinas. 90% ang nagsasabing (Oo) at 10% ang nagsasabing (Hindi).


Grap 8

Pananaw kung mas progresibo at mapagkakakitaan ang


pagdidisenyo na nagkokonsidera sa kalikasan

Hindi Pananaw kung mas progresibo


at mapagkakakitaan ang
pagdidisenyo na
nagkokonsidera sa kalikasan

Oo

0 5 10 15 20 25

 Ipinapakita sa grap na ito na mas progresibo at mapagkakakitaan ang

pagdidisenyo na nagkokonsidera sa kalikasan. 76.67% ang nagsasabing (Oo) at

23.33% ang nagsabing (Hindi).


Grap 9

Pananaw kung maipapangakong mapangangalagaan ang


kalikasan para sa kinabukasan ng bayan

Oo
Hindi

 Ipinapakita sa grap na ito kung mapapangakong mapapngalagaan ang kalikasan

[ara sa kinabukasan ng bayan. 87.67% ang nagsasabing (Oo) at 13.33% ang

nagsasabing (Hindi).
KABANATA V

LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

1. Lagom

Ang isinagawang pag-aaral na ito ay nauukol sa Mga Bunga ng

Pagsasawalang Bahala sa Kalikasan sa Pagtatayo ng Imprastraktura. Ang

pamanahong papel na ito ay naglalayong malaman ang kaalaman, pananaw, at

damdamin ng mga estudyanteng kumukuha ng kursong Arkitektura sa

Pambansang Pamantasan ng Batangas.

Gamit ang disenyong deskriptib-analtik, ang mga mananaliksik ay nagdisenyo ng

sarbey-kwestyoner na pinasagutan sa limampung (30) respondente, sampu (10)

sa unang seksyon ng ikalawang taon,sampu (10) sa ikatlong seksyon ng

ikalawang taon, sampu (10) sa ikalimang seksyon ng ikalawang taon ng kursong

Arkitektura sa Pambansang Pamantasan ng Batangas.

2. Konklusyon

Batay sa mga inilahad na datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa

mga sumusunod na kongklusyon:


a. Isinasawalang bahala ng ilan ang kalikasan sa pagtatayo ng imprastraktura sa

kadahilanang naniniwala silang mas progresibo, mapagkakakitaan at makatitipid

sa ganoong paraan.

b. Ayon sa mga respondente, mas malaki ang masamang naidudulot ng

pagsasawalang bahala ng kalikasan dito. Bagaman maaari din itong ikalago ng

kalikasan, ang pagkasira ay may mas malaking porsyento ng posibilidad.

c. Lahat ng respondente ay naniniwalang napapanahon na ang uri makakalikasang

uri ng arkitektura di lamang dahil sa napakarami nitong magandang maidudulot

sa kapaligiran, ekonomiya at paraan ng pamumuhay kundi upang patuloy nitong

mapangatawanan ang pagiging ‘Pearl of the Orient’

d. Bilang mga arkitekto ng susunod na henerasyon, lahat ng respondente ay

nangakong kasabay ng pagpapayabong nila sa kanilang career sa larangan ng

arkitektura ay ang pagngangalaga ng kalikasan.

3. Rekomendasyon

Kaugnay ng mga kongklusyong nabanggit, buong pagpapakumbabang

inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:

a. Para sa mga mag-aaral, mainam na makinig sa mga propesor sa bawat klase

upang matutunan ang mga regulasyon, mga teknik, mga konsidersyon at mga
pangunahing pamamaraan ng pagdidisenyong makakalikasan. Gayun din ang

pakakaroon ng mga karagdagang pananaliksik ukol ditto.

b. Para sa mga propesor, mas makabubuti kung sa bawat plates na ipinapagawa

ay nasa mga ‘requirements’ ang praktis ng pagkokonsidera ng kalikasan upang

ito ang makasanayan ng mga magaaral.

LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN

CEAFA Arch-2201, Arch-2203, Arch-2205

https://prezi.com/qtzlwdwiv4m6/kalikasan-malaking-konsiderasyon-sa-pagdidisenyo-ng-
istrakt/

https://prezi.com/pnwzs_2_nj2v/kahalagahan-ng-kalikasan-sa-pagdidisenyong-
istraktura-para-s/

http://journals.upd.edu.ph/index.php/humanitiesdiliman/article/viewFile/15/461

https://web.facebook.com/Luntiang-Arkitektura-Green-Architecture-194009713854/?

_rdc=1&_rdr

You might also like