You are on page 1of 5

Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik)

1
Sulating Akademik

Sulating Akademik

Mga Batayang Kasanayang Dapat na Matamo:


 Nailalahad ang kahulugan at ang mga uri ng pagsulat
 Nabibigyang-diin ang kahulugan sa akademikong pagsulat
 Nabibigyang-halaga ang pag-aaral ng akademikong pagsulat

Simulain para sa iyo


Magsulat ng paliwanag o anumang kaisipan at paliwanag sa mga
babanggitin ng guro.
Ano nga ba ang nasulat o nabuo mong konsepto sa sinulat mo?
Wasto kaya ang gramatika at pagkakasunod-sunod ng ideya ng sinulat mo?
Wasto ba ang mga bantas at mga baybay na isinulat mo?
Tama ba ang istrukturang nagawa mo sa pagbuo ng sulatingi to?
Kapansin-pansin ba at magugustuhan kaya ng mambabasa ang sinulat mo?

Talakayin at unawain: Pagsulat

Mahalagang maunawaan na ang pagsulat ay may malaking papel sa ating


buhay mula sa pamumuhay, kaisipan, dokyumentasyon o mga patunay,
paliwanag, paglalahad ng mga impormasyon, at iba pa. Kaya naman
mahalagang intindihin maging ang konsepto nito at magkaroon ng
kasanayan ukol dito.
Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring
magamit na mapagsalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng
isang tao o mga tao sa layuning magpahayag ng kaniya o kanilang isipan
(Bernales, et al., 2001). Ito ay paraang pasalin na may ginagamit na
kasangkapan at simbolo upang maipaliwanag ang damdamin o saloobin ng
isang tao. Halimbawa ang mga taong gumagawa ng talaarawan o diary, gamit
ang isang panulat, papel (instrumento) at mga letra at salita (simbolo) ay
naihahayag niya ang kanyang saloobin o pangyayari sa kanyang pang-araw-
araw na pamumuhay. Mahalagang kaparaanan din ito bilang dokyumentaryo
o patunay sa ilang bagay.
Ito ay kapwa isang pisikal at mental na gawain para sa gawaing may iba’t
ibang layunin (Bernales, et al., 2001). Sinasabing pisikal na gawain sapagkat
kailangang gamitin ang mga mata at lalo na ang mga kamay. At mental, sa
Course Module
kadahilanang kailangan ng matalas na pag-iisip at kakayahang bumasa ng
mga ginamit na simbolo upang maisatitik ang mga nais ihayag ng isang
manunulat ayon sa nais matamo nito sa pagsulat.
Hindi biro ang pagsulat. Ang pagsuong sa gawaing ito na mayroong mabigat
na layunin ay nangangailangan ng puspusang mental at konsiderableng antas
ng kaalamang teknikal at pagkamalikhain (Bernales, et al., 2002). Sa pagsulat
nabanggit na kailangan ang mental na gawain, at kung may mabigat na
layunin ay nangangailangan ito ng mabigat na pag-aaral at maraming
kaalaman. Mahirap matamo ang layunin kung hindi ito bibigyan ng
matinding pananaliksik at sapat na kaalaman at panahon.

MGA URI NG PAGSULAT


 TEKNIKAL. Pagsulat nang may espisipikong grupo ng tao,
samakatuwid ito ay espesyalisado.
 JOURNALISTIK. Paghahayag ng mga nangyayari o maaaring personal
na karanasan o pampahayagan.
 REPERENSYAL. Pagsulat nang may mahaba at matinding pananaliksik
at ng mga ulat batay sa eksperimento.
 MALIKHAIN. Ginagamitan ng imahinasyon ng manunulat upang
maialahad, maisalaysay, o mailarawan ang kalagayang panlipunan o
buhay ng tao.
 AKADEMIK. Sulating ginagawa sa paaralan.

Akademikong Pagsulat
Ayon sa Merriam Webster Dictionary ang salitang akademik ay
nangangahulugang kursong pinag-aaralan sa paaralan, at ang salitang
pagsulat naman ay paraan ng paggamit ng mga salita upang ipahayag ang
ideya, impormasyon at mga opinyon. Nangangahulugan lamang na ang mga
sulating pinag-aaralan sa paaralan ay pang-akademik. Halimbawa, ang mga
mag-aaral na mataas na baitang sa elementarya ay pagpapanoorin ng isang
pelikula na nangangailangan ng pagsusulat ng buod at paglalahad ng
reaksyon o aral sa napanood. Gayundin naman ang mga nasa sekondarya ay
nagagawa nang makabuo ng isang pananaliksik na kakailanganin din ang
pagsusulat. Maaari rin namang ang mga indibidwal na nag-aaral ng mga
kasaysayan, nangangailangang makapagsulat ng mga nakalap na
impormasyon o pag-aaral ukol sa natuklasang kasaysayan. Ang mga mag-
aaral sa gradwado, na gumagawa ng tesis na nangangailangan nang
matinding pagsusulat ukol sa kung anong paksang may kinalaman sa
kursong kanilang pinag-aaralan. Samakatuwid, ang akademikong pagsulat ay
ginagawa ng isang indibidwal na iskolar sa pamamagitan ng pagsulat mula sa
akademikong institusyon.

Sa larangan ng edukasyon, malaking pagpapahalaga ang inilalaan sa


kaalaman sa pagsulat. Malaking papel ang ginagampanan ng pagsusulat
sapagkat isa ito sa patunay na may natutunan ang isang mag-aaral sa
paaralan. Kaya naman ang akademikong sulatin ay binuo bilang isa sa mga
batayan at pagsunod sa pagkatuto. Makrong kasanayan ito na nililinang para
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik)
3
Sulating Akademik

sa kahandaan sa mga esipikong bagay na kakaharapin na may kinalaman sa


pamumuhay at maiuugnay sa pagsusulat.
Ang pagbuo ng akademikong pagsulat ay nakadepende sa kritikal na pagbasa
ng isang indibidwal (Arrogante et. al., 2007). Nangangahulugan lamang na
ang nagawang akademikong sulatin ay nakasalalay sa pangangalap ng datos
o pagkilala sa mga impormasyon, obserbasyon, paglalagom, paglalapat at
interpretasyon ng isang nagsasagawa nito, kaya naman sinasanay ang mga
indibidwal na magtatangkang gumawa ng iba’t ibang anyo ng akademikong
sulatin sapagkat nangangailangan ito ng mataas na antas ng kasanayan.
Tinatawag din itong intelektuwal na pagsulat sapagkat nangangailangan ito
ng kritikal na pag-iisip, pagsusuri, paggawa ng sintesis at pagtataya. Kritikal
na pag-iisip, para sa mga katanungan o mga problemang kakaharapin sa
sinasaliksik na dapat isulat. Pagsusuri, dahil hindi biro ang kung ano lamang
ang nakita ay ang siyang dapat isulat, kailangan ng obserbasyon sa mga
datos. Paggawa ng sintesis, upang maging simple at hindi paliguy-ligoy ang
mga maisusulat. Pagtataya, upang mabigyang katotohanan ang mga nakalap
na impormasyon.
Ang ganitong uri ng pagsulat ay pagkilala rin sa mga kinilalang ideya at
pagpapatotoo pa upang magkaroon nang mas matibay na batayan sa pagbuo
ng isang makabuluhan at kapaki-pakinabang na sulatin. Hindi madali ang
pagsasaliksik at bumuo ng natatanging mga ideya at impormasyon, kaya
naman binibigyang pansin ang mga sulating inaaral ng mga indibidwal na
may malaking pangangailangan, interes at pagpapahalaga rito.
Maari ring sabihing paggagad ito ng mga opinyon, lalo na ng mga
katotohanan na gagawan ng isang dokyumentasyon bilang patunay at
pagpapaalam sa mga mambabasa na mayroong ganitong paksa na umiinog sa
ating lipunan na pinag-aralang maigi ng mga tao batay sa paraang iskolarli
Ang paggawa rin ng akademikong sulatin ay nangangailangan ng dedikasyon
upang makamit ang layuning makapaghatid ng natatangi at makabuluhang
konsepto ng paksa. Hindi makakabuo ang isang manunulat ng isang
epektibong sulatin kung wala siyang interes at pagbibigay ng panahon dito.
Dapat pag-isipan at mapili nang maayos at mabuti ang pagbuo ng sulatin
sapagkat anumang kaalaman na hatid nito ay maipapasa-pasa pa sa mga
susunod na manunulat na magtatangkang gumawa pa ng ganitong uri ng
sulatin.

Mga halimbawa ng akademikong sulatin


Upang magkaroon nang mas malinaw na konsepto at kaalaman ukol sa
ganitong sulatin ay narito ang ilang halimbawa ng akademikong sulatin na

Course Module
may iba’t ibang uri o anyo. Ginagamitan din ng kanya-kanyang pormat sa
pagbuo ng mga sumusunod:
 Pamanahong papel. Sa Ingles ay tinatawag na term paper na
karaniwang ginagawa sa kolehiyo. May ilang nasa sekondaryang antas
ang maaaring nakaranas na ring makagawa ng ganitong sulatin.
Ginagawa ito para sa pangangailangang pang-akademiko.

 Konseptong papel. Panimulang pag-aaral o proposal, ito ay kabuuan


ng ideyang nabuo mula sa isang balangkas o framework.

 Tesis. Ito ay sulating may kinalaman sa pananaliksik at pagtuklas ng


isang manunulat. Ginagawa ito ng isang indibidwal bilang
pangangailangan sa kursong pinag-aaralan o propesiyonal na
kwalipikasyon. Ang salitang “Tesis” ay ginagamit na bahagi ng
kursong Batsilyer at Masterado.

 Disertasyon. Isang pormal na sulatin ukol sa isang paksa na ginagawa


para sa titulong doktor.

 Panunuring pampanitikan. Pagsusuri ng isang panitikan sa mas


malalim na ideyang nais ihatid ng manunulat.

 Pagsasaling-wika. Mga pahayag, ideya, o ilang uri ng panitikang na sa


isang wika ay ihahayag sa ibang anyo ng wika.

 Aklat. Kalipunan ng mga kaalaman para sa kapaki-pakinabang


paghahatid ng karunungan

 Artikulo (maaaring pahayagan, magasin, at iba pa). ito ay sulating


naghahatid ng iba’t ibang impormasyon na may kinalaman sa iba’t
ibang paksa gaya ng mga nangyayari sa ating lipunan, kalusugan,
isports, negosyo, at iba pa.

 Bibliyogarapiya. Ang kasaysayan, pagkilala o paglalarawan ng mga


nasulat o sulatin o pablikasyon.
Kasama rin ang posisyong papel, sintesis, bionote, panukalang proyekto,
talumpati, katitikan ng pulong, replektibong sanaysay, agenda, pictorial
essay, lakbay-sanaysay at abstrak.

SURIIN:
I. Ano-ano ang mga kapakinabangang dulot ng pagsulat?
II. Bakit kailangang iuri ang mga sulatin?
________________________________________________________________________________
____________________________________________
III. Bakit ang isa sa dapat na pag-aralan ng mga mag-aaral na katulad mo
ay ang akademikong sulatin?
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik)
5
Sulating Akademik

________________________________________________________________________________
____________________________________________
IV. Ano ang nakikita mong epekto kapag hindi napag-aralan ng mga mag-
aaral ang akademikong pagsulat?
________________________________________________________________________________
____________________________________________
V. Bakit kailangan ang akademikong sulatin sa iyo bilang mag-aaral?
________________________________________________________________________________
____________________________________________
VI. Paano makakatulong ang akademikong pagsusulat sa iyo?
________________________________________________________________________________
____________________________________________

References:
Rosario U. Mag-atas et. al., 2011, Komunikasyon sa Akademikong Filipino
(Filipino 1) (Binagong Edisyon), Booklore Publishing Corporation,
Manila
Florante C. Garcia, PhD., 2016, Filipino sa Piling Larangan (Akademik), SIBS
Publishing House, Inc. Quezon City
The University of Manila, Modular activities in Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat
sa Iba’t Ibang Panahon
Rolando A. Bernales, 2008, Kritikal na Pagbasa at Lohikal na Pagsulat Tungo
sa Pananaliksik (Batayan at sanayang-aklat sa Filipino 2, Antas
Tersyarya, Alinsunod sa Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon),
Mutya Publishing House Inc, Valenzuela City
Lakandupil C. Garcia et. al., 2012, Pananaliksik sa Wikang Filipino
(Intelektuwalisasyon, Disiplina at Konsepto), JIMCYVILLE
PUBLICATIONS, Malabon City
Lakandupil C. Garcia et. al., 2008, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananalik
(Binagong Edisyon), JIMCYVILLE PUBLICATIONS, Malabon City
Mary Joy A. Castillo, et. al., 2012, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik,
JIMCYVILLE PUBLICATIONS, Malabon City
The American Heritage Dictionary Third Edition, 1994, Dell Publishing
Group, Inc.

Course Module

You might also like