You are on page 1of 3

ANG SIKRETONG REKADO

Kwento ni: Grace D. Chong

“ Talaga, ‘Tay, ako na po ang magluluto para sa atin?” tanong ni Teo.


“ T-talaga, anak, “ mahinang sagot ni Tatay Ador. Halos hindi siya makapagsalita dahil sa kirot ng kanyang paa.
“K-kasi hindi naman ako pwedeng magluto at m-mahiga nang sabay,” pilit niyang pagpapatawa kay Teo.
Natigilan si Teo – hindi niya alam kung matutuwa siya o malulungkot. Dapat siyang matuwa dahil, sa wakas,
pinapayagan na siya ng tatay niya na magluto – nang mag-isa niya! Pero nalulungkot siya dahil ngayon lamang
niya nakitang nanghihina ang tatay niya. Nakagisnan na kasi niyang siya’y lagging inaalagaan nito.
Baliktad ngayon. At parang turumpo si Teo sa pag-aalaga sa kanyang tatay. Inayos niya ang mga gamot nito sa
maliit na mesa sa tabi ng kama. Kumuha siya ng pitsel ng tubig sa kusina. Pinapaypayan niya ang tatay niya
para hindi mainitan.
Nang umaga ng araw na iyon, si Tatay Ador ay tulad lang ng dati – malakas at malusog. Matapos paliguan ang
kanyang dyip at magpaalam kay Teo pinaandar na niya ang dyip papaunta sa bukid. Ngunit habang inaatras
niya ito palabas sa kalye, mabilis na dumaan ang isang malaking trak. Nabangga ng humaharurot na trak ang
dyip ni Tatay Ador.

KRRASSS! Pero hindi man lamang tumigil ang kaskaserong drayber – tuloy – tuloy pa rin ito sa pagpapatakbo
ng trak niya.
Sinabi kay Teo ng mga kapitbahay na sumasaklolo. “Huwag kang mag-alala. Kaming bahala sa tatay
mo! At agad nilang dinala ito sa health center.
Ang lahat ay nakahinga nang maluwag nang sabihin ni Dr. Soriano, ligtas na sa panganib si Mang Ador. Pero
Malaki ang sugat sa kanyang kaliwang paa at nabugbog ang iba pang bahagi ng katawan niya. “Mahigpit na
bilin ng doktor. “Kailangan niyang magpahinga sa kama ng ilang araw.”
Ang lahat ay nakahinga nang maluwag nang sabihin ni Dr. Soriano, ligtas na sa panganib si Mang Ador. Pero
Malaki ang sugat sa kanyang kaliwang paa at nabugbog ang iba pang bahagi ng katawan niya. “Mahigpit na
bilin ng doktor. “Kailangan niyang magpahinga sa kama ng ilang araw.”

Pagdating sa kanilang bahay, inihiga ni Taty Ador ang masakit niyang katawan. Pero alang-alang kay Teo pilit
niyang ipinapakitang malakas pa rin siya. Mas nasasaktan kasi siyang nakikitang nag-aalala si Teo para sa
kanya. “T-Teo, n-narinig mo ba ako?” tanong niya rito. “ I-ikaw na ngayon si Chef Mateo!”
“Chef?! Ako?!” tanong ni Teo na natuwa sa narinig. Inilapag niya ang pamaypay at kumuha ng puting papel,
gunting at pandikit.
“A – anong ginagawa mo?” tanong ni Tatay Ador.
“Isang malaking sombrero! Dapat ang chef, may sombrero!” Gusto ni Teo na magmukhang isang tunay
na chef. Ngayon, makikita na niya ang laman ng maliit na banga sa ibabaw ng pinakamataas na estante sa
kusina.
Naglalaman iyon ng sikretong rekado. Tuwing magluluto ang tatay niya, dumudukot siya rito at ibinubudbod sa
niluluto niya.
“Tay, ano po ang laman ng bangang iyan? Pwedeng makita?” hiling niya sa tatay niya noong maliit pa
siya.
“Pagdating ng araw,” sagot ni Tatay Ador, sabay kindat kay Teo. “Sa nanay mo iyan. Ipinasaniya sa
akin noong bigla siyang nagkasakit.”
Mag-iisang taon pa lamang noon si Teo.
“Noong mamatay ang nanay mo, hindi ko inakalang makakahiligan ko ang pagluluto tulad niya, “ laging
sinasabi ni Tatay Ador. Mukhang pati si Teo ay nakakahiligan na rin ang pagluluto pero sabi ni tatay niya. “
Manood ka lang muna, anak, at maghugas ng plato. Saka ka na magluto, kapg Malaki-laki ka na.”
Pero ngayon pa lamang, dahil sa aksidente, pinayagan magluto si Teo. At, magagamit na niya ang
sikretong rekado!
Napakahalaga talaga ng sikretong rekado! Matagal nang kumbisido si Teo tungkol dito. Laging masarap ang
luto ng tatay niya, lalo na ang paborito ni Teo na pinakbet at igado.
“T-Teo, hiwain…” umpisang turo ni Tatay Ador pero mabigat na ang talukap ng kanyang mga mata
dahil sa mga gamot na ininom. Nakatulog na siya bago matapos ang sinasabi.
“Tay , huwag kayong mag-alala. Ako nang bahala. Marunong na akong magluto!Makikita nyo,” bulong ni Teo.
Dahan-dahan siyang lumabas at pumunta sa kusina! Pinakbet? Kayang-kaya niyang lutuin ito!Madalas niyang
napapanood ang tatay niya kapag nagluluto siya nito. At napanood pa niya sa kanyang paboritong programa sa
TV na Cooking Hour.
Isinuot ni Teo ang sombrero ng chef at ang apron ng tatay niya.
“Puwede na! Mukha na akong chef,” bulalas niya nang Makita ang sarili sa salamin. Sumisipol siyang
tumuntong sa isang batibot para abutin ang kaserola.
“Mateooo!” Parang boses iyon ni Apong Cion, ang may-ari ng atisan mga ilang kanto lang mula sa
bahay nila. “Mateooo!” Si Apong Cion nga! May dala-dala itong pombrera at isang malaking atis.
Nang makita si Teo, napasigaw ito, “Anong ginagawa ng malaking puting sombrerong ‘yan sa ulo mo? At bakit
nakasuot ka ng malaking apron?”
“Chef po ako, Apong Cion, chef ako!” sagot ni Teo na lulundag-lundag.
“Shif?! Anong shif?! Tanong ng matanda na kumukunot ang noo kaya’t nagmukhang ampalaya ang
kulubot nitong mukha. Ngayon lamang niya narinig ang salitang ito, at hindi pa siya nakakakita ng sombrero
ng chef.
“Isang magaling na kusinero po ang chef, Apong Cion!May sakit si Tatay kaya ako po ang tagaluto
ngayon.”
“Kalokohan!” sagot ni Apong Cion sa kanyang magaspang na tinig na kinatatakutan ng lahat ng bata maliban
kay Teo. “Bakit? Akala mo ba, ikaw lang ang marunong magluto? Heto , ipinagluto ko kayo ng tatay mo. At
alisin mo ‘yang suot mong sombrero-’kay pangit!” kakak ng matandang paengkang-engkang na umuwi.
“Salamat po, Apong … ani Teo na medyo naguguluhan.
Hindi malaman ni Teo kung matutuwa siya o malulungkot. Natutuwa siya na kahit kilala si Apong Cion
sa pagiging masungit at kuripot, naalala pa sila nito ng tatay niya. Pero nalulungkot din siya dahil maaantala na
naman ang kanyang pagiging chef nang isang araw.
Kinabukasan, pagkatapos na makakain ng putaheng dala ni Apong Cion, mabuti-buti na ang pakiramdam ni
Tatay Ador, pero hindi pa rin siya makalakad.
“Ngayon, magiging chef ka na para sa susunod nating kakainin!” sabi niya kay Teo. Agad naming
nagsuot ito ng kanyang sombrero ng chef at abot-tainga ang ngiti.
“Teooo!’ Si Mang Popoy, ang kaibigan niyang nakatira sa dulo ng bayan ang dumating. Ibinigay kay Teo ang
isang mangkok ng arroz caldo.
Ay naku! Sabi ni Teo sa sarili, iniisip kung kalian kaya niya malalaman kung ano ang sikretong rekado.
Kinabukasan at sa sumunod na araw, may mga dumating pang pagkain. Nagdala sina Titser Ligaya at Titser
Milagring ng pansit na may halong carrots na korteng bulaklak. Nagpadala naman si Mayor Belisario sa drayber
niya ng inihaw na hito. Nasorpresa si Teo dahil pati si Apo Meyor ay nagpadala ng maputi at malapot na sopas
na nakalagay sa putting kaserola.
Kailan pa kaya ako magiging Chef Mateo? Tanong ni Teo sa sarili habang ipinapasok ang mga pagkain
sa kuwarto ni Tatay Ador.
“Aba, dapat kang matuwa, anak, “sabi ng tatay niya, na paika-ikang lumalakad sa palibot ng kanyang kama.
“Ang dami nating natatanggap na mga pagpapala. Napakabait ng mga tao-dumalaw sila sa akin at nagbigay ng
napakaraming pagkain!”
“Natutuwa naman po ako, “Tay,” sagot ni Teo. Ngunit nalulungkot din siya. “Pero… magaling na po
kayo ngayon kaya hindi na ako magiging chef.”
“Ah , kaya pala tahimik ka,” sabi ni Tatay Ador. “Pangako, bukas, ikaw ang magluluto ng ating pananghalian.
Papanoorin lamang kita, “ pampalubag-loob ni Tatay Ador.
“Talaga po, Tay?” Kumikislap na ang mga mata ni Teo.
“Oo, Teo, talaga.”
“Bilang chef, pwede ko po bang gamitin ang rekado sa maliit na banga?”
Nangingiti si Tatay Ador na sumagot, “Aba, oo, Teo. Sa palagay ko’y panahon na!”
Habang inuubos nila ang mga natira sa mga bigay na pagkain para sa kanilang almusal, tanong ni Teo, “Pwede
na po ba akong magsimulang magluto pagkatapos kong maghugas ng plato?”
“Aba, “natatawa si Tatay Ador, “hindi ka na makapaghintay, ano?”
Pagkaraan ng ilang oras, suot-suot na ni Teo ang sombrero ng chef at apron ng tatay niya. Nakaupo
naman sa malapit si Tatay ador para turuan siya. “Siguraduhin mong kumpleto ang mga rekado, anak.”
“… kamatis, talong, ampalaya, bagoong. At, ang pinakamahalagang rekado sa lahat…” bulalas ni Teo, at inabot
ang maliit na banga.
“Ang pinakamahalaga sa lahat …” bulong ni Tatay Ador.
Kumakabog ang puso ni Teo habang dahan-dahan niyang inaangat ang takip ng banga. “Ha?!” Napatalon siya
sa gulat.
Tiningnan niyang mabuti ang loob ng banga. Walang laman! “Isang kapirasong papel lamang ang
nandito!”
“… kamatis, talong, ampalaya, bagoong. At, ang pinakamahalagang rekado sa lahat…” bulalas ni Teo, at inabot
ang maliit na banga.
“Ang pinakamahalaga sa lahat …” bulong ni Tatay Ador.
Kumakabog ang puso ni Teo habang dahan-dahan niyang inaangat ang takip ng banga. “Ha?!”
Napatalon siya sa gulat.
Tiningnan niyang mabuti ang loob ng banga. Walang laman! “Isang kapirasong papel lamang ang
nandito!”
“Hindi ‘yan isang pirasong papel lamang, Mateo, “ diin ng Tatay niya.
Dinukot ni Teo ang papel sa banga-may nakasulat pala roon!Binasa niya ito nang marahan, “Kung
kayo’y kumakain o umiinom, o anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo sa ikaluluwalhati ng Diyos. –
Corinto 10:31, Bible verse?!”
Naglundagan ang mga kilay ni Teo hanggang sa kanyang buhok.
“Oo, talata nga mula sa Biblia,” sagot ng tatay niya. “Isinulat ng nanay mo at inilagay niya riyan sa banga. Nais
niyang laging maalala kung bakit dapat gawin nang tama ang kahit anong bagay.”
“Kahit na po ang pagluluto?” tanong ni Teo na nalilito.
“Lalo na ang pagluluto, “ diin ni Tatay Ador. “Kasi mas maraming beses siyang nagluluto kaysa ano pa
mang gawain sa bahay. Minsan isang araw lamang siya naglalaba, naglalampaso ng sahig, at nagwawalis ng
bakuran.
Pero tatlong beses siyang nagluluto sa isang araw. Kaya’t umaga, tanghali at gabi, gusto ng nanay mong
makatiyak na ginagawa niya nang tama ang lahat-para sa ikaluluwalhati ng Diyos.
“Hmmm, “ tumango si Teo na nakikinig nang mabuti.
Pero tatlong beses siyang nagluluto sa isang araw. Kaya’t umaga, tanghali at gabi, gusto ng nanay mong
makatiyak na ginagawa niya nang tama ang lahat-para sa ikaluluwalhati ng Diyos.
“Hmmm, “ tumango si Teo na nakikinig nang mabuti.
“Tuwing nagluluto ako, “ patuloy ng tatay niya, “pinapaalala sa akin kung anong ibig sabihin ng talatang yan –
umaga, tanghali, gabi.”
“Oo nga po…” Nilalarawan ni Teo sa kanyang isip ang kanyang nanay na nagsusulat sa kapirasong
papel, at tinitiklop ito at nilalagay sa isang maliit na banga.
“Akala ko po sikretong rekado…”
“Ay anak, hindi!” sabad ni Tatay Ador.
“Pero bakit hindi po ninyo sinabi sa ‘kin?” Naguguluhan pa rin si Teo.
Kasi, iniisip ko noon, napakabata mo pa para maintindihan ito. Pero nang maaksidente ako nitong
nakaraang lingo, nakita ko kung paano mo ako inalagaan. Noon ko napag-isip-isip na….”
“Kung hindi ito sikreto, e di pwede ko palang ibahagi sa iba!” natutuwang sabi ni Teo. Nasa isip niya sina
Apong Cion, Titser Ligaya, Titser Milagring, Manong Popoy, Meyor Belisario, at baka pati na rin si Apo Meyor
– mga matandang makakaunawa.
“Chef Mateo, naghihintay na ang pinakbet mo, “paalala ng tatay niya.
Habang kumukulo ang kaserola, dumukot si Teo ng wala mula sa maliit na banga at ibinudbod ito sa
kanyang pinakaunang putahe.

You might also like