You are on page 1of 1

Teknikal-Cebuano: Pagsasaling-Wika ng Katawagang Panghanapbuhay sa Teknikal-

Bokasyonalna mga Kurso ng TESDA

Jose Monipe P. Calisagan


Saint Michael’s College
Lungsod Iligan

ABSTRAK
Ang pagsasaling teknikal ay isang instrumentong pang-akademiko ng makabagong
panahon tungo sa pag-unlad ng kultura at edukasyon. Nilayon ng pag-aaral na ito na maipakita
ang prosesong magpapagaan sa pagsasaling teknikal ng mga bokabularyong mahalaga sa mga
piling istrands ng Tekbok. Sinagot sa pag-aaral na ito kung ano ang katanggap-tanggap na
pagsasaling-wika mula sa wikang Ingles patungong wikang Filipino at sa huling salin sa
kultural na Cebuano. Ilang nalathalang piling teksbuk sa istrand Tekbok na nakasulat sa orihinal
na Ingles ang pinagkunan ng mga datos na isinalang sa pagsasaling wika. Lumabas sa resulta ng
pag-aaral na ang tahasang angkat (adaptasyon) ang higit na pinahahalagahan ng mga estudyante
sa publiko at pribadong paaralan. Iyon ay ang paggamit ng tunog na Ingles baybay sa Filipino,
(hal. Bleyd,teyp,heder,kyutiks).Nanguna rin ang tahasang hiram, salin na buong baybay at bigkas
ang inilapat gaya ng (zigzag, ruler, hallow block). May bahid kastila at Filipino ang kultural
Cebuano gaya ng martilyo, tornilyo, seda, at kabilya. Mga likas na Cebuano ang mga terminong
gabas, atop, bulitan na pinahalagahan sa pagsasaling kultural sa masonri at karpentri. Bilang
kongklusyon mahalagang tagapag-ugnay ang Filipino upang malapatan ng tumpak na panumbas
sa inang wikang Cebuano ang mga katawagang tekbok na nasusulat sa Ingles. Ito ang lumalabas
sa balidasyon na gumamit ng tatlumpung (30) estudyante mula sa publiko at pribadong paaralan.
Sa proseso ng pagsasaling teknikal, hindi lamang ang denotibong katumbas sa target na
wika ang mahalaga. Kailangang matunton ng tagapagsalin ang nakamihasnan nang katawagan sa
Filipino at kung marami pati kastila upang mabigyan ng malinaw na paliwanag ang mag-aaral sa
lalim ng katumbas na saling Cebuano (kultural). Kapag napahalagahan ang mga aspektong
emosyonal, pambansa at identidad kultural, mas titiming ang karunungang teknikal tungo sa
kahusayang TEKBOK.

Susing Salita: Kultural-Cebuano,Bokasyonal,TESDA,Teknikal

You might also like