You are on page 1of 1

NO to Commodification of Women!

Eto mga Comrades Led Villafuerte Nante Ciar Rafal MJ Eman Nolasco Keith Ibo. Dekki
Morales Ruel F. Pepa Tignan ninyo at silayan kung paano tratuhin bilang produkto
ang ating mga kababaihan. Pagtuunan ng pansin ang number 6, 8, at 9. Kung may
panahon kayong magsuri, pasadahan nyo na rin lahat ang tatlumpu't dalawang
kababaihang pinagsamantalahan at mararamdaman ninyo talaga ang dagok ng
komodipikasyon at eksploitasyon sa ating mga kababaihan.
Sobra na ang sistema, Ibagsak ang pyudal na pagsasamantala sa mga kababaihan! ung
number 6, whew, kawawa...

Tiningnan ko nga. Grabe talaga ang Kapital, tinatanggalan ng dignidad ang mga tao.
Tingnan ko nga ulit para mas maunawaan ko.

isang tatak ng mapanuri at kritikal na pag-iisip ang ipinapakita mo kasamang Led


sa pagpapalalim (sa pamamaraan ng paulit-ulit na pagtingin) ng pang-unawa sa
nakakagambalang artikulong ito. Mabuhay ka!

grabe nga kasamang louie. minsan kailangan nating personal na masaksihan ito nang
mas tumagos/maintindihan natin ang nangyayari.

Mali pala, COMMODIFICATION pala ang term, hindi commercialization. Buti litrato
palang ay alam nyo na ang ibig kong sabihin dahil sa talas ng inyong mapanuring mga
mata at damdamin.

Nadudurog ang puso ko. frown emoticon

Dito higit na nailalapat ang mga teoryang MLM. I-tag na ba natin ang Gabriela nang
maaksyunan?

Kasamang MJ, tayo na mismo ang umaksyon.

Sa sobrang panlulumo at pagkadurog ng aking puso dahil sa marahas na kalagayang


kinasasapitan ng ating mga kababaihan, hindi ko na nakuha pang basahin ang mga
teksto sa naturang mga pahina. Hinihila ako ng mga larawan sa marawal na realidad
ng lipunang sakmal ng pyudalismo at kapitalismo. Higit, kailangan na natin umaksyon
ngayon.

Nakagigimbal ang ganitong mga artikulo. Nakagigimbal.

Aksyon!Damhin natin sa aktwal ang realidad na nais ipakita ng mga larawan,


Kasamang Led at MJ. Kumilos, Umaksyon!

kailangan dito ng matigas at naghuhumindig na paninindigan ng mga kalalakihan sa


isyung ito.

we seek absolution through alcoholism, but to approach the void from such a
perspective invites only insanity, and to know to know nothing is to be nothing.
All we achieve is another version of futility

You might also like