You are on page 1of 6

GRADE 4 Paaralan: Doña Ata Baitang/Antas: Ikaapat

Guro: Edreah G. No-Posadas Markahan: Ikaapat


Petsa/Oras: 9:00-10:00 Linggo: Una
Asignatura: Filipino Araw: Martes
MASUSING BANGHAY-ARALIN
I. LAYUNIN
A. Pamantayang
Pangnilalaman
B. Pamantayan sa Pagganap
C. Mga Kasanayan sa
Pagkatuto
II. NILALAMAN
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng
guro
2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pang-mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan
B. Iba pang Kagamitang PPT Slides,larawan, strip ng cartolina, KAHONE, envelope ng
Panturo gawain,projector,speaker,CURE,maliit na kampana

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa
nakaraang aralin at/o KAHONE
pagsisimula ng bagong
aralin Ibigay ang kahulugan ng mga salitang pamilyar at di-pamilyar.
1. Alkalde -

Siya ang ating Alkalde sa kasalukuyan. Nanunungkulan siya sa atin.


Ano ang ibig sabihin ng Alkalde?

2. Rebolusyon -

Sino sa inyo ang may kamag-anak na sundalo? Alam ba ninyo na ang


mga sundalo ay madalas na masabak sa rebolusyon laban sa mga rebeldeng
nais pabagsakin ang ating gobyerno? Ano ang ibig sabihin ng rebolusyon?
A.labanan B. digmaan C.ensayo D.riot

3. awtoridad-

Sino ang nagpapanatili ng kaayusan at katahimikan ng ating lungsod?


Ang mga kapulisan ay may awtoridad na hulihin ang mga masasamang-
loob. Ano ang ibig sabihin ng awtoridad?
a. tapang b. kapangyarihan c. balak d. plano

B. Paghahabi ng layunin
sa aralin GEM at KAHONE
(Ipakita ang kahon ng Bulwagang Pambayan o Panlungsod.)
Alam ba ninyo kung anong lugar ito?

Dito ang lugar kung saan pumapasok at nagtatrabaho ang ating Alkalde.
Gamit ang larong picture reveal, hulaan ninyo ang nakatagong larawan ng
naging Alkalde ng Valenzuela at pagkatapos ay ayusin ang mga ito ayon sa
tamang pagkakasunod-gamit ang timeline .

CURE
Makinig sa ni-rekord na talambuhay ni Dr. Pio Valenzuela.
(Ipaisa-isa muna ang pamantayan sa pakikinig ng teksto.)

Talambuhay ni Dr. Pio Valenzuela


(Hango sa https://bayaningfilipino.blogspot.com)
Sagutin:
1.Tungkol saan ang teksto?
2.Sino si Dr. Pio Valenzuela?
3.Kailan siya ipinanganak? Saan siya ipinanganak?
4.Ano ang naging papel ni Dr, Pio Valenzuela sa Katipunan? matapos
makalaya?
5. Nais mo rin bang maging katulad ni Dr. Pio Valenzuela? Bakit o bakit
hindi?
(Isusulat ng guro ang ilan sa mga sagot ng bata sa pisara).
6. Tunghayan ang ilan sa mga sagot ninyo kanina.
at ayusin ang mga ito ayon sa tamang pagkakasunod-sunod.
Komisyon sa Katipunan.
Ipinanganak siya sa Polo, Bulacan.
Ipinanganak noong Hulyo 11, 1869.
Talambuhay ni Dr. Pio Valenzuela
Isang manggagamot
Katulad ng tren, ayusin ang mga ito ayon sa tamang pagkakasunod-
sunod.

D. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng GEM
bagong kasanayan # 1
Maglaro Tayo!
Batay sa talambuhay ni Dr. Pio Valenzuela,ayusin ang mga sumusunod na
detalye.Piliin ang titik ng tamang sagot.
Gagawin ito sa pamamagitan ng paglalaro ng Family Feud na may
kasamang host at twist.
Maaari din tayong gumamit ng mga hudyat na salita upang
mapagsunud-sunod ang mga detalye o pangyayari. Ang mga halimbawa ng
hudyat na salita ay una, saka, pagkatapos, at saka, panghuli o sa katapusan.
Tunghayan ang mga pangyayari gamit ang mga hudyat na salita.

KAHONE

Una, isinilang sa Polo, Bulacan si Dr. Pio Valenzuela


Saka, nag-aral siya sa Unibersidad ng Sto. Tomas (UST).
Pagkatapos, sumanib siya sa Katipunan.
At saka, nabilanggo at dineport sa Espanya.
At sa huli, nanungkulan bilang alkalde ng Lungsod Valenzuela.
E. Pagtalakay ng bagong (Pangkatang Gawain)
konsepto at paglalahad ng Pakinggan ang teksto at gawin ang sumusunod na gawain:
bagong kasanayan # 2
Pritong Itlog(Regular)

1.Basagin ang itlog at ilagay ang laman sa isang mangkok.


2.Maglagay ng asin, mga isang kurot na asin kada isang itlog lang ayos na.
3.Kumuha ng tinidor at batiin ang itlog hanggan maghalo ang puti at dilaw
nito.
4.Maglagay ng konting mantika sa kawali habang pinapainit ito sa lutuan.
5.Ibuhos ang binating itlog sa kawali at hayaang maluto ito.
6.Ilagay sa plato ang napritong itlog.

Pangkatang Gawain:

1- AYUSIN MO PREN!
Ayusin ang detalye ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ng
pangyayari o detalye gamit ang strips ng cartolina. Gamitin ang mga
hudyat na salita.

Ibuhos ang binating itlog.


Maglagay ng isang kurot na asin.

Hayaang maluto ang itlog.

Kumuha ng tinidor at batiin ang itlog.

Basagin ang itlog at ilagay sa mangkok.


2-SUNDAN MO KAPATID!
Pagsunud-sunurin ang mga larawan ayon sa tamang pangyayari.
Lagyan ng bilang 1-5 at isalaysay ito sa klase gamit ang hudyat na salita.

3-ISULAT MO BE!
Isulat ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa
pagprito ng itlog at lagyan ng bilang 1-5. Isalaysay ito sa klase.

4-HANDA NA DIREK, ILAW, KAMERA, AKSYON!

Magpalabas ng isang kiddie cooking show na kung saan ipapakita


ang pagpiprito ng itlog.

Rubrics sa Pangkatang Gawain

1.Wasto lahat ang pagkasusunod-sunod ng mga pangyayari


3 2 1
2.Naipakita ang pagiging malikhain at maayos sa isinagawang
pamamaraan ng pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari
3 2 1
3.Naipakita ang interes, pagiging maayos at kawilihan habang at
pagkatapos ng gawain
3 2 1

F. Paglinang sa Pakinggan ang talambuhay ni dating Alkalde Bobbit Carlos at pagkatapos


kabihasaan ayusin ito ayon sa tamang pagkakasunud-sunod.Lagyan ng na
may bilang 1-5 ang loob ng kahon.

Nagtapos ng elementarya sa Paaralang Elementarya ng Polo noong


1970 ang dating Alkalde Emmanuel “Bobbit Carlos at sa St. Jude
Academy naman sa hayskul noong 1974. Nagtapos siya ng kursong
Bachelor of Science noong 1978 at Doctor of Medicine noong 1982 sa
Unibersidad ng Sto. Tomas(UST).

Nagsilbi bilang Punong Lungsod o Alkalde sa Lungsod Valenzuela


mula taong 1995-2004.

Nanungkulan bilang Alkalde noong 1995-2004.

Nagtapos ng kursong Doctor of Medicine.

Nagtapos sa St. Jude Academy noong hayskul.

Nagtapos sa Paaralang Elementary ng Polo noong siya ay


elementarya pa lamang.

Nagtapos ng kursong Bachelor of Science.


G. Paglalapat ng aralin sa Nais mo rin bang maging matagumpay balang-araw katulad ni Dr.Pio
pang-araw-araw na buhay Valenzuela?
Bilang mag-aaral paano mo aabutin ang iyong pangarap?
Gamitin ang mga baitang ng hagdan at pagsunud-sunurin ang bawat
baitang ng pangarap.

H. Paglalahat ng aralin Sa pagsusunud-sunod ng mga pangyayari,ano ang karaniwang hudyat na


salitang ginagamit?

I. Pagtataya ng aralin Pakinggan ang teksto na naka-rekord at ayusin ang mga pangyayari ayon
sa wastong pagkakasunod-sunod. Isulat ang 1-5 sa bawat bilang.

Ang life cycle ng isang ladybug ay hindi masyadong nalalayo sa life


cycle ng isang paruparo. Ang isang ladybug ay dumadaan din sa apat na
yugto kagaya sa buhay ng isang paruparo. Nag-uumpisa ang buhay ng
ladybug mula sa pagiging itlog. Pagkatapos nito, ito ay mapipisa na
kamukha ng isang maliit na buwaya at dadaan sa stage na kung tawagin ay
larvae. Walang gagawin ang larvae kundi kumain.Makalipas ang ilang
araw,lalaki na ito at magpapalit ng anyo hanggang sa maging pupa na
kamukha ng isang hipon. Hahanap na ito ng dahon at magpapalit
anyo.Mahahati ang lahat ng larvae at lalabas ang adult ladybug.

Lagyan ng bilang 1-5 upang mapagsunod-sunod ang mga pangyayari sa


life cycle ng ladybug.
_____A.Nag-uumpisa ang buhay ng ladybug sa pagiging itlog.
_____B.Mahahati ang larvae at lalabas ang adult ladybug.
_____C.Ang life cycle ng ladybug ay dumadaan sa apat na yugto.
_____D.Makalipas ang ilang araw,magpapalit ng anyo hanggang sa
maging pupa.
_____E.Mapipisa ang itlog ang dadaan sa stage na kung tawagin ay larvae.
J. Karagdagang gawain Pakinggan at ilista ang mga hakbangin sa paghahanda kung may lindol.
para sa takdang-aralin at
remediation
V. MGA TALA
VI. Pagninilay:
A.Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
B.Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa
remediation
C.Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa
aralin
D.Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation
E.Alin sa mga estratehiya ng pagtuturo ang nakatulong nang lubos?
Paano ito nakatulong?
F.Anong suliranin ang aking naranasan na nasolusyunan sa tulong ng
aking punongguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking naidibuho na nais kong ibahagi
sa mga kapwa ko guro?

Talambuhay ni Dr. Pio Valenzuela

Si Dr. Pio Valenzuela ay Pilipinong manggagamot at isang importanteng tao sa panahon ng Rebolusyong
Pilipino laban sa mga kolonyalistang Espanyol. Ipinanganak noong ika-11 ng Hulyo, 1869 sa Polo, Bulacan.
Mag-aaral ng medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas (UST) nang sumali sa Katipunan. Kinomisyon ni
Bonifacio upang makipag-usap kay Dr. Jose Rizal tungkol sa plano ng Katipunan na bumangon laban sa mga
awtoridad ng Espanyol.

Hindi nagtagal, nabilanggo si Dr. Valenzuela. Dineport siya sa Espanya, inilipat sa Barcelona at pagkatapos
ay sa Africa.

Pagkalipas ng ilang taon, naglingkod siya bilang unang alkalde ng munisipalidad ng Polo (ngayon ay
Valenzuela City).

Inihanda ni:

________________________
EDREAH N. POSADAS
Guro sa Filipino

Binigyang Pansin:

__________________ _________________________
ROSALIE S. TANGI ROSALINDA G. QUILATES
Dalubguro I Punongguro I

_____________________________________ ___________________________________
ANGELYN L. ROMERO RIZZA D. ESCOBIDO
Pandistritong Tagapag-ugnay sa Filipino Punonggurong Kasangguni sa Filipino

____________________________________
FLORITA R. MATIC, Ph.D.
Tagamasid Pampurok

EVALUATORS:

_______________________________
CHERRY LOU D. TOLENTINO
Headteacher-Polo NHS

______________________________
REDEMPTA D. GALLARDO
Headteacher-Maysan NHS

____________________________________
ROSARIE R. CARLOS
Tagamasid Pansangay sa Filipino

You might also like