You are on page 1of 2

Espinosa, Roselyn Cagan

Filipino 205
MWF

Etikal na Pananagutan ng guro sa pagbibigay ng Pagsusulit

Unang-una ano nga ba ang Pagsusulit? Ang Pagsusulit ay isang panukat na ginagamit ng mga guro

upang sukatin ang paglalapat ng mga pagkatuto pagkatapos ng isang pagtuturuan.

Nagbibigay ang guro ng pagsusulit upang makakuha ng mga impormasyong magagamit niya sa

ebalwasyon ng mga mag-aaral pagkatapos ng isang yugto ng pagtuturo. Ang mga impormasyong

makukuha ay magbibigay ng ilang kabatiran hinggil sa kagalingan ng isang pagtuturo-pagkatuto sa

loob ng silid-aralin.

Malapit ang ugnayan ng Pagsusulit at Pagtuturo. Ngunit nagkakaiba lamang sila sa pokus o diin. Ang

pagsusulit ay nakapokus sa pagtataya ng produkto ng pagkatuto, samantalang ang pagtuturo ay

nakatuon sa epektibong pagbibigay ng patnubay sa mga mag-aaral upang mapagtagumpayan ang

mga proseso sa pagkatuto.

Ang Etikal na Pananagutan ng guro sa Pagbibigay ng Pagsusulit; dapat malalaman ng guro ang

katugunan sa sumusunod: “Naging mabisa ba ang aking pagtuturo?” “Angkop ba ang aking arali sa

aking mga mag-aaral?” “Aling mga kasanayan ang dapat bigyang-diin sa pagtuturo? “Alin ang

kailangang ituro muli?”

Reference: Metodolohiya sa Pagtuturo at Pagkatuto ng/sa Filipino (Mga Teorya, Simulain, at


Istratehiya) ni Paquito B. Badayos, PhD, pahina: 450

Ang mga katanungan na ito na dapat matugunan ng mga Guro ang dapat nilang isaalang-alang kung

magbibigay ng Pagsusulit ang isang guro, dahil kung hindi naging epektibo ang pagtuturo sa loob ng

klase at mababalewala lamang ang pagkuha ng mga mag-aaral ng pagsusulit dahil wala silang

matinong maisasagot. Dapat ding bigyan ng guro ng sapat na panahon ang mga mag-aaral sa pag-
aaral o pagbabasa ng mga nagging talakayan sa loob ng klase upang magkaroon ng pansariling

interaksyon ang mga mag-aaral, na sila mismo ang makakatuklas sa kung anong nakuha nila

impormasyon.

Isa rin sa pananagutan ng guro ay ang epektibong pagsasalin ng mga takalayan sa loob ng klase at

nakamit ang layunin ng pagtuturo upang mas lalong mabigyang-diin na nakuha ng mga mag-aaral

ang kanilang mga dapat matutunan.

Kung sakaling napansin natin na karamihan sa mga mag-aaral ay nakakuha ng mababang marka,

dapat nating bigyang muli ng sapat na panahon upang mabigyang linaw ang isang specific na

talakayan na hindi nila lubos na nakuha.

You might also like