You are on page 1of 21

MODYUL

SA PAG-AARAL
NG
MGA
KONTEMPORARYO
NG ISYU

GRADE 10
1.ANO ANG KONTEMPORARYONG ISYU?
Ang contemporary o kontemporaryo ay nagmula sa salitang com+tempor na
nangangahulugang current o napapanahon.
Kapag sinabing kontemporaryong isyu, ito ay tumutukoy sa mga isyu na
nangyayari sa kasalukuyan o tumutukoy sa mga napapanahong isyu. Sa madaling
sabi, ito ng pinakapinag-uusapan sa ating lipunan ngayon. Matutunghayan sa ibaba
at sa susunod na pahina ang mga isyu ngayon.

2. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG KONTEMPOARYONG ISYU

Kaliwa’t kanan ang mga isyu na nahaharap ng ating lipunan ngayon kaya
dulot nito’y nahihirapan ang mga iba’t ibang sektor ng pamahalaan sa
pagsolusyon sa bawat isa. At bilang isang mamamayan ng ating bansa,
naaapektuhan tayo sa mga isyung ito gustuhin man natin o hindi. Sa pang-araw-
araw nating pamumuhay, hindi maiiwasang malaman natin ang mga nangyayari sa
mundo kung kaya’t kailangan rin nating maging isang aktibong mamamayan na
may pakinabang sa ating inang bayan. Huwag sana tayong magbingi-bingihan at
magbulag-bulagan. Gamitin natin ang kontemporaryong isyu upang makatulong sa
kung ano man ang dapat paunlarin.

3.ISYUNG PANGKAPALIGIRAN

Ang mundo sa panahon natin ngayon ay lubhang nakababahala dahil sa mga


nangyayari sa ating kapaligiran na hindi natin inaasahan. Ilan sa mga pangyayari
ay hindi na natural at maaaring buhat ito ng mga pagbabago sa ating mundo at
maaaring ito’y kagagawan rin ng tao na masyadong umaabuso sa kalikasan.
Bagama’t maraming mga makabagong teknolohiya ang nagsilabasan sa ngayon ay
hindi pa rin maikakaila na ang ating mundo ay nakararanas na ng mga matitindi at
hindi natural na sakuna. Ito ay konektado sa pinakamatinding isyu sa ating bansa
ngayon katulad ng isyu sa mga sakuna o disaster, climate change, at lalo na ang
mga isyu sa sarili nating pamayanan.

2.1 DISASTER RISK MITIGATION AT MANAGEMENT


Ano ang sakuna?
Ayon kay Kenneth Biasong sa kanyang Disaster Risk Reduction Manual,
ang sakuna ay itinuturing na “emergencies”. Ibig sabihin ito’y maaaring
mangyayari sa mga ‘di inaasahang pagkakataon katulad na lamang ng nangyari na
lindol sa Bohol, Cebu, at iba pang kabisayaan. Dinagdagan pa niya na kapag ito ay
nangyari hindi maaaring ang mga affected lamang ang mismong tutulong sa
kanilang mga sarili. Kinakailangang sa panahon ng sakuna ay handa ang mga
sektor ng gobyerno sa pagresponde. Ang mga sakunang ito’y maaaring natural o
epekto lamang ng kagagawan ng tao. At mas maliit ang tsansa ng mga biktima o
affected ng mga sakuna kung ito’y higit na napaghandaan.
Sa kanyang pag-aaral, nalaman niya na mas magiging maliit ang bahagdan
ng affected kung ang isang bansa ay mayroong tinatawag na DISASTER RISK
REDUCTION AT MITIGATION.
Ano ang pinagkaiba ng dalawa?
Nakasaad sa kanyang manual na ang Disaster Risk Mitigation :
“ are activities that prevent a disaster, reduce the chance of a disaster from
happening, or reduce the damaging effects of unavoidable natural
phenomenon”
Dinagdagan pa niyang:
“ It is an act of preventing or minimizing the adverse effects of disaster---
causing phenomena through the introduction of measures designed to
prepare and protect life and property of the members of the society before
the occurrence of a phenomenon”.
Ibig sabihin, ito iyong mga kadalasang ginagawa ng mga paaralan at mga
pamanatasan katulad ng pagkakaroon ng drills. Ang pagtatayo rin ng mga
typhoon-resistant o earthquake-resistant na mga kabahayan at gusali. Sa madaling
sabi, ito ay ang paghahandang ginagawa natin upang hindi tayo lubusang
masaktan sa sakuna.
Sa kabilang dako naman, ang Disaster Risk Management ay:
“disaster prevention to ensure sustainable development that people can lead
a good, healthy, and happy life without creating damage to the
environment”.
Halimbawa nito ay ang pagtukoy sa mga lugar na may mataas na
posibilidad na pagtama ng mga sakuna o mas kilala sa tawag na hazard mapping.
Kasama rin diyan ang vulnerability analysis, at ang strategic disaster prevention.
Kasama sa ating paghahanda ay ang pagtukoy sa mga ahensya o sektor ng
gobyerno na namamahala kapag mayroong sakuna o kalamidad. Ito ang ilan sa
mga nangunguna:

1. UNISDR- United Nations Internatonal Strategy for Disaster Risk Reduction


2. NDCC- National Disaster Coordinating Council na may iba’t ibang ahensya sa
iba’t ibang lugar
3. LGU- Local Government Unit

2.2 CLIMATE CHANGE


Ang Global Warming  at dulot nitong Climate Change ang isa sa
pinakamalaking usapin ngayon na kinakaharap ng mamamayan ng daigdig.  Isang
usaping nangangailangan ng kagyatan at pangmatagalang solusyon sa
pinakamaagang panahon.  

Milyun-milyong mamamayan na sa daigdig ang matinding dumaranas ng


epekto ng climate change dulot ng global warming -- pagkawala ng buhay at
kabuhayan; pagkawala ng seguridad sa pagkain at mapagkukunan ng ligtas na
tubig; pagkasira di lang ng mga bahayan at istruktura kundi ng buo-buong nasyon,
laluna sa mga rehiyon ng Africa, Arctic, Asya at mga maliliit na islang-nasyon sa
Pasipiko. Ito ang ilan sag a
indikasyon ng climate change:

Ang impormasyong ito ay buhat sa


Non-Government Organization.
Dahil ditto ay mas madali nating
malalaman at matutukoy kung
umaapekto na nga ba ang cimate
change sa ating bansa.

IMPLIKASYON AT EPEKTO
NITO

SA LIPUNAN

 PANLIPUNANG
DISLOKASYON (SOCIAL
DISLOCATION)

Sinasabi ng mga islang-nasyon, na


kapag tumaas pa ang temperatura ng
mundo sa 1.5 degrees Celsius, na
may katumbas na 0.9 metrong
pagtaas sa lebel ng tubig-dagat, ay
lulubog ang maraming nasyong
tulad nila at iba pang mabababang
lugar laluna sa Asya at Pasipiko.
Nanganganib na maging climate
refugees ang buo-buong populasyon
ng mga islang-nasyon gaya ng Maldives, Vanuatu at Tuvalu.  Magaganap ang
malakihang migrasyon dahil sa pagbaha, matinding tagtuyot at mga
kalamidad.  Papatong pa dito ang dislokasyong dulot naman ng mga so-called
“development projects” na lumilikha naman ng mga “development refugees”,
gayundin sa mga internal na dislokasyon dulot ng armed conflict.

 PAGDAMI NG MGA NAGKAKASAKIT SA LIPUNAN


Ang climate change at malawakan at malakihang migrasyon dahil sa epekto nito ay
malaki ang kontribusyon sa paglaganap ng mga sakit laluna ang may kinalaman sa
pagdami ng peste, insekto at mga sakit na air at water-borne. Patuloy sa pagtaas
ang porsyento ng nagkakasakit ng malaria, dengue at yellow fever sa buong
daigdig, laluna sa Africa. Hindi lang ang pagdami ng lamok na nagdadala nito
kundi ang paggalaw ng mga populasyon o  migrasyon ang itinuturong dahilan ng
paglaganap. Testigo tayo sa paglaganap ng sakit dulot ng mga sakuna’t kalamidad
nang, matapos ang hagupit ni Ondoy, ay lumaganap at marami ang nangamatay sa
sakit na leptospirosis (rat-borne disease) sa kamaynilaan. Maaaring ang sakit ay
makuha rin sa kakapusan sa tubig at pagkain sa isang partikular na lugar sa isang
bansa na kung saan hindi sapat ang mga pangunahing pangangailangan ng tao.
Bagama’t
laganap ito sa
iba’t ibang
bansa, maging
inspirasyon
sana ito upang
masolusyonan
ang problema
sa climate
change.

EKONOMIYA
 AGRIKULTURA
Kung ating titingnan sa kahit saang aspekto, ang ekonomiya ang labis na
maapektuhan kung magpapatuloy ang labis na pagbabago ng klima sa ating
mundo (climate change). Pinakaunang maapektuhan dito ay ang mga produkto sa
ating agrikultura katulad ng palayan. Ayon sa balita, maraming mga palayan ang
higit na napinsala sa init ng panahon. Hindi maitatangging ang lahat ng ito’y
nagdulot ng kakulangan ng suplay sa bigas kung kaya’t ang Pilipinas sa taong ito
ay nag-aangkat na lamang ng mga bigas upang mapunan ang kakapusan. Sa tindi
ng init na tinatamasa ng Pilipinas ngayon, gumawa naman ang pamahalaan at iba’t
ibang sektor ng gobyerno ng mga paraan upang magkaroon ng maayos na
irigasyon sa tubig ang mga palayan upang hindi tayo araw-araw na kakapusin sa
bigas. Ginagawa nila ang kanilang makakaya upang maging sapat para sa mga
Pilipino ang bigas na nakukuha natin mula sa pagtatanim, kaya sana ang lahat ay
maging masinop rin sa pagkain hindi lamang sa bigas kundi sa ulam at iba pa
nating pagkain. Hindi dapat tayo basta-bastang nagtatapon ng anumang pagkain.

 IMPRASTRAKTURA AT MGA TIRAHAN

Hindi lamang sa
Pilipinas ang lubos na
naapektuhan ng
climate change kundi
pati na rin sa ibang
mga bansa sa buong
mundo. Ayon sa
isang artikulo sa The
Atlantic na isinulat
nina Diana Liverman
at Amy Glasmeier
tinatayang umabot sa
humigit-kumulang
1.8 milyun ang
napinsala buhat sa
hurricane Sandy na
ayon sa isang
eksperto ay epekto ng matinding pagbabago ng panahon o ang tinatawag nating
climate change.
Sinasabi na mas naapektuhan ang mga gusali na kung saan naroon ang mga
negosyo ng malalaking kumpanya. Bagama’t ito’y isang malagim na pangyayari
para sa mga taong naapektuhan, kinakailangan pa ring magpatuloy ng mga tao sa
kani-kanilang buhay sapagkat hindi lamang natatapos diyan ang pamumuhay ng
mga tao
Ang epekto ng Climate Change ay nakakasira sa lahat. Higit sa lahat,
nakaaapekto ito sa ating pang-araw-araw na pamumuhay kaya’t dulot nito ay
nagkakaroon rin ng pagbabago sa ating bansa. Kahit itigil pa ng mga tao ang mga
Gawain na nakapagdudulot nito ay hindi na kayang ibalik ang mga nasira at hindi
na rin mapipigilan ang paglawak ng epekto nito, ngunit kaya nating gumawa ng
isang hakbang na makakapagpigil sa emisyon ng mga naturang gas na nagdudulot
ng climate change at gumawa ng paraan o mitigasyon na kung saan makakayanan
natin ang epekto ng climate change.

Sa katunayan ay gumawa na ang iba’t ibang sector ng gobyerno ng mga


solusyon para sa climate change. Nitong taong 2012 ay nagkaron ang DENR ng
“Strategy Paper for Private Sector Participation in the Implementation of the
National Climate Change Action Plan (NCCAP)”. Ito ang ilan sa mga layunin ng
proyektong ito:

The NCCAP 2011- 2028 outlines the country’s agenda for


adaptation and mitigation to comprehensively address the
challenges of climate change. It is a comprehensive plan that
provides key actions that enhance adaptive capacity and
resilience of communities and natural ecosystems to climate
change. The Plan also adopts the total economic valuation of
natural resources that also ensures biodiversity conservation. It
recognizes the competitive advantage of putting value on the
direct use, indirect use, option to use and non-use of
environment and natural resources, as a short to long-term
sustainable development goal.

This deliverable embraces the guiding principles of National


Framework Strategy on Climate Change (NFSCC) 2010-2022,
e.g., “Policy and incentive mechanisms to facilitate private
sector participation in addressing adaptation and mitigation
objectives shall be promoted and supported” and “The goal to
build the adaptive capacity of communities and increase the
resilience of natural ecosystems to climate change, and
optimize mitigation opportunities towards sustainable
development.”
Ibig sabihin, ito ay makakatulong upang hindi tayo lubusang maperwesyo sa
mga nagiging mapait na epekto ng climate change. Nangangailagan lamang ng
pagtutulangan upang maipatupad ang ilan sa mga plano at proyrekto ng mga
sektor ng gibyerno katulad ng DENR. Bagama’t hindi magiging madali para sa
ating lahat ang mga pagbabago ay kinakailangan nating magtiwala at higit sa lahat
makipagtulungan upang maging mas epektibo at may kabuluhan ang ginagawang
proyekto ng gobyerno.

3. ISYUNG PANG-EKONOMIYA

Hindi lamang sa isyung pangkapaligiran ang kinakaharap ng buong mundo


ngayon kundi pati na rin ang Isyung Pang-ekonomiya lalo na ang Pilipinas. Ilan sa
mga Isyung Pang-ekonomiya ay ang Kawalan ng Trabaho o Unemployment,
Globalisasyon, at ang Sustainable Development.

3.1 UNEMPLOYMENT

Dati rati kapag pinag-uusapan ang unemployment, ito ay tumutukoy lamang


sa mga taong walang trabaho. Ngunit sa nakaraang taon ay binago ng National
Statistical Coordination Board (NSCB) ang depinisyon ng walang
trabaho (unemployed). Sa kasalukuyang depinisyon ng gobyerno, ang mga walang
trabaho ay yaong naghahanap at handang magtrabaho pero walang mapasukan. Kahit
iniulat ng gobyerno ang kumikinang´ na 7.9% paglago sa gross domestic product
(GDP) sa pangalawang kwarto at dalawang magkasunod na panahon ng higit sa
karaniwang paglago´, hindi ito sinabayan ng katumbas na pagdami ng tunay na trabaho o
disenteng sahod. Ayon naman resulta ng Truth Survey ng Radyo Veritas, ang
kawalan ng trabaho ang pangunahing concern o issue sa ating lipunan ngayon.
Noong nakaraang January 2012 kasi, umabot sa 2.9 million o 7.2% ng 40.3
milyong Pilipinong kasama sa labor force ang walang trabaho. Kumpara sa iba
pang bansa sa Asya, medyo naging kulelat ang Pilipinas. Kung sa atin ay 7.2 ang
unemployment rate, sa Indonesia, 6.6 percent lamang, habang 3.1 percent sa
Malaysia, 2 percent sa Singapore, 0.4 sa Thailand, 4.1 sa China, at 3.7 percent sa
South Korea.
Ayon pa sa mga eksperto, medyo mahirap maka-alpas sa 7 percent na
unemployment rate dahil nadadagdagan ng isang milyon ang bilang ng mge
unemployed kada taon. At nitong nakaraang taon lamang ay umabot na sa tatlong
(3) milyon ang bilang ng mga Pilipino na walang trabaho. At pinakamataas na
bahgdan na naitala ay ang National Capital Region na umabot pa hanggang 11.2%
na higit na mataas kaysa noong taong 2013 na nakapagtala rin ng 9.5%. Sa mga
walang trabaho, 63.9 dito ay binubuo ng mga kalalakihan. Ngunit kung sa
kabuuan, ang mga taong may edad 15 hanggang 24 ang bumubuo sa 48.2% na
walang trabaho samantalang ang mga taong may edad na 25 hanggang 34 ay
nagtala ng 29.9%. Kung pagbabasehan naman ang edukasyon, ikalimang bahagi ng
mga walang trabaho ay nakatapos sa kolehiyo. At para sa mga nakatungtong ng
kolehiyo ngunit hindi nakapagtapos ay umabot ito sa 13.3%. At 34% naman para
sa mga nakapagtapos sa sekundarya.
Sa kabuuang tala, 92.5% ang mga may trabaho, pinakamataas na naitala ang
mga manggagawa sa sektor ng paggawa (services sector) na may 54.1% bahagdan,
30% naman para sa sektor ng agrikultura, 15.9% naman sa sektor nh industriya.

SANHI NG KAWALAN NG TRABAHO

 TINITINGNAN ANG SAHOD SA TRABAHO


Nagiging rason din ang mababang sweldo nila mula sa kanilang karera kung
magtatrabaho sila sa ilalim ng gobyerno. Halimbawa na lang ay ang mga
nakapagtapos ng nursing, may ibang na mas pinipiling mag-apply at magtrabaho sa
industriya ng call center kaysa magsilbi sa mga pampublikong ospital dahil sa
maliit na sahod mula sa gobyerno.

 INIISIP ANG BIGAT AT DAMI NG TRABAHO


Karamihan sa mga nagtatrabaho ay hindi nagtatagal sa pinapasukang
kumpanya dahil
nagrereklamo sa bigat ng responsibilidad na nakapatong sa kanya bilang isang
empleyado. Dulot nito’y umaalis ang isang tao sa kahit saang kumpanya at
nawawalan ng trabaho.

 HINDI SAPAT ANG KAALAMAN NA NATUTUNAN


Ang Pilipinas na lamang ang sinasabing pinakahuling sumunod sa K+12 na
paraan sa edukasyon kung kaya’t karamihan sa mga nakapagtapos ng kolehiyo ay
kulang pa sa kaalaman pagdating sa pinapasukan nilang trabaho. Ang ibang
Pilipino na nagtrabaho sa ibang bansa ay nagdagdag ng taon sa kanilang pag-aaral
upang magig sapat ito sa ibang bansa. Sa madaling sabi, ang kaalaman na
natutunan mula sa pag-aaral sa ma kilalang pamantasan ay hindi pa sapat para
makapagtrabaho.

 HINDI NAKAPAGTAPOS NG PAG-AARAL


Ang pinakamalalang dahilan kung bakit karamihan sa mga Pilipino ay
walang trabaho ay dahil ang ilan sa atin ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral o di
kaya’y hindi talaga nakapag-aral. Ilan sa mga dahilan nito ay ang kahirapan,
maagang nabubuntis, o di kaya’y nalulong sa droga na impluwensiya ng
pagkakaroon ng problema sa pamliya.

 TUMATAAS ANG POPULASYON


Dahil sa tumataas din na populasyon ay napagkakaitan ng trabaho ang ilan sa
mga Pilipino. Hindi lahat ay nakakapasok agad sa trabaho dahil marami ng
kompetensiya. Kaya ang ilan hindi na nakakapasok sa kanilag ina-aplayan

Ilan lamang ito sa mga sanhi ng pagtaas ng unemployment rate sa isang bansa.
Kung ating susuriin sa pangkalahatan, marami pang dahlin ngunit ito ang
sinasabing pinkapuno’t dulo kung bakit nagkakaroon ng unemployment.

EPEKTO NG KAWALAN NG TRABAHO


Ang pinaka-pokus na epekto ng unemployement ay ang pagdaraanas ng
KAHIRAPAN. Sakop nito ang iba’t ibang aspekto. Narito ang mga epekto ng
kawalan ng trabaho na sakop ng kahirapan:

 TUMATAAS ANG BAHAGDAN NG PROSTITUSYON


Sanhi nga nang pagkawala ng pinagkukunan ng hanap buhay,maraming kababaihan
ang nahihikayat na pumasok sa prostitusyon.Ayon sa The International Labor
Organization (ILO) at The Coalition Against Trafficking in Women-Asia
Pacific (CATW-AP), umabot ng kalahating milyon ang bilang ng mga prostitutes
sa Pilipinas, noong taong 1993 at1994, at 400,000 naman noong 1998. Ang turismo sa
prostitusyon ay lalong tumataas sa ngayon. Ang prostitusyonsa Pilipinas ay kumekeyter sa
mga lokal na kostomer at mga dayuhan na siya namang madalas na maging
kliyente ng mga nasabing
 prostitutes. Kahit na ipinagbabawal ang mga ganitong gawain, hindi maiiwasan ang mga
ito. At kahit marami na ang mga nahuhuli, hindi pa rin nasusupil angprostitusyon.

 TUMATAAS ANG BIILANG NG KRIMEN


Dahil sa kawalan ng mapagkakakitaan ay nagagawa ng mga tao na magnakaw,
mangholdap, at umbot pa sa sukdulan na pagpatay upang makakuha lamang ng
perang gagastahin para sa pang-araw-araw na pangangailangan. May iba na hindi
sanay sa ganitong gawain ngunit napipilitan silang makibagay sa ganitong
sitwasyon dahil sa ganitong paraan ay mas madali ang kumita nang pera. May iba
na gumagamit na lamang din ng droga upang hindi na makaramdam ng
pagkagutom na dahilan rin sa kawalan ng trabaho.
Ang dalawang epektong ito sa kawalan ng trabaho ang pinakalaganap sa
ngayon lalo na sa mga bansang napapabilang sa third-world countries. Maging
implikasyon sana ito sa ating mga Pilipino upang maging masikap at hindi matulad
sa mga ganitong pangyayari.

SOLUSYON NG GOBYERNO SA KAWALAN NG TRABAHO

 TECHNICAL EDUCATION AND SKILLS DEVELOPMENT


AGENCY
Ito ay unang naitatag noong Agosto 25, 1994 bilang batas ni dating
Pangulong Fidel V. Ramos. Sa tulong ng iba’t ibang mga sektor ng gobyerno
nabuo ito. Ilan sa mga kabilang ay ang National Youth Council (NYC),
Department of Labor and Employment (DOLE), Bureau of Technical and
Vocational Education (BTVE), DepEd (Department of Education), Bureau of
Labor and Employment (BLE). Ito ay may layuning paigtingin ang partisipasyon
ng mga manggagawang Pilipino; pagtutulungan ng pamahalaan, industriya,
teknikal-bokasyonal, at pribadong sektor para iangat ang antas na may kakayahan;
at bigyang-kaalaman ang bawat Pilipino.
 ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM (ALS)
Ginagawa ito sa Pilipinas para sa mga batang walang kakayahan na makapasok
sa paaralan. Binibigyan sila ng pagkakataon ng DepEd na magsanay sa loob ng 10
buwan o maaaring higit pa dito at pagkatapos nito, binibigyan sila ng Equivalency
Test at Accreditation. Dito nalalaman kung ang iyong natutunan ay katumbas ban
g diploma sa mababa at mataas na paaralan. Sa mga edad na 12 pababa, katumbas
nito ng diploma para sa elementarya, 16 naman para sa sekundarya. At maaaring
ang paraan ng pagkuha ng ALS ay sa modyul o sa internet.

3.2 GLOBALISASYON
Kaliwa’t kanan ang pagsulpot ng mga multinasyonal na kumpanya o
korporasyon na nag-aalok ng mga produkto at serbisyo na hindi likas na
nagmumula sa Pilipinas. Nagbibigay ito ng suliranin hindi lamang sa pamahalaan
ngunit maging sa mga sambahayan at bahay-kalakal sa kung ano at paano sasabay
sa globalisasyon sa buong mundo. Simula sa isyu ng kakayahang magtrabaho sa
ibang bansa hanggang sa mga produktong dapat tangkilikin, lahat ay apektado ng
globalisasyon.

Ano ang Globalisasyon?


Ito’y isang phenomenon na nagsimula nang matagal na panahon subalit
nagiging mahalaga ito sa mga huling dalawang siglo. Sa maikling salita, ang
globalisasyon ay ang pagtutulungan ng mga bansa sa buong mundo upang
malayang makaikot ang mga produkto at serbisyo sa bawat bansa. Ito ay patuloy
na integrasyon at homogenisasyon ng political at sosyal na aspto ng kalakalan.
Madaling makikita ang globalisasyon sa mga kalakal at pamumuhunan ng mga
bansa. Ang mga sikat na tatak sa bansa tulad ng Hershey’s McDonald’s, Coca-
cola, Toyota, Samsung, at LG ay nakakaimpluwensiya sa buhay ng mga Pilipino.
Ang mga dayuhang kompanya sa Pilipinas tulad ng Intel, Citibank, Procter and
Gamble, at ACER ay nagbibigay ng mga trabaho at nagpapataas ng output at mga
export ng bansa. Ganon pa man, higit pa sa pangangalakal at mga pamumuhunan
ang globalisasyon. Kasama rito ang pagdaloy ng mga ideya at karunungan na dulot
ng pagpapahusay sa komunikasyon at transportasyon. Marahil ang malayang
pagdaloy ng mga ideya at karununganay nagdudulot ng malaking impact sa tao ng
ga umuunlad na bansa.
Ang konsepto ng globalisasyn ay binubuo ng mga sumusunod na mga
elemento:
1. Privatization o pagsasapribado ng mga negosyo
Hinihikayat ng konsepto ng globalisasyon na isapribado ang mga negosyo na
hawak at pagmamay-ari ng gobyerno.
2. Deregulasyon
Kailangang maging malaya sa paggalaw ang mga bahay-kalakal sa paggawa at
pamamahagi ng mga pangkaraniwang kalakal o produkto tulad ng tubig, langis,
at kuryente. Ito ay batay sa konsepto ng laissez-faire o let-alone policy ni Adam
Smith. Kailangan pabayaan ng pamahalaan ang mga sambahayan at pakikipag-
ugnayan sa isa’t isa upang maging matatag ang ekonomiya.
3. Liberalisasyon
Ang mga patakaran o polisiya hinggil sa pag-aangkat ng mga produkto ay
kailangang maamyendahan o baguhin upang maging malaya ang kalakalan sa
bansa. Halimbawa nito ay ang batas taripa at quota.

MABUTI AT MASAMANG EPEKTO NG GLOBALISASYON


Malaking papel ang ginagampanan ng globalisasyon sa pagbabago sa
pamumuhay ng tao. Ang una ay ang siyentipikong kaalaman ay may kinalaman sa
mga bagay na may buhay.
Ang ikalawang pagbabago ay ang mura at mabilis na transportasyon.
Modernong mga napapakinabangan na mga tren, mga kotse, barko, at mga
sasakyang panghimpapawid na posible nang magdala ng mga pagkain, mga
serbisyo, mga ideya, at karunungn mula sa isang lugar patungo sa iba.
Ang ikatlong pagbabago ay ang mabilis at murang komunikasyon. Noon,
matagal ang paglalakbay ng mga sulat. Kung minsan, inaabot ito ng dalawang
lingo kun ipadala sa ibang kontinente. Maaaring umabot sa matagal na panahon
ang magadala ng sulat sa mula sa isang kontinente patungo sa iba. Ngayon, ang
mga sistemang telepono, telebisyo, internet, at mga satellite ay nagbunsod sa mga
tao na mag-ugnayan sa isa’t isa at magpalitan ng mga ideya na Malaya.
Ano ang pagkakaiba ng mundo ngayon sa dati? Nanatili pa rin ang batas ng
kalikasan katulad ng mga nagdaang siglo. Mayroon ding parehang sinag ng araw
ilang mga siglo na ang nakaraan. Subalit higit na mas malaki ang output per capita
ng mundo kaysa sa dati. Noong 1990, ang output ng mga pagkain at mga serbisyo
ng mundo ay 40 beses na mayroon ito dati noong 1820 at ang output per capita ay
pitong beses na mas nakahihigit. Responsable sa pag-unlad ng karunungan ang
pagpapaunlad ng produktibidad. Ang pag-unlad ng agrikultura ay dahil sa
pagpapalaya ng agrikulturang paggawa t magsagawa ng alokasyon ng human
capital upang makapagdagdag ng karunungan. Nang mga institusyon sa
pananaliksik, mga unibersidad, at mga istasyon ng pananaliksik sa agrikultura
kung saan ang mga imbensyon noon 1990 ang dahilan ng pag-unlad ng
karunungan. Ang pagkalap ng karunungan ay nagdudulot ng pag-unlad ng output
at ng mga buhay.
Sa kabilang banda, marami rin ang nagsasabing hindi maganda ang konsepto
ng globalisasyon. Ito raw kasi ay ginawa lamang ng mga mayayamang bansa
upang isulong ang kanilang interes. Lalao lamang yumayaman ang mga mauunalad
na bansa habang patuloy na nahihirapan ang mga papaunlad pa lamang na mga
bansa. Malaya raw nakapapasok ang mga produkto ng mga mauunlad na bansa
samga third world countries samantalang kabaligtaran naman ang nangyayari sa
mga produkto ng mga papaunlad na bansa. Hindi makapasok ang produkto ng mga
maliliit na bansa dahil may taripa at quota na umiiral sa mayayamang bansa.
Nasisira tuloy ang mga produkto o kalakal dahil hindi na maibabalik sa bansang
pinanggalingan ng mga ito. Ang teknolohiya at kaalaman ay iniipit din daw ng
mga mayayamang bansa upang protektahan ang kanilang interes. Ang
ipapalaganap lamang nilang teknolohiya ay yaong mga papabor sa kanilang
mayayamang bansa. Ang mga karapatan at kabutihan ng mga manggagawa ay
nasasakripisyo rin dahil sa pagiging ganid ng mga bahay-kalakal sa pagkamit ng
kita mula sa negosyo ngunit walang magawa ang pamahalaan upang ipagtanggol
sila dahil sa mga batas hinggil sa pribatisasyon, deregulasyon, at liberalisasyon.
Maging ang kalikasan ay nasasakripisyo rin para lamang makalikha ng produkto o
kalakal ang mga negosyante o mamumuhunan. Kaliwa’t kanan ang sakuna dahil sa
kagagawan ng mga tao. Nariyan ang maruming hangin at tubig gayundin ang
nakakalbong bundok at kagubatan. Namatay din ang mga maliliit na local na
industriya dahil hindi nila kayang makipagsabayan sa mga higanteng multi-
nasyunal na korporasyon.
Pagtugon sa Hamon ng Globalisasyon
Sa pag-aaral na isinagawa ni Ginoong Epictetus E. Patalinghug na
pinamagatang “Globalization and State Capacity: The Philippines”, inilahad at
inilarawan niya ang mga batas at patakaran gayundin ang mga ahensya at
institusyon na tumutukoy sa kakayahan ng pamahalaan ng Pilipinas upang
maipalaganap ang kalakalan, pamumuhunan, at pagpapalago ng ekonomiya.
Aniya, kailangan ng epektibo at mabisang pamamalakad ng pamahalaan
gayundin ang malakas na upang maging kapaki-pakinabang ang globalisasyon sa
Pilipinas. Kailangang iisa ang adhikain ng mga sangay ng gobyerno upang
makamit ang tagumpay mula sa globalisasyon at iwasan ang hindi pagkakasundo-
sundo sa implementasyon ng polisya hinggil sa globalisasyon. Kailangang
maprotektahan ang kalikasan kaalinabay ng paghahatid ng pampublikong produkto
at serbisyo sa mga mamamayan. Iwasan din dapat ang sobrang pampulitika upang
maging sapat ang pondo para sa mga programa at proyekto ng pamahalaan
gayundin ang korapsyon ng pamahalaan. Paigtingin dapat ang pangongolekta ng
buwis upang lalong lumaki ang kakayanan ng gobyerno sa pagpapalaki ng
proyektong ito. Ang pagsasama-sama ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang
isulong ang Investment Priorities Plan (IPP) ay lubhang kailangan upang
makinabang ang Pilipinas sa globalisasyon. Itaas din dapat ang antas ng kakayanan
ng mga sangay ng gobyerno at ng mga manggagawa upang makasabay sa
globaalisasyon. Malinaw din dapat ang pananagutan ng lahat ng ahensya hinggil sa
kalakalan at pamumuhunan upang lalong maengganyo ang mga negosyante na
mamuhunan sa Pilipinas.
Sa kabuuan, inirekomenda niya na dapat ay magkaroon ng pag-aanalisa at
pagbabago sa mga sumusunod na isyu upang makinabang ang Pilipinas mula sa
globalisasyon:
1. Kapasidad sa pagpapalaganap ng masiglang kompetisyon
2. Kapasidad na pasiglahin ang industriya at bawat yunit ng lipunan
3. Patakaran hinggil sa kagalingang panlipunan, pagkakapantay-pantay, at
pagpababa ng antas ng kahirapan.
4. Patakaran sa pagpapalaganap ng kakayahan ng bawat yunit ng lipunan
upang lahat ay maging produktibo
5. Patakaran para protektahan
UNITED NATIONS angGENERAL
kalikasan ASSEMBLY

3.3 SUSTAINABLE DEVELOPMENT


WORLD COMMISSION ON ENVIRONMENT
AND DEVELOPMENT
(PINANGUNAHAN NI
PRIME MINISTER GRO HARLEM BRUNDTLND
NG NORWAY)

OUR COMMON FUTURE

BRUNDTLAND REPORT
Noong 1983, napakalaking isyu sa mga ordinaryong mamamayan ang
kapaligiran kung kaya’t pinagtuunan ito nang pansin ng United Nations General
Assembly (UNGA). Bumuo sila ng panibagong komisyon o organisasyon na
siyang mamamahala sa mga kritikal na isyu na may kaugnayan sa kapaligiran at
pag-unald o development . Sa madaling sabi, nagkaroon ng panibagong samahan
upang pag-aralan ang kritikal na mga isyu sa kaugnyan ng konseptong kapaligiran
at kaunlaran.
Sa pamumuno ni Prime Minister Gro Harlem Brundtland ng Norway, ang
malayang samahan na ito ay nabuo at nabigyan ng bagong pangalan bilang World
Commission on Environment and Development (WCED) sa taong 1987.
Kasama sa pagbuo ng nito ay tatlong layunin na kanilang ginawa upang mas
mapagtibay pa ang pag-aaral na ito. Ito ang ilan sa mga sumusunod na layunin:

1. Ang masuring muli ang mga kritikal na isyu sa likod ng konseptong


kapaligiran at kaunlaran upang makagawa ng isang inobatib, konkreto, at
makatotohanan na action plan.
2. Ang mapagtibay ang internasyonal na kooperasyon ng konseptong
kapaligiran at kaunlaran.
3. Ang mapataas ang lebel ng pang-unawa at pagkakaugnay sa paggawa ng
solusyon sa mga nararanasan sa mga institusyon, pampublikong mga
sektor, negosyo, at lalo na ang problema sa bawat mamamayan.

Sa sumunod na tatlong (3) taon ang samahan o komisyon na nabuo ay


nagkaroon ng pampublikong pagpupulong. Ginanap ito sa iba’t ibang bansa at
kaalinsabay nito ang pagkuha ng mga iba’t ibang impormasyon o mga dokumento
mula sa mga bansang kabilang. At base sa kanilang nakalap ay bumuong muli ang
United Nations General Assembly ng panibagong report o pag-aaral na
pinamagatang Our Common Future.
Napapaloob sa pag-aaral na ito ang walong (8) isyu na maaaring maging
hadlang sa pambansang kaunlaran. Halimbawa nito ay kung paano mapapaunlad
ang ating bansa sa ngayon nang walang nasasakripisyo na mga likas na yaman o
mga resources na maaaring maisalba sa darating na panahon. Kabilang sa walong
isyu ay ang mga sumusunod:
1. Population on Human Resources
2. Industry
3. Food Security
4. Species and Ecosystems
5. The Urban Challenge
6. Managing the Commons
7. Energy
8. Conflict and Environmental Degradation

Source: Adapted from Macleod, H. (1992) Teaching for Ecologically Sustainable


Development, Queensland Department of Education, Brisbane.

Ang mga isyung ito ay tinalakay sa malakihang pagpupulong na ginanap sa


Rio de Aneiro, brazi noong 1992. Ang pagpupulong na ito ay mas kilala sa tawag
na United Nations Conferenece on Environment and Developmenyt o Earth
Summit kung ating paiikliin. Ito’y dinaluhan nang higit-kumulang 150 na head of
state. Sa kanilang ginawang pagpupulong ay napagdesisyunan at napagkasunduan
nilang magkaroon ng global action plan para sa Sustainable Development.
Ang Earth Summit ay dinaluhan rin ng humigit-kumulang 50,000 na opisyal
at mamamayan sa iba’t ibang panig ng mundo. Bukod sa isyung ito ay nagkaroon
rin sila ng papupulong ukol sa apat na isyu; ang climate change, biological
diversity, desertification, at high-seas fishing. Sa pagpupulong ding ito, nabuo ang
panibagong komisyon na United Nations Commission on Sustainable
Development upang masubaybayan ang mga napagkasunduang mga gawain at
solusyon sa mga isyu at upang maging opisyal rin ang internasyunal na
pagpupulong patungkol sa environment at development. Ang komisyon ding ito
ang naging daan upang magkaroon ng action ang mga bansa at lokal na sektor ng
bawat bansa na siyang namamahala sa bawat lalawigan. Ayon sa isang sarbey,
mayroong 2000 town at siyudad sa buong mundo na nakakalikha nang sarili nilang
action plan.

KAHULUGAN NG SUSTAINABLE DEVELOPMENT


Ang Sustainable Development at proteksyong pangkapaligiran kung minsan
ay naipagpapalit nang hindi namamalayan sa ilang pagkakataon, dahil ditto
nababalewala ang ibang mahalagang komponent ng sustainable development.
Dahil dito nagkakaroon ng mga polisiya at programa na nagbibigay-tuon lamang sa
mga proteksyong pangkapaligiran habang ang ibang kritikal na isyu na dapat
sana’y bigyan din ng pansin ay nababalewala na.
Ayon sa pagpapakahulugan ng Komisyon ng Brundtland o Brundtland
Report, ang sustainable development ay ang:
“ability to make development sustainable--- to ensure that it meets the needs
of the present without compromising the ability of future generations to meet
their own needs.”
Ayon naman kina Jan Bojo, Karl Goran Maler at Leena Unemo,
maaaring ang pormal na depinisyon ng Brundtland ay nangangahulugang “all
options be preserved which would imply the preservation of all kinds of
resources.” Nangangahulugan na walag dapat masayang na mga resources kahit oil
o iron man lamang upang may magagamit pa sa panghinaharap. At para makabuo
ng implikasyon ang tatlo ay bumuo sila ng panibagong operasyonal na depinisyon
ng sustainability na maaaring panghalili dito.
Ayon sa kanila, “economic development in a specific area (region, nation,
the globe) is sustainable if the total stock of resources----human capital, physical
reproducible capital, environmental resources, exhaustible resources---doesn’t
decrease over time.”
Sa pagpapahayag naman ng isang Neo Marxist na si M.R. Redclift, nasabi
niya na “ unless poor people are involve in meeting their aspirations, development
can never be appropriately sustainable.”
Sinagot naman ito ng kalihim ng Brundtlandt Report sa pamamagitan ng
paglagay ng temang ito sa kanilang isinagawang pag-aaral, “overriding priority
should be given… the concept of need in particular the essential needs of the
world’s poor.”
Sa paliwanag ni Redclift, nais niyang ipahiwatig na kung ang sustainable
development ay tumutukoy lamang sa kaunlaran na hindi isinaalang-alang ang mga
kalagayan na hindi katanggap-katanggap ang sitwasyon, mananatiling ang
kaunlaran na ito’y mangyayari lamang sa konteksto ng mga internasyunal na
kumpanya o mga bansang napapabilang sa first world. Sa madaling sabi, ang
pulitikal na kapangyarihan sa pagpapasya ay kailangang nakaugnay sa partikular
na pagbibigay-pahintulot sa mga manggagawa upang makagawa ng mga solusyon
partikular na iyong hindi ikasisira ng ating kapaligiran upang mapaunlad ang ating
bansa.
Ang mga depinisyong ito ay iilan lamang sa mga interpretasyon ng mga
kilalang tao sa kasaysayan. Kahit sabihin pa natin na nagkakasalungat ang iba, iisa
parin ang nais na maiparating dito. Ang Sustainable Development ay hindi
nangangahulugan sa pagpapabaya sa ekonomiya o economic stagnation kundi ang
kaunlaran na maaaring pakinabangan ng iba pang henerasyon.
ELEMENTO NG SUSTAINABLE DEVELOPMENT
Pulitikal at ekonomikal, iyan ang dalawang mahalagang layunin na
isinaalang-alang ng iba’t ibang sektor ng gobyerno upang makamit ang kaunlaran.
Bukod ditto ay mayroon ding mga elemento na kailangang mabatid, kabilang na
dito ay ang mga sumusunod (Jacobs 1991 cited in Roseland 1992):
1. Integrasyon ng kapaligiran at kaunlaran sa paggawa ng polisiya
2. Ang pagkakaugnay sa Social Equity
3. Reoryentasyon sa konsepto ng kaunlaran tungo sa kwalitatib na
pagpapaunlad

INTEGRASYON NG KAPALIGIRAN AT KAUNLARAN

Dahil ang kapaligiran at kaunlaran ay hindi maaaring paghiwalayan sa


konsepto ng Sustainable Development, nararapat lamang na sa pagpapaunlad ng
ating bansa kinakailangang isaalang-alang ang mga isyung pangkapaligiran.
Sumusunod ito sa prinsipyong “economic development cannot continue at the
expense of environmental quality.” Samakatwid, ang kaunlaran ng isang bansa ay
nakasalalay sa kug anong uri ng resources mayroon tayo. Kung mangyari man na
ang natirang resources ay inuubos para gamitin sa pagpapatayo ng iba’t ibang mga
negosyo, malaki ang posibilidad na ang epekto nito ay makakadagdag lamang sa
problema ng ating bansa.
Sa madaling sabi, ang kaunlaran at kapaligiran ay kailangang magsama kung
gagawa man ng kooperatibong plano ang pamahalaan ukol sa pambansang
kaunlaran. Ito’y nangangahulugan din na sa bawat layuning pang-ekonomiya may
katumbas ding layuning pangkapaligiran.

SOCIAL EQUITY

Kadalasan ang mahihirap ang siyang nakasisira ng ating kapaligiran at sila


rin mismo ang lubos na naaapektuhan sa mga pangyayaring dulot ng pag-aabuso
sa kapaligiran. Ito’y makikita sa sitwasyon ng isang bansa na ginagawa ang
kaingin upang may matirhan ngunit sa pagdaan ng ilang taon nagiging dahilan ito
sa mga di-pangkaraniwang kalamidad na nagiging epekto na ng pang-aabuso. Sa
kabilang banda, may ilan rin na tinatapon na lamang ang mga dumi at basura sa
sapa kung kayat tuwing may baha kumakalat ang mga iba’t ibang sakit. Kaya
ginawa ang paliwanag na ito:
“Environmental problems cannot be effectively addresses without
considering the people who depend on the environment for survival. If sustainable
development is to be achieved, therefore, poverty must be eradicated.”
Ang maunlad at naghihikahos na bansa ay kasama sa pagkakaugnay ng
Social Equity sa pambansang kaunlaran kung kaya’t iisa lamang ang nais iparating
ng Social Equity. Ito ay ang pagkakapantay-pantay sa pagbibigay-prayoridad sa
mga biktima na iba’t ibang kalamidad dulot ng isyung pangkapaligiran.

REORYENTASYON SA KAUNLARAN
Ang Kaunlaran ay kinakailangang bigyang-linaw upang magkaroon ng
kalidad ang ating ginagawa. Sinimulan ito sa pagbigay-kaibahan ni Jacobs ng
“standard of living” sa “quality of life” Aniya, ang standard of living ay
tumutukoy sa mga simpleng bagay na nabibili ng ating pera na kinikita samantala
ang quality of life naman ang mga bagay na hindi kayang bilhin ninuman.
Tumutukoy ito sa kalidad ng buhay mayroon tay katulad ng pagkakaroon ng
sariwang hangin, malinis at sapat na tubig, at higit sa lahat ang pagkakaroon ng
maayos na klima na angkop sa ating bansa.
Ang mga salik ng kapaligiran na ito ay hindi makikita sa pamamagitan
lamang ng pag-aaral sa ekonomiya ng bansa katulad ng Gross National Product
(GNP) at Per capita income. Sa katunayan, kahit iyong ibang bansa na nagtala ng
pinakamataas na per capita income ay nahihirapan pa rin sa pagrecover ng mg
nasirang kapaligiran kung kaya’t nararapat lamang na magkaroon ng paglilinaw sa
konseptong Sustainable Development.

PUNDASYON NG SUSTAINABLE DEVELOPMENT


Isa sa pinakamahalagang kontribusyon ng Sustainable Development ay ang
hindi nito pag-inda sa istatus ng ekonomiya at ang pagpapahalaga nito sa kultura
ng isang bansa. Mas binibigyang-diin nito ang ugnayan ng kaunlaran at kalikasan
kung kaya’t itinuturing ang komunidad, kapaligiran, at ekonomiya na tatlong
mahahalagang pundasyon ng sustainable development habang ang pagkakaugnay-
ugnay ng mga ito ay hindi mawawala. Pinangalan ito bilang tatong
pinakamahalagang pillar o pundasyon ng Sustainable Development sa naganap na
World Summit ng Sustainable Development noong 2002 sa Johannesburg.
Society o Komunidad
Kinakailangan ang malalim na pag-intindi sa ating lipunan na kinabibilangan
ngayon halimbawa ang mga kabataan sa ngayon nang s gayon ay makatulong sila
sa pambansang kaunlaran. Sa paliwanag ng mga sektor ng World Summit, ito ang
naging ideya:
… an understanding of social institutions and their role in change and
development, as well as the democratic and participatory systems which give
opportunity for the expression of opinion, the selection of governments, the
forging of consensus and the resolution of differences…
Kapaligiran o Environment
Isang pinakamahalagang pundasyon ng Sustainable Development ang kapaligiran.
Nangangailangan ng konsiderasyon ang ating kapaligiran, ibig sabihin hindi na
dapat ubusin pa ang matagal nang ubos na mga likas na yaman upang hindi
mangyari an gating mga kinatatakutang kalamidad. Ito naman ang ilan sa pahayag
ng iba ukol dito:
… an awareness of the resources and fragility of the physical
environment and the effects on it of human activity and decisions, with a
commitment to factoring environmental concerns into social and economic
policy development…

Ekonomiya
Sa ating ekonomiya nakasalalay ang kapakanan ng ating bansa, ngunit hindi
nangangahulugan na dapat nating ibuhos lahat ng mayroon tayo upang mapaunlad
ang ekonomiya. Ang mga negosyo ay dapat na maging sensitibo sa ating
kapaligiran kung kaya’t hindi maiaalis sa isipan na ang dalawang konseptong ito
ay magkakaugnay. Ito naman ang paliwang ng ilan patungkol sa ekonomiya:

… skills to earn a living as well as a sensitivity to the limits and potential of


economic growth and its impact on society and on the environment, with a
commitment to assess personal and societal levels of consumption out of
concern for the environment and for social justice…

LAYUNIN NG SUSTAINABLE DEVELOPMENT


Ang General Assembly ng United Nations ay naganap noong Setyembre 6-8,
2000 sa isang ispesyal na Millennium Summit na pareho ding nangyari ang United
Nations Millenium Declaration. Ang deklarasyon na ito ay nagpapahalaga sa
sosyal na aspetong sustainable development gayundin ang paraan kung paano
masosolusyunan ang kahirapan at hindi pagkakapantay-pantay. Sa kabuuan, ang
deklarasyon na ito ay nagsasaad na ang sustainable development ay nakasentro sa
pandaigdigang kapayapaan at kaunlaran para sa susunod na henerasyon. Kaya
naman ay bumuo sila ng walong (8) development goals. Napapabilang dito ang
mga sumusunod:

Source: United Nations Millennium Declaration, paragraph 2.


1. Maalis ang labis na kagutuman at kahirapan
2. Magkaroon ng pantay-pantay na edukasyon para sa lahat
3. Gender Equality at Pagpapatibay sa mga babae
4. Mareduce ang child mortality
5. Mapataas ang antas ng maternal health
6. Malabanan ang mga sakit na lumalaganap na sakit kada taon
7. Masiguro ang sustainable na kapaligiran
8. Magkaroon ng global na ugnayan para sa kaunlaran

SUSTAINABLE DEVELOPMENT SA PILIPINAS


Sa konteksto ng Sustainable Development sa Pilipinas, nagsimula ito noong
1989 nang naaprubahan ng gobyerno ng Pilipinas ang Philippine Strategy for
Sustainable Development (PSSD). Ito ay produkto ng multi-sektoral na nasyunal
na workshop na naganap noong May 1988 sa tulong Environmental
Management Bureau (EMB) ng Department of Envvironment and Natural
Resources. Sa pamamagitan nito ay nagkaroon ng sampung (10) istratehiya upang
makamit ang Sustainable Development (DENR, 1990):
1) Konsiderasyon sa kalagayan ng kapaligiran sa pagdesisyon
2) Price Reform na Istratehiya
3) Reporma sa property rights
4) Pagsasalba sa biodiversity
5) Rehabilitasyon sa mga nasirang mga likas na yaman
6) Pagpapatibay sa Residual Management
7) Pagkontrol sa populasyon
8) Stimulasyon ng kaunlaran sa rural na mga lugar
9) Pagkakaroon ng edukasyon ukol sa kapaligiran
10) Pagpapatibay ng partisipasyon ng mga mamamayan ukol sa environmental
management

You might also like