Ambo Written

You might also like

You are on page 1of 13

PAGSUSURI

I. TALAMBUHAY NG AWTOR
Wilfredo Pa. Virtusio
Si Wilfredo Pa. Virtusio ay isinilang sa Laguna, noong Mayo 13, 1942. Nagtapos
siya ng elementarya at sekondarya sa Muntinlupa. Kumuha ng kursong A.B.
English sa Manuel L. Quezon University (MLQU). Nagawaran siya bilang
Distinguished Alumnus Award ng kanyang Alma Mater. Naging manunulat siya sa
wikang Pilipino ng Philippine Free Press, Liwayway, at ng Taliba.
Unang nakilala sa kanyang mga kuwentong ukol sa mga bilanggo, si WPV ay
kabataang manunulat na mapagpanalo sa mga timpalak-panitik.
Si Virtusio ay isa sa maipagmamalaking manunulat ng kabikulan (Bicol) sa
wikang Pambansa. Kuwentista at mandudula, mabisa siyang maglarawan ng mga
karaniwang pangyayaring kinasangkutan ng mga anak-dukha at kulangpalad. Ang
kanyang maikling kuwentong “Bilanggo” ay nagtamo ng unang gantimpala sa
Palanca at nanguna sa taunang pamimili ng Pilipino Free Press, tatlo sa dulang
iisahing yugto at dalawa sa kuwento.

II. PINAGKUNAN NG MAIKLING KUWENTO

Ang maikling kuwentong ito ay kinuha sa aklat na pinamagatang “PLUMA IV Wika


at Panitikan para sa Mataas na Paaralan.” Karapatang – ari 2004 ng Phoenix
Publishing House Inc.

III. KALIGIRANG KASAYSAYAN


Ikatlong Republika

Matapos ang sampung taong pagkakasadlak ng Pilipinas sa ilalim ng Batas


Militar, muli itong naging Malaya nang inalis sa bansa ang nasabing batas noong ika-2
ng Enero, 1981. Sa pananaw ng mga naglilingkod sa pamahalaan, ang Pilipinas noon
ay isa na namang bagong bansa, kaya’t ito’y tinawag ng dating Pangulong Marcos na
“Ang Bagong Republikang Pilipinas.” Sa kabilang banda, may isang mananalaysay na
nagsabing ito ang panahon ng Ikatlong Republika.

P a g e 1 | 13
ELEMENTO
A. TAUHAN

1. Ambo – Ang pangunahing tauhan sa kuwento siya ay asawa ni Marta at may


pitong anak.
Uri ng Tauhan (Bilog) – Sa simula ng kuwento ay nagpamalas si Ambo ng
pagiging maunawain sa kabila ng kanyang paghihirap na makuha ang nararapat
sana na suweldo ngunit ng lumubha ang sakit ng asawa ay naging agresibo na
ito na makuha ang dapat nitong makuha at tila nawala rin siya sa sarili.
2. Marta – Maybahay ni Ambo na may sakit na tuberculosis.
Uri ng Tauhan (Lapad) – simula hanggang sa nagtapos ang kuwento ay
nananatili parin ang pagiging mahinahon at matatag si Marta sa kabila ng
dinaramdam na sakit na TB. Nanatili pa rin ang kanyang pananalig sa Diyos
3. Mr. Reyes – Hepe ng General Service Department
Uri ng Tauhan (Lapad) – Naging makasarili siya sa simula hanggang sa
magwakas ang kuwento nanatili itong sakim dahil hindi man lang pinagbigyan si
Ambo na makuha ang kanyang suweldo
4. Dori – Sekretarya ni Mr. Reyes
Uri ng Tauhan (Lapad) – Hindi nagbago si Dory simula hanggang wakas
5. Nida – 7 taon, pangatlo. Di nakapagsasalita
Uri ng Tauhan (Lapad) – Hindi nakakapagsalita si Nida ngunit ang kanyang
pagigng mabuti ay nanatili hanggang sa dulo ng kuwento
6. Roma – 8 anyos, pangalawang anak ni Ambo
Uri ng Tauhan (Lapad) – Walang pagbabagong naganap sa katauhan ni Roma
7. Sonia – 10 anyos, panganay ni Ambo at Marta
Uri ng Tauhan (Lapad) – Naging katuwang ni Ambo at hindi nagbago hanggang
huli

P a g e 2 | 13
B. TAGPUAN
1. Sa bahay ng pamilya nina Ambo at Marta - Dito nakatira ang pamilya ni Ambo
2. Sa opisina ni Mr. Reyes – Binabalik-balikan ni Ambo dahil sa kagustuhang
makuha ang kanyang suweldo
3. Sa Kalye – Kung saan nagpagalagal si Ambo at tila nawawala sa sarili

C. URI NG BANGHAY
Linear na Banghay

Linear na Banghay sapagkat makikita naman sa kuwento ang magandang daloy


nito. Kung nagkaroon man ito ng pagbabalik-tanaw ay bahagya lamang. Nangibabaw
pa rin ang pagkakaroon ng daloy na nagsimula sa pagsisikap ni Ambo na makuha ang
tatlong buwang suweldo nito ngunit hindi mabigay-bigay ni Mr. Reyes hanggang sa
tuluyang lumubha ang sakit ng asawa ni Ambo at nagpupumilit na itong makuha ang
kanyang suweldo ngunit wala parin itong nakuha hanggang sa huli.

D. BAHAGI NG BANGHAY
Simula
Dati-rati ay alas singko pa ng umaga ay gising na si Ambo at handang-
handa na pumasok sa kanyang trabaho.Ngunit sa araw na ito ay nag iba na si Ambo
ngayong umaga, kalong kalong na ng sari-saring ingay ang kalapit nilang mga kuwarto
ay nakababad parin siya sa kuwarto. Tinanong ng asawa nitong si Marta kung anong
nangyayari sa kanya. At sinabihang may awa ang Diyos kaya’t sumunod na si Ambo na
bumalik sa opisina at mag bakasakali muling makuha ang inaasam na suweldo.

Saglit na kasiglahan

Nakita ni Ambo ang sitwasyon ng kanyang pamilya. Panay ang paghingi ng


pagkain ng kanyang mga anak na nagugutom at asawang maysakit. Nanlumo si Ambo
sa kanyang mga nakikita at halos pinanghinaan siya ng loob at naisipang bumalik ulit sa
opisina para makakuha ng suweldo para sa pamilyang naghihikahos. Nang nakabalik si

P a g e 3 | 13
Ambo sa opisina upang makuha ang kanyang suweldo ay wala parin maibigigay ang
tanggapan.

Tunggalian

Tao laban sa Tao (Ambo laban kay Mr. Reyes)

Ang tunggalian na namagitan kina Ambo at Mr. Reyes nang tatlong buwan ng
hindi pa nakukuha ni Ambo ang kanyang sahod.

Tao laban sa lipunan (Ambo laban sa lipunan)

Ang pagsasawalang bahala ng mga tao sa kanyang paligid sa kahirapang


nararanasan ni Ambo.

Tao sa Sarili (Ambo laban sa sarili)

Si Ambo laban sa pagpigil niya sa kanyang nararamdaman kay Mr. Reyes. Dala
ng kahirapan at hindi pa naibigay ang kanyang tatlong buwang sahod dahil pa
napipirmahan ni Mr. Reyes ang kanyang voucher dahil dito ay sumiklab ang kanyang
galit mhumit pinigilan niya ito at iniisip na lamang na basta makakuha ng sahod.

Kasukdulan
Ayaw pirmahan ni Mr. Reyes ang voucher niya. Ayaw ibigay ng gobyerno
ang sweldo niya.Lumapit si Ambo sa guardpost at nakitang natutulog ang guwardiya.
Bigla, inagaw niya ang baril na hawak ng tanod. Napatayo ang guwardiya, at napaurong
syang nakaumang ang dulo ng baril sa katawan nito. Napangiti ang tanod nang wari’y
makilala siya, dahan-dahang lumapit sa kanya. Nainsulto si Ambo at binaril nito ang
gwardiya at unti-unting bumagsak ang katawan nito na naninirik ang mga mata.
Napatay niya ang tanod. May saya anaki’y kaligayahang sumuno sa dibdib niya at
tumakbong papasok ng opisina at sunod sunod na pinagbabaril ang mga tao.

Kakalasan
Nagmamadaling pumasok ang unipormado at armadong mga pulis,
nakatutok ang tangang mga baril kay Ambo subalit siya’y hindi man lang nagpamalas
P a g e 4 | 13
ng kahit anong kilos ng paglaban; napatutok lamang ang blangko niyang paningin sa
nagsasalibayang malalabong aninong iyon. Bumuka ang mga labi niya, ngunit sa iglap
ding iyon, umangil ang sandata ng mga pulis at isa, dalawa, tatlo, apat, lima, marami,
di-mabilang na mga tingga ang bumistay sa katawan niya at siya’y nalugmok at sa
nagdidilim, nagliliwanag niyang isipa’y sumalangit ang mapusyaw na larawan ng
kanyang mag-anak, at sa pagkakasubsob sa nagdadanak-sa-sariling-dugong
baldosang sahig, pinilit niyang makatihaya, pilit itinutok ang nagwawatig na tingin sa
nagsasalimbayang mlalabong aninong iyon, pilit na pinanulay sa nanlalabong paningin
ang pakiusap, hinaing na hindi na mabigkas ng mga labi-si Marta, si Nida, ang mga
anak.

Wakas
Muling bumuga ang sandata ng mga pulis, malupit, walang awang tumadtad sa
katawan niya at sa pagtakas nang malay, bumabanayad ang nakalilinong pag-inog ng
itim na daigdig, bumabanayad at dumidilim hanggang sa mayamaya’y kalungin ng
sakdal-dilim na karimlan ang kaganapan ng lahat.

IV. TEMA O PAKSANG DIWA

Ito ay tumatalakay sa katiwalian na siyang dahilan ng paghihirap ng maraming


mamamayan. Sinasalamin nito ang kawalang pakialam ng mga opisyales na walang
ibang inatupag kung hindi ang magkamal ng salaping nagmumula sa paghihirap ng
mga taong ang nais lamang ay maibigay ang pangunahing pangangailangan ng
kanilang pamilya.

V. URI NG KUWENTO
Ang kuwentong ito ay kuwento ng tauhan sapagkat mula sa simula hanggang
wakas ay nakatuon ang daloy ng akda sa pangunahing tauhan. Nailahad ang kanyang
mga naranasan at pakikipagsapalaran gayun din ang kanyang mga suliraning
kinakaharap.

P a g e 5 | 13
MGA PAGDULOG
Padulog Romantisismo
Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o
sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong
kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat
upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.
Nangingibabaw ang damdamin kaysa sa isip.

a. Wagas na pagmamahal

Patunay:

“Pito ang kanyang anak, pito, at natutulog ang mga iyon at mayamaya pa,
magigising ang mga iyon at hihingi ng pagkain at magpapalahaw ng iyak sapagkat wala
silang maibigay na pagkain. Naipasya niyang muling lumabas ng bahay ng umagang
iyon; hindi, hindi niya matitiis na makitang nananangis ang mga anak dahil sa gutom.”

Paliwanag:

Pinapakita ni Ambo na wagas ang kanyang pagmamahal sa kanyang anak


sapagkat handa siyang magtiis sa kaniyang pagtatrabaho may maipakain lamang sa
mga anak na nagugutom. Higit sa lahat hindi niya kayang akita ang kanyang mga anak
na umiiyak sa gutom, mabuti na na siya ang magtiis kaysa sa kaniyang mga anak. Ang
wagas na pagmamahal na ito ay ang paglimot sa sarili at pagbibigay prioridad sa
minamahal. Dahil kapag nagmamahal ka, kapag mabuti ang kalagayan ng minamahal
mo kahit nakakaranas ka ng pagtitiis pero mas nangingibabaw ang saya kapag alam
mong nasa mabuting kalagayan ang iyong minamahal.

b. Pagsasakripisyo

Patunay:
P a g e 6 | 13
“Matindi ang sikat ng araw at waring ibig tupukin niyon ang anit ni
Ambo. May isa`t kalahatng kilometro ang layo ng opisina ng sangay na
iyon ng gobyernong pinaglilingkuran niya mula sa kalyeng tinitirhan nila at
nilalakad lamang ni Ambo ang distansyang iyon. Nilalakad sapagkat ang
treinta sentimos niyang ipamamasahe (kung mapalad siyang magkaroon
ng halagang iyon) ay malaking bagay ang magagawa sa kanila. Maibibili
niya ang alagang iyon ng diyes na tuyo, diyes na sukal at ang diyes-hindi
singko lamang-ay maibibigay niya kay Nida.”

Paliwanag:

Handang magsakripisiyo si Ambo para sa kapakanan at pangangailangan ng


kanyang mga anak na kung saan naglalakad lamang siya mula sa tahanan nila papunta
sa lugar na kaniyang tinatrabaho kahit gaano man katindi ang sikat ng araw dahil para
sa kanya ang perang kanyang pansakay ay malaking bagay na para sa pambili ng
pagkain para sa kanyang mga anak. Nasa kanyang ang pagpapahalaga sa kanyang
mga anak, handa siyang magwalang bahala sa kaniyang pagpapasakit masigurado
lang ang kapakanan ng anak.

c. Pagtitimpi

Patunay:

“Hindi siya pinansin ni Mr. Reyes at unti-unti`y may na muong galit sa


kanyang dibdib, pero bago sumiklab iyo`y nagawa niyang pigilan ang
sarili. A, kailangang maging ,mahinahon siya. Babalikan na lamang niya si
Mr. Reyes, baka mayamaya lamang ay lipas na ang init ng ulo.”

Paliwanag:

Sa gitna ng hindi pagsahod sa kanyan ng tatlong buwan ay tiniis niya ito at nang
kausapin niya ulit si Mr. Reyes at patuloy pa rin ito sa pagtangging hindi pipirmahan ang
voucher nagpatuloy pa rin ang kanyang pag-unawa at umaasang huhupa ang init ng ulo
ni Mr. Reyes at mapipirmahan din ang kaniyang voucher.

P a g e 7 | 13
d. Galit

Patunay:

“May kalahating oras na silang naglalakad, siya at ang iika-ikang si Sonia,


at gutom at pagod at pagkabahala`y nagtulong-tulong upang ang kim kim
na himagsik sa loob ni Ambo`y mag-ulol, mag-alimpuyo.”

“isang malabong ano ang nakatanghod sa kanysa si Nida, at sa


biglang igkas ng silakbo’y bibigwasan niya iyon ng sampal sa mukha. At
sa iglapding iyo’y nagsalimbayang pula-itim ang paligid, isang walang
katuturang daigdig nna kalong ng nakakukulili, nakabibinging ingay-tili,
iyak ubo, daing-at supil ng matinding kahibanga`y dianluhong niya ang
nagpapalahaw na mga anino na iyon, sinampal, sinuntok, sinipa,
pinagtatadyakan,ngunit sa halip na tumigil ay lalong nagibayo an gang
pag-iyak at pagtili at pagtangis, at nang hindi niya matagalan ang
matinding kainganyang iyo`y nagtatakbo siyang palabas, sapu-sapo ng
dalawang kamay ang ulo.

Nagpulasan ang malalabong anino. May tumalon sa bintana, may


nagtago sa ilalim ng mesa. May naulinigan siyang mga tinig na
tumatawag sa pangalan niya, ngunit waring napakalayo ang
pinagmumulan ng mga tinig. Muling dumiin ang daliri niya sa gatilyo,
isang malabong anino ang nahandusay . inulit niya ang pagkalabit, at
isang malabong anino ang bumagsak. Mnsan pa at isa uling malabong
anino ang nalugmok.

Paliwanag:

Ang damdaming nangibabaw kay Ambo ay galit. Ito nga ay dahil hindi niya
nakuha ang kanyang sahod na sobrang kinakailangan na niya at ng kanyang pamilya.

P a g e 8 | 13
Sa sobrang galit ay nagsimula na siyang maghimagsik. Labanan ang mga taong hindi
nakakaunawa sa kanyang sitwasyon. Sitwasyon na ang kanyang asawa ay nakaratay
sa higaan at ang mga anak na iniinda ang gutom, dahil dito’y nagdilim ang paningin ni
Ambo na ang kanyang mismong mga anak ay nasaktan niya at dahil na rin sa galit
pumunta siya ulit sa pinagtatrabuhan at lingid sa kaniyang isip na marami na siyang
napapatay gamit ang baril na nakuha niya. Lutang na lutang sa kuwento ang galit ni
Ambo lalo na kay Mr. Reyes

e. Paghihiganti
Patunay
Pinid ang pintong iyon. Sumisigaw siya, Labas ka d’yan! Labas ka
d’yan!, ngunit nanatiling nakasara ang pinto. Pinagtatadyakan niya
ang dahon ng pinto, pinukpok ng puluhan puluhan ng baril, subalit
namalaging pinid ang pinto.
“Labas d’yan! Ayaw niyong pirmahan ang voucher ko! Ayaw n’yong
ibigay ang sweldo ko!”

Paliwanag:

Resulta na rin sa sobrang galit ni Ambo, gusto niyang pagbayaran ng mga taong
nagkait sa kanya ng kanyang karapatan bilang manggagawa, ang pinagkait na sahod
na may malaking epekto sa pamilya niya. Kung kaya’t gustong-gusto niyang patayin si
Mr. Reyes sapagkat kung hindi dahil kay Mr. Reyes hindi niya makikita ang asawa niya
na labis na nagtitiis at ang mga anak niyang nananaghoy na dahil sa gutom.

Pagdulog Sosyolohikal

Binibigyang tuon ang kalagayan at suliraning panlipunan. Ipinapakita sa akda


ang ugnayan ng tao sa kanyang kapwa at ang suliranin na madalas makikita sa lipunan
nitong ginagalawan.

a. Kahirapan

Patunay:

P a g e 9 | 13
“Ang sanggol ay walang damdaming nakatingin sa ina, matiim na nakatinging
animo`y isang matandang bantad na sa kalagiman ng buhay. Nagpapalahaw ang iba
niyang anak, at mababatid niyang umiiyak ang mag iyon hindi dahil sa nangyayari sa
ina kundi dahil sa nagugutom ang mga iyon. May naramdaman siyang yumapos sa
mga binti, kumalabit.
“Tay, gutom kami, Tay, gutom kami,”
Sabay-sabay na nagpalahaw ang iba pa niyang mga anak at ang dumaraing,
nakalulunos na panaghoy ng mga iyon, gutom kami, `Tay `ingi pagkain, `Tay, ay
sumasaliw sa putol-putol na uh, uh, uh, uh, uh ni Marta.”

Paliwanag:
Ang kahirapan na makikita sa kwentong “Ambo” na kung saan kasasalaminan ng
maraming Pilipinong mahihirap na maswerte nang makakain ng isang beses sa isang
araw, kawalan ng trabaho at kung may trabaho man ay kulang parin ang sweldo para
pangtustos sa pangangailangan ng pamilya. Tinatayang 2.6 milyong pamilya ang
nakaranas ng gutom o walang makain. Ang epidemya ng kahirapan ay isa ngang
malaking suliranin ng bansa sapagkat nag-uudyok ito sa mga tao na gumawa ng
masama at dahil sa kahirapan sa buhay mas pinipili ng ilan na magnakaw, at pumatay
para may maipakain lang sa kanilang pamilya.   Ang problema sa kagutuman ay
mauugat sa problema sa kahirapan na  resulta ng kawalan ng trabaho at kakulangan ng
trabaho. . Sa  patuloy ng pagtaas ng mga bilihin ng lahat ng uri ng pangangailangan ng
tao sa buhay ay mas lalong naghihirap ang mga mamayang Pilipino.

b. Katiwalian

Patunay:

“Alang pondo ang gobyerno,” sabi ni Mr. Reyes. “Gaya ng siguro`y


alam mo na, malaking anomalya ang ginawa ng mga tao rito ng
nakaraang Administration. Kelan nga lang, e, me natanggap kaming
sirkular buhat sa Malakanyang na nagsasabi na magbawas kami ng mga
kaswal dito. Pero di naman namin magawa karaka. Malalalakas na
pulitiko rin ang me rekomenda sa marami sa mga kaswal dito.”

Paliwanag:
P a g e 10 | 13
Ang katiwalian na siyang dahilan ng paghihirap ng maraming mamamayan.
Sinasalamin nito ang kawalang pakialam ng mga opisyales na walang ibang inatupag
kung hindi ang magkamal ng salaping nagmumula sa paghihirap ng mga taong ang
nais lamang ay maibigay ang pangunahing pangangailangan ng
kanilang pamilya. Isang kwento na nagpamulat sa mamamayan na ang bahagi ng
lipunan kung saan bulgarang madarama ang korupsyon, katiwalian at patuloy na
takbo ng bulok na sistemang ang biktima ay ang mga mamamayang walang tinig, lakas
at kapangyarihang baligtarin ang isang bangungot na lumalamon sa ating pagka-
Pilipino. Ang korupsiyon at katiwalian sa pamahalaan ay nagbubunga ng labis
nakahirapan sa marami nating kababayan sapagkat ang salaping dapat sanang
mapunta sa kaban ng bayan upang magamit sa ikabubuti ng mga mamamayan ay
napupunta at pinakikinabangan lamang ng iilan. Ang korupsyon ay makikita sa halos
lahat ng lebel ng pamahalaan mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas.

c. Diskriminasyon

Patunay:

(“pinagbakasyon” siya nang matuklasan sa taunang Physical


Examination na may ganggaholeng butas ang dalawa niyang baga) ay
nabanggit niya ritong tila hindi na siya makasumpong pang muli sa
trabaho (kahit na sa posisyong dyanitor). Maraming higit na mas batang
aplikante sa kanya (siya`y sobra nang kuwarenta), at mas maraming may
pinag-aralan kesa kanya (grade 1 lang ang naabot niya).”

Paliwanag:

Ang diskriminasyon sa mga hindi nakapagtapos at sa mga matatanda na ang


edad laban sa mga may pinag-aralan at may edad na sa larangan ng pagtatrabaho
katulad na lang ni Ambo na hindi na muling magtrabaho dahil siya ay sobra na
kuwarenta at konti lang ang pinag-aaralan. Dahil dito, sa Pilipinas, agresibong
isinusulong ngayon sa Senado ang Anti-Age Discrimination in Employment Act of 2013
o katulad ng EEO sa Amerika. Layunin umano nito na protektahan at mabigyan ng

P a g e 11 | 13
oportunidad ang sinumang gustong pumasok sa mga kumpanya at magkaroon ng
trabaho.

KABISAAN
Bisa sa Isip
Mapapaisip ang mga mambabasa sa tunay na kalagayan ng lipunan na kung
saan sadyang nag-uudyok ang kahirapan sa isang tao na gumawa ng isang kasamaan.
Nakapagbubukas ng isipan tungkol sa mga nangyayari sa ating lipunan, ang kahirapan,
katiwalian at ang bulok na sistemang umiiral sa ating lipunan.
Bisa sa Damdamin
Nakapaghahatid ito ng mga damdaming tulad ng galit, awa, pagkasuklam at inis.
Galit sa mga taong nasa mataas na posisyon at hindi nakakaunawa sa kalagayan ng
iba at ang iniisip ay ang sariling kapakanan at luho nila. Awa para kay Ambo at sa
kanyang pamilya na kahit man lang pagkain at gamot ay wala. Pagkainis dahil sa
patuloy na takbo ng bulok na sistemang ang biktima ay ang mga mamamayang walang
tinig, lakas at kapangyarihang baligtarin ang isang bangungot na lumalamon sa ating
pagka- Pilipino.
Bisa sa Asal
Sa kabila ng kahirapan sa buhay kailangan maging isang matatag na tao at
maniwalang may awa ang Diyos sa lahat. Kahit gaano man kabuti ang isang tao ay may
limitasyon ang pagtitimpi nito at ang pasensya ay may hangganan.

KONKLUSYON

Ang pagdaranas ng sagad na kahirapan at gutom ay isang realidad sa ating


lipunan. Malinaw na makikita sa kwentong ito. Sumasalamin lamang si Ambo at ang
kanyang pamilya sa milyon-milyong Pilipinong nakaranas ng labis na kahirapan at
gutom. Ang pagdurusang dulot ng hirap at gutom ay nagtulak sa kanyang gumawa
nang hindi nararapat lalo pa‘t ang ugat ng kanyang pagdurusa ay ang
P a g e 12 | 13
pagwawalambahala ng pamahalaan gayundin ang korupsiyon o mga katiwaliang
nangyayari sa pamahalaan."Kung minsan nakagagawa ang tao ngkasalanan dahil din
sa kapwa tao.

P a g e 13 | 13

You might also like